5 REASONS Why You Should Never Compare Yourself To Others By Brain Power 2177


Photo by Gratisography: https://www.pexels.com/photo/black-and-white-people-bar-men-4417/


Isa ka ba sa mga taong ikinokompara ang sarili nila sa iba? Halos lahat tayo ay ganitong ganito. Kasi ako noon, mahilig akong magkompara sa buhay ko at sa buhay ng iba. Bakit siya mayaman? Bakit ako hindi. Bakit napakagaling niya? Bakit ako hindi. Ang dami kong BAKIT na katanungan. Umabot sa punto na nasaktan na ako sa pinagagawa ko. Pero mayroon namang good side ang pagkokompara, yun bang nagiging motivated ka dahil sa mga nakamit ng iba. Ang bad side, yun na nga ang sinasabi ko, yung malulungkot ka. Minsan ikinokompara natin ang ating sarili sa ating mga kaibigan. Minsan din sa sikat na mga tao sa social media. 'Wag kang mahiyang mag confess, okay? Kasi hindi ka naman nag-iisa. Sabi ko nga, guilty din ako sa ganitong bagay. The sad truth is, it is REAL. Kahit aminin mo o hindi, minsan ganyan rin ang pag-iisip mo. Nagsisimula ang komparahan noong bata pa tayo. Halimbawa, marami na ang kabataan ngayon ang namulat na hindi lahat ng buhay ay pareho at hindi lahat may oportunidad. Madali nilang mapansin, bata pa lang, na mas marami pang laruan ang mga kaibigan nila, na mas marami pa silang magagarang damit, at mas nakatira sila sa magandang bahay. At madali rin nilang maipasok sa kanilang isipan na pinagkaitan sila ng panahon. Kaya't habang lumalaki na sila, bitbit pa rin nila ang pagkokompara. Ito ang dahilan kung bakit lumalaki silang mahina. It often INTENSIFIES and turns into NEGATIVE SELF-TALK. Self-talk na napakalala.




That negative thoughts slowly start creeping into their minds. Ganito mo rin ba tinatrato ang sarili mo? If yes, then I want you to know that this kind of gloomy thinking and depression, which may continue well into your adulthood years. Kaya halos lahat tayo ay may insecurities kasi tayo lang din naman ang gumagawa nito. Ikinokompara natin ang ating kahirapan laban sa karangyaan ng ibang tao. 'Yan pa lang TALO na tayo. Alam mo, hindi naman lahat ng nakikita mo ay totoo. Akala mo lang na masaya sila sa buhay nila, pero hindi mo alam ang behind-the-scenes ng bawat tao. Tayo lang ang sumisira sa ating sarili. Mahihirapan tayong magtagumpay kapag ikinapit natin ang negatibo sa ating buhay. Kaya't oras na para bitawan natin ito.


NUMBER 1
HINDI TAYO MAGING MASAYA


Sabi ni Theodore Roosevelt,


Siguradong nabasa mo na ang quote na 'yan. Kahit narinig mo na 'yan o nabasa, kailangan mo pa ring ulit-ulitin na pakinggan o basahin. Nang sa gan'on ay maiintindihan mo talaga ang ibig sabihin ng sinabi ni Thoedore Roosevelt. It really means, that comparing yourself to others only makes your life DIFFICULT and brings you MISERY and brings you PAIN. Saan na ang LIGAYA? Wala na. Ninanakaw nito ang iyong kaligayahan. Sabi ko nga kanina, may positibo namang epekto ang pagkokompara. Kung ginagamit mo ito bilang iyong MOTIBASYON. Halimbawa, may nakita kang tao na mas maganda o gwapo pa sa 'yo, maiinggit ka ba sa hitsura nila? 'Wag mong kainggitan. Instead, try using others as motivation to take care of yourself. To work harder.


NUMBER 2
HINDI KA UUNLAD


Hindi ka talaga uunlad kung hanggang kompara ka lang at wala kang ginagawa. Kung ginagamit mo ang buong araw mo sa pagkokompara sa tagumpay ng iba, hindi ka magtatagumpay. Bakit? Kasi wala ka ng focus sa sarili mo. Nakapokus ka na sa ibang tao. Paano na ang sarili mo? Paano na ang layunin mo? You must invest all your ENERGY into pursuing your own DREAMS and GOALS. 'Wag mong sayangin ang oras mo sa kakatingin ng buhay ng iba. Sa totoo lang, ang mga taong tinitingala mo ay wala namang pakialam sa 'yo. Hindi sila makakatulong sa 'yo. IKAW lang ang makakatulong sa sarili mo. IKAW lang ang may kontrol sa buhay mo. Nasa sa 'yo pa rin ang pagdedesisyon.

