8 SIGNS People Are PLASTIC By Brain Power 2177




Unang una sa lahat, hindi mo kasalanan kung bakit may kaibigan kang plastik kahit mabuti ka namang tao. Halos lahat kasi ng mga tao ngayon ay nakamaskara na, hindi natin alam kung ano ang tunay nilang motibo kung bakit nakikipagkaibigan sila sa atin. Sabi ko nga, ang buhay ay may positibo at negatibo. Kung nangyari man sa 'yo ngayon na may mga kaibigan kang plastik, hindi naman nila intensyon na awayin ka. Sila lang y'ong mga tao na kokontra sa mga plano mo o sa mga interes mo sa buhay. Kaya't napakahalagang malaman mo ang kanilang kinikilos para hindi ka nila maunahan. Kailangan mo na silang tanggalin sa buhay mo. Heto na ang 8 sign na PLASTIK ang kaibigan mo.


NUMBER 1
DINI-DISCOURAGE KA NILA

Dini-discourage ka nila sa paraang hindi halata. Halimbawa gusto mong mag negosyo dahil gusto mong maka-experience ng pagka-negosyante or gusto mong kumita ng mas malaki kaysa sa sinasahod mo ngayon, imbes na ipu-push ka nila, sasabihin pa nila. “Gusto mo ba talagang mag negosyo? Hindi naman papatok 'yan? Maliit lang ang puhunan mo? Malulugi ka lang niyan? Marami ng nagnenegosyo ng ganyan, hindi ka na makakasasapaw sa mga nauna.” Sa isang dinig, parang may malasakit sa 'yo, 'di ba? Kapag ina-analisa mo ng mabuti, hinahadlangan nila ang pangarap mo. May iba nga pagtatawanan ka pa dahil sa sobrang taas daw ng ambisyon mo. Minsan sasabihin nila na hindi mo kayang abutin 'yon. 'Wag mo silang pakinggan. Gamitin mo ang negatibo nilang reaksyon para ma-motivate ka. Gamitin mo 'yon para mas lalong magliliyab ang passion mo.

Sa kasamaang palad, hindi lahat ng tao ay may matatag na mindset. Kaya hindi nila alam o hindi nila maintindihan kung ano ang mga pinagsasabi mo. If this has been the case for you, I want you to know that their discouragement may have everything to do with them and nothing to do with you. Kapag may nagtangkang pumigil sa 'yong pangarap, ito ay dahil ang mga taong ito ay una, WALANG VISION SA BUHAY, pangalawa, NATATAKOT SILA KUNG ANO ANG MAABOT MO, pangatlo ay NAIINGGIT SILA SA PANGARAP MO. Kung ang tao ay walang vision, paano sila makakasuporta sa vision mo e wala silang gan'on. Sabi ko nga kanina, hindi ka nila maintindihan. Ano naman ang ibig kong sabihin sa pangalawa, natatakot sila dahil kung may makamit ka man, manliliit sila sa kanilang sarili. Parang sampal 'yon sa kanila. Parang iniisip nila na wala silang silbi. That means they compare themselves to you, and if they perceive that you are better than them in any way, their sense of self-worth decreases. Hindi kakayanin ng EGO nila ang INJURY.

Gusto nilang punitin ang kompiyansa mo. Kung may kaibigan ka na mas pinu-push ka pa o hinuhubog ang iyong kompiyansa, 'yon ang tunay na kaibigan. Their goal is to encourage and support you with their honesty. Ito namang mga plastik mong kaibigan, gusto nilang pareho kayo na walang pangarap sa buhay. Usually because your insecure friend thinks this will somehow help them feel better about themselves.


