7 Signs You’re Successful In Life By Brain Power 2177


Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Maraming tao ang sumusukat kung gaano sila katagumpay sa buhay sa pamamagitan ng kung gaano karaming pera ang kanilang kinikita at kung gaano karaming kaibigan ang mayroon sila. Pero sa opinyon ko lang, ang tunay na tagumpay ay masusukat lang kung gaano ka kasaya sa buhay mo. Para sa akin lang naman 'yan. Iba-iba kasi ang ating kahulugan ng tagumpay. Kasi para sa akin lang, ang daming tao na may maraming pera at ari-arian pero ramdam pa rin nila na hindi sila kompleto. Hindi ko rin naman sinasabi na masaya kapag walang-wala ka sa buhay, hindi ko naman sinasabi 'yan. Ang punto ko lang, dapat matuto tayong magpahalaga sa mga bagay na nasa sa atin na at doon natin mararamdaman na successful na tayo sa buhay.

Uulitin ko, ang tagumpay ay masusukat sa iba't-ibang paraan, depende sa indibidwal. Magkaiba tayo ng isipan, 'di ba? Magkaiba rin tayo ng opinyon tungkol dito. May sumang-ayon sa 'kin, may hindi naman sumang-ayon. Pero kung isa ka sa mga nalilito kung matagumpay ka na ba o hindi pa, para talaga sa 'yo ang videong ito. Nalilito ka dahil 'yan sa mga napapanood mo sa T.V at nakikita mo sa social media. Kita mo naman kung ano ang hitsura ng mayaman sa TV, 'di ba? Masaya sila sa maraming pera na nahahawakan nila, tapos nagtatrabaho pa sa opisina, at anu-ano pa man. Parang maiisip rin natin na wala na silang problema sa buhay. Pero sa TV lang 'yon. Sa totoong buhay. Lahat tayo ay may problema. Mahirap man o mayaman, walang pinipili ang panahon. Hindi man tayo pareho ng problema pero may problema pa rin tayo na naghihintay ng solusyon.

Aaminin ko, masarap naman magkapera. Ang daling bilhin ng gusto mo. Pero hindi lang ang materyal na bagay ang sukatan sa pagiging matagumpay ng isang tao. When it comes to measuring success, there’s so much more to consider. Kaya heto na ang 7 SIGNS na kahit wala ka gaanong materyal na bagay ay successful ka na sa 'yong buhay.


NUMBER 1
LUMALABAN KA PA RIN


'Yan pa lang, successful ka na. Sa paglaban pa lang, sa pagbangon mo pa lang araw-araw, matagumpay ka na. Bakit ko nasabi? Nalabanan mo ang iyong pagod araw-araw. Willing ka pa ring magpatuloy, 'di ba? Life is really hard. Kaya nga sa pagpatuloy mo pa lang, ipinapakita mo na matagumpay ka na. 'Wag kang sumuko sa laban ng buhay. Kailangan mong lumaban para matuto ka. Kung hindi ka natuto sa mga karanasan mo, paano mo masusungkit ang pangarap mo? Alam ko na layunin mong magtagumpay, pero ang karanasan mo sa buhay ay napakaimportante para sa ikakaunlad mo. Life and growth are what happen when we are chasing our dreams. Kahit hindi mo pa nakamit ang pangarap mo, ipinagpatuloy mo naman ang mga plano mo, 'di ba? Ipinagpatuloy mo pa rin ang mga ginagawa mo, 'di ba? Panalo ka na d'on. Let me say this again, what do you mean by success? In order to know you are successful, you have to know how you're defining it. Success is a learning process. Alamin mo kung ano ang mga humahadlang sa 'yo. May mga maling paniniwala ka ba tungkol sa kalakasan mo? Siguro iniisip mo na wala kang sapat na kakayahan. Minsan mafu-rustrate ka sa buhay. Pero may pagkakataon ka pa rin na umulit. Kasi kung 'yan talaga ang gusto mo, ipagpatuloy mo. Kung hindi mo 'yan gusto, ginawa mo lang dahil napipilitan ka, baguhin mo na kaagad ang ginagawa mo. But at the same time, make sure your choice to either move forward or change course is for the RIGHT reasons for YOU. Dapat wala kang pagsisisihan sa huli. If you are really PASSIONATE about something, then success will come. It's just a matter of DETERMINATION. Kung walang passion sa ginagawa mo, hindi matamis ang tagumpay nun. Kaya dapat alam mo kung ano ang tagumpay para sa 'yo at kung bakit gusto mo y'ong makuha. As long as you have always had a dream, and you keep moving forward and taking chances and steps to achieve it, you’re doing great.


