10 WAYS To Achieve Your Dreams By Brain Power 2177


Photo by Alexandr Podvalny from Pexels


Marahil ay pagod ka na sa sobrang pag-iisip sa lahat ng bagay. Pagod ka na sa kakahintay ng mga resulta sa ginagawa mo.

Isa lang ang kaibahan sa mga taong successful at sa mga taong hindi successful. Ano ang kaibahan? Ang mindset nila. Halimbawa, bago ka magbakasyon, bago ka bumiyahe, hindi ba't nagpaplano ka kung ano ang mga kailangan dalhin at kung ano ang gagawin mo pagdating mo d'on? Katulad din ng pagkamit ng iyong layunin, kailangan mo yung pagplanohan, kailangan mong mag commit at kailangan mo ng determinasyon para mas ma-enjoy mo ang iyong paglalakbay. Heto na ang 10 TIPS na makakatulong sa 'yo na makamit ang iyong layunin.


NUMBER 1
ALAMIN MO
ANG IYONG HANGARIN


Paano mo makakamit ang iyong layunin kung hindi mo alam kung ano ang layunin mo. Ano ang pangarap mo? Ano ang gusto mo sa buhay? Ano ang gusto mong maging? Dapat alam mo 'yan. Kung hindi mo alam kung ano ang layunin mo, hindi ka talaga magtatagumpay. Ang pagtatakda ng layunin ay ang iyong unang hakbang patungo sa 'yong pinangarap na buhay.

Maglaan ka ng oras upang makapagpokus sa kung ano talaga ang ninanais ng iyong puso. Alam ko na marami kang gustong mangyari sa buhay mo. Dahil sa dami na 'yan, 'yan ang dahilan kung bakit wala kang nakakamit. Magpokus ka muna sa isa. Pa-isa-isa lang. Ilista mo lahat ng kagustuhan mo pero dapat may priority ka sa listahan mo. Choose goals which are MEANINGFUL, MEASURABLE, and those that you can IMPACT. Unahin mong kamtin ang isa tapos pag nakamit mo na 'yan, yung pangalawa na man. Ganito ako gumawa ng layunin e. Ililista ko lahat tapos pa-isa-isa kong kamtin. May narinig ako sa ibang tao na hindi daw importante ang magtakda ng layunin. Napakalaking kamalian 'yan. Because the reality is, SUCCESS REQUIRES GOALS. A life of meaning needs goals and specific plans to achieve them. Success does not happen by accident. Lahat ng 'yon ay nakaplano.


NUMBER 2
LUMIKHA KA NG DEADLINE


Deadlines take you from FLOUNDERING to FOCUSING. Deadlines give your brain a FRAMEWORK for solving problems. Deadline forces you to COMMIT or LET GO. Pansin mo naman siguro noong nag-aaral pa tayo, takot tayo sa deadline, 'di ba? Kapag malapit na ang deadline, ano ang reaksyon natin? Matataranta, maa-alarma. At dahil sa alarma na 'yan, tayo ay gagawa ng aksyon para matapos ang mga gawain natin. Ganyan din kapag may layunin ka. Magtakda ka ng deadline. Para naman maalarma ka. Para hindi ka magsayang ng oras. Oras ang isa sa mga dahilan kung bakit successful ka at kung bakit hindi ka successful. Depende kung paano mo ginagamit ang iyong oras. Time is the only non-renewable resource. It is the only thing in life that you can never get back once it's gone. If we want to treat it with respect, we need to set priorities. 'Wag mo itong sayangin kung gusto mong maging successful. 'Wag mong ipagpaliban bukas ang kaya mong gawin ngayon.

Kaya napaka-importanteng may deadline ka para naman matauhan ka. Para naman hindi ka pa-easy-easy lang sa buhay dahil alam mong may dapat kang gawin. Kung ano ang napili mong layunin, maglaan ka ng deadline para diyan. Para malaman mo kung nakamit mo ba ang layunin mo o hindi ba, at least alam mo kung bakit hindi at alam mo kung ano ang dahilan kung bakit nabigo ka sa layunin mo. Use your timeline as a visual cue to remind you of your deadlines.


NUMBER 3
TANGGAPIN MO NA HINDI MO
KONTROLADO ANG LAHAT


Unang-una sa lahat tanggapin mo ng buo ang iyong sitwasyon. Hindi alintana kung gaano ka kadeterminadong makamit ang iyong mga layunin, ang ilang mga bagay ay lampas sa iyong kontrol. You must be able to reassure yourself that everything in life happens for a reason. Whatever burden you are facing is not accidental. You have to simply look at it as an opportunity for a new beginning. Kapag kasi tanggap mo na hindi mo makokontrol ang maraming bagay, positibo ang mangyayari sa buhay mo. Mas magtitiwala ka sa sarili mo, mas makakapag-isip ka ng maayos, mas madali kang makapag move on sa mga kabiguan mo, mas motivated ka at makaka-impluwensya ka pa sa mga tao. Kapag kasi iniisip mo na kontrolado mo ang lahat, madi-disappoint ka lang sa makikita mong resulta. Whatever your personal situation may be, there is no reason, no matter how big or small it is, that you haven't yet made a change for the better. Just remember, it is all about accepting who you are, accepting what the situation is, and how you can turn it around and make it into something amazing.


