12 Expectations That Don't Bring Happiness By Brain Power 2177


Photo by Markus Spiske from Pexels

Alam ko na may mga araw na pakiramdam mo ay hindi ka sapat, para bang naiisip mo may kulang sa 'yo. May mga araw din kung saan nakakaramdam ka ng pagka-guilty dahil hindi tama yung mga pinipili mo sa buhay. O minsan negatibo ang pag-iisip mo. Sa totoo lang, walang kulang sa 'yo. Sapat ka na. Naiisip mo lang 'yan dahil may mga expectations ka sa 'yong sarili na hindi mo naman maaabot. Para bang nag-iilusyon ka lang. Pilit mo kasing tinataasan ang expectations mo. Mataas rin ang expectations ng lipunan sa atin. At hindi natin maaabot 'yon. Sinasabi nila na dapat perpekto ang hitsura mo, perpekto ang body figure mo, dapat perpekto kang magulang, dapat perpekto kang empleyado, perpekto kang anak. Pero hindi natin maaabot 'yon. Napaka-imposibleng makamit ang inaasahan nila sa atin. 'Yan ang rason kung bakit tayo rin ay madaling makaramdam ng negatibong emosyon. Kapag hindi natin maabot ang expectations nila o ang expectations natin, iniisip natin na wala tayong kwenta. 

Baka nakakalimutan mo tao ka lang na paulit-ulit na makakagawa ng pagkakamali at mabibigo ng ilang beses. You can’t beat yourself up each time you stumble and fall. Bakit? Ang daan na dinadaanan mo ay sa 'yo lang. Sa 'yo lang ang buhay na 'yan. Pwede kang mabigo, pwede kang magkamali. Pwede mong pasayahin ang buhay mo. Bitawan mo lang ang 12 imposibleng expectations na ito.


NUMBER 1
PERPEKTO


Bitawan mo na ang pagnanais na maging perpekto ka. WALANG PERPEKTO. Ipasok mo 'yan sa isip mo. Hindi ka magiging perpekto kahit ano pa ang gagawin mo. Halos 8 bilyon katao sa mundo, pero ni isa, walang perpekto. Kahit si Elon Musk, Mark Zuckerberg, si Warren Buffet, Bill Gates, kahit gaano pa sila kayaman, magkakamali pa rin sila. Tao lang din sila. Stop beating yourself up. Yakapin mo ang sarili mo dahil normal ka. Ayos lang ang magkamali, pero gamitin mo ang pagkakamaling 'yon para matuto ka.


NUMBER 2
WALANG KAGULUHAN


Palagi kang naghahangad na sa sana'y wala ng gulo. Hindi mangyayari 'yon. May kaguluhan dahil magkakaiba tayo ng paniniwala at opinyon. May alitan din sa relasyon. Kung ini-expect mo na sana'y palaging maayos ang inyong relasyon, ilusyon lang 'yon. Walang gan'on. Sabi ko nga, may mangyayaring alitan dahil sa kaibahan natin. Kahit mag-asawa pa kayo, hindi pa rin kayo pareho ng opinyon. Kaya nga tinatawag tayong indibidwal kasi may kanya-kanya tayong pag-iisip. Iba pang halimbawa, yung anak mo ay gustong mag explore. Kahit saan pumupunta ang anak mo. Ikaw naman bilang isang magulang, layunin mong protektahan ang iyong anak. Ano ang gagawin mo? Pinipigilan mo siya sa kanyang pag-eexplore kasi ayaw mo siyang mapahamak. Diyan magsisimula ang alitan. Bakit? Yung needs ng anak mo at yung needs mo bilang magulang ay magkaiba. Magkakagulo ang bahay. Ang punto ko lang, walang perpektong pamilya at relasyon. Kaya't ako, hindi ako magsasabing SANA ALL kasi alam ko sa tunay na buhay, katulad rin sila sa atin. May mga alitan rin.


