10 THINGS You Should Never Tell Anyone By Brain Power 2177


Photo by Sound On from Pexels

May mga bagay na hindi dapat ipagsabi. Kasi kung lahat ng bagay sini-share mo sa iba, para saan pa? Yung iba hindi ka maiintindihan, yung iba ay walang pakialam, yung iba ay gagamitin 'yon para siraan ka. At isa pa, wala namang tao na gustong makihalubilo sa mga taong puro salita na lang tungkol sa kanyang buhay. Kaya't napakahalagang magtira ka rin ng sekreto sa buhay mo. Heto na ang 10 mga bagay na hindi mo dapat ipagsabi sa ibang tao.


NUMBER 1
LAYUNIN MO


When you set a challenging and long-term goal for yourself, don’t tell anyone about it—o kung gusto mo talagang i-share, kahit sa iilang tao lang. Because the fewer people you tell, the greater your chances of actually achieving that goal. Bakit? Halimbawa, ang layunin mo ay magnegosyo, sa sobrang pagkasabik mo, sinisigaw mo na 'yon ang layunin mo. Paano kung biglang magbago ang layunin mo? Doon papasok ang PRESSURE. Natatakot kang ibahin ang layunin mo, dahil nasabi mo na sa ibang tao e, at ang masaklap pa, pagsasabihan ka nila na sinungaling ka o wala kang isang salita at sobrang yabang mo, hindi mo naman tinunutupad ang pinagsasabi mo. Kaya't kahit hindi mo na gusto ang layunin mo, nag-stick ka pa rin dahil may halo ng pressure e. May halo ng takot. Mas lalong hindi mo makukuha dahil hindi mo na mahal ang layunin mo na 'yan. Takot na ang nangingibabaw.

Dalawa lang ang klase ng tao. Una, yung mga taong gumawa ng plano at ipagsasabi ito at pangalawa ay y'ong mga taong gumawa ng plano at palihim itong tinatrabaho. Saan ka sa dalawang 'yan? Whatever you’re setting your eyes on, it’s better to keep that thought to yourself. Kasi isa pa, hindi lahat ng tao ay masaya sa mga plano mo at hindi lahat susuporta sa 'yo. Kung gayon, bakit mo pa sasabihin sa kanila ang iyong next move, 'di ba? There’s a lot of competition and jealousy these days. Your goals could be overwhelming for them and might even show them a mirror highlighting their incompetence and flaws. Save your energy for your goals, not for your explanations.


NUMBER 2
KABUTIHAN MO


Kung may nagawa kang kabutihan, hindi mo na dapat ipagsigawan pa na may nagawa ka. Hindi mo na kailangang magpaliwanag. Pero iilan lang ang gumagawa nito. Halos lahat pino-post na sa social media para ma-validate ang ego nila. They might help people in need as a form of making themselves feel like a better person, but it has nothing to do with helping them. It’s about helping themselves feel better about themselves. 'Yan ang nakikita ko sa mga ginagawa ng mga tao ngayon e. Kung gagawa ka lang ng kabutihan para lang may maipagmamayabang ka, hindi 'yon tunay na kabutihan. Hindi tinitignan ng Diyos ang kinikilos mo, doon siya tumitingin kung ano ang laman ng puso mo. Be kind. Be humble.