NUMBER 4
IPAGDIWANG MO ANG MGA NAKAMIT MO


Kahit gaano pa kaliit ng tagumpay mo, ipagdiwang mo pa rin 'yan. Importante pa bang ipagdiwang 'yon? Siyempre dahil magdadala 'yon ng kasiyahan. Hindi mo na kailangang maghintay ng malaking panalo para ma-appreciate ang panalo mo. Kahit maliit na achievement, pwede na 'yang ipagdiwang. Celebrate the small victories along the way and BE HAPPY now. Kapag kasi na-appreciate mo ang maliit na tagumpay na nakamit mo, mas lalo kang ma-motivate na magpatuloy. Sa buhay ko, marami na akong kabiguan. Marami na rin akong maliit na achievements at lahat ng 'yon ay na-appreciate ko at ipinagdiwang ko. If I allowed myself to dwell on all of my shortcomings, or how far I still have to go, I might just give up. This isn't worth it. I'm not getting anywhere. What's the use, right? When you celebrate the little victories, though, you're essentially reminding yourself that you are already successful and you're on the right path. Sabi ko nga, mas lalo kang ma-motivate na magpatuloy at siyempre magbo-boost ang level ng confidence mo. Mapapasok sa isipan mo na “KAYA KO 'TO!” Magliliyab ang iyong pagkatao. Confidence is so important because you may have all the ability in the world to perform well, but if you don't believe you have that ability, then you won't perform up to that ability. Nakuha mo ba ang punto? Kahit gaano man kaliit ng iyong tagumpay, talagang damhin mo ito. Palakpakan mo ang iyong sarili. Congratulate yourself. Take it in.


NUMBER 5
SEE YOUR DREAMS IN MIND


I'm a true believer in FOCUSING on our INNER STATES. Kapag payapa ang kalooban mo, magiging payapa rin ang buhay mo. Things don't need to always go your way to make you happy. When you are truly able to visualize your goals, you will be happy within yourself. Ginagawa ko ba ito? Siyempre. Hindi ko naman sasabihin sa 'yo kung hindi ko ito ginagawa. Pumwesto ka ng maayos, dapat komportable ka at magpokus ka sa paghinga mo. Take a deep breath. And then practice gratitude that is good in your life. Ano ba ang mga bagay na nakamit mo? Pasalamatan mo 'yon para naman mas malinaw ang imahinasyon mo tungkol sa mga bago mong pangarap. Damhin mo ang pangarap mo na para bang nakamit mo na. Hindi ba't ang sarap sa pakiramdam? See it in your mind and really feel it.


NUMBER 6
DAPAT BUKAL SA LOOB MO
ANG IYONG LAYUNIN


Hindi pwedeng GOAL mo 'yan dahil gusto mong makamit 'yan para may maipagmamayabang ka o di kaya'y naging goal mo 'yan dahil 'yan ang sabi ng mga magulang mo. Bakit hindi 'yan pwede? Kasi hindi ka magiging masaya kapag hindi 'yan bukal sa loob mo. Mababagot ka lang sa huli. Dapat natural ang feeling mo. Kapag kasi bukal sa kalooban mo ang iyong ginagawa, ganadong ganado ka. Parang gusto mo ng may gagawin ka palagi at excited ka na gawin 'yon. Parang flexible ka. Lumalabas ang pagiging malikhain mo at siyempre hindi ka masyadong mai-stress. Dahil nauunawaan mo ng husto ang takbo ng buhay. Hindi ka na rin masyadong ma-disappoint kung may mangyari mang hindi mo inaasahan. At isa pang nakakatuwa, maging masaya ka sa lahat ng ginagawa mo kasi ang lahat ng 'yon ay galing sa puso mo. Though happiness is a fleeting concept, having a mindset which allows you to always see the bright side of things certainly will optimize your ability to keep a positive outlook.


NUMBER 7
DAPAT COMMITTED KA


Ipangako mo sa sarili mo na hindi ka susuko at tutuparin mo ang pangarap mo. Aminin na natin, napakadali lang magtakda ng layunin. Lahat kayang gawin 'yon. Ang pinakamahirap at pinaka challenging ay ang pag execute ng layunin. Gaya ng panliligaw, madali lang manligaw kung hindi ka mahiyain pero mahirap mag commit sa relasyon. Ganyan na ganyan ang layunin. Most people fail to live their dream life because they don’t stick to their goals and plans. Paano mag commit? Kailangan mo ng malupitang aksyon. 'Wag kang umupo at pa-easy-easy lang. Walang mangyayari sa buhay mo kung ganyan ka. You want to make progress. Kahit maliit lang ang hakbang mo basta't umaabante ka lang. Hindi naman tayo nag-uunahan e. No matter what you want to achieve in life, whether it is your career or business or relationship, nothing will work unless you are truly committed to it.


