10 MANTRAS For Instant Stress Relief By Brain Power 2177


Photo by Wendy Hero from Pexels


Minsan kailangan talaga nating bumitaw sa iilang bagay para mas maging positibo ang ang ating buhay. Alam kong mahirap bumitaw sa mga bagay na nakasanayan na natin. Lalo na sa mga taong minahal natin. Kapag handa ka ng bumitaw sa lahat, ang 10 mantra na ito ay makakatulong sa 'yo na ilabas ang negativity sa kalooban mo. Unang una sa lahat, ano ang MANTRA?

Ang mantra ay salitang sanskrit.
Ito ay isang statement o slogan na paulit-ulit mong sasabihin
para maipasok mo sa 'yong subconscious mind.
Ito ay sagradong mensahe.

Kung gusto mong maging masaya, kailangan mong bumitaw sa mga bagay na nakakapanghina ng loob mo. Bitawan mo ang anumang bagay na humahadlang sa 'yong pag-unlad o nakakaapekto sa 'yong kalusugang pangkaisipan. Alam kong hindi madaling bitawan ang mga bagay, ngunit mas gaganda ang iyong pakiramdam kapag ginawa mo ito. Because if you keep picking up anger and emotions they will weigh you down and slow you down. The term LETTING GO helps you visualize how your actions, thoughts and emotions can follow you around if you don't let things go. Ito lang ang tandaan mo, hindi mo makokontrol ang sitwasyon pero makokontrol mo kung paano ka mag react sa sitwasyon. 'Wag mong hayaan na ang mga salita ng ibang tao at pagtrato nila sa 'yo ay makakaapekto sa buong buhay mo. Sila ang may problema, hindi ikaw. Kaya bumitaw ka na sa kakaisip tungkol sa ginagawa nila sa 'yo. 'Wag mo silang paglaanan ng oras. 'Wag kang magalit sa kanila. Nothing positive comes from anger unless you use it as a fuel to propel yourself. Siguro ay nahihirapan kang bitawan ang mga bagay dahil sa pakiramdam mo ay obligado ka o sobrang naka-attach ka nito, ngunit kayang kaya mong bitawan ang lahat ng 'yon. Kapag binago mo ang iyong mindset, mas madaling bitawan ang mga bagay na humahadlang sa 'yong pagiging positibo.  Nasa 'yo na ang lahat ng kailangan mo para gawin ang pagbabago, kaya mag meditate ka upang makita mo o maramdaman mo ang iyong sarili. Heto na ang 10 mantra na makakatulong sa 'yo upang bumuti ang iyong buhay.


1st MANTRA
NAGBAGO NA AKO


Paulit-ulit mong sabihin 'yan ngayon. Paano ka makakaramdam ng pagbabago kung iniisip mo na katulad ka pa rin ng dati? Nagbago na ang lahat. Magkaiba na ang kahapon at ngayon. 'Wag mong hayaan na manatili ka pa rin sa kahapon mo. Lahat naman tayo ay nagbabago at nahuhubog ang ating panibagong pagkatao. People are changing everyday. We change into a completely different person. We change constantly everyday. Paano ko nasabi? Sa pamamagitan ng ating pang-araw-araw na karanasan. Malalaman natin kung ano ang gusto natin sa buhay at malalaman natin kung ano ang hindi natin gusto. May ibang tao na nagbabago dahil nasaktan. May iba nagbabago dahil sa inspirasyon. Ang bawat araw ay isang bagong pagkakataon. Kung anumang mga bagay ang walang dulot na maganda sa 'yo, bitawan mo na. Harapin mo ang iyong pagbabago. Siguro iniisip mo na hindi ka nagbabago. Pero nagbabago ka at sigurado ako d'on. Siguro nagbago ang pananaw mo sa buhay, mga habits mo, ang pag-iisip mo, ang pang-unawa, naging mature ka na, 'di ba ang daming pwedeng magbago? Every part of us changes. We are always changing. People around you change. Don't expect the same people to stick around you. Hindi lahat mananatili sa buhay mo at minsan ang pag-alis nila ay nagdudulot ng kabutihan sa buhay mo.
 

