5 POWERFUL WAYS To Control Your Own Destiny By Brain Power 2177


Photo by Tove Liu from Pexels


Sino ba dito ang gusto maging successful ang buhay? Siyempre lahat tayo, 'di ba? Lahat tayo gusto pero bakit kaunti lang ang nagsisikap sa buhay? Bakit kaunti lang ang nag take ng risk? Akala ko ba gusto nating lahat? Pero bakit GUSTO mo lang? Bakit wala kang ginagawa? Bakit ang iba'y ginagawa nila ang lahat kahit imposible pa 'yan? Habang ang karamihan naman ay walang pakialam sa kanilang buhay. Sa totoo lang, isa din ako sa mga taong walang pakialam sa buhay. Pero noon 'yon. Sinasayang ko ang aking oras sa paggala. Nakikipag-inuman ako sa mga barkada. Pero isang araw, sumasagi sa isipan ko, kung ano ba ang mararating ko sa buhay kung ganito na lang palagi ang ikot ng buhay ko. May magandang kinabukasan ba ako? Ano ba talaga ang layunin ko sa buhay? As in marami talaga akong naiisip sa panahong 'yon. Marami akong tanong tungkol sa mundo. Tungkol sa buhay ko. Nang dahil sa mga katanungang 'yon, nabuksan ang aking isipan. Kasi lahat naman ng ginagawa natin ay nagsisimula sa isipan.

Dapat may tanong ka muna. Kapag nakakakuha tayo ng sagot, aksyon na dapat ang kasunod. Hindi pwedeng may sagot ka na tapos nakatunganga ka pa rin. Kung wala kang aksyon, wala ring mangyayari sa buhay mo. May mga steps ba para maging successful? Gusto kong malaman mo muna ito na ang SUCCESS ay hindi nangangahulugang PAGYAMAN. Pero depende na sa 'yo kung paano mo binibigyang kahulugan ang success. Iba't-iba kasi tayo ng pananaw o kahulugan sa tagumpay. Halimbawa gusto mong manalo sa singing competition o kahit anong competition pa 'yan. Kapag nanalo ka, tagumpay na 'yan. Kapag gusto mong yumaman at naging mayaman ka naman, tagumpay na din 'yon para sa 'yo. Nakuha mo ba ang punto? Depende sa kahulugan na ibibigay natin.

Pero ano naman kaya ang sinasabi ng Bibliya? Ano ang tunay na tagumpay? Itinataguyod ng Bibliya ang tamang pangmalas sa tagumpay. Hindi nito itinuturo na ang tagumpay ay makakamit lang ng iilan. Kasi ang totoo, ang tagumpay ay kayang abutin ng sinuman—pero kailangan ang pagsisikap. Basahin natin ang Eclesiastes 5:10,


Ano ang kahulugan ng tekstong 'yan? Ang maluhong pamumuhay ay hindi garantiya ng kasiyahan. Sa katunayan, kabaligtaran ang nangyayari. Ang mga taong nagkukumahog sa pagkita ng pera ay mas balisa at nanlulumo kaysa sa mga taong nagpapahalaga sa matibay na kaugnayan sa iba. Laging natutuklasan ng mga mananaliksik na ang kaligayahan ay hindi nabibili ng salapi. Ano ang puwede mong gawin? Magtakda ka ng tunguhing mas kapaki-pakinabang kaysa sa kayamanan at ari-arian. Basahin natin ang Lucas 12:15,


May isa pang teksto na grabe ang hatid na leksyon. Ang Kawikaan 16:18,


Hindi naman masama na marami kang pera, na mayaman ka pero 'wag mong ipagyabang o 'wag kang mang-api ng tao. Ang kayabangan ay hindi makatutulong sa 'yo na makamit ang tunay na tagumpay. Ang totoong matatagumpay na tao ay MAPAGPAKUMBABA, HINDI MAYABANG, at SIMPLE LANG. Y'ong mga taong masyadong mataas ang tingin sa sarili, sila y'ong mga taong madali lang bumagsak o hindi umunlad ang buhay. Napansin mo na ba 'yan? Ano ang puwede mong gawin? Sa halip na mangarap na maging popular, linangin mo ang kapakumbabaan. Sinasabi ng Bibliya sa Galacia 6:3,


Isa pang teksto na makakapagpabukas ng iyong isipan ay ang Mateo 5:3,


Ano ang kahulugan ng tekstong 'yan? Ang pag-aaral ng Bibliya at pagkakapit ng mga simulain nito ay napakahalaga sa pagkakamit ng tunay na tagumpay. 

Pero maiisip mo, may mga steps ba para maging successful sa buhay? Siyempre mayroon. May hakbang. May guide. May formula. Magbibigay lang ako ng 5 dahil ito ang ginagawa ko sa aking buhay. Pero dapat ikapit mo ito sa 'yong buhay. Hindi pwedeng hanggang sa panonood ka lang.