NUMBER 3
LIFESTYLE MO


Mula nang magkaroon ng social media, maraming tao ang nahilig sa paggamit ng mga social app. Mas dumarami ang mga tao sa online world. Nakasanayan na natin na kinukuha natin ang ating cellphone, pino-post natin ang mga magagandang pangyayari sa buhay natin. Sa sobrang pagkasabik sa social media, sumobra na ang pagpo-post natin, pati pribadong buhay ipinapaalam na sa lahat. Ang tanong ko lang, kailangan ba talagang malaman ng mga tao ang bawat detalye ng buhay mo? Sa tingin mo ba'y natutuwa sila sa 'yo? Ang madalas na pag-post ng iyong lifestyle sa social media ay maaaring humantong sa social comparison, kung saan inihahambing ng mga tao ang kanilang buhay sa iba. Ito ay maaaring humantong sa mental breakdown. Nang dahil sa social media, ang mga tao ay nagkokomparahan sa buhay nila. Kung may maganda mang nangyari sa buhay mo, kung maayos man ang takbo ng buhay mo, then good for you. 'Wag mo lang itong gamitin para ipamukha sa iba na matagumpay ka at talunan sila o di kaya'y ipagmamayabang mo. Don't live your life to prove yourself to others, live just for yourself. A private life is a happy life. Totoo 'yan. Kapag kasi pribado ang buhay mo, walang butas na masisilip ang mga tao. Hindi sila basta-bastang makakapag-chismis sa buhay mo. You should not become an open book which can be read by anyone. It is not necessary to share every parts of our lives with other people especially people we don’t know and don’t even care about us.


NUMBER
4 PILOSOPIYA MO


Ibig sabihin nito ay y'ong daan na tinatahak mo o mga bagay na ginagawa mo na nakakapagpatatag sa 'yo o mga bagay na pinaniniwalaan mo. Ayos naman kung ibabahagi mo sa iba ang iyong pilosopiya regardless nasa tamang landas ang tao o wala. Dahil ma-iinspira mo rin sila. Pero dapat i-consider rin natin ang parameters. Ibig kong sabihin, halimbawa ang mga ginagawa ko sa buhay na nakakapagpatagumpay sa akin ay hindi gagana sa ibang tao. In some cases, may mga taong namo-motivate ko sa aking kwento at may mga tao ring walang pakialam sa pilosopiya ko sa buhay. It depends on what kind of person you are dealing with. If sharing your life with someone helps you then surely you should do that but if not then that person better learn their life lessons in time. Kaya't hindi mo na dapat o kailangang i-push kung ano ang pilosopiya mo sa buhay. Your individual preferences and beliefs are yours alone. 'Wag mong sayangin ang iyong mahalagang oras sa pagkumbinsi sa iba na mag-isip katulad mo. Ako'y nagmo-motivate sa 'yo pero hindi kita pinipilit na dapat ganito ka mag-isip. Ikaw lang ang makakapagpasya.


NUMBER 5
PROBLEMA SA PAMILYA


Pero may positibong side rin kung ilalabas mo ang problema. Kung may problema ang pamilya ninyo, alam ko naman na ika'y maaapektuhan, ika'y mabibigatan kaya't kailangan mo itong ipagsabi. Walang masama dito. Pero sa negative side, y'ong pinagsasabihan mo ay mapagkakatiwalaan mo ba? May mga taong pagsasabihan mo na walang pakialam sa gulo ng pamilya mo, may iba din umaastang nagki-care sa 'yo, may iba din nakikinig nga pero ipagkakalat nila sa iba ang nangyaring kaguluhan sa pamilya niyo. Kaya't mag-ingat ka kung kanino mo ito ibinahagi. Kung may kaibigan ka man na mapagkakatiwalaan mo at nag-oofer ng suggestions, 'yon ang maganda. Gagaan talaga ang pakiramdam mo. Tandaan mo, hindi lahat kailangang isiwalat. Some things are better kept inside. Mas madaling resolbahin ang problema kung doon ka makipag-usap sa taong naging ugat ng problema.


