10 REASONS Why God Removes People From Your Life By Brain Power 2177


Photo by Elijah O'Donnell from Pexels


Lahat ng tao na nakakasalamuha natin sa buhay ay may purpose 'yan. Gayunpaman, normal pa rin sa buhay natin na may mga taong darating at may aalis din. Gusto mo man o hindi, may panahon talaga na iiwan ka at magmo-move on ka. May mananatili sa buhay mo at may mawawala sa isang iglap lang. Kahit anong pilit mo mang kumapit sa tao, pag sila ang gustong umalis, aalis 'yan. Pero minsan, Diyos pala ang nagtanggal ng mga taong 'yon sa buhay mo dahil gusto ng Diyos na mailagay ka sa tamang mga tao. May nakita kasi ang Diyos sa puso ng tao na hindi natin nakikita. Siya lang ang nakakaalam kung 'yon bang taong 'yon ay nararapat sa 'tin. Kaya't 'wag ka ng magtaka kung bakit iniwan ka, hindi ka iniwan. Siguro'y paraan 'yon ng Diyos para maipakita sa 'yo na hindi karapat dapat ang taong 'yon sa buhay mo.

Dahil nga sa tayo ay tao lamang, katangian na natin na kumapit sa mga taong mahal natin, ayaw nating maiwan, ginagawa natin ang lahat para hindi tayo hiwalayan. 'Yan ang dahilan kung bakit nasasaktan tayo at normal lang naman masaktan. Ang makadama ng sakit ay isang positibong reaksyon ng ating katawan. Pero kung sobra naman, tayo ay magdurusa. Kaya para maka-move on ka at madali mong matanggap ang sitwasyon mo, mas mainam na magtiwala ka sa layunin ng Diyos para sa 'yo. Heto na ang 10 BAGAY kung bakit tinatanggal ng Diyos ang mga maling tao sa buhay natin:


NUMBER 1
MAY PLANO ANG DIYOS PARA SA 'YO


Pero hindi ibig sabihin na kinokontrol tayo ng Diyos. May kalayaan tayo. God blessed us with a will. He will never violate our free will. It is one thing that is strictly our own. Walang pumupwersa sa atin kung maniwala ba tayo o hindi. Walang tao ang makakapagsabi kung ano ang plano ng Diyos para sa 'yo. But I can say that God has one specifically for your life. Only you can fulfill the purpose He has for your life, at ikaw lang ang makakagawa nun. At 'yan ang dahilan kung bakit tinatanggal ng Diyos ang maling tao sa buhay mo dahil sa tingin ng Diyos ay sagabal lang ang mga taong ito sa plano Niya para sa 'yo. Marahil maitatanong mo kung bakit nakilala mo pa ang taong 'yon e tatanggalin lang pala. Dahil may aral kang mapupulot sa bawat sitwasyon na nangyayari sa buhay mo. Hinahayaan lang ng Diyos ang ginagawa ng mga tao pero may kapangyarihan Siyang wakasan ang pangyayari kung nakikita Niyang hindi na healthy ang relasyon mo sa taong 'yon. God will show you His divine plan which He created you to do if you really want to know. God's will is for you to SERVE Him. As you serve Him, you are fulfilling His reason for your life. He wants you to use what He has given you to bring others into a personal relationship with Him. 


NUMBER 2
TOXIC ANG TAONG NAKASAMA MO


Halos puno na ng mga taong toxic ang mundong ito at hindi mo talaga maiiwasan ang mga taong toxic. Kahit sa bahay, kahit kapitbahay, mga katrabaho, mga kaibigan, ang dami na. Hindi mo alam na ang taong tinuturing mong TUNAY ay may lihim palang INGGIT sa 'yo at hindi ka pala totoong gusto. Pwede ring tunay sila pero may hatid na masamang impluwensya sa buhay mo. Kaya't 'wag ka ng magtaka kung sa kalaunan ay mawawala sila sa 'yo dahil tinanggal sila ng Diyos. Ayaw ng Diyos na mapahamak ka. Nakikita ng Diyos kung ano ang laman ng puso nating lahat at alam na alam din Niya kung anong kapahamakan ang dulot ng taong 'yon. Alam ng Diyos kung anong tunay na intensyon ng mga taong toxic sa 'yo. Kaya ang Diyos na ang gumawa ng paraan para mapalayo ka sa kanila.