NUMBER 1
KAYA MONG BAGUHIN
ANG BUHAY MO


Magbabago naman ang buhay mo. KUNG may ginagawa ka lang. Ikaw lang naman ang responsible sa buhay mo. Hindi mo pwedeng iasa sa iba ang sarili mong buhay. Tandaan mo 'to, kung gusto mong maging successful, you have to take 100% RESPONSIBILITY for everything that you experience in your life. 100%. Hindi pwedeng 50% lang. BUONG BUHAY MO ay IKAW ang may KONTROL. Mula sa relasyon, sa kalusugan, sa income mo, sa emosyon mo at marami pang iba. Lahat ng 'yan ay kontrolado mo. This is not meant to be BURDENSOME. It's meant to be EMPOWERING. When you take 100% responsibility, you acknowledge that you CREATE EVERYTHING that happens in your life. Ikaw lang ang nagkokontrol ng iyong TADHANA. At may kakayahan kang baguhin ang iyong buhay. Dapat talaga na ipasok mo 'yan sa utak mo at i-apply mo talaga sa buhay mo. Ipasok mo rin sa ulo mo na walang kasalanan ang ibang tao kung bakit nandiyan ka pa rin sa sitwasyon mo ngayon. Kasi IKAW ang nagpili niyan. Ginusto mo ang buhay na 'yan. Napakaraming sitwasyon ang nangyari na at maaaring mangyari pa. May mga magagandang pangyayari na matatamasa natin at may mga hindi kanais-nais na pangayayari rin. Pero ang pinaka-importante ay kung paano ka mag react sa bawat sitwasyon. Kung hindi mo gusto ang outcome ng isang bagay, baguhin mo rin ang mga ginagawa mo. Kasi kung ano y'ong ginagawa mo, 'yon din ang outcome. Baguhin mo ang iyong pag-iisip. Baguhin mo ang iyong mga habits. Iwan mo ang mga kaibigan mong toxic.


NUMBER 2
MALINAW NA PANANAW


Siyempre dapat MALINAW rin ang PANANAW mo sa buhay. Hindi pwedeng blurred ang vision mo. Dapat napakalinaw ng target mo. CLARITY IS POWER. Isipin mo 'to, kung hindi mo alam kung ano ang misyon mo o layunin mo, madali ka lang maanod sa walang kwentang buhay. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit walang narating ang karamihan. Kasi hindi nila alam ang tunay nilang gustong makamit. Wala silang malinaw na pananaw. Kasi wala silang pakialam sa future nila. By creating a vision, you are able to have a GUIDING PURPOSE. Gawin mo kung ano ang gusto mo. Gawin mo kung saan ka magaling. Halimbawa magaling kang sumayaw, e 'di sumayaw ka. Magaling ka bang mag drawing, mag drawing ka. 'Wag mong sabihin na wala kang talento. Kasi may TALENTO tayong lahat. Hindi mo pa lang nadiskobre dahil kulang ka pa sa pagkilala sa sarili mo. Accomplish what is important to you. Once you have your vision, bring this change to the world. Don't try to enforce your beliefs on others. Simply be the person who is living your values. Tandaan mo 'to, sa oras na magtatagumpay ka na, maraming tao ang lalapit sa 'yo at magtatanong kung paano mo ginawa ang lahat ng 'yon. At siyempre kailangan mong sabihin sa kanila kung paano. Turuan mo sila kung paano mo napagtagumpayan ang isang bagay. Palakasin mo ang kanilang loob. i-motivate mo sila. i-inspire mo sila.


NUMBER 3
SIMULAN MO SA UMAGA


Lahat ay nagsisimula sa paggising mo sa umaga. Dapat minamaster mo ang bawat umaga. Sa paggising mo pa lang, i-claim mo na kaagad ang napakagandang araw. One small positive thought in the morning can change your whole entire day. And if you own the morning, you also OWN the DAY. Sa umaga kasi nagsisimula ang ating DISIPLINA. Malamang sasabihin mo kaagad na DISIPLINADO kang tao. Tignan nga natin. Bakit ang tagal mong bumangon sa umaga? Bakit ka nali-late sa trabaho mo? Kung night shift ka, ayos lang na matagal rin bumangon. Pero kung daytime naman ang trabaho mo, ano ang maitatawag mo diyan sa ginagawa mo? Tinatamad ka. Kaya ka nali-late sa trabaho, ang tagal mo kasing bumangon. 'Wag mong sisihin ang traffic. Saan na ang disiplina mo? Kung itatanong mo kung anong oras ako gumising, depende sa trabaho ko. Minsan may client ako na gabi ang schedule kaya bumabawi din ako ng tulog pero kung normal naman, I wake up at 5 AM because I use that time to think what I want to do the whole entire day. Planado na ang buong araw ko. Araw-araw. May oras pa akong magbulay-bulay sa ibang bagay. May oras pa akong tignan ang mga isinulat kong to-do-lists. May oras pa akong pasalamatan ang Diyos sa kabutihang ipinapakita Niya sa ating lahat. May oras pa akong mag ehersisyo. By waking up early and OWNING my morning routine. I am taking 100% RESPONSIBILITY for the whole entire day and reinforcing in my mind what I'm trying to ACCOMPLISH. Dapat ganyan ka rin sa buhay. Dapat focus ka sa buhay mo. Wala na kasing pangalawang buhay e. Dapat bigay todo ka na ngayon. Hindi natin alam na bukas huling araw mo na pala, 'di ba? Wala ka ng magagawa. Pagsisisi na lang ang tanging maiisip mo. Bago pa mahuli ang lahat, mag seryoso ka na sa pangarap mo.


