Karma Will Follow You By Brain Power 2177


Photo by Pixabay from Pexels


Lahat ng ginagawa mo, positibo man 'yan o negatibo, magbubunga 'yan. Kung gusto mo ng positibong resulta, dapat positibo rin ang ginagawa mo. Madalas nagtataka tayo kung ano ang nangyari sa atin. Masasabi na lang natin kung ito ba ay nagkataon lang. May kakilala ka ba na may ginawang masama pagkatapos ng ilang buwan o taon ay may gumawa din sa kanya ng masama? Naranasan din niya kung ano ang ginawa niya sa iba. May kakilala ka rin ba na sobrang bait at mapagbigay at ngayon ay napakaganda na ng kaniyang buhay?

Ang nangyayari sa atin ngayon ay resulta ito ng ating mga ginagawa kahapon. Kung ano ang sanhi, 'yon din ang bunga. 'Yan ang tinatawag nating. . . KARMA. What goes around, comes around. Kung ano ang intensyon mo, kung ano ang mga ginagawa mo, 'yan din ang mararanasan mo. Kung gagawa ka ng kabutihan, may gantimpala ka. Kung gagawa ka ng masama, mapait na buhay din ang mararanasan mo.

Minsan sinisisi ng mga tao ang ibang tao o ang Diyos dahil sa mga negatibong nangyayari sa buhay nila. Minsan ginagamit nila ang paninisi para lang may maidahilan. Sinisisi din nila mismo ang kanilang buhay. Malas daw sila. Wala na raw silang magagawa sa kanilang buhay. Pero alam mo, hindi ka na dapat manisi. Dahil sa mga pinagagawa mo noon, nagbubunga na 'yon ngayon. Kaya dapat maintindihan mo at tanggapin mo na palaging sumusunod ang karma. Nagbubunga ang lahat ng positibo at negatibong sitwasyon dahil sa ating mga aksyon. Kaya dapat kaunting ingat lang kung ano ang mga iniisip mo, kung ano ang mga sinasabi mo at kung ano ang mga pinagagawa mo dahil magbubunga ang lahat ng mga 'yon sa hinaharap.

Napakaikli lang ng buhay. 'Wag nating gamitin ito para gumawa ng negatibong bagay. Kung gusto mong maganda ang resulta, gumawa ka muna ng maganda. Dahil sa pangarap nating guminhawa ang buhay, nagiging sakim na tayo sa pera at sa ibang materyal na bagay, nagiging makasarili na tayo. Hindi na natin napansin na may natapakan na pala tayong mga tao. Nakakasakit na pala tayo. Tapos may nangyari din sa ating hindi maganda at iniisip natin na bakit nagkakaganito. E may nangyari pala noon na hindi natin napansin. Ganyan ang buhay e. Ipaparanas sa 'yo kung ano ang mga ginagawa mo sa iba. Dahil sa kakapokus nating umangat, may nahila na tayong mga tao. Iniisip na natin ang sarili nating kapakanan. Kung maiintindihan mo lang ang palatuntunin ng Karma, siguro ay dahan-dahan kang gumagawa ng bagay at pinag-iisipan mo itong mabuti. Pero siguro naniniwala ka sa Karma pero wala kang pakialam. Kailangan ba nating manira para sisikat tayo? Kailangan ba nating ikalat ang baho ng iba? Kailangan ba nating galawin ang nananahimik na tao? Sana'y maisip mo 'yan ng mabuti dahil hindi mo alam kung hanggang kailan ka lang mananatili sa mundong ito. Gumawa ka ng mabuti sa 'yong kapwa upang maiwan mo ang kabaitan mo sa mundo.

Mahirap intindihin ang Karma. Kasi kung iisipin mo, bakit may mga taong mabuti pero may masasamang nangyari pa rin sa kanila? Naitanong mo na rin ba 'yan? Kasi totoo naman, 'di ba? May nakita kang tao na sobrang bait. Nakapokus lang siya sa kanyang layunin pero sobrang hirap ang daang nilalakbayan niya. Kaya 'yon ang dahilan kung bakit naguguluhan ka na din kung totoo ba ang karma o hindi. Pero binabanggit ng Bibliya ang isang dahilan kung bakit nagdurusa ang tao. Mababasa natin 'yan sa Eclesiastes 9:11,


Kaya sa pangkalahatan ng ating buhay, hindi lang tayo ang may hawak ng ating Karma, nakakonekta ito sa mga pamilya natin. Kung ano y'ong ginagawa ng isa, posibleng ikaw ang magbabayad sa nagawa niya. Mga utang na kailangang bayaran at pwedeng ibang tao ang magdurusa sa ginawa ng isang tao. Nakakatakot, 'di ba? Katulad rin ito ng genes at katangian ng tao. Naipapasa sa modernong henerasyon. Kaya alam mo na, na tayo ang gumagawa ng sarili nating Karma. Kaya't hindi mo kailangang magtago dahil masusundan ka pa rin nito. Tao lang tayo. Iba't-iba man tayo ng lahi, pananaw at mukha pero iisa lang ang mayroon tayo, ang KARMA. Dapat mag-ingat ka sa mga kinikilos mo dahil pwedeng sa susunod, ikaw na ang makakaranas nito. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa 'yo. Ang nilalakbayan nating mundo ay puno ng lubak-lubak na daan. Kung nasa itaas ka, pwede kang babagsak. Kaya 'wag kang magmataas dahil hindi mo hawak ang panahon.

Para mas madali mong maintindihan ang Karma, isipin mo na lang ang SANHI at EPEKTO. Walang EPEKTO kung walang SANHI. Nakuha mo na ba ang punto? Sa Agham naman, sa bawat aksyon may katumbas o katapat na reaksyon. 'Yan din ang kahulugan ng Karma. Kung ano ang ginagawa mo ngayon, magbubunga 'yan sa hinaharap. Kung wala kang ginagawa ngayon, wala ka ring makikitang resulta sa hinaharap. Kung gumawa ka ng kabutihan kahit may nanggugulo pa sa 'yo, makakakita ka rin ng mabubuting tao para sa 'yo. Kaya hawak mo ang iyong aksyon. Walang nagkokontrol sa 'yo.

Kaya huminto ka muna saglit, pag-isipan mong mabuti kung ano ang mga iniisip mo ngayon, ano ang mga ginagawa mo, ano ang mga binibigkas mong salita, upang malaman mo kung negatibo ba ito o positibo. Kung gusto mong baguhin ang hinaharap mo, baguhin mo muna ang ginagawa mo ngayon. Simula ngayon, PAG-IBIG na ang baunin mo. Ito ang dahilan kung bakit ako'y nagsasalita tungkol sa pagmamahal, pagkahabag at kabutihan. Para makamit ko ang mabuting Karma sa darating na panahon.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177