NUMBER 2
SOBRANG SARAP KASAMA


Alam mo naman, lahat ng sobra ay masama. Yung inaakala mong masarap ay may mapait na dala. Ano ang ibig kong sabihin? Masarap kasama kung kaharap ka. Paano naman kung wala ka? Siguradong ikaw ang pulutan sa usapan. Sasaktan ka nila sa gan'ong paraan. Kapag tinitira ka patalikod, hindi ka masasaktan kasi hindi mo alam. E paano kung alam mo. Matutuwa ka ba? Siyempre masasaktan ka kahit hindi mo pa kilala ang taong tumitira sa 'yo. Lalo na kung ang tumitira sa 'yo ay malapít mong kaibigan o lalo na kung kamag-anak mo pa. Knowing that someone is deliberately degrading you in public, trying to hurt you or even trying to persuade others to think negatively about you, is enough to feel hurt for several days. Uulitin ko, hindi ito tungkol sa 'yo. Tungkol ito sa kanilang ugali. They probably have an issue with themselves and they blame it on you so they don’t have to sort things out with their own personality. Kung may mga bagay man na hindi nila nagustuhan sa 'yo, dapat harapin ka nila, kakausapin ka ng mabuti. Pero ang ginawa nila ay mali, senyales ito ng immaturity.

But remember this, choose your response. Kung negatibo ang ibinabato nila sa 'yo, kung alam mo sa sarili mo na hindi tama ang sinasabi nila, i-ignore mo na lang. Hindi ko alam kung may tumitira ba sa 'kin. Kung mayroon man, wala akong pakialam kasi wala naman akong ginagawa. Bahala na silang mai-stress sa kakaisip sa akin basta ako, sa pangarap ko pa rin ako nakapokus. KILL THEM WITH KINDNESS. Hindi ko sinasabi na magpapatapak ka na lang sa kanila. Ang ibig kong sabihin ay isipin mo na lang na sila ang may problema at hindi mo sila dapat patulan pa. Don’t take it personally. Hindi ikaw ang biktima. Biktima sila sa sarili nilang negativity. It is their issue. It has nothing to do with you. Hindi mo man makokontrol kung ano ang mga sinasabi nila tungkol sa 'yo pero makokontrol mo pa rin kung paano ka mag react sa mga sinasabi nila.


NUMBER 3
HAHADLANGAN KA NILA

Pero y'ong paghadlang nila, hindi mahahalata. Kadalasan nangyayari ito sa trabaho. Halimbawa sa kompanya, matunog ang pangalan mo dahil mabait ka, matulungin, halos lahat ng positibong katangian nasa sa 'yo na, pero yung plastik mong kaibigan, hindi matanggap 'yon. Dahil nga sa inggit, 'di ba? Gagawa siya ng paraan para mahadlangan ka ng hindi mo alam. Ano ang gagawin niya? Gagawa siya ng kwento o reklamo tungkol sa 'yo. Pero hindi mo malalaman kung sino ang gumagawa nito sa 'yo dahil sasabihin rin ng iba na naririnig lang daw nila. Hindi nila pinu-point kung sino ang nagsabi. Humahadlang kasi sila kasi ayaw nilang umangat ka. Gusto nila sila lang. Mag-ingat ka sa mga taong ito dahil hindi mo alam kausap mo lang pala sa araw-araw ang tumatraydor sa 'yo. Nasisiyahan sila sa paggawa nito habang ikaw ay nagdurusa.

Hindi lang ito nangyayari sa trabaho, minsan sa paaralan din. Kini-claim nila ang idea na hindi naman galing sa kanilang isipan.