NUMBER 2
BUHAY KA PA RIN


'Yan pa lang, successful ka na. Ang buhay ay hindi matutumbasan ng mga materyal na bagay. Dapat masaya ka na buhay ka pa rin hanggang ngayon. Celebrate the achievement of simply being alive. 'Wag mo ng ikompara kung ano man yang mga nakamit mo. Basta't buhay ka pa, 'yon na ang mahalaga. Bakit? Makakapag explore ka pa ng maraming bagong bagay araw-araw. Makakaranas ka pa ng iba't-ibang emosyon bawat oras. If you keep living, you increase your chance of enjoying the happy moments in life that are waiting for you. Tandaan mo ito, bawat sandali ng buhay ay isang pagkakataon para makapagsimula ulit, para maging maligaya. Isa na itong pagkakataon na sumubok at danasin ang bagong bagay at ituwid ang iyong mga pagkakamali. Nadadapa ka man ng ilang beses, 'wag mo ng isipin 'yon. Basta't may buhay ka pa, ikatuwa mo 'yan dahil diyan pa lang, successful ka na.


NUMBER 3
NAG-IIMPROVE KA


Hindi ba't isa na 'yang tagumpay na kahit maraming humahadlang sa harapan mo ay nag-iimprove ka pa rin? Nalalampasan mo pa rin, 'di ba? 'Wag kang matakot sa mga hamon sa buhay. Consider them as a blessing because they take you a step ahead of where you are. Alam kong madali lang sabihin ito. Kasi ako rin ay nahihirapan noon. Kapag may bumabangga na kasing pagsubok, hindi na tayo makakapag-isip ng maayos. Kaya sanayin mong tumugon ng mabuti. 'Wag kang mag react ng negatibo. Negatibo na nga ang sitwasyon, negatibo pa ang iyong reaksyon, matatalo ka talaga. You have to respond in a MINDFUL WAY. Tanggapin mo ng buo ang sitwasyon. Kahit anong galit mo pa, nangyari na e. When you accept the challenges as they are, your mind will think of the solutions. By accepting the situation, you give your mind the space to open up without any emotional distress. Kahit ilang beses ka pang nabigo, matatawag ka pa ring matagumpay nun kasi ang dami mong natutunan mula sa kabiguan na 'yon, 'di ba? Gamitin mo ang mga kabiguan na 'yon para mag-improve ka pa. 'Wag kang magpokus sa mga talo mo sa buhay, hayaan mo na lang.


NUMBER 4
MAY NAGMAMAHAL SA 'YO


Hindi lang sa kasintahan mo, kundi galing rin sa mga kaibigan mo at pamilya mo. Basta't may nagmahal sa 'yo, isa na y'ong malaking tagumpay. Aanhin mo ang iyong pera kung wala namang nagmamahal sa 'yo, 'di ba? Gusto naman nating lahat na makadama ng pagmamahal. Ang sarap magmahal at ang sarap kapag may nagmamahal sa 'tin. Love is beautiful and it is everything. Ang pera ay nakakabusog ng iyong tiyan pero ang pagmamahal ay nakakabusog ng iyong kaluluwa. Dahil sa pagmamahal na nadarama natin, gusto nating mabuhay pa ng matagal. Dahil sa pagmamahal, may kahulugan ang buhay natin. Kahit wala kang kasintahan, kahit wala kang mga magulang, may mga tao pa rin diyan na nagmamahal sa 'yo. Bigyan mo sila ng pansin. So you must make time for special moments because life is nothing without it.


NUMBER 5
NATUTO KANG MAGPATAWAD


Sa panahon ngayon, napakahirap ng magpatawad. Napakahirap na ring magtiwala. Pero kung nagawa mong magpatawad, isa na 'yang tagumpay sa buhay mo. Sigurado na karamihan sa atin ay nagkimkim pa rin ng galit. Mabuti naman sa simula pero unti-unti ka nitong dudurugin. Kung magpapatawad ka lang, gagaan ang pakiramdam mo. Mabubuhay ka ng walang bigat sa dibdib. Kasi ako, iba't-iba naman tayo ng ugali, 'di ba? kapag may nagkasala sa akin, kakausapin ko muna para malaman ko ang kanyang side tapos papatawarin ko. Uulit-ulitin ko 'yang siklo na 'yan. Nagkasala - kakausapin - papatawarin. Pero kapag hindi nagbago ang ugali ng taong pinatawad ko, if they attempt to capitalize on my pain and suffering, NO MORE FORGIVENESS. Kung kapatawaran lang ang pag-uusapan, magaling ako diyan. Pero tao lang din naman ako, napupuno din. Hindi ako magpapatapak ng basta-basta. Pero hangga't kaya pa nating magpatawad, gawin natin. Tignan natin kung may pagbabago bang mangyayari. Kapag kasi nagkimkim ka ng sama ng loob, mahihirapan kang makaabante kasi ang buong iniisip mo ay d'on sa taong kinaiinisan mo. Doon nabuhos lahat ng oras mo. Hindi naman kailangang puntahan ang tao para sabihin na pinatawad mo na siya. Kahit ikaw lang ang nakakaalam, pwede pa rin 'yon. Malalaman mo lang naman kung napatawad mo na ang tao kung magaan na ang dibdib mo. Hindi naman ito para sa ibang tao lang. Para din ito sa sarili mo. It's about moving past about being hurt. Holding on to something someone did to hurt you is giving them control of your life. You're allowing them to control the way you feel about something. Forgiveness is you taking back control of your feelings and life.


