10 Ways To Look For After Your Mental Health By Brain Power 2177


Photo by Kat Smith from Pexels


Gumawa ka ng positibong pagbabago sa buhay mo at sa mga nakapaligid sa 'yo. Mayroong humigit-kumulang 7.9 bilyong tao sa Mundo. At halos isang bilyon ang nag-struggle sa mental health disorder. Ang dami, 'di ba? Ayon sa WHO, dumarami ang nag suicide. We are in the middle of a growing mental health crisis, lalo na sa panahon ngayon. Pandemic, may namatayan ng mahal sa buhay, may nawalan ng trabaho, may skeletal duty, may ina-isolate. Mas lalong dumarami ang nai-stress, na-depress at nagkaka-anxiety. Kaya gusto kong ipaabot sa inyo ang mensaheng ito para maging lumawak pa ang inyong kaalaman tungkol sa sakit na hindi natin nakikita. Ibig kong sabihin, 'wag tayong maging masungit sa ibang tao dahil hindi natin alam na ang masiyahin nilang mukha ay may tinatagong negatibo pala.


NUMBER 1
TUMAWAG KA


Tumawag ka sa mga taong malapit sa 'yo. Kamustahin mo sila. Hindi lang sila ang matutuwa, matutuwa ka rin dahil makapag-usap kayo tungkol sa inyong nararamdaman. Hindi kasi natin alam na ang tao ay may problema kung hindi natin kinakausap. Kung may problema ka man, gagaan rin ang pakiramdam mo kung ipakipag-usap mo ito. It's a WIN-WIN situation. Lalo na kung mag-isa ka lang sa bahay o mag-isa lang ang kakilala mo, mas makakaramdam kayo ng saya kapag nagka-usap kayo. 


NUMBER 2
LUMABAS KA


Kahit maglakad-lakad ka lang sa labas, makakatulong 'yan sa mental at pisikal mo. Bakit nakakatulong? Kapag kasi gumagalaw ka, para na y'ong exercise, magre-release ang ating katawan ng endorphins. Ang endorphin ay isang kemikal na pino-produce ng ating katawan kung tayo'y may ginagawa na nakakapagpasaya sa 'tin. Kung nag-eehersisyo tayo, nakipag sex, nakipagtawanan, may endorphins na lalabas. It is our body's natural pain relievers. The more active you are, the more likely you’ll feel better about yourself, therefore boosting your self-esteem and self-worth while also improving cognitive function.


NUMBER 3
KUMAIN KA NG MGA GULAY


Ito ang ipinapayo ng Doktor ko sa 'kin at gusto ko ring ipayo sa 'yo. Gulay at prutas, malaking tulong sa utak natin. Ang gulay at prutas ay may mahalagang nutrients such as vitamins, minerals, flavanoids, carotenoids, na makakatulong para ma-reduce ang inflammation at oxidative stress and therefore improve mental well-being. Ang mood kasi natin ay nagfa-flactuate 'yan e. Lalo na kapag walang nutrients ang kinakain natin, mawawala ang focus natin. Halos ang nakikita rin natin ay negatibo. Healthy eating plays a number of roles in sustaining optimal wellbeing. Kaya simula ngayon, balanse na ang ipasok mo sa 'yong katawan. Kapag basura ang kinakain mo, basura din ang laman ng iyong isipan. Kapag healthy ang kinakain mo, healthy din ang iyong isipan. At kung negatibo ang iniisip mo, negatibo rin ang reaksyon ng iyong katawan. Konektado ang isipan at katawan natin.


NUMBER 4
UMIWAS KA SA ALCOHOLIC DRINKS


Pwede namang uminom, kaunti lang. Kapag kasi sumobra, alam naman natin na lahat ng sobra ay masama, may health problems na kasunod. Kapag may problema ang tao, lalo na sa mga iniwan, alcholic drinks ang kanilang pampakalma, oo kakalma ka nga pero sa oras lang na 'yon. Once the alcohol wears off, you will often feel worse due to how your body processes the chemicals. Hindi nawawala ang problema sa pag-iinom. Hindi solusyon ang pag-iinom. Kaya nga sa mga advertisements may sinabing DRINK MODERATELY kasi alam nila na hindi pwedeng sumobra ang pag-inom. Heavy drinking interferes with chemicals in the brain, in the long run alcohol has an impact on mental health and can contribute to feelings of depression, anxiety, and makes stress harder to deal with. Kung may nangyari man sa 'yong buhay na hindi nakakatuwa, sa halip na bumili ka ng alcoholic drinks, tanggapin mo na lang na minsan ang buhay ay may mga pasakit talaga at tanggapin mo rin na hindi nakakaresolba ng problema ang pag-iinom. Kumbaga magpakatotoo ka sa sarili mo.