NUMBER 6
BUHAY NG IBA


Nakikiusap na ako sa 'yo, kung may narinig kang hindi kaaya-aya sa buhay ng ibang tao, 'wag mo itong ipagkalat. Hindi mo buhay ang buhay ng iba. Ibig sabihin, wala kang karapatan. Don't spend your time thinking about these unnecessary things. 'Wag mong ipagkalat para lang takutin ang taong 'yon o para sumikat ka. It is a form of bullying. And it can have serious consequences for you. At 'yan ay isang negatibong gawain. Hindi siya desente at napaka immature 'yan na gawain. At isa pa, makakasakit ka ng tao dahil nga pinagkalat mo ang mga negatibong nangyari sa buhay niya. Sino ba ang matutuwa nun, 'di ba? Kahit hindi mo pa gusto ang taong 'yon, wala ka pa ring karapatan na magpakalat ng baho niya. Always remember to mind your own business.


NUMBER 7
KAHINAAN MO


Kung ano man ang kinakatakutan mo, kung ano man ang kahinaan mo, ikaw lang dapat ang makakaalam nun. I strongly believe that we should not tell those things to other people. Para saan pa? Pwedeng magamit pa 'yang kahinaan mo laban sa 'yo. Kahit nga ngayon, yung pamilya mo pa mismo o mga kamag-anak mo ang magpapahina sa 'yo. Magkaiba ang KAMALIAN at KAHINAAN. Ang kamalian mo, dapat tanggapin mo na magkakamali ka. Ang kahinaan mo, ito y'ong bagay na makakapagpabagsak ng buong buhay mo kung may trigger na nangyayari. Bibigyan kita ng halimbawa para mas maliwanagan ka pa. Ang galit ay isang mabuting tugon kung may nagawang hindi maganda ang isang tao. Pero ang tanong, magagalit ba ang tao kung mabuti ang nagawa mo? Siyempre hindi. Paano kung hindi mabuti ang nagawa mo? Siyempre pagagalitan ka. Kapag galit ang isang tao sa 'yo, hindi niya maiisip ang positibong nagawa mo. Obvious na obvious na y'ong galit nila ay dahil sa nagawa mo. At hindi lang galit ang papasok sa utak nila kung alam nila ang kahinaan mo. Pagagalitan ka nila + gagamitin nila ang kahinaan mo para mas lalo kang masaktan, para mas lalo kang madurog. That’s what happens when people know your weaknesses. Paglalaruan nila ang emosyon mo dahil alam nilang madali kang masaktan sa ganyang paraan. That's why we need to hold on to our emotions, so that people don't play with it. Bakit mo pa ipagsabi ang kahinaan mo kung ang pinagsabihan mo ay tao lang din na may kahinaan, 'di ba? Lahat tayo ay may kinakatakutan, may kahinaan. Tignan mo ang ibang mga prank videos, ginagawa nila 'yon kasi alam nila na ang pina-prank nila ay mahina o takot sa ganoong bagay. Habang ika'y takot, natutuwa sila. Oo katuwaan lang naman ang prank pero bago mo malaman na prank pala 'yon, negatibo na ang reaksyon ng iyong katawan. Pwede kang magka-heart attack sa sobrang kaba o sa sobrang takot. Hindi kasi alam ng ating katawan kung prank ba 'yon e. Gaya ng tayo'y tulog. Kapag masama ang ating panaginip, mag-iiba ang reaksyon natin, 'di ba? Hindi naman alam ng ating katawan na panaginip lang pala 'yon. Pareho lang 'yan sa pag prank. Ang punto ko lang, 'wag mong ipagsabi ang kahinaan mo para hindi 'yan magamit laban sa 'yo. The only thing you can do is to be aware of those weaknesses and accept them.


