10 THINGS To Change Your Life By Brain Power 2177


Photo by RODNAE Productions from Pexels

"Paano ko mababago ang aking buhay?"

Alam kong itinatanong mo na 'yan sa sarili mo. Pero tandaan mo, may isang bagay na hindi mananatili sa ating buhay. Ito ay ang PAGBABAGO. LIFE IS A CONSTANT CHANGE. Araw-araw ay may PAGBABAGONG magaganap. Kung hindi mo matanggap ang katotohanang ito, mas lalong MAIIPIT ka sa buhay mo. Sa halip na iwasan mo ang realidad, tanungin mo ang iyong sarili kung paano mo mababago ang iyong buhay sa pamamagitan ng PAGTANGGAP sa mga nangyayari sa paligid mo. Marami ng pagbabagong nangyari sa mundo. Ito ang tanging bagay na may pinaka-dramatikong epekto sa ating buhay. Hindi mo maiiwasan ang katotohanang ito sapagkat MAHAHANAP ka pa rin nito, HAHAMUNIN ka nito. Ang PAGBABAGO ay darating sa ating buhay bilang resulta ng KRISIS, o resulta sa mga DESISYON mo, o resulta sa PAGKAKATAON. Sa anumang sitwasyon, lahat tayo ay nahaharap sa sitwasyon na kailangang mamili. Mamili kung handa ba tayong MAGBAGO o HINDI. Hindi natin maiiwasan ang mga negatibong sitwasyon. Ang tanging makokontrol lang natin ay kung paano natin ito TINUTUGUNAN, kung ano ang REAKSYON natin. Ito lang ang ating magagawa upang maging positibo ang takbo ng ating buhay. Acting on our power of choice provides us with more opportunity to change our lives for the better. The more opportunities we create to change our lives, the more fulfilled and happier our lives become. Kung nagtataka ka kung paano baguhin ang iyong buhay, narito ang 10 BAGAY na maaari mong gawin upang makapagsimula ka ng panibagong buhay.


NUMBER 1
HUMANAP KA NG KAHULUGAN
Photo by Craig Adderley from Pexels


Hanapin mo ang kahulugan ng buhay mo. Bakit ka nandito? Ano ba ang dapat mong gawin? Gumugol ka ng oras na ayusin ang mga bagay-bagay upang mas madali mong makita kung ANO ba ang IMPORTANTE sa buhay mo at alamin mo kung bakit ito IMPORTANTE sa 'yo? Ano ba ang gusto mong makamit sa buhay? Ano ba ang pangarap mo? Ano ba ang nakakapagpasaya sa 'yo? Ang iyong kahulugan sa buhay ay nagbibigay sa 'yo ng LAYUNIN at NAGTATAKDA ng DIREKSYON kung paano ka mamuhay ng tama. Kung walang kahulugan ang buhay mo, ganyan ka lang din palagi. Yung buhay na hindi umuusad. Nabubuhay na WALANG DIREKSYON, WALANG POKUS, WALANG LAYUNIN. Hindi mo 'yan gusto, 'di ba?


NUMBER 2
LUMIKHA KA NG DREAM BOARD
Photo by Brett Jordan from Pexels


Malamang naririnig mo na ito. Alam mo ba kung ano ang dream board? Sa mga hindi pa nakakaalam, ito'y isang board na puno ng mga ginupit na larawan. Larawan ng mga PANGARAP. Kasi ito ah, bata pa lang tayo, nangangarap na tayo. Alam ko n'ong bata ka pa, may pangarap ka na. Punong-puno tayo ng pangarap noon at napakagaling nating maglarawan kung ano tayo sa paglaki natin. Naniniwala tayo noon na kaya nating abutin ang pangarap natin. Habang lumalaki na tayo, nawawala ang kakayahan nating mangarap. Nawawala dahil iniisip natin na mahirap pa lang abutin. Nababalot na tayo ng negatibong pag-iisip. Dito natin magagamit ang dream board. A dream board is a great way for you to start believing in your own dreams again. Seeing your dreams everyday on a dream board brings your dreams to LIFE. It will also act as a daily reminder to REFOCUS your energy and direct it toward what you really want to achieve.


NUMBER 3
MAGTAKDA KA NG MGA LAYUNIN
Photo by Marko Klaric from Pexels


Goals… goals… goals… Paulit-ulit na natin 'tong sinasabi… SET GOALS. Kapag alam mo na kung ano ang mahalaga sa 'yong buhay at kung alam mo na ang mga gusto mong makamit, kailangan mo na ng AKSYON. Pero hindi ka makaka-aksyon kung WALA kang GOAL sa buhay. Mapa-LONG TERM. MEDIUM TERM. SHORT TERM man 'yan. Basta't may layunin ka, PANALO ka na sa buhay. Acting on these goals, will enable you to ACHIEVE your DREAMS and CHANGE your LIFE. Lahat ng taong nagtatagumpay ay may itinakdang layunin. Dahil ito ang susi sa 'yong pagbabago. Pero tandaan mo na ang layunin mo ay maaaring magbago. Noon kasi may layunin tayo na hindi na katulad ngayon. What I'm trying to say is always be flexible with setting and achieving your goals as things in life change. And your goals need to REFLECT these changes. It's the small steps that you take that creates the momentum when you are learning how to change your life.


NUMBER 4
TIGILAN MO NA ANG PANGHIHINAYANG
Photo by Alex Green from Pexels


Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nahihirapan kang umabante. Marami kang pinagsisisihan sa mga nagawa mo noon. Bitawan mo na ang nakaraan mo. Kung ginugol mo ang lahat ng iyong oras sa pag-iisip tungkol sa NAKARAAN, siguradong makakalimutan mo ang KASALUKUYAN, ang NGAYON. Tandaan mo ito palagi, hindi mo na mababago ang mga NAGAWA mo na. Hindi ka na makakabalik sa KAHAPON MO. Ang tanging magagawa mo na lang ay ang BUMITAW. The only thing you have control over now is how you choose to LIVE your PRESENT and FUTURE LIFE. Sa bawat oras na makakaisip ka ng negatibo tungkol sa nakaraan mo, ITIGIL MO NA kaagad. Teka lang, ano ba talaga ang pinagsisisihan mo? Pwede mo itong isulat sa papel at sunugin mo ito. And say goodbye to your regrets.


NUMBER 5
GAWIN MO ANG MGA BAGAY
NA KINAKATAKUTAN MO
Photo by Thirdman from Pexels


Y'ong mga bagay na hindi mo pa alam kung paano gawin. Umalis ka na sa comfort zone mo. See your limitations from a different perspective. Ano ba ang gusto mong gawin sa buhay pero ikinakatakot mo? Isulat mo lahat 'yon. Mag-umpisa ka sa mga maliit na bagay. Gumawa ka ng plano at GAWIN MO NA. Look, if you genuinely want to avoid complacency and comfort and if you want to change your life, NEVER STOP DOING SCARY THINGS.


NUMBER 6
BALANSEHIN MO
ANG IYONG PAMUMUHAY
Photo by Engin Akyurt from Pexels


Hindi sa lahat ng oras maayos lang ang lahat. Minsan magkakasakit din tayo. Ibig kong sabihin, hindi pwedeng trabaho lang tayo ng trabaho. Our physical state, emotional and spiritual state changes as we get older. Alam mo ba kung ano ang makokontrol natin? Makokontrol natin kung ano ang kakainin natin at makokontrol natin kung ano ang pinapakain natin sa ating utak. Living a balanced and a healthy life builds our resilience to the physical changes of