NUMBER 4
AFFIRMATIONS


Alam mo ba kung ano ang affirmation? Ibig sabihin, para bang inaangkin mo na ang isang bagay na hindi mo pa nakukuha. Halimbawa, gusto mong maging masaya, dapat sabihin mo, MASAYA NA AKO. 'Yan ang affirmation. Pero hindi ibig sabihin na basta SALITA ka na lang. Dapat ramdam mo ang mga sinasabi mo. Dapat ramdam mo talaga ang tunay na kasiyahan. Damhin mo ang TUWA at ang GALAK, hindi pwedeng MALAMYA ang pagkasabi mo sa affirmation. Hindi pwedeng sasabihin mong MASAYA NA AKO pero ang totoong nararamdaman mo ay hindi ka naman masaya. Dapat sang-ayon ang utak mo at ang puso mo sa mga pinagsasabi mo. Iba pang halimbawa, gusto mong tumaas ang sahod mo, sabihin mo, SOBRANG SAYA KO NA DAHIL SAPAT NA ANG KINIKITA KO. At siyempre damhin mo 'yon. FEEL THE HAPPINESS WITHIN. Ang dahilan kung bakit maraming tao ang hindi masaya ay dahil palagi na lang nilang iniisip ang kanilang kakulangan sa buhay. Pwede mo ring gayahin ang ginawa ko. May maliit akong card. Ginupit ko lang ito na kasya sa pitaka ko. Nakasulat doon na “I AM SUCCESSFUL”. Bakit 'yan ang isinulat kong affirmation? Sa tuwing paulit-ulit ko 'yang basahin, nararamdaman ko na successful na ako sa buhay at wala ng kulang sa akin. Bago pa lang akong nagyo-youtube, ini-imagine ko kung ano ang pakiramdam kung naabot ko na ang 1, 000 subscribers at siyempre nagkakatotoo, 'di ba? Basta't may ginagawa ka lang. Mahirap man ang buhay, pero sumuko ba ako? Hindi. Dahil alam kong magbubunga rin ang mga ginagawa ko. Kaya kung may pangarap ka man, at dapat lang na mayroon, kahit gaano pa katagal mong makuha 'yan, kahit nakakasawa na, kahit nakakapagod na, pakiusap 'wag kang huminto. Pangarap mo 'yan, 'di ba?


NUMBER 5
MAGPASALAMAT KA


Ang pagpapasalamat ang pinaka-importante sa lahat. Halos lahat ng mga tao ngayon ay nagpapasalamat lang kung may nakukuha na silang bagay. Napakamali ang mindset na 'yan. Ang rason kung bakit nahihirapan tayong sumaya ay dahil hindi natin pinapansin ang mga bagay na nasa sa atin na. It is important to always FOCUS on what you already have. The quickest way to change your mood is to focus on something you APPRECIATE, focus on something you LOVE, and focus on something you derive JOY from. It could be ANYTHING. Pwede kang magpasalamat sa Diyos dahil sa mga alaga mong hayop, dahil napapasaya ka ng mga alaga mo. Pwedeng magpasalamat ka sa Diyos dahil may asawa kang mabait. Magpasalamat ka sa Diyos na may hangin kang nilalanghap, may pagkain kang kinakain, may tubig kang iniinom, at siyempre magpasalamat ka sa Diyos dahil buhay ka pa rin ngayon. Ang rason kung bakit palagi nating iniisip na may kulang sa buhay natin, kasi hindi tayo nakontento sa buhay. May bahay na tayo, gusto naman natin malaki. May kotse na tayo, gusto naman natin ng latest. May bagong phone na tayo, gusto pa natin ng bagong release na phone. You see, we always want MORE because we think it will make us feel better. Yet the reality is that, we can feel great almost INSTANTLY by focusing on what we already have in our lives. Learn to APPRECIATE those things you have. I'm sure magiging masaya ka na at mapagtanto mo na wala na palang kulang sa buhay mo. SUCCESS IS NEVER-ENDING. It's not a destination but a WAY OF LIFE. Ano man ang ginagawa mo, ano man ang iniisip mo, at ano man ang nararamdaman mo ng paulit-ulit, that will determine how SUCCESSFUL you become.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177