God Will Strengthen You By Brain Power 2177


Photo by Rodolfo Clix from Pexels


Ang takbo ng buhay ay hindi natin mahuhulaan. May mga ups at downs 'yan e. Halos lahat tayo ay may tiwala sa Diyos kung sa panahon lang ng kagandahan ng pangyayari. 'Yan tayo, 'di ba? Sa oras na masagana ang ating buhay, nakakalimutan nating magpasalamat sa Kanya. Pero kapag nahaharap tayo sa matitinding pagsubok, doon lang tayo nananalangin. Pero hindi na ngayon. Dahil napanood mo na ang videong ito. Maganda man ang sitwasyon mo ngayon o hindi, higpitan mo ang pagtitiwala sa Diyos.

Mapagkakatiwalaan mo ang Diyos at ang kaniyang Salita, ang Bibliya, nang LUBUSAN. Sabi sa Josue 23:14,


Oo alam ko na minsan negatibo ang ating pag-iisip. Minsan hilaw ang pagtitiwala natin. May panahon na napaka smooth lang ng takbo ng buhay natin. Mabuti ang kaibigan natin. Masaya ang ating pamilya. Nakamit natin ang ating pangarap. Sakto lang ang ating pera. Malusog tayo. At sa isang iglap lang, nagbago ang lahat. Nagiging madilim ang buhay. The things you felt secure in all of a sudden feel shaky and uncertain. Kaya ang tanong,

“Paano mo hihigpitan ang pagkapit mo sa Diyos kung nalulugmok ka na?”

“Paano ka magtitiwala sa Kanya kung hindi mo naiintindihan ang mga nangyayari?”

“Paano ka magtitiwala kung hindi mo makita ang solusyon?”

Hindi naman masama na magtanong ka ng ganyan. At sigurado ako na tutulungan ka ng Diyos na mahanap ang kasagutan sa mga tanong mo. Dapat buo ang pagtitiwala mo sa Diyos. Magtiwala ka na maaasahan Siya, na hindi Siya sinungaling, magtiwala ka na kaya Niyang gawin ang lahat, at hindi nauubos ang Kanyang lakas. Magtiwala ka sa Kanyang salita. Basahin natin ang Bilang  23:19,


God cannot lie. He always keeps His promises. He loves you and he has good in store for you. Trusting in Him means believing what He says about Himself and about you are true. Ang pagtitiwala ay hindi lang basta pakiramdam, higit pa ito sa isang pakiramdam. Ibig kong sabihin, ang pagtitiwala ay isang choice na kahit hindi mo pa nakikita ang kahihinatnan ng iyong buhay ay pinili mo pa ring magtiwala. God cares about your feelings and your circumstances. Ang pagtitiwala sa Diyos ay hindi tungkol sa pagbabalewala sa iyong damdamin o pagbabalewala sa tunay na nangyayari sa buhay mo. Ito ay hindi pagpapanggap na ayos lang ang lahat kahit hindi naman. Trusting God is living a life of belief and obedience to God even when it’s difficult.

Halimbawa, kung pinagkakatiwalaan mo ang isang tao, komportable kang maging tapat sa taong 'yon tungkol sa anumang bagay, 'di ba? Ang Diyos ay higit na maaasahan kaysa sa iyong pinakamapagkakatiwalaang kaibigan.  Kapag nahihirapan ka na sa buhay mo, hindi Niya sinasabi sa 'yo na kimkimin mo lang 'yan. Basahin natin ang 1 Peter 5:7,


Gusto ng Diyos na ihagis mo sa Kaniya ang lahat ng niloloob mo, Dahil mahal ka Niya. Maaari mong ipakita ang iyong tiwala sa Kanya sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kanya tungkol sa lahat ng iyong damdamin at kalagayan. Don’t let your emotions rule your life; bring them to God so He can help you address them. Hindi naman Siya disappointed or na-frustrate sa mga struggles mo, sa mga pagdududa mo o sa mga sakit na nararamdaman mo. He cares about you, and you can trust Him with those things. Kasi kung pera-pera lang ang usapan, hindi naman pera ang nakakapagpa secure sa buhay natin, 'di ba? That's why do not look for security in other things; you look to God to hold you securely in difficult circumstances. Kahit nga si Jesus, na anak ng Diyos ay nananalangin. Sabi niya sa Marcos 14:35, 36,



Ano sa palagay mo, mananalangin kaya si Jesus kung alam niya na hindi maaasahan ang Diyos o hindi Siya nakikinig? Siguro pilosopo ang sagot mo, sasabihin mong, “siyempre si Jesus ay spesyal na anak ng Diyos.” Ibig sabihin lang niyan na hindi pa buo ang tiwala mo sa Kanya. Paano mo naman maipapakita na may tiwala ka sa Kanya?


