Face Your Inner Demons By Brain Power 2177


Photo by Andrea Piacquadio from Pexels

Naranasan ko na ang ma-stress, ma-depress, at nagka-anxiety na rin ako. In short, naranasan ko ang kadiliman. Yun bang… punong puno ng negatibo ang utak mo. Maraming beses na rin akong nabigo. Para bang... kalaban ko ang mundo. Pero unti-unti kong na-realize na wala pala akong kalaban sa labas. Ako lang pala ang kalaban ng sarili ko. Ang kadiliman ay nasa loob lang natin. Tayo lang ang lumilikha ng sarili nating kahulugan sa ating buhay. Tayo lang ang nag-iimbento ng mga negatibong salita. Tumingin ka sa paligid mo, kita mo naman, maraming positibong nangyayari sa mundo. Pero negatibo lang ang nagliliwanag sa ating mukha. Mahirap labanan ang negatibong pag-iisip. Akala natin guni² lang. Akala ng ibang tao tayo'y nag-iinarte lang. Pero totoo, may positibo at negatibong pangyayari. Pero bakit palaging negatibo ang ating reaksyon? Paulit-ulit tayong dinudurog ng panahon, hanggang sa hindi na natin alam kung ano ang tunay nating pagkatao. Hindi na natin kilala ang sarili natin. Isa lang ang alam natin, WALA TAYONG KWENTA. TALUNAN TAYO. MAHINANG NILALANG. Ganyan ang iyong mararamdaman kapag nakakulong ka sa kadiliman. Ang kadiliman na nasa loob mo lang.

Mararamdaman mo na lang, na wala kang kwenta sa mundong ito kahit wala namang dahilan para isipin 'yon. Kahit marami ang nagmamahal sa 'yo, mahal ka ng mga magulang mo, mga kaibigan mo, hindi ka pa rin naniniwala na may nagmamahal sa 'yo. Buhay na buhay ka, pero patay ang damdamin mo. Dahil pinaglalaruan ka ng isipan mo. Para bang sa bawat segundo na humihinga ka ay isang himala. Kasi sa bawat segundo, nararamdaman mo ang bigat sa puso at isip mo.

Sa sobrang bigat ng pakiramdam mo, hindi mo na alam kung ano ang feeling na maging inspired, na maging determinado, na maging malikhain, na mapalad, na mapagpasalamat. Nakakalimutan mo na ang kahulugan ng mga positibong bagay na 'yan. Hindi mo na kasi nararamdaman ang saya. Matagal ka ng hindi nakakonekta sa positibong mundo. Halos lahat ng nakikita mo sa 'yong sarili ay walang kwenta. Kahit may mabuti kang nagawa, pinipintasan mo pa rin ang iyong sarili. Sa sobrang depress mo, nag-iisip ka na ng masama. Gusto mo ng magpakamatay. Pero hindi pwede 'yon. Hindi 'yan ang solusyon sa mga problema mo. Kaya mong buhatin ang mga problema mo. Kaya mong durugin ito. Kaya mo itong bitawan. May kakayahan kang gawin 'yon. Magtiwala ka lang.

Ano ba ang nararamdaman mo ngayon? Nade-depress ka na? Matindi ba ang pagkabagsak mo? Alam mo, napakahirap umabante kung negatibo na ang nagkokontrol sa atin. Alam ko ang nararamdaman mo. Kasi nga, galing na ako do'n. Galing na ako sa kadiliman. Kaya ang gusto kong sabihin sa 'yo, balang araw, mawawala rin 'yan. Labis labis man ang nangyayari sa 'yo ngayon, mawawala rin 'yan. Malalaman mo rin kung paano i-direkta ang iyong buhay sa anumang direksyon na pipiliin mo. Mauunawaan mo rin kung bakit ka nagkaganyan. Mauunawaan mo kung bakit napunta ka sa maling landas at malalaman mo rin kung paano ka makabalik sa tamang landas. Oo maraming tao ang gumagabay sa 'yo. Pati ang Diyos ay kasama mo sa laban ng buhay. Pero dapat akayin mo rin ang iyong sarili. Ikaw lang kasi ang magkokontrol sa buhay mo. Ikaw lang ang pipili kung saan mo gusto. Gusto mo bang manatili diyan o gusto mo ng lumabas? Siyempre piliin mong lumabas mula sa kadiliman na 'yan. Napakaganda ng mundo. Gusto kong masilayan mo ang positibong mundo. Mamuhay ka kung anong buhay ang gusto mo.