NUMBER 8
SUMAMA KA LANG
SA KAPAREHO NG MINDSET MO


Kapag positibo ang mindset mo, doon ka rin sumama sa positibong tao. Birds of the same feather flock together. If you want to be successful and become someone who lives your dreams, surround yourself with people who have done it. Simple lang naman 'yang intindihin e. Kapag sumama ka sa mga taong mahilig mag basketball, siyempre mahihiligan mo rin ang pag basketball. Gan'on lang kasimple 'yon. Para din kasi tayong mga hayop e. Gusto nating sama-sama, parang grupo para masaya. Gusto kasi nating maramdaman na kabilang tayo, 'di ba? Ayaw nating ma-reject kaya ginagawa natin ang lahat para maging isa sa kanila. Kung sumama ka sa mga negosyante, siguradong magugustuhan mo rin ang pagnenegosyo. Kung sumama ka sa mga taong nag-gi-gym, siguradong mae-engganyo ka ring mag gym. At the same time, if you surround yourself with people who play games, people who waste time on social media, and people who smoke, guess what, you will become part of them too. Kaya't mamili ka ng sasamahan mo. Mix with people who are highly committed to their goals and you will develop the commitment too.


NUMBER 9
TIGILAN MO NA ANG MGA WHAT IFS


Isa ito sa mga dahilan kung bakit nakadikit ka pa rin sa pangit na sitwasyon kasi wala kang ginagawa dahil marami kang iniisip na mga what ifs. Magkaka-anxiety ka pa. Kapag marami kang WHAT IF sa isipan mo, para ka lang naghahangad na sana'y maging malinaw ang tubig pero palagi mo itong niluluglog. Hindi magiging malinaw ang isipan mo niyan. Paano mo makakamit ang pangarap mo kung may iniisip kang negatibo? Stop believing that your "what if" thoughts are actually saying anything absolutely true about reality. Magiging malinaw ang tubig kung hindi mo ito ginagalaw. Magse-settle 'yan. Katulad din ng ating isipan. 'Wag mo itong galawin. Mag meditate ka. Pakalmahin mo ang iyong isipan para makapag-isip ka ng maayos. Meditation is the art of letting your mind become clear on its own. Sa halip na mag-isip ka ng,

PAANO KUNG HINDI KO MATUTUPAD ANG PANGARAP KO

palitan mo ng,

PAANO KO MATUTUPAD ANG PANGARAP KO

My personal suggestion is to stop worrying about the future and live the present happily. Stay positive, believe in yourself, hope for the best in future by working to the fullest in the present.


NUMBER 10
MAGPASALAMAT KA


Madali lang tumingin sa negatibong nangyari sa buhay. Minsan ba'y tinignan mo ang magandang nangyari sa buhay mo? Sigurado ka bang walang nangyaring positibo sa buhay mo? Mayroon. Hindi mo lang nakikita kasi nakatutok ka lang sa negatibo. Living a life of gratitude brings you a lot of positive changes and it helps you notice little wins. Gaya ng pagsikat ng araw, mga papuri na natanggap mo, kasiyahan ng pamilya mo, may trabaho ka pa rin, malusog ka at ang pinakapositibong nangyari ay BUHAY KA PA. Hindi lahat ng tao buhay ngayon, 'di ba? Magpasalamat ka dahil isa ka sa mga ginising ng Diyos.

Simpleng halimbawa lang, may nabigyan ka na ba ng regalo tapos hindi masyadong naka-appreciate sa regalo mo? Ano ba ang nararamdaman mo? Iniisip mo na hindi mo na siya bibigyan sa susunod. Ganyan din sa buhay natin. Kapag hindi tayo naka-appreciate kahit sa maliit na bagay, wala tayong biyayang matatanggap. Pansinin mo naman ang biyaya mo araw-araw at mamamangha ka na lang na nasa buhay mo na pala. Magpasalamat ka dahil may tubig kang naiinom, may hangin kang nalalanghap, may nakakain ka, kulang pa ba 'yon? Paano kung wala na ang lahat ng 'yan? Saka mo na lang ba papansinin? 'Yan tayo e. Makikita lang natin ang halaga ng isang bagay kung wala na sa atin. Tapos magsisisi na tayo. Sana'y 'wag umabot sa punto na 'yon. Giving thanks in all circumstances stops negative thinking, stops negative emotions, and stress from gaining control over our positive thoughts, actions, and energy. Bago ko tapusin ang videong ito, maraming salamat sa mga taong hindi naniniwala sa 'kin, kayo ang dahilan kung bakit umangat ako sa buhay. Maraming salamat.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177