NUMBER 1
MAGTIWALA KA SA BIBLIYA


Mapagkakatiwalaan mo ang Bibliya sapagkat ang mga pangako at mga hula nito ay laging nagkakatotoo. Isang halimbawa na rito ang naisulat sa 2 Timoteo 3:1-5,






Lahat ng nabanggit ay nangyari na ngayon. Kung may mga tao man na ganyan noon, mas gumagrabe na ngayon. Kaya't magtiwala ka sa Salita ng Diyos. Alam ng Diyos ang nilalaman ng puso mo. Alam na alam Niya kung naguguluhan ka na sa buhay. Kaya magbasa ka ng Bibliya upang maliwanagan ka. Malamang sasabihin mo, “Kailangan ko pa bang magbasa ng Bibliya? Hindi ba't ang boring nitong basahin?”

'Yan ang akala mo. Subalit, hindi mo lang nalalaman kung ano ang nawawala sa 'yo kung ini-ignore mo ang Salita ng Diyos. Kasi ang Bibliya ay ang pagsisiwalat ng Diyos sa tao. Sinasabi nito sa atin kung paano tayo napunta rito at kung saan tayo patungo. Boring ba 'yan kung nakasalalay ang ating kaalaman dito? Pag-isipan mo ito: Kung may makita kang isang napakalaking baul ng kayamanan, hindi mo ba gustong malaman kung ano ang nasa loob nito? Ang Bibliya ay kagaya ng baul na puno ng kayamanan. Naglalaman ito ng maraming mahahalagang karunungan na makakatulong sa iyo na GUMAWA NG TAMANG DESISYON, MAKASUNDO ANG MGA MAGULANG MO, MAKAHANAP NG PINAKAMABUTING MGA KAIBIGAN, MAKAYANAN ANG STRESS at marami pang iba. Bakit napakapraktikal pa rin sa ngayon ng ganoon kalumang aklat? Dahil ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos. Basahin natin ang 2 Timoteo 3:16,


Ibig sabihin, ang payo ng Bibliya ay galing sa pinakamahusay na Tagapayo. Kaya 'wag niyo ng sabihin na magaling ako dahil ang mga payo ko ay kinukuha ko rin sa Bibliya. Ibig sabihin, galing sa Diyos ang sinasabi ko sa inyo at ang Diyos lang ang magaling.


NUMBER 2
AMININ MO NA MAY KAHINAAN KA


Dapat honest ka. Aminin mo na minsan ay wala kang tiwala sa Diyos. Minsan ganyan ang tumatakbo sa isipan ko e. Lalo na kung sobrang hirap ng problema, maiisip mo talaga 'yan. Kaya aminin mo sa Kaniya na minsa'y nanghihina din ang iyong kalooban. Just be honest. Allow God to remind you who He is and what He promises, and then be honest with Him. You can tell God how you feel and in what areas of your life you are struggling to trust Him. Kung hindi ka naniniwala sa Diyos, hindi naman masama 'yon. Naiintindihan ng Diyos kung bakit kasi minamaneho ka lang ng emosyon mo. Kung lalapit ka lang sa Kaniya, siguradong maiintindihan mo ang lahat. Gaya ng sabi sa Marcos 9:24,


Kita mo 'yan? May tiwala na siya pero humingi pa siya ng mas malakas pa. Ibig sabihin, may mga panahon na bumababa ang pagtitiwala natin dahil sa mga matitinding sitwasyon. Kaya kailangan nating manalangin sa Diyos para humingi tayo ng tulong at para palakasin Niya tayo. Tao lang tayo na madaling mahigop ng negatibong mundo. Kaya aminin mo sa Diyos na nanghihina ka na sa spiritwal. You can ask Him to help you believe what He says is true. Humble yourself. Tanggapin mo na ang iniisip mo ay hindi katulad ng iniisip ng Diyos. Basahin natin ang Kawikaan 3:5,




NUMBER 3
MAKIPAG-USAP KA SA IBA


Makipag-usap ka sa mga taong pinagkatiwalaan mo. Pwedeng sa mga kapatid mo o sa mga magulang mo. Pero 'wag kang mag-alala, hindi mo kinakaharap ang mga mahihirap na panahong ito nang mag-isa. Ang Panginoon ay kasama mo sa bawat hakbang mo. Binibigyan ka rin Niya ng iba pang mananampalataya na makakasama mo. Ito ang sinabi ni Pablo sa Filemon 1:6,