Kung gusto mong magtagumpay, pwede kang magtagumpay. Kung gusto mong yumaman, kaya mo 'yon. Kung gusto mong lumigaya, magagawa mo 'yon. Kaya mo 'yan kung may gagawin ka lang. Hindi pwedeng humiling ka ng magandang buhay tapos nandiyan na kaagad. Ang buhay ay hindi magic. Nasa realidad tayo. Humiling ka sa Diyos na patatagin ka Niya para malabanan mo ang iba't-ibang uri ng pagsubok sa buhay. Sa buhay natin, may pumapasok na halimaw. Oo halimaw. Hindi ko alam kung bakit madali silang makapasok pero napakahirap paalisin. Hindi ko rin alam kung kailan sila nagsimulang manggulo. Minsan nababalot tayo nito. Para bang nasa likod lang sila, palaging nakabantay sa galaw natin. Alam mo ba kung anong klaseng halimaw ito? Marami.

PAGDUDUDA SA 'YONG KAKAYAHAN

JINA-JUDGE MO ANG IYONG SARILI 

DEPRESYON

FEELING MO NA WALA KANG KWENTA

NAGPOPOKUS KA SA NEGATIBO

BAD HABITS

WALANG KASEGURUHAN SA GINAGAWA

NAGPOPOKUS KA SA KAHINAAN

Ang dami pa nila. Hindi ko na maisa-isa. Hindi sila madaling paalisin. Mahihirapan ka talaga. Pero tanggapin na natin 'yon. Tanggapin natin na nandiyan na sila pero 'wag nating hayaan na matatalo tayo nito. Dapat alam rin natin kung paano magpokus sa kaliwanagan. 'Wag kang magpokus sa kanila. 'Wag mo silang palaging isipin. Masasaktan ka lang. Focus on the big picture so you can see mostly the BEAUTY and the GREAT in your life.

Alam mo, mas lalapit ng lalapit ang HALIMAW na 'yan kung iniisip mong walang halaga ang buhay mo. Lumalayo lamang ito kung MAHAL MO NA ANG SARILI MO. You keep the demons away by FOCUSING on BETTER THINGS. Araw-araw kang magpokus ng positibo. Kasi totoo naman na ang daming positibong nangyayari sa mundo. Kailangan mo lang sanayin ang iyong isipan para lumiwanag itong muli. Let the light shine over your life to GROW the areas you want to grow.

May dalawang daan lang ang kailangan mong tahakin, positibo at negatibo. Positibo lang dapat ang piliin mo. Magpokus ka sa positibo. Magpokus ka sa mga bagay na nakuha mo na. Magpasalamat ka sa mga bagay na 'yon. Magpasalamat ka kahit nahihirapan ka na. Damhin mo ang positibong emosyon na 'yan. Kung magpokus ka lang sa kakulangan, walang saysay rin ang iyong buhay. Madaling makapasok ang halimaw sa ulo mo kung sa negatibo ka lang nakapokus. Lalamunin ka nito. Hindi ito naaawa sa 'yo. Mas lalo kang magdududa sa kakayahan mo. Babalutin ka ng depresyon. Matatakpan ang pananaw mo ng anxiety.

Kaya't magpokus ka lang sa liwanag para madali mong malabanan ang halimaw. Magbasa ka ng mga positibong libro, manood ka ng mga videos na tulad nito para tumatag ang iyong mentalidad. Kung mag meditate ka lang, kung mananalangin ka, kung hindi mo kinimkim ang negatibong emosyon na 'yan, kung hindi ka magpapatalo, ang halimaw na ito ay matatakot sa 'yo. Hindi nila kakayanin ang taong positibo ang mentalidad. Kung gusto mong mabago ang inisiip mo, simulan mo ito sa tamang pag-iisip. Kung hahanapin mo ang kabutihan, matatagpuan mo ang kabutihan at magtiwala ka na may kabutihan.

