10 THINGS You Must Avoid By Brain Power 2177


Photo by SHVETS production from Pexels


Bago natin umpisahan ang topic natin, ang tanong ko sa 'yo, MASAYA ka ba? Y'ong totoong masaya? Ang kaligayahan ay isang bagay na sinisikap nating lahat na makamit. Kung gusto nating sumaya, dapat tanggap rin natin na ang buhay ay parang bula, napakaikli lang. Dapat tanggap rin natin na may mga pasakit at paghihirap sa buhay natin. Malaki ang epekto ng ating mga habits sa kalidad ng ating buhay. Ang ating mga habits ay direktang nakakaapekto sa ating kaligayahan at maaaring nakakaapekto rin kung bakit tayo malungkot.

Sabi ko nga sa nakaraan nating video, ang KALUNGKUTAN at DEPRESYON ay magkaiba. Ang depresyon ay malalim na kalungkutan na hindi mawawala kaagad. Ang kalungkutan naman ay mababaw lang na emosyon na nagreresulta lang kung may mga nangyaring hindi maganda. Kung ang depresyon ay pwedeng gamutin, gan'on din ang kalungkutan. Kaya heto na ang 10 HABITS na kailangan mong iwasan para sumaya ka.


NUMBER 1
REKLAMADOR
Photo by Liza Summer from Pexels


Ang palaging pagrereklamo ay masama sa 'yong kalooban at sa kalooban ng iyong mga kaibigan at kasamahan, ngunit hindi lang 'yon ang mali sa madalas na pagrereklamo. Malamang masama rin ito sa 'yong utak at kalusugan. Minsan masarap sa pakiramdam na magreklamo kasi mailabas natin ang ating gustong iparating pero hindi natin alam na sa kakareklamo natin, unti-unting magiging miserable ang buhay natin.

Gusto ko lang na isipin mo kung ano ba ang nararamdaman mo kapag nakikinig ka sa mga reklamo ng ibang tao. Masarap ba sa pakiramdam? Kung hindi masarap sa pakiramdam, sa tingin mo ba'y magugustuhan rin ng ibang tao ang pagka-reklamador mo? Siguradong hindi rin. At gusto ko ring malaman mo, sa palagi mong pagrereklamo, pinapakinggan ka ng sarili mo. Papasok ang negativity sa utak mo. I want you to consider whether complaining is doing you any good. Ito ba ay nagpapasaya sa 'yo? O ito ba ay nag-uudyok sa 'yo na gumawa ng positibong aksyon?

Gusto ko lang linawin sa inyo kung ano ang ibig kong sabihin sa pagrereklamo. I’m referring to the act of talking about something that you don’t like, to people who have no power to change things for the better, when you have no intention of working to change things for the better yourself. Halimbawa, nagrereklamo ka dahil sa sobrang traffic pero hindi mo naman kontrolado 'yon. Nagrereklamo ka dahil sa mga sipsip mong kasamahan, hindi mo naman sila kontrolado. Complaining is done with a tone that implies unfairness. It implies that there’s nothing to be done and you’re upset about it. Nakuha mo na ba ang punto?

Kaya kung gusto mong sumaya, 'wag ka ng magreklamo. Dahil sa tuwing nagrereklamo ka, puro negatibong mga salita ang lumalabas sa bibig mo. Kahit napakapositibo ng pangyayari sa mundo, nakapokus ka lang sa kamalian. Paano ka sasaya kung gan'on ang natatanaw mo? Lahat tayo ay may iba't ibang mga pangyayari sa buhay. Sa 'yo ang pangyayaring 'yan, sa akin naman ang pangyayaring ito. Patas man o hindi patas, gusto man natin o hindi, dapat nating angkinin ang pangyayari. Dahil atin ang pangyayaring 'yon. Kahit magreklamo ka pa, wala ka ng magawa dahil hindi mo kontrolado ang mga pangyayari.


NUMBER 2
NEGATIVE SELF-TALK
Photo by cottonbro from Pexels


Tayong lahat, may sarili tayong basher sa loob natin. Naririnig natin mismo sa sarili natin.


kaya hindi rin natin ginawa.


kaya nalulungkot ka dahil nakapokus ka lang din sa kamalian mo.


Nasasaktan ka sa mga sinasabi ng haters sa 'yo o ng mga bashers mo, pero hindi ka ba nasasaktan na dina-down mo ang iyong sarili? Yung mga negatibong salita na binabato mo sa sarili mo, hindi lang nakaka-stress, isang malaki ring hadlang sa 'yong tagumpay. The more you tell yourself you can't do something, the more you believe it. Kung ano ang iniisip natin, yun din ang magiging imahe natin. Paano ka sasaya kung negatibong salita ang palagi mong sinasabi sa sarili mo? Self-worth is an essential component to happiness, and feeling good about ourselves is a right we all have. 'Wag mo ng batuhin ang sarili mo ng mga masasakit na salita.