NUMBER 5
GUMAWA KA NG BAGO


Ang dahilan kung bakit nagsasawa tayo sa buhay ay dahil sa pabalik-balik na routine natin. Try something new. Hindi ka nabuhay para kumain at tulog at trabaho lang. Pwedeng pwede kang mag explore. Ang dami mo pang magagawa sa mundo. Kung gusto mong matutong mag piano, mag gitara, aralin mo. Kung may panibago kang ginawa, nakaka-excite gumising. Bawas stress, mawawala ang anxiety, hindi ka basta-basta mag-iisip ng negatibo kasi may ginagawa kang bago na nakapagpapasaya sa 'yo. Trying your hand at a new activity is shown to boost your self-confidence and add a sense of purpose to your life. By learning something, your brain creates new neural pathways for the information to travel, which in turn increases greater cognitive abilities.


NUMBER 6
GAWIN MO ANG GUSTO MO


Unang una sa lahat, walang pumipigil sa 'yo na gawin ang kagustuhan mo. Maliban na lang kung nagpapapigil ka. Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin, siguradong masisiyahan ka talaga.


NUMBER 7
MATULOG KA NG SAPAT


Nagpupuyat lang ako kung may tinatrabaho ako. Pero kung wala naman, hindi ko rin sinasayang ang oras ko sa walang kwentang bagay. Ang ating katawan ay nangangailangan ng pagtulog tulad din ng pangangailangan nito ng pagkain, tubig, at hangin. Pansin mo naman siguro, 'di ba na pagkatapos ng mahimbing mong tulog ay mas maganda ang iyong pakiramdam, ang pag-iisip mo ay mas malinaw at hindi ka masyadong emosyonal. Kapag kulang ka naman sa tulog, ang pagdesisyon mo, ang iyong mood, at ang iyong kakayahang matuto at mag-imbak ng panibagong impormasyon ay MAHINA din. Ang mas masaklap, nagti-triggers ito ng mga tigyawat. Kapag matulog tayo ng sapat, magre-repair ang ating katawan, pati tigyawat kaya niyang hilumin ng maayos. Marami ang benepisyo ng pagtulog. Hindi ko na lang italakay dito para hindi na hahaba pa. 


NUMBER 8
MAGHANAP KA NG INSPIRASYON


Kahit ano pwede mong maging inspirasyon. Hindi lang naman jowa mo. Pwede namang mga bagay na kinahihiligan mo. O di kaya'y mga taong matagumpay. Naghahanap ako ng inspirasyon sa nature. Inspirasyon ko talaga ang tahimik na lugar. Kung magbubukas naman ako ng computer, manonood ako ng inspirational talks from successful people. Listening to a fresh idea or hearing inspiring stories can leave me feeling ready to tackle any challenge that may come my way. Sila ang aking inspirasyon. Ang daming bagay na mapagkukunan natin ng inspirasyon.


NUMBER 9
TUMAWA KA


Sabi nga ni Freddie Aguilar,

DI MO DAPAT DIBDIBIN
'WAG MONG MASYADONG ISIPIN
TAWANAN MO ANG IYONG PROBLEMA

Anuman ang mangyari sa 'yong buhay, maging magaan ang loob. 'Wag mong seryosohin ang iyong mga problema, sakit at kabiguan. Alam ko na marami sa inyo ay hindi sang-ayon sa payo na ito. Marahil masasabi mo:

PAANO AKO TATAWA KUNG NAPAKARAMING NANGYAYARI SA 'KIN?

Alam ko, dahil ako rin ay may problema. Ngunit ang katotohanan ay kapag mas nag-aalala tayo, kapag mas seryoso tayo sa buhay at ang mga problemang ito, mas mahirap para sa atin na lutasin ang mga problema natin. Kapag kasi sobrang seryoso natin sa problema, problema lang din ang palagi nating nakikita. Hindi natin nakikita ang solusyon. Alam natin na ang pagiging seryoso ay hindi ang gusto nating maramdaman. Gusto natin makadama ng kaginhawaan kaya matuto tayong TUMAWA, 'wag ka lang tumawa ng mag-isa, ibang problema na 'yan.


NUMBER 10
YAKAPIN MO ANG IYONG SARILI


Wala ng mas hihigit pa sa yakap mo. Tanggapin mo na hindi ka perpekto. Tanggapin mo na tao ka lang, may negatibong emosyon at pag-iisip din. Kahapon lang may nakita akong sign sa ospital, ang sabi sa sign “Bago ka tumulong sa iba, mag mask ka muna”. Kaya ina-apply ko rin sa aking buhay. Bago ka yumakap sa iba, yakapin mo muna ang sarili mo. Bago ka magpayo, payuhan mo muna ang sarili mo. Bago mo tanggapin ang iba, tanggapin mo muna ang sarili mo. Maiibsan ang negatibong nangyayari sa utak mo kung kayakap mo ang iyong sarili. Sarili mo lang ang kakampi mo, 'wag mo itong i-ignore. Take the time to relax at the end of each day and do things you enjoy. If you take care of yourself, you will be able to help your loved ones too.

Kung ginawa mo na ang 10 ito tapos wala pa ring nangyayari, 'wag kang mahiya na magpatulong sa mga professional. You should always reach out for help. Ang mental health disorder ay hindi nakakahiya. Komon na problema ito sa buong mundo. There is always someone out there who can help.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177