Nararanasan ko na 'yan noon, ngayon wala na sa akin ang halimaw. Dinurog ko na noon pa. Sa sobrang durog na nila, hindi ko na ito makita. Pero hindi ko naman sinasabi na perfect na ang buhay ko ngayon. Noong nakaramdam ulit ako ng negatibo sa aking buhay, binago ko kaagad ang pag-iisip ko. Dahil alam ko na, na ang mga negatibong pag-iisip ay sagabal sa buhay ko. Kaya't ayokong magtagal sila sa buhay ko. Gusto kong maging matatag ka rin. Bago ka sumuko, isipin mo muna kung bakit mo ito inumpisahan. Bakit commited ka? Dahil passion mo ito e. Dahil alam mong makakapagpabago ng iyong buhay ang mga tamang gawain. Kaya bakit ka magpapatalo sa negatibong ito?

Dapat may commitment ka sa buhay. Ipangako mo sa sarili mo na simula ngayon, magpokus ka na sa positibo. Magpokus ka sa magagandang pangyayari sa buhay mo. Magpokus ka sa magagandang nangyari sa buhay ng iba at sa paligid mo. Pasalamatan mo ang lahat ng pangyayari dahil may natutunan ka naman do'n. Gratitude gives you power and strength that nothing on this earth can match. Simula ngayon, dapat ganito na ang mindset mo. Learn anything that can improve YOURSELF. You commit to meditation and breathing exercises – anything that gives you more EASE and PEACE, which gives you more CLARITY in thought. Magpokus ka lang sa araw na ito. Always MIND the NOW. See the beauty in your life.

Maging mapagbigay, hindi lang ito nangangahulugan na ang ibibigay lang natin ay materyal na bagay. Pwede mong ibigay ang oras mo, pwedeng ring lakas mo. Tumulong ka kung may nangangailangan sa 'yo. Commit to GIVING. Commit to CHALLENGE yourself to GROW. Physically and mentally. Alam naman natin, dahil sa mga pagsubok na nararanasan mo, mas lalong mahuhubog ang bago mong pagkatao. Maging tapat ka sa iba at pati sa sarili mo. Kahit anong mangyari, 'wag kang magsinungaling, 'wag kang magpanggap. Kahit ano man ang consequences. Para wala kang pagsisisihan sa huli. Kapag gagawin mo ang lahat ng ito, magbabago ang takbo ng buhay mo. Ikaw lang ang may kakayahang pumili kung saan ka pupunta, sa kadiliman o sa kaliwanagan. Ikaw ang pumili kung paano mo tutugunan ang iyong mga problema. Ikaw ang pumili kung paano mo pa-planuhin ang lahat. Kung ano ang pinili mo, 'yan din ang magiging resulta. Alam kong ayaw mong kinokontrol ka ng mga halimaw na 'yan. Hindi ko rin gusto na kokontrolin ako ng negatibo.

Kung iiwasan mong mag-isip ng negatibo at magpopokus ka sa positibo, magiging mas masaya ka. Pero siyempre, may mga realidad ng buhay na hindi natin maiiwasan kahit na positibo tayo. Halimbawa, may digmaan, krimen at terorismo. May problema sa pamilya. Minsan nagkakamali ka at may mga kahinaang pinaglalabanan. O nasaktan ka ng ibang tao. Sa halip na magbulag-bulagan sa realidad ng buhay—o kaya naman ay magpokus sa mga 'yon—maging makatotohanan. Sa gayon, matatanggap mo ang sitwasyon nang hindi pinanghihinaan ng loob at maiiwasan mong maging masyadong negatibo.

What you do makes a difference, and you have to decide what kind of difference you want to make. Gusto kong maging positibo ang takbo ng buhay ko. Gusto ko rin 'yan para sa 'yo. Because I care for you. I know you can do that if you remain FOCUSED on the GOOD. If you focus on the PROCESSES that WORK. Magpasya ka ng baguhin ang takbo ng isipan mo. Alam kong magbabago 'yan. Matatalo mo rin ang mga halimaw na 'yan.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177