NUMBER 8
NAKARAAN MO


Ano man ang nangyari sa nakaraan mo, ang response ko sa tanong na, PWEDE KO BA ITONG IPAGSABI, ay YES and NO. Yes pwede mong ipagsabi ang iyong nakaraan depende kung ika'y komportable. It's about your comfort level and your good friends should respect that. But it should be equal. Kung gusto mong ibahagi ang past mo, dapat ganoon rin sila, 'di ba? Iba-iba kasi tayo ng opinyon tungkol dito. Pero kung ako ang tatanungin mo, HINDI AKO PABOR. Because I think that certain things should stay inside my family circle and there is no need for any of my friends to know my past in every detail. Siguro mga 30% lang ang ipagsabi ko and the rest, sa akin na lang 'yon. Hindi kasi ako basta-bastang nagtitiwala sa mga tao. Lalo na sa panahon ngayon na ONE CLICK na ang labanan. Madaling maikalat ang buhay mo. People today are very different and you don't really know if it is even a good idea to talk about things. Kung may kailangan man silang malaman, sabihin mo. Pero kung wala naman, 'wag mo ng unahan. Other parts of your life are your thing. Para saan pa para halungkatin ang nakaraan mo? May magbabago ba? Walang magbabago. Kaya 'wag mo ng ibahagi ang nakaraan mo para wala ng gulo.


NUMBER 9
PERA MO


I practice stealth wealth. Ito y'ong SEKRETO lang na galaw. Gusto kong malaman mo ang karanasan ko. May apat akong natutunan tungkol dito. Yung unang tao na pinagsabihan ko tungkol sa mga kinikita ko sa pagiging writer, sa negosyo ko, sa pagba-vlog, nalulungkot siya dahil ikinokompara niya ang buhay niya at buhay ko. It's like I make people feel bad about their financial situation. Kaya natutunan ko na i-sekreto ko na lang. Ang isa pang nararanasan ko, nawalan ako ng kaibigan. Alam mo kung bakit, noong nalaman niya na may multiple streams of income ako, doon nabuo ang inggit niya. May isa pa akong nararanasan, maraming nangungutang sa 'kin. Pinapautang ko naman. Maraming nangungutang, kaunti lang ang nagbabayad. Napakasaklap, 'di ba? Kung hindi papautangin, pagsasabihan ka nila na nagbago ka na. Ipapamukha nila sa 'yo na ikaw ang masama. Pero hindi nila nakita na ang mga perang hawak ko ay pinaghihirapan ko ito. Halos hindi na nga ako natutulog e. Kita mo naman ang eyebags ko, 'di ba? At isa pa, umaasa sila palagi na ikaw ang maglilibre sa kanila kasi ikaw ang kumita ng malaki e. Sinasabi ko ito sa 'yo para hindi mo mararanasan ang lahat ng ito. Para bang lahat ng obligasyon ng iba ay pinapasan mo. Hindi pu-pwede 'yon. Hindi naman palagi malaki ang kita natin, 'di ba? Nag-iipon rin tayo para sa kinabukasan natin. Paano kung tayo ang mawalan? Wala ng makakatulong sa atin. Tayo ang kawawa sa huli.


NUMBER 10
PROBLEMA SA RELASYON


Ipagsabi mo lang kung abusive na ang partner mo, y'ong sinasaktan ka na physically o kahit verbally, ipagsabi mo para matigil na. Pero kung normal lang naman na mga problema o mga alitan ng buhay mag-asawa, ayusin ninyo ng kayo lang. Kasi ito ah, kung may problema sa relasyon ninyo tapos tatakbo ka kaagad sa pamilya mo o sa mga kaibigan mo, siyempre kakampihan ka nila kaagad dahil sila ang big supporters mo e. Kapag ginagawa mo 'yan, para kang bumubuo ng mga kaaway sa partner mo. Napaka-unfair nun, 'di ba? Paano naman kung naayos niyo na ang relasyon ninyo? Mababawi mo pa kaya ang mga sinasabi mong hindi maganda tungkol sa partner mo? Hindi mo na malilinis 'yon. I’ve seen it happen many times, and trust me, it can get ugly. Your relationship is going to go through ups and downs. Lahat ng nagmamahalan ay dadaan sa lubak-lubak na daan. Deal with your issues together. 'Wag niyong ipasok ang iba sa gitna. Mas lalo mo lang pinapalaki ang problema. Dapat mature ka na sa ganitong sitwasyon.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177