NUMBER 3
PATAS ANG BUHAY


Bumitaw ka na sa ilusyong 'yan. Hindi kailanman magiging patas ang buhay. Kahit napakabait mo pa, may masama pa ring mangyayari sa 'yo. Kahit napakasama mo, may magandang mangyayari sa 'yo. Totoo 'yan. Hindi patas ang buhay. Kita mo naman sa realidad, 'di ba? Kung sino pa y'ong hindi nagsisimba, siya pa y'ong puno ng biyaya. Hindi ko naman sinasabi na 'wag mong paglingkuran ang Diyos. Punto lang naman ito ng walang patas na buhay. Life is not meant to be fair. It never was, never is and will never always be fair, so now what? 'Wag kang mag expect na sana'y maayos ang buhay mo dahil lang mabuti kang tao o nagsisikap ka sa buhay. May sariling panuntunan ang buhay at napakakomplikado pa at hindi pareho ng resulta. Kita mo naman, yung mga taong kayod ng kayod, wala pa ring pera. Yung taong parang walang ginawa, hindi nauubusan. Everyone here is a victim of life's unfairness. I just wondered why things happened to some people and wish I could just lift my hands and make their problems go away. But the truth is, I am also a victim. Kaya't simula ngayon, bumitaw ka na sa ilusyong PATAS ANG BUHAY kasi hindi mangyayari 'yon.


NUMBER 4
PERA-PERA NA LANG


Kung palagi mong iniisip na pera lang ang layunin mo sa mundong ito, madali kang matatamaan ng lungkot. Bakit? Hindi mo nakikita ang ibang side ng buhay mo. In simple and obvious ways, we all need money for everything from fulfilling basic needs necessary for survival to making our wildest dreams come true. Pero hindi lang pera ang layunin natin sa mundo. Ang dami pa. Kung pera-pera na lang ang iniisip mo, ma-burnout ka. Mapapabayaan mo na ang iyong physical health. Nakapokus ka na ng sobra sa trabaho, sa negosyo. It involves intense psychological pressure that could be overwhelming. If your sole focus in life is to make more money, you run the risk of losing regard for your health and wellbeing, eventually becoming unable to continue your pursuit.


NUMBER 5
LAHAT SUMANG-AYON


Ilusyon lang 'yan. Kahit ano pa ang gagawin mo, may mga tao na hindi sumasang-ayon sa 'yo. Kahit gaano pa kaganda ng idea mo o opinyo mo, may mga taong hindi makakaintindi. Tanggapin mo ang katotohanang 'yan. Bumitaw ka na sa pag-iisip niyan. Masasaktan ka lang. Bibigyan kita ng halimbawa: ang bulag ay hindi nakakakita kung ano ang tinuturo mo sa paligid. Mahihirapan siyang sumang-ayon sa 'yo dahil hindi niya nakikita kung ano ang ginagawa mo. Paano naman ang color blind na tao? Sabi mo sa kanya brown ang aso, pero grey ang nakikita niya. Paano siya sasang-ayon sa 'yo? Paano naman ang matalino sa science, ipinapakita niya sa isang tao ang kanyang formula, pero ang taong mahina sa science, hindi maiintindihan 'yon. In some circumstances, people will disagree with you even if you are telling the truth. Halimbawa sa politika, sabi ng isa, napakabuti ng taong ito, tapos sabi naman sa kabila, masamang tao 'yan. But if you dare to discuss this with people and insist your opinion. Nobody will agree with you, and you're screwed. Kaya kung walang sumang-ayon sa 'yo, tanggapin mo na lang. 'Wag kang malungkot. 'Wag kang umasa na maiintindihan ka ng lahat. Normal lang ito.


NUMBER 6
WALA NG PROBLEMA


Kung isa ka sa mga taong naghahangad na sana'y wala ng problema, masasaktan ka lang sa sampal ng katotohanan. Kasi hindi 'yan mangyayari. Ang problema ay parte na ng ating buhay. Bumitaw ka na sa kakaisip ng walang problema. Yung taong tinatanong mo kung ayos lang ba siya, siyempre sasabihin niya ayos lang siya. Pero sa totoo, may problema ang taong 'yon. Kahit napakarami mong pera, may iba't-ibang isyu ka pa rin sa buhay. Hindi ako naniniwala na porket mayaman na, wala ng problema. Hindi totoo 'yon. Pero hindi naman NEGATIBO ang problema. Depende na ito sa tao kung paano niya binigyang kahulugan ang problema niya. Kung ako ang tatanungin mo, ang problema ay nakakapagpabalanse ng ating buhay. Ito ang dahilan kung bakit nagagamit natin ang ating isipan para kumilos. There is no sunrise without sunset, no day without night, no happiness without sadness
no vacations without money, no success without failure. So problems are a part of life, but nothing is permanent in life. For every end, there is a new beginning. Change is the only constant. 