2nd MANTRA
MASAYA NA AKO


Paulit-ulit mong sabihin 'yan ngayon. Hindi lang basta sabihin, damhin mo rin. Kapag ginawa mo 'yan, magbubukas ang iyong puso at iyong spiritwal na mata at makikita mo ang iyong layunin sa buhay. Mas madaling bumitaw sa lahat ng negatibong bagay dahil madali mong mauunawaan na wala na y'ong kwenta sa buhay mo. Kahit ako ay may problema din sa buhay. May mga pagsubok din. Kahit anong oras pwede akong babagsak. Kaya't palagi kong chini-cheer up ang sarili ko. Ano ba ang ginawa ko? Bago ako matulog, binibigkas ng aking isipan ang mantra na ito.



Hindi ko hahayaan na ako ang makontrol ng problema. That's why I taught this mantra to myself to train my mind to believe, everything is well. At alam mo ba kung ano ang positibong epekto ng mantra na ito sa 'kin? Bawat paggising ko ay motivated ako. Magaan ang pakiramdam ko. Dahil alam kong MASAYA NA AKO. Kaya gusto ko ring gawin mo ito. Hindi naman magbabago ang sitwasyon mo pero magbabago ang pananaw mo sa sitwasyon. And that is what matters the most.


3rd MANTRA
TANGGAP KO NA ANG LAHAT


Paulit-ulit mong sabihin 'yan ngayon. Madali kang makaabante sa buhay kung tanggap mo ang lahat ng nangyari. Kahit gaano pa 'yan ka-negatibo. Tanggapin mo na may mawawala sa buhay mo, mapa-bagay man 'yan o tao. Sabi ko nga, lahat ay magbabago. Walang permanente sa mundo. Dapat matanggap mo 'yan. If you can understand this, this becomes the greatest situation to DROP the EGO. Ibig sabihin, kung tanggap mo na ang lahat, ano pa ang dahilan ng iyong pagdikit sa tao o bagay? Kahit dumikit ka pa sa tao, hindi mo mapapanatili ang taong 'yon na sumama sa 'yo. Dahil hindi mo mapipigilan ang pagbabago. Isipin mo na lang na para itong ilog, hindi mo mapapahinto. Patuloy itong umaagos. STOPPING CHANGE IS IMPOSSIBLE. Dahil pinipilit natin ang isang bagay, parang tayo lang din ang gumagawa ng sarili nating impiyerno. Kaya't 'wag kang umasa. 'Wag kang mag assume. Kung walang permanente, dapat i-drop mo ang iyong expectations. Dahil doon tayo nasasaktan. Expect tayo ng expect e. If each moment brings you something from the unknown, then life is an excitement, without expectation. Walang makakaapekto ng mood mo kasi in the first place, hindi ka naman umasa. Kaya't tanggapin mo na ang lahat.


4th MANTRA
MAY BAGONG DUMATING
SA BUHAY KO


Paulit-ulit mong sabihin 'yan ngayon. Bagay man 'yan o tao o aral sa buhay. Palaging may darating na bago. It's easy to get stuck in life. Kapag tayo ay nabibigo, hindi natupad ang pangarap natin, hindi na-execute ng maayos ang plano natin, iniisip din natin na wala ng bagong mangyayari sa buhay. Diyan ka nagkakamali. Sabi ko nga, lahat ay nagbabago. Walang permanente sa mundo. Ang negatibo mong sitwasyon ay magiging positibo 'yan. Basahin natin ang Isaias 43:19 at sigurado akong matutuwa ka rito:

“Gumagawa ako ng isang bagong bagay;
Kahit ngayon ay nagsisimula na ito.
Hindi mo ba ito nakikita?”

God is about to do something new in your life. Hindi ka Niya nilikha para maging ganyan lang. May bago siyang oportunidad, bagong relasyon, bagong pabor na inilaan sa 'yo. Kailangan mo lang damhin 'yon dahil sabi ng Diyos, HINDI MO BA ITO NAKIKITA? Basahin natin ang Isaias 43:18,

“Huwag na ninyong alalahanin ang dating mga bagay,
At huwag na kayong mabuhay sa nakaraan.”