NUMBER 3
GASTOS KA NG GASTOS
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Paano ka sasaya kung palagi kang walang pera? Kung hinahangad mo na maging financial independent or financial stable, LIVE WITHIN YOUR MEANS. Ibig sabihin, y'ong gastos mo ay hindi dapat lalampas sa kinikita mo. Nabubuhay na tayo sa panahon na maraming tao ang materyalistiko. Dahil na rin sa mga advertisements na nakikita nila. Akala kasi nila, ang mga bagay na 'yon ay nagpapasaya sa kanila. Pero hindi nila alam na pansamantala lang ang kasiyahan na dulot ng mga bagay na 'yon. Simula ngayon, matuto kang mag-ipon. Maiibsan ang stress mo kung may naipon ka. Mas may seguridad pa ang kinabukasan mo. Hindi lang naman materyal na bagay ang nakakapagpasaya sa atin e. Nakakapagpasaya rin ang exercise dahil magre-release ang katawan natin ng endorphins. At marami pang ibang bagay ang nakakapagpasaya sa atin.


NUMBER 4
NEGATIBONG GAWAIN
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Maraming nakakasira ng mood natin. Paano tayo sasaya kung negatibong bagay ang ginagawa natin? Yun bang ibinuhos na natin ang ating oras sa mga walang kwentang bagay. Halos lahat ng tao ngayon ay nakatutok na sa screen. Naglalaro na ng mga online games. 'Yan ang isa sa mga dahilan kung bakit nahihirapan kang sumaya kasi pumasok ka doon sa digital na mundo. Tignan mo ang realidad. Marami kang matutunan sa tunay na mundo. Lalo na yung mga taong gumagamit ng droga, hinahanap nila ang kasiyahan sa paggamit nito. Pero hindi ito nagbibigay ng pangmatagalang kasiyahan. Kaya dapat mag-isip ka ng mabuti dahil ang kasiyahan ay nandito na sa loob natin. 'Wag nating hanapin sa labas.


NUMBER 5
NANGHIHINAYANG KA
Photo by Alex Green from Pexels


Panghihinayang o pagsisisi. Ang panghihinayang ay isang makapangyarihang angkla na hahawak sa atin para madikit tayo sa nakaraan at ito'y pumipigil sa atin na tamasahin ang kasalukuyan. Paano ka sasaya kung nakadikit ka pa sa sitwasyong hindi mo na hawak? Ang gawin mo lang, tanggapin mo ang mga bagay na pinagsisisihan mo. Tanggapin mo na may mga bagay kang hindi nagawa noon. Totoo na may pagkakamali tayong nagawa sa nakaraan. Tinanggap ko na ang akin. Kailangan mong tanggapin ang sa 'yo? Embracing reality and acknowledging the truth is the first step toward releasing regret.

Patawarin mo na ang iyong sarili. Ipakita mo sa 'yong sarili ang parehong uri ng awa na gusto mong ipaabot ng iba kapag nagkasala ka sa kanila. Stop beating yourself up for doing something that you cannot undo. Kung maibabalik natin ang panahon, siguradong itatama naman natin, 'di ba? Pero hindi e. Kaya magpokus ka na lang sa magagawa mo ngayon. 'Wag mo ng dalhin ang bigat ng panghihinayang sa buhay mo. Forgiving yourself won’t negate the thing you regret, but it will set you free from the power it holds over you. Matuto ka sa mga pagkakamali mo, bitawan mo na ang pag-iisip sa nakaraan mo, 'wag mong sisihin ang sarili mo, may magagawa ka pa ngayon. Magiging masaya ka pa.


NUMBER 6
NAG-AALALA KA SA KINABUKASAN
Photo by Nathan Cowley from Pexels


Isa ito sa mga nakakapagpabigat ng ating kalooban, palagi tayong nag-aalala sa ating kinabukasan. Nakakalimutan natin na ang NGAYON ay napakahalaga. Kung wala tayong gagawin ngayon, wala ring mangyayari sa kinabukasan natin. Normal lang naman mabahala. Lalo na sa panahon ngayon na napakalubha na. Ang dami nating mga hamon sa buhay. Hindi natin alam kung ano na ang mangyayari sa susunod na panahon. However, chronic and all-consuming worry can be troublesome and interfere with our ability to function freely and calmly in our daily lives. 'Wag kang tumira sa hinaharap. Tumira ka sa ngayon. Sa NGAYON ka nabubuhay. Ibig kong sabihin, 'wag mong piliting hulaan ang kinabukasan mo. Hinuhulaan mo para makapaghanda ka sa maaaring mangyari, pero sa totoo lang, walang nakakaalam sa mangyayari bukas. Diyos lang ang may alam. Worry itself serves no purpose unless it spurs a plan of action. What we can do is live in the present while fully exercising our God-given abilities and talents. This enables and empowers us to live a happier existence.