NUMBER 7
LALAPITAN TAYO NG SWERTE


Ito ang isa sa mga naririnig ko sa mga tao. Kumakapit sila sa swerte. Yun bang,

“BALANG ARAW MAHUHULOG RIN ANG MGA TALA SA MGA KAMAY KO”

Hindi 'yon mangyayari kung WALA KANG GINAGAWA. Isa ako sa mga hindi naniniwala sa swerte. Alam mo ba kung ano ang pinaniniwalaan ko? Lahat ng bagay ay pinaghihirapan. Kahit nanalo ka pa ng lotto, pinaghirapan mo 'yon. Ano ang ibig kong sabihin, bago ka tumaya, yung perang hawak mo ay pinagtatrabahuhan mo, naglalakad ka pa papuntang lotto outlet, yung mga numero, pinag-isipan mo 'yon ng mabuti bago mo itaya. Kung wala kang trabaho, wala kang pangtaya, kung hindi ka pupunta, hindi ka makakataya, kung wala kang numero, hindi ka makakataya, paano ka mananalo? 'Yan din ang buhay. Sabi ng mga tao sa 'kin, ang swerte mo naman, may pera ka. Oo may pera nga ako, pero sana'y magpokus din kayo kung ano ang mga ginagawa ko sa buhay. Hindi ito swerte na nahuhulog sa mga palad ko, pinagsisikapan ko ito. My point is, you are going to have to work for everything that you do. Walang libre sa mundo. Tandaan mo, kung libre mong nakuha, hindi matamis ang pagtrato mo sa bagay na 'yon. 


NUMBER 8
MALA-FAIRYTALE NA BUHAY


Isa ito sa mga expectations ng mga tao e… Aminado ako, noong bata pa ako, akala ko ang buhay ay parang fairytale, noong teenager na ako, doon ko na-realize na wala palang gan'on. Kaya bumitaw ka na rin sa ilusyong ito. Resulta ito sa kakapanood mo ng mga drama sa TV. Walang prinsesa na nakakulong tapos ililigtas ng prinsipe. Walang gan'on. It is only in fairytales that life appears magical and bliss, because once you have lost the love of your life, you can’t get them back by sharing a kiss. Walang superhero sa tunay na mundo na magliligtas sa atin sa kasamaan. Tayo ang superhero sa sarili nating paraan. Ililigtas natin ang ating sarili at ang ibang tao. What I'm trying to say is, don’t wait for the magic to happen, cause reality is a little rough. Life is not easy as a fairytale. It has the shades that are light and darker. All you can do is LOVE, HAVE FAITH, STAY STRONG.


NUMBER 9
NAKAKAPAGPASAYA
ANG MATERYAL NA BAGAY


Kahit may kumukontra pa diyan, wala akong pakialam. Kasi nga nararanasan ko na ito. Taong 2020, release ng iPhone 12, bumili ako kaagad. Nasasabik akong buksan yung box. Sa umpisa ang saya pero pagkaraan ng ilang linggo, nagiging normal na ang lahat. Ibig sabihin, ang mga materyal na bagay ay nakakapagpasaya sa panandalian lamang. The pursuit and purchase of physical possessions will never fully satisfy our desire for happiness. Bakit gan'on? Kasi lahat ng bagay ay kumukupas. Kapag bago siyempre nakakaakit tignan. Kapag nasa sa 'yo na, unti-unti na 'yang kumukupas. Isa pa, may palaging bagong darating na MAS MAGANDA pa sa binili mo. Doon na naman sa bagong bagay titibok ang puso mo. Hindi natatapos 'yan. Kita mo naman, noon iPhone 4 lang ang nakikita natin hanggang sa umabot ng iPhone 13. Baka sa susunod may 14 na naman. At ang mas masakit pa, hindi naman nai-impress ang mga tao sa mga binili mo. Wala naman silang paki sa mga nakuha mo.