Ibig sabihin lang niyan, kung iniisip mo pa rin ang nakaraan, hindi mo makikita ang bagong bagay. Kung nakapokus ka lang sa mga taong nananakit sa 'yo, hindi mo makikita ang mabubuting tao na nasa harapan mo na. Bawat araw ay bagong araw. May ginawa ang Diyos na bago para sa 'yo.


5th MANTRA
ANG PAGBITAW KO
AY NAKABUBUTI SA AKIN


Paulit-ulit mong sabihin 'yan ngayon. Sino bang tao ang hindi nasisiyahan sa pagbitaw ng mga bagay na wala ng naidulot na kasiyahan sa buhay niya? Wala. Lahat gumagaan ang pakiramdam. Kapag bumitaw ka na, parang niyakap mo na rin ang realidad. It is how you choose to let go that makes the act itself so beautiful. Heto na naman tayo, mahirap talagang bumitaw lalo na sa mga taong minahal natin ng sobra. I know that people are nice to depend on. Truly, it is. But at the end of the day, you must stay mentally and emotionally strong for yourself. Kung nawalan ka, masasaktan ka man, pero kailangan mong mag move on. Kailangan mong bitawan ang sakit. Kailangan mong bumitaw sa negatibong nangyari. Letting go allows you to breathe out all that's been weighing you down. Kaya 'wag ka ng dumikit sa mga tao kung ayaw nila sa 'yo. May bago pa namang darating. At ngayong araw na ito ay panibago mong pagkakataon. 


6th MANTRA
TAPOS NA ANG LAHAT


Paulit-ulit mong sabihin 'yan ngayon. Oo alam kong marami ang sagot tungkol dito at hindi ko pinagmamayabang ang sagot ko kung sasabihin ko sa 'yo na ang nakaraan mo ay umiiral pa rin. 'Yon nga lang ay nasa isipan mo lang. Hindi mo makakalimutan ang nakaraan, 'di ba? This means, our mind may travel to the past. Pero hindi ibig sabihin na nakadikit ka pa rin sa nakaraan mo. Ang ibig kong sabihin, tanggapin mo ang nangyari na tapos na 'yon. Malalaman mo lang naman kung tanggap mo na, kung iniisip mo ito pero hindi ka na nalulungkot o naaapektuhan. Parang wala na sa 'yo ang lahat. Uulitin ko, ang nakaraan mo ay umiiral pa rin sa iyong isipan pero hindi sa pisikal na porma gaya ng NGAYON. The only moment you have that is REAL is the very moment you are in right now. Ang ngayon ay magiging kahapon. At ang bukas ay magiging ngayon. May mawawala at may darating. Kaya't tanggapin mo na may matatapos at may panibago na namang gawain. Hindi mo kayang baguhin ang nangyari na, kahit desprado kang balikan 'yon, IMPOSIBLE na 'yon. Makakaya mong bumitaw at makakaya mong mag move on.


7th MANTRA
HINDI AKO NATATAKOT


Paulit-ulit mong sabihin 'yan ngayon. Hindi ko naman sinasabi na dapat 0% wala ka ng takot. Alam ko naman na bawat isa sa atin ay may kinatatakutan. Yung iba nga ay takot sa kanilang kinabukasan dahil hindi pa sila sigurado sa kanilang patutunguhan. Pero dapat malaman mo 'to, 'yang takot mo na 'yan ang malaking hadlang sa buhay mo. Dahil sa takot, nag stick ka pa rin sa toxic na relasyon, hindi ka pa rin umaalis sa trabahong nagdi-drain ng energy mo, nananatili ka sa sitwasyong ayaw mo na, dahil takot ka sa maaaring mangyari. Ito lang ang gusto kong maunawaan mo, ang kinatatakutan mo, ay hindi naman masyadong nakakatakot katulad ng pagbuo mo nito sa 'yong isipan. Ang punto ko lang, kahit pa natatakot ka, harapin mo pa rin 'yon. Bago ako nag negosyo, natatakot rin akong malugi pero hinarap ko pa rin 'yon. Basta't gawin ko lang ang tama para mag grow ang business. Nakayanan ko naman. It's better to be afraid and face it head on, than live comfortably in an uncomfortable situation because you are scared to see what's on the other side of it.