NUMBER 4
KINOKOPYA KA NILA


Nagbabalat sila. Kaya minsan tinatawag nating AHAS ang kaibigan natin, 'di ba? Kung sino pa ang best friend mo, siya pa y'ong best enemy mo. Tatalunin ka nila sa pamamagitan ng pagkopya ng mga katangian mo at anyo mo. Kadalasan mangyayari ito sa relasyon. Kaya nga ang daming ahas na best friend, 'di ba? Nang-aagaw sila ng atensyon. Aagawin nila ang jowa mo. Paano nila ginawa 'yon? Kokopyahin nila kung ano ang mga istilo mo, mas sosobrahan pa nila. Halimbawa, sweet ka sa partner mo, gagawa sila ng MAS SWEET pa d'on. Kung mabait ka, MAS MAGPAPAKABAIT sila. Sila ang MAS kaya ang partner mo ay nabibighani sa kanila. Tinalo ka nila sa sarili mong istilo. Siyempre LAMANG na sila kaagad. TALO ka. Mangyayari din ito sa negosyo, gagamitin ng kakompetensiya mo ang sarili mong ideya tapos dadagdagan nila para mas kapansin-pansin. TALO ka na naman ulit. Kaya ito ang dahilan kung bakit hindi sinasabi ng ibang kompanya kung ano ang mga ingredients ng kanilang produkto o paano ginawa ang kanilang produkto para hindi magaya o malamangan ng mga kakompetensiya. Sa madaling salita, gusto ng mga plastik mong kaibigan ang lahat ng mayroon sa 'yo at gagamitin nila ang istilo mo para makuha rin 'yon. Kaya ito ang dahilan kung bakit hindi ko nire-reveal ang lahat ng istilo ko para hindi ako basta-bastang magamit ng sino man. The Japanese say you have three faces. The first face, you show to the world. The second face, you show to your close friends, and your family. The third face, you never show anyone. It is the truest reflection of who you are.


NUMBER 5
NAGTATAGO SILA


Yung kaharap mong kaibigan, maaaring hindi siya 'yon. Ibig kong sabihin, baka pakitang tao lang. Yung mga kakilala mo online, baka may motibo 'yan. Ang dami ng ganito e. Lumilikha ng pekeng persona. Dalawa lang ang ibig sabihin niyan, ito ay kanyang OPENSA o ginawa niya ito para pang DEPENSA. Minsan nagpapanggap ang isang tao para depensahan ang kanyang sarili lalo na kung napi-pressure siya sa sitwasyon. Magpapanggap sila para hindi mahusgahan, hindi ma-bully, hindi matapak-tapakan. 'Yan ang depensa.

Pero may mga tao ring nagpapanggap para umatake. People pretend to get something they want. Siguro may nakikita sila sa 'yo na pwedeng mapapakinabangan. Lalo na kung mapera ka na, nagpapanggap silang mabait para madali kang magtiwala sa kanila. Pera lang pala ang habol sa 'yo. Akala mo malinis ang intensyon, minamanipula ka lang pala. Nakakatakot isipin, 'di ba?

Pero bakit nga ba nagkukunwari sila na gusto ka nilang maging kaibigan? Maraming rason 'yan e. Sabi ko nga kanina, lalo na kung may pera ka. Maaari ring ginusto ka nila para lang may gumusto sa kanila pabalik. Para bang LIKES sa social media, pag nag like ang isa, nila-like back mo rin para ma-boost ang ego niyong dalawa. Pero hindi ko ginagawa 'yon. Wala akong pakialam kung walang mag LIKE, hindi 'yon basehan ng pagkatao ko. Sana ay gan'on ka rin katatag. Ultimately we can never read people's minds, and we can't change people either. What we can do is be aware of red flags, and watch for consistency. We can also reflect on what the pretence tells us, beyond the surface level, and we might be left with a lot of valuable insights; some may perhaps be comforting.


NUMBER 6
SUMASALUNGAT SA 'YO


Ito y'ong mga taong gusto nila, sila lang ang magaling. Palagi silang sumasalungat sa opinyon mo. Kahit isang opinyon o ideya mo, hindi makakalusot. Siguro sinadya nilang ganyanin ka just to provoke a reaction. This is classic antagonistic behavior. Siguro may sira sa isip ang mga taong ito. Hindi lang opinyon mo ang nire-reject, pati damdamin mo. Wala silang pakialam kung nasasaktan ka na. Ini-ignore ka lang, ayos na sila. Sarado kasi ang kamalayan nila. Hindi nila alam kung ano na ang kasamaang ginagawa nila. They assume that everything negative that happens must be someone else’s fault. Dahil nga hindi bukas ang kanilang isipan, para sa kanila ay normal lang ito. These are people who ‘enjoy’ stirring things up. These people are likewise emotionally damaged souls.