NUMBER 10
MAGTATAGUMPAY KA
NG WALANG PAGHIHIRAP


Isa 'yang expectation na nakakasakit ng damdamin. Remember this, TRUE SUCCESS comes from endurance and perseverance, embracing failure and taking something positive from every one. If success were easy then everyone would be successful. I prefer not to leave my life to luck. I prefer to invent opportunity and embrace the failures as steps on the ladder to success. Maraming beses na akong napagsabihan na wala akong mararating sa buhay. Naaalala ko pa noong bago pa lang akong naging freelance writer, ghost writer rin ako, akala nila walang mangyayari kapag gan'on lang ang ginagawa ko, para lang daw kasi ito sa mga taong ubod ng galing, sa mga taong mataas ang degree. But I didn't listen. I only knew that I had to improve my life and that nobody else was going to improve it for me. Bago ako nagtagumpay, dinadaanan ko ang mahihirap na daan. Umabot sa punto na nawalan ako ng gana sa passion ko. The point here is, the next time you fail at something congratulate yourself! It is an achievement. You are one step closer to actual success. You always take away valuable insights and lessons from failure. Along the way you learn a lot about yourself and about what makes you happy.


NUMBER 11
MABABAGO MO ANG MGA TAO


Hindi. Isa rin 'yang ilusyon. Magagabayan mo ang mga tao, mapapayohan mo sila, pero hindi mo sila mababago kung ayaw nila. Sila lang ang may kakayahang gumawa nun. Gaya ng ginagawa ko, pinapayohan kita, mino-motivate kita, pinapaiwas kita sa mga walang kwentang bagay, pero hindi kita kayang baguhin. Ikaw lang ang makakapagpasya kung gagawin mo ito para sa sarili mo. Kasi kung papasok ako sa sitwasyon mo at itutulak kitang magbago, isa 'yang boundary violation. Imbes matutulungan kita, magugulo ko lang ang buhay mo. Tignan mo y'ong mga taong naninigarilyo, alam naman nila na nakakasira 'yan sa kanilang katawan pero desisyon nila na magsigarilyo pa rin, subukan mong pilitin siyang magbago, baka masasapak ka pa. Siya lang ang makakapagdesisyon kung kailan siya hihinto sa paninigarilyo. 'Yan ang punto e. It’s a boundary violation. It’s taking responsibility for another person’s actions and emotions. Magbabago naman sila kung gusto na nila. 'Wag mo lang pilitin.


NUMBER 12
GUSTO KA NG LAHAT


'Wag kang mag-isip na lahat sila ay gusto ka o magugustuhan ka. One of the hardest lessons I’ve ever had to learn was that not everybody was going to like me. You and I are not everybody’s cup of tea and that's more than okay. In fact, that’s great because it means we have distinct personalities, we have original ideas, personal opinions, and our own brands of creativity. Once you make peace with the fact that not everyone is going to like you, you will be surprised how it feels—it’s as if a weight has been lifted off of you, and you feel freer. You no longer have to hide your real personality or try to conform to a more acceptable version of yourself. Ang gawin mo lang ay wala kang dapat gawin. Kung hindi ka nila nagustuhan, ayos lang 'yon. It’s a waste of your time and energy to try and make someone like you. Magkaiba tayo ng preference. No one is supposed to be liked by everyone. Don't take it personally. Hindi mo naman kasalanan kung bakit hindi ka nila gusto. Tanggapin mo lang na hindi lahat magugustuhan ka.

Ito y'ong 12 hindi kapani-paniwala na mga expectations na pinaniniwalaan mong mangyari. Pero sa totoo, ilusyon lamang ito. Natural lang naman na umasa pero kailangan mo rin i-adjust ang iyong pananaw.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177