NUMBER 3
HINDI MO MABABAGO
ANG KATAWAN MO


Ang ibig kong sabihin, IKAW ay IKAW. Kahit anuman ang gagawin mo, IKAW ay IKAW pa rin. MAGPAKAILANMAN.  Hindi ka magiging katulad ng ibang tao. Hindi ako magiging katulad mo. At hindi ka magiging katulad ko. Kasi lahat tayo ay UNIQUE. Wala tayong kapareho. Kahit ano pa ang inggit natin sa mala-perpektong katawan ng ibang tao, IKAW ay IKAW pa rin. Pwede kang lumamang sa kanila. Pwede ring sila ang lamang sa 'yo. May espesyal kang kakayahan na hindi ko kaya o hindi nila kaya. Kung iniisip mong maging katulad ka nila, 'yan ang malaking kamalian mo. Isipin mo ito, sampu ang ating mga daliri pero ni isa walang parehong fingerprint. Because each one of us is UNIQUE. Again, you will never be anyone else. May regalo ang Diyos na ikaw lang ang nakakagawa at 'yan ay TALENTO mo na kailangang ipakita sa buong mundo. We have special talents. Kahit ang dami ng tao na may talento sa pagsasayaw pero hindi sila pareho ng istilo. Nakuha mo ba ang punto ko? May talento tayo, 'di ba? Pero kahit na pareho tayo ng talento pero wala ni isa sa atin, uulitin ko, wala ni isa sa atin ang pareho ng level ng galing. Palaging may mas magaling pa sa atin. Minsan tayo ang mas magaling sa iba. So now I want you to start BELIEVING in the value of your UNIQUENESS.


NUMBER 4
LAHAT TAYO AY HINDI PERPEKTO


Ito kasi ang kamalian na ginagawa natin ng paulit-ulit. Iniisip natin na perpekto ang sitwasyon ng ibang tao. Ito ang dahilan kung bakit nadidismaya tayo sa sarili nating buhay. But the truth is, NO ONE HAS A PERFECT LIFE. Makikita mo ito sa social media. Maraming nagpo-post ng mga gala moments, kainan, relationship goals, at marami pang ibang nakakainggit na pangyayari. And we might think, that a lot of them are leading an amazing life with NO DOWN SIDES. But this is NOT TRUE. Kasi walang tao ang gustong mag post ng kabiguan nila sa social media. Ayaw nilang ipakita ang BAD SIDES nila. Ang pinopost lang nila ay ang mga HIGHLIGHTS ng kanilang buhay. Kaya nabibilog ang ulo mo. Kita mo 'yan, ikinokompara mo ang KALUNGKUTAN mo laban sa KASIYAHAN nila. TALO ka palagi, 'di ba? Mas lalo kang MALULUNGKOT. Every single person on this Earth experiences PROBLEMS and CHALLENGES throughout their lives. Walang tao ang exempted dito. Kahit ako ilang beses na akong sinubok ng panahon. But the difference between YOU and ME is I always take ACTION to PUNCH my problems. Ang iba ay marunong magtago sa likod ng kanilang mga problema kaya palagi silang inaatake nito araw-araw. Kaya't sa oras na magkokompara ka na, tandaan mo ito, hindi mo alam ang behind-the-scenes ng ibang tao. Nagtatagumpay man sila sa buhay pero hindi mo alam kung gaano nila 'yon pinaghirapan. Naging duguan muna sila sa laban ng buhay bago nagtagumpay.


NUMBER 5
MAS MAY NAKAHIHIGIT SA 'YO


Alam kong masakit ito, 'di ba? Oo kahit gaano ka pa kagaling, may MAS magaling pa sa 'yo. Mas mabuti pang saktan kita sa katotohanan kaysa sa bilugin ang ulo mo sa kasinungalingan. The reason why I say this to you is because I want you to accept this reality, TODAY. The sooner you ACCEPT it, the HAPPIER you will be. 'Yan naman ang gusto ko ang MAPAPASAYA ka at MAPAPAGAAN ang loob mo. Alam mo, noong nag-aaral pa ako, marami akong kaklase na matalino pa sa akin. Nakakaranas din ako ng bagsak na grado. Then a friend of mine told me, “Kahit na hindi ka pumasa sa araw na ito, kahit na may mas umangat pa sa 'yo, ikaw pa rin ang pinakamatalino kong kaibigan.” Someone believes in me. At naiisip ko sa araw na 'yon, na kahit gaano ka man kagaling, may taong MAS magaling pa sa 'yo at tinanggap ko 'yon ng BUO. I will let people do their own thing. While doing my own thing, to be honest, hindi naman agad-agad na naka-move on ako sa ganyang bagay. Dumaan muna ako sa pagiging malungkot. I didn't really understand what the hell my friend was talking about and to tell you FRANKLY, it left me with even MORE PAIN. At unti-unti ko 'yong naintindihan. I realized he was right. At some point in our lives, someone will BEAT us to whatever it is we are after. Kahit kinikilala si Manny Pacquiao bilang Hari ng Boxing pero napabagsak siya ni Juan Marquez. Ibig sabihin, hindi sa lahat ng panahon ay PANALO na tayo. Kaya't tanggapin natin ang maaaring mangyari uoang hindi tayo mababaon sa kalungkutan. Tanggapin na lang natin na hindi palaging tayo ang MAS angat sa iba at everything in life. All you have to DO is WORK HARD and TRY YOUR BEST and whatever is MEANT TO BE, will fall into place for you at the RIGHT MOMENT.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177