NUMBER 3
HINDI SIYA PARA SA 'YO


Ang pagpili ng mapapangasawa ay talagang pinakamalaking desisyon sa buhay. Hindi dapat ito ginagawang katuwaan lang. Dapat seryoso kang mamili. Kung may mga senyales na maling tao ang kasamo mo, 'yon ang kailangan mong tugunan kaagad. Minsan kasi binalewala mo na lang ang mga red flags dahil gusto mo ng magka-asawa. Sa halip na tutulungan ka ng partner mo na makaangat, siya pa ang magpapabagsak sa 'yo. At ayaw ng Diyos na may mga taong inaapi. Nakikita ng Diyos ang lahat ng pangyayari, sa umpisa pa lang ng inyong relasyon hanggang sa huli. Hinahayaan ka lang muna ng Diyos para may matutunan ka. Kapag tinatanggal na siya ng Diyos sa buhay mo, masasaktan ka man dahil mahal mo siya, pero hayaan mo na lang dahil nga, may plano pa ang Diyos para sa 'yo. Magtiwala ka lang sa Kanya.


NUMBER 4
SOBRANG UMASA KA NA
SA ISANG TAO


Yun bang lahat na lang ng oras, ang taong 'yon ang laman ng isipan mo. Parang umiikot na ang mundo mo sa taong ito. Ayaw ng Diyos 'yon. Gusto ng Diyos na Siya ang NUMBER 1 sa puso mo. God is a jealous God. Kung pina-priority mo ang iba, may mali na d'on. Kaya hindi 'yon hinahayaan ng Diyos. Ayaw Niya na maligaw ka. So, do not place someone above Him. Ang Diyos ang dahilan kung bakit nandito tayo kaya nararapat lang na unahin natin Siya. Hindi naman kaagad tinatanggal ng Diyos ang maling tao sa buhay mo. Alam ng Diyos ang ginagawa Niya. Kaya't 'wag mo Siyang sisihin kung bakit nasasaktan ka. May dahilan kasi ang Diyos kung bakit Niya ginawa 'yon. Gusto mo man o hindi, tatangalin talaga Niya kung may humahadlang na sa pagsamba mo sa Kanya.


NUMBER 5
MAY NAKALAAN PARA SA 'YO


Minsan ang inaasahan mo ay hindi mangyayari. Minsan din ang hindi mo inaasahan ay mangyayari. Minsan ganyan ang ikot ng buhay, 'di ba? Hindi kasi natin mahuhulaan kung sino ang nakalaan para sa 'tin. Tinatanggal ng Diyos ang maling tao sa buhay natin dahil may nakalaan pala para sa 'tin. Hindi ba't nakakatuwa 'yong malaman na ang Diyos na ang naghahanap ng tao para sa 'yo. Marahil ay maitatanong mo,

“Paano ko naman malalaman kung siya na ba talaga ang tamang tao para sa 'kin?”

Madali lang malaman ang mga signs, kung ang taong 'yon ay nagsasalita ng salita ng Diyos, ibig sabihin na ito na ang tamang tao para sa 'yo. Ano ang ibig kong sabihin? Y'ong taong hindi bastos magsalita. Pakinggan mong mabuti kung ano ang lumalabas sa bibig ng taong ito, karunungan ba o kagaguhan lang? Iba pang sign na siya ang ipinadala sa 'yo ng Diyos, lahat ng sinasabi ng taong 'yon ay ginagawa niya. Hindi lang puro salita tapos walang ginagawa. Kahit na gumagamit siya ng Salita ng Diyos pero hindi mo naman nakikita sa mga kilos niya, hindi 'yon tamang tao para sa 'yo. Madali lang magsalita, mahirap magpatunay. Ang dami pang signs na gusto kong ipaliwanag pero 'yan na lang muna. Sa madaling salita, gustong tanggalin ng Diyos ang maling tao sa buhay mo dahil may gusto Siyang ipasok sa buhay mo na saktong-sakto para sa 'yo at ikaw din ay sakto para sa taong napili Niya. Ibig sabihin, advantage mo pa rin 'yon dahil hindi ka nawalan. May natanggal pero may naidagdag na bago.


NUMBER 6
GUSTO NG DIYOS
NA MAKAPAGPOKUS KA


Dahil sa mga taong negatibo, nawawala tayo sa tamang landas. Naaapektuhan na tayo. Nadi-distract tayo. Sa halip na magpokus tayo na sambahin ang Diyos, sa taong 'yon natin inilaan ang ating oras. At hindi na 'yon tama. Kaya dito na kumikilos ang Diyos. Hindi Niya hahayaan na maligaw ka. Gusto ng Diyos na lalapit ka sa Kanya dahil Siya ang Ama mo. Gusto Niyang siya ang NUMBER 1 sa buhay mo. Sobrang mahal ka Niya at ayaw Niyang mawalay ka sa Kanya. Kaya't 'wag kang magpokus sa kalungkutan kung bakit nilayuan ka ng mga tao. Magpokus ka sa plano ng Diyos para sa 'yo.