8th MANTRA
NAKAPOKUS AKO SA ARAW NA ITO


Paulit-ulit mong sabihin 'yan ngayon. Lahat ng ginagawa mo sa buhay ay ikaw lang ang pumipili niyan. Kung pinili mong manatili sa ganyang buhay, e 'di ganyan ka na rin. Kung pinili mong magpokus sa araw na ito, mas maging masaya ka. LIVE IN THE PRESENT MOMENT. Nakakalungkot lang isipin na maraming tao ang hindi alam kung paano mamuhay sa NGAYON. Maraming distractions e. Palagi tayong bumabalik sa nakaraan. Palagi nating inuunahan ang hinaharap. Nakakalimutan na natin ang ngayon. Pinapraktis ko talaga ito hanggang sa nakaya ko. I am aware of what I am doing. Meditation is the way to discard your FALSE MIND and become TRUTH. Then you can see what kinds of thoughts and emotions in your mind objectively from the Universe's point of view. Kapag natanggal mo na ang negatibo sa utak mo, matatamo mo ang kaliwanagan. At lahat ng panlilinlang ng iyong isipan tungkol sa nakaraan at hinaharap ay maglalaho. At ang matitira na lang ay ang NGAYON.


9th MANTRA
NAGHIHILOM NA
ANG SUGAT SA PUSO KO


Paulit-ulit mong sabihin 'yan ngayon. Lahat tayo ay nasasaktan dahil may emosyon tayo. Kahit sarado na ang sugat, may peklat pa ring nagmamarka. Iba't ibang klase ang matatamasa nating sakit. Sakit sa pagkamatay ng ating minamahal. Sakit sa panloloko. Sakit sa pambu-bully. Sakit dahil sa inabandona ng magulang. Ibig kong sabihin, dapat alam mo kung ano ang dahilan ng sugat sa puso mo. Madali mong hihilomin ang sugat kung alam mo kung ano ang dahilan. Although sinasabi ko ito sa 'yo pero hindi ibig sabihin na pakikinggan mo lang ang aking payo dahil hindi ko alam kung gaano kalala ang nararamdaman mo ngayon at ayokong umabot pa sa depresyon 'yan. Find yourself a good therapist. Minsan kailangan natin ng tulong ng mga prepesyonal para hindi tayo malunod sa sitwasyon. Pero kung kaya mo naman, ikaw lang ang nakakaalam.


10th MANTRA
PAYAPA NA ANG BUHAY KO


Paulit-ulit mong sabihin 'yan ngayon. Alam kong mahirap pakalmahin ang ating isipan, lalo na sa panahon ngayon na kaliwa't kanan na ang negatibong pangyayari sa mundo. Pero 'wag kang makipaglaban sa realidad. Dahil doon mo lang makakamtan ang peace of mind. Pagkatapos mong manood ng videong ito, lumabas ka. Tignan mo ang paligid, ang mga bulaklak, ang mga puno, hindi ba't nakakagaan ng pakiramdam? Ito rin ang ginagawa ko kapag ako'y naguguluhan. Lumabas ako, ninanamnam ko ang kagandahan ng paligid. Nature is naturally peaceful and does a great job of transferring that peace into us. Lumabas ka at ilabas mo rin ang iyong emosyon para gagaan ang iyong puso at isipan. You will feel better as a whole and you will begin to see all the good around you.

'Yan lang ang 10 MANTRA na kailangan mong ibigkas at damhin at gawin ngayon. Napapansin mo ba na lahat ng MANTRA na binanggit ko ay naka-PAST TENSE na, ibig sabihin na parang nangyayari na ito sa buhay mo. Sabi ko nga, hindi lang ito bastang binibigkas, dapat dinadama mo rin ito na parang totoo na ang nangyari. Bigkasin mo lang ng paulit-ulit hanggang sa makita mo ang positibong resulta. Dapat ang puso at isip mo ay nagkakasundo. Hindi pwedeng iniisip mo ang mantra pero tutol ang puso mo o vice versa. Dapat magkaisa ang puso at isip para mas maramdaman mo ang kapangyarihan ng mga mantra na ito.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177