NUMBER 7
MAINGGITIN


Jealousy is a relationship-killer. Minsan hindi mo alam na may inggit na pala ang kaibigan mo sa 'yo. Minsan hindi mo alam kung bakit nagagalit sila sa 'yo. Isa sa mga dahilan ay naiinggit na sila. Kung maayos ang buhay mo ngayon, matagumpay ka, umaangat ka na sa buhay, sikat ka na, ikaw ang target ng mga taong mainggitin. I don't know why they do that, it is not a pleasant feeling. Kung naiinggit man sila sa 'yo, alamin mo kung bakit. Para maipakita mo sa kanila na hindi dapat sayangin ang buhay nila sa pagdikit ng negatibong emosyon na ito.

Obsess na obsess kasi sila sa mga nakamit mo. Gusto rin kasi nilang makamit 'yon. Pero ikaw ang nauna e. Pero alam mo ba, ang mga taong ito ay mahilig din magbigay ng payo, yun nga lang, masamang payo. Sabi ko nga kanina sa number 1, magbibigay sila ng advice na makaka-discourage sa 'yo. 'Wag mong kalimutan, ang gusto lang talaga nilang mangyari ay makita kang mabigo. Kaya 'wag kang humingi ng payo sa mga taong ito, madi-discourage ka lang. The logic is, if they are already jealous of you right now, they are not likely to tell you how you can do better. Parang ginawa na nila itong misyon, ang pabagsakin ka. Kung ikaw ay nasasabik tungkol sa isang plano na iyong ginawa, sila ang unang magtuturo ng anumang kakulangan dito, para lamang mapawi ang iyong pangarap. Mag-ingat ka dahil hindi lang tao sa social media ang kalaban mo, minsan nasa malapit lang.


NUMBER 8
HINDI SILA SUSUPORTA SA 'YO


Ang dami kong kakilala pero hindi nag subscribe sa Channel ko. Wala naman akong pakialam d'on. Na-realize ko lang, kung sino pa ang hindi ko kilala ay sila pa ang sumusuporta. Kayo ang sumusuporta sa akin. Kaya nagpapasalamat ako sa inyo. Ayaw nilang sumuporta, kasi nga, takot silang makaangat tayo. Pero umangat e. Ganito din siguro kayo, no? You expect support and encouragement from people you consider close to you only to be completely rejected, criticized, or worse, laughed at. Pero gusto kong ibaon ito sa 'yong utak, ang passion mo ang iyong prayoridad. May sumusuporta man o wala, magpatuloy ka lang. Kasi ayokong dumating ang panahon na magsisisi ka kung bakit wala kang ginawa at nasayang lang ang iyong panahon. This passion of yours is one of the most important things in your life. Follow your heart, and not the words of others just to live up to their expectations. Napakaikli lang ng buhay. Makakaya mo ito kahit hindi sila susuporta kasi mayroong tao na hindi mo kilala ang magpu-push sa 'yo. Just think of how many successful people took the road less traveled. You’re a very powerful being, just by yourself. Believe in that, don’t give up, and you’ll go a long way, whichever road you take.

Last message ko sa 'yo, 'wag mo silang saktan physically or verbally, may panahon na mapagtanto rin nila na mali sila at kusa silang magbago. Yung mga tunay na kaibigan natin, magiging kaaway natin. Yung mga kaaway natin, magiging tunay nating kaibigan. Pwedeng mangyari ang hindi natin inaasahan. Kasi nga, lahat tayo ay nagbabago kaya 'wag tayong manghusga.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177