5 REASONS Why You Should Never Compare Yourself To Others By Brain Power 2177

Tigilan mo na ang pagkokompara Photo by Gratisography: https://www.pexels.com/photo/black-and-white-people-bar-men-4417/ Isa ka ba sa mga taong ikinokompara ang sarili nila sa iba? Halos lahat tayo ay ganitong ganito. Kasi ako noon, mahilig akong magkompara sa buhay ko at sa buhay ng iba. Bakit siya mayaman? Bakit ako hindi. Bakit napakagaling niya? Bakit ako hindi. Ang dami kong BAKIT na katanungan. Umabot sa punto na nasaktan na ako sa pinagagawa ko. Pero mayroon namang good side ang pagkokompara, yun bang nagiging motivated ka dahil sa mga nakamit ng iba. Ang bad side, yun na nga ang sinasabi ko, yung malulungkot ka. Minsan ikinokompara natin ang ating sarili sa ating mga kaibigan. Minsan din sa sikat na mga tao sa social media. 'Wag kang mahiyang mag confess, okay? Kasi hindi ka naman nag-iisa. Sabi ko nga, guilty din ako sa ganitong bagay. The sad truth is, it is REAL . Kahit aminin mo o hindi, minsan ganyan rin ang pag-iisip mo. Nagsisimula ang komparahan noong bata pa tayo. ...