NUMBER 6
MAY MATERYAL NA BAGAY KA PA


Kung may bahay ka pa, may mga damit ka pang maisusuot, successful ka na. May hinahanap ka pa ba? Ang daming mga homeless pero ikaw ay nakakatulog pa rin sa bahay niyo. Ang daming tao sa kalye na walang mga damit pero ikaw mayroon pa. Hindi ko naman kinokompara ang buhay mo sa buhay ng iba. Ipinapamukha ko lang sa 'yo na dapat matuto kang magpahalaga sa mga bagay na nasa sa 'yo na. Kahit maliit na bagay pa 'yan. May quote nga akong nabasa, “DROPS OF WATER MAKE OCEAN” Ibig sabihin ang maliit na bagay ay may malaking halaga na kung marunong ka lang magpahalaga nito. Sa ngayon, maiisip natin na maliit na bagay lang ito. Pero pagdating ng panahon mapagtanto natin na malaking bagay pala 'yon. By appreciating and valuing all these things, it will make us happy at all times and to be happy is priceless these days. Sabi nga nila, “Happiness can be found in the darkest of times, if only one remembers to turn on the lights.”


NUMBER 7
WALA KANG KINATATAKUTAN


Hindi naman 100% na wala kang takot. Ibig kong sabihin, kung kaya mong magpakatotoo, kung kaya mong harapin ang mga hamon sa buhay, matagumpay ka na. 'Yang katapangan mo ang nagdadala sa 'yo sa araw na ito. Marami na kasing mga tao ang nagpapanggap. May mga taong pinipeke ang sarili para lang matanggap sila ng kakilala nila. Kasi natatakot siyang pagsabihan ng KJ. Kahit hindi naman niya likas na katangian 'yon, iniiba lang niya para makasabay sa grupo. In this pursuit of acceptance, we end up compromising on our core values, compromising our inner conscience and disregarding our true nature. Kaya dumadami na rin ang mga taong nalulungkot. Paano mo masasabing matagumpay ka sa buhay kung tinatago mo ang tunay mong pagkatao, 'di ba? Para sa akin lang, ang pagpapakatotoo, kahit sino pa ang mga kasama mo at kung ano ka sa tuwing mag-isa ka ay parehong tao pa rin. Sabihin mo sa mga kaibigan mo na may mga bagay kang gusto na hindi magugustuhan nila. Matuto kang humindi kung ayaw mo kahit pa gusto nilang gawin. 'Wag kang mahiyang magtanong sa kanila kung wala kang naintindihan. Matuto ka ring bumuga ng sarili mong opinyon. Stand up for yourself and your thoughts. Kapag nagawa mo 'yan, mas successful ka pa sa taong pera lang ang hawak pero hindi marunong magdala ng sarili niya. 

Uulitin ko, para sa akin ang tagumpay ay hindi lang masusukat sa materyal na bagay. Minsan makikita ito kung paano mo dinadala ang sarili mo. Nakikita mong nagbago ka, nakikita mong nag mature ka, naging confident ka, isa na 'yang malaking tagumpay. Marami pa ring tao ang nabubuhay ngayon na stable lang ang takbo ng buhay. Again, you are successful if you are happy. It is the only thing that counts. Kung masaya ka sa buhay mo, mas madali mong mapapasaya ang pamilya mo at mga kaibigan mo. Mai-inspire mo rin ang ibang tao. Ang pera ay darating at lilisan din kaya 'wag kang sobrang magpokus d'on. Pero hindi ko sinasabi na hindi importante ang pera. Importante pa rin 'yon. Pero kung diyan ka na lang nakapokus, mararamdaman mo ang lungkot ng buhay. Kaya mula ngayon, kapag masaya ka na, matagumpay ka na.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177