NUMBER 7
KINOKONTROL KA NG TAKOT
Photo by Kat Smith from Pexels


When fear and anxiety become a pattern in our lives, they become a problem. Kung may nakabara ba sa lababo niyo, ini-ignore mo ba? Siyempre hindi. When fearfulness causes harm to your physical and mental stability, and you find yourself avoiding things that might create more fear, don’t ignore it. Ang unang hakbang para hindi ka na makontrol ng takot mo, ay alamin mo kung ano ang kinakatakutan mo. Alamin mo kung ano ang hitsura ng TAKOT na 'yan. Hindi mo malalabanan ang takot kung ito'y nananatiling nakatago sa 'yong subconscious mind. Kailangan mo itong harapin. Halimbawa, kapag humarap ka sa isang tao, nakikita mo ang mukha ng taong 'yon, 'di ba? Malalaman mo rin ang kinikilos niya. Katulad din kapag hinaharap mo ang iyong takot, sa halip na balewalain na lang, may mapapansin ka tungkol sa takot mo na hindi mo pa napapansin noon. This awareness helps you overcome your fear. Isa ang mga takot sa nagpapabigat ng ating buhay. Hindi tayo sasaya kung takot ang nakabalot sa puso natin. 


NUMBER 8
TSISMIS
Photo by Yan Krukov from Pexels


Isa din ito sa mga sagabal sa buhay natin. Sino ba ang tsismosang masaya sa buhay nila? Wala. Y'ong taong pinagtsitsismisan, yun ang masaya. Ang taong nangtsitsismis ay hindi masaya sa kanyang buhay. 'Yan ang katotohanan. Kaya wala kang mapapala sa gawaing ito. 'Wag mong sayangin ang iyong oras sa pamamalita ng buhay ng iba.


Alam kong nababasa mo na ang quote na 'yan. That person you gossip so much about is the big person. He’s busy being his own person and doing his thing. He is growing. He is happy. Hindi katulad mo na tsismis lang ang alam. Hayaan mo na kung ano ang ginagawa nila sa buhay. Kung nabuntis sila ng maaga, wala ka ng pakialam d'on. Kung matanda ang kanyang partner, wala ka ng pakialam d'on. Wala kang pakialam sa ginagawa nila. Bakit ka ba naaapektuhan, 'di ba? Gossip gets you nowhere. You learn nothing from it. If anything, it only teaches you to be a judgmental person.


NUMBER 9
NAGKIMKIM KA NG GALIT
Photo by Erik Mclean from Pexels


Kapag sama ng loob ang laman ng puso mo, hindi ka magiging masaya. Sometimes when we have been exposed to experiences that were hurtful, it can be difficult to heal. Especially if we feel that someone has wronged or harmed us. These feelings can take the form of grudges. Grudges are feelings of resentment that can be unhealthy to the individual carrying them. Dapat alam mo kung bakit mo kinimkim ang galit mo. Bakit hindi mo kayang bumitaw? Ano ba ang dahilan? You have to know what the problem is in order to solve it. When you allow yourself to see the real issue you can then make a choice to move forward from there. Tanggapin mo ang mga nangyari. Minsan may nananakit sa atin. Minsan tayo ang nakakasakit sa iba. Kung bumitaw ka na, 'wag mo ng isipin ulit ang mga nangyari para hindi mag spike ulit ang galit mo. Don’t put too much thought into the situation or continue to discuss it with others. Dwelling grudge will only make it harder for you to let go. Kung may nagpapaalala sa 'yo tungkol sa nangyari noon, ibahin mo kaagad ang subject. Alam kong kaya mong bumitaw. STAY POSITIVE. Instead of holding on to resentment, use this as a valuable lesson that can help you walk away with a better understanding of yourself. For every negative situation, there is a positive. Remember that, okay?


NUMBER 10
PINAPALOBO MO ANG PROBLEMA
Photo by Polina Tankilevitch from Pexels


Paano ka sasaya kung ang maliit na problema ay pinapalaki mo? Hindi ko sinasabi na ikaw ang nagpapalaki. Ang ibig kong sabihin ay bakit hinayaan mo na lumaki. Kapag hinayaan natin ang problema, madaragdagan ito ng panibagong problema. At mahirap ng masolusyonan. Halimbawa, ang mga gawaing bahay, kapag hinayaan mo, magpatung-patong ang mga kailangang tapusin. Sa opisina rin, araw-araw ay may bagong mga papeles na aasikasuhin. Sa mga bills din, kung hahayaan mo lang o nakalimutan mo, mas lalong lumalala ang problema. May mga problema ka ba ngayon? Aksyonan mo na kaagad. 'Wag mong palakihin 'yan. You can save yourself much time and stress by addressing them early. Most problems start small. Let’s keep them that way.
 
Kung sa tingin mo ay natamaan ka sa sampung binanggit ko, oras na para bumitaw ka na. Para naman gumaan ang kalooban mo. Para naman sumaya ka.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177