NUMBER 7
MAY PLANO ANG DIYOS
PARA SA KANILA


Kanina sabi ko may plano ang Diyos para sa 'yo at ngayon naman ay may plano ang Diyos para sa kanila. Nakuha mo ba ang punto ko dito? Hindi porket toxic sila ay hindi na sila mahal ng Diyos. Mahal ng Diyos ang lahat ng tao. Gusto Niya na lahat tayo ay maligtas. Minsan hindi natin maintindihan ang plano ng Diyos. Magtataka tayo kung bakit inilalayo Niya ang mga taong mahal natin. Sabi ko nga kanina, may nakikita ang Diyos na hindi natin nakikita. Lahat ng nangyayari ay may dahilan. Magtiwala ka sa Diyos na y'ong mga taong tinanggal Niya ay hindi Niya pababayaan. Itutuwid ng Diyos ang mga taong 'yon.


NUMBER 8
TANGGAPIN MO ANG REALIDAD


Hindi lahat ay mananatili sa buhay mo. 'Yan ang katotohanan. Wala ka ng magagawa kung ano ang desisyon ng mga taong gustong lumayo sa 'yo. Hindi mo sila hawak. Ang sinasabi nila na WALANG FOREVER, minsan totoo 'yan. Minsan ang relasyon ay magla-last, minsan magwawakas sa hindi inaasahang panahon. Kung nag cheat man ang ex mo, wala ka ng magagawa d'on kasi desisyon niya 'yan. Sinadya niyang gawin ang ipinagbabawal na technique (🤣 🤣 🤣). Ang magagawa mo na lang ay magpatawad. Pero hindi ibig sabihin na maibabalik ang dating kayo, pero alam mong napatawad mo na at sapat na 'yon. Masama ang magkimkim ng galit at tandaan mo, nakikita ng Diyos ang laman ng puso natin. 


NUMBER 9
PINOPROTEKTAHAN KA NG DIYOS


Lahat naman tayo ay gusto ng proteksyon, 'di ba? Hindi ka ba natutuwa na ang nagpoprotekta sa 'yo ay napaka makapangyarihan? Siyempre gusto mo. 'Yan ang dahilan kung bakit tinatanggal Niya ang maling tao sa buhay mo. Gusto ng Diyos na protektahan ka. Kahit napakabuti mo pang tao, may ibang tao diyan na hindi ka pa rin magugustuhan. Kaya ayaw ng Diyos na mangyari 'yon sa 'yo. Gusto ng Diyos na isama ka sa mga taong nakikita ang halaga mo. Basahin natin ang Awit 121:7, isa ito sa mga paborito kong teksto:


Kapag hiniwalayan ka ng pinakamamahal mo, alam kong masakit 'yon pero sumandal ka lang sa Diyos dahil hihilomin Niya ang puso mo. God is working. He is not sleeping. Nakikita Niya ang paghihirap mo. Hayaan mo lang na 'yan ang mangyari sa 'yo dahil siguro ay hindi talaga siya para sa 'yo. Kahit pa sabihin na natin na hindi natin naiintindihan ang mga nangyayari sa ating buhay, magpasalamat pa rin tayo dahil at least malaya na tayo sa taong hindi para sa 'tin.


NUMBER 10
HINDI MO MASUSUKAT ANG DIYOS


Hindi mo alam kung ano ang nasa isip Niya. Ang mga plano Niya ay mas sobrang perpekto pa kaysa sa mga plano mo. Alam Niya kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Alam Niya ang lahat. Maaaring hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa susunod na araw, ngunit may Isa na may hawak ng ating uniberso. Kaya 'wag kang magmamakaawa sa isang tao na manatili sa buhay mo dahil hindi mo mapipilit 'yan lalo na kung mismo ang Diyos ang nagpahiwalay sa inyo. Uulitin ko, 'wag kang magalit sa Diyos, 'wag mo Siyang sisihin dahil may magandang kinabukasan na naghihintay para sa 'yo. Sumulong ka lang ng sumulong. Punasan mo ang iyong mga luha upang mas makita mo ng malinaw ang tinatahak mong daan. Acknowledge your loss as a blessing in disguise instead.

Lawakan mo lang ang iyong pang-unawa. May purpose ang Diyos sa lahat ng nangyayari sa buhay mo. Magtiwala ka sa Kanya dahil alam Niya ang Kanyang ginagawa. Hinahayaan niyang mangyari ang mabuti at masasamang bagay para sa katuparan ng Kanyang banal na plano. Bukod pa dito, kung mahal mo ang Diyos, dapat mong malaman na Siya ang nag-oorganisa ng mga bagay para sa 'yong ikabubuti. Kaya naman dapat kang magtiwala sa Kanya at patuloy na tignan ang Kanyang kabutihan sa bawat sitwasyon. Basahin natin ang Roma 8:28,


Kaya't 'wag mong balewalain ang lahat ng negatibong nangyayari dahil may dulot itong kabutihan. Kung tinanggal Niya ang mga maling tao sa buhay mo, hayaan mo na lang. Hindi mo mapipigilan ang desisyon ng Diyos. Magtiwala ka lang dahil para 'yon sa ikabubuti mo.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177