Pinaalalahanan ni Pablo ang kanyang kaibigan na ang pagsasama ay mahalaga. Ibig sabihin na tumutulong ito sa atin na magkaroon ng higit na pang-unawa sa Diyos at sa Kanyang plano. Kung nakasulat sa Bibliya na ipakipag-usap mo ang iyong niloloob, 'wag kang sumalungat. Kung binalewala mo ang utos ng Diyos, mapapahamak ka. Basahin natin ang Efeso 5:6,


Hindi naman lahat ng palasimba ay tsismosa. Mayroon namang gan'on pero 'wag mo namang lahatin to the point na wala ka na ring tiwala sa lahat ng mga taong mananampalataya. Paano kung bigay pala 'yon ng Diyos sa 'yo para may makakausap ka sa panahon ng kalungkutan mo pero ayaw mo kasi wala kang tiwala? Malalaman mo naman 'yon o mararamdaman mo kung hindi katiwa-tiwala ang isang tao. You do not have to share struggles with everyone, but find those people who will encourage you and share the truth with you. Isasama ka rin nila sa kanilang panalangin. Ipaalala rin nila sa 'yo na hindi ka nag-iisa sa laban ng buhay, lalo na sa panahong lugmok ka na. Kaya magtiwala ka rin sa mga tao. Uulitin ko, hindi lahat ng nagsisimba ay tsismosa. Kung may nakita ka mang isa o higit pa na masama ang ugali, 'wag mong husgahan o idamay ang iba. Ayaw ng Diyos na manghusga tayo sa ating kapuwa. Basahin natin ang Mateo 7:1-5,







NUMBER 4
MAY DIYOS NA NAKIKINIG


Nakikita ka ng Diyos. Nararamdaman Niya ang nararamdaman mo. Naririnig ka Niya. Kung napakalaki ng problema mo ngayon, MAS MALAKI pa ang Diyos kaysa sa problema mo. Pero alam ko na iniisip mo na parang permanente na ang sitwasyon mo na ganyan ngunit maniwala ka man o hindi, pansamantala lang 'yan. Lahat ng bagay, maganda man o hindi, ay lilipas din 'yan. 'Yan ang kagandahan ng buhay. Walang nananatili sa mundo. Tandaan mo na ang Diyos ay TAPAT. Gusto Niyang lumapit ka sa Kaniya. Basahin natin ang Santiago 4:8,


You should not let your circumstances shape your relationship with God. God can shape your view of your circumstances.


NUMBER 5
MAPAGPASALAMAT KA


Ang pagiging mapagpasalamat ay napatunayang talagang nakapagpapasaya. Nakatutulong ito para magkaroon ng positibong damdamin, masiyahan sa magagandang karanasan, bumuti ang kalusugan, maharap ang mahihirap na problema, at magkaroon ng malapit na kaugnayan sa iba. Hinihimok tayo ng Bibliya na maging mapagpasalamat. Basahin natin ang Colosas 3:15,


Ang tunay na kaligayahan ay nagmumula hindi lang sa paminsan-minsang pagsasabi ng salamat kundi sa pagiging MAPAGPASALAMAT. Tutulong ito sa atin para maiwasang magmataas, mainggit, at maghinanakit, na dahilan para layuan tayo ng iba at mawalan ng kagalakan. Ang ating Maylalang ay nagpakita ng mabuting halimbawa sa pagiging mapagpahalaga—kahit sa mga tao! Sinasabi sa Hebreo 6:10,


Oo, para sa Diyos, ang pagiging di-mapagpasalamat ay isang kalikuan, o hindi makatarungan.

Maaasahan mo ang Diyos kahit na hindi pa Niya sinagot ang mga panalangin mo. Ang mga pangyayari ay hindi mahuhulaan at minsan darating ang matinding hamon sa buhay. Paano mo malalampasan 'yon? Maghintay ka lang at tandaan mo na mahal ka ng Diyos. You can trust Him to sustain you, provide for you and be with you even in the midst of your hardship. Sabi nga ni Jesus na lahat ng mga sumusunod sa kanya ay haharap sa mahihirap na sitwasyon. Basahin natin ang Juan 16:33,


Matatamo natin at mapapanatili ang gayong pagtitiwala kung patitibayin natin ang ating kaugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng:

UNA, PAGMAMATIYAGA SA PANALANGIN, na sinasabi sa Diyos ang lahat ng ating ikinababalisa at ikinababahala

IKALAWA, MAINGAT NA PAGBIBIGAY-PANSIN sa Salita ng Diyos at sa anumang tagubiling natatanggap natin mula sa Kaniyang organisasyon

IKATLO, MATIYAGA AT MAY-PANANAMPALATAYANG PAGHIHINTAY SA DIYOS.

So in times of doubt and uncertainty, if you keep going to Him, He will continually show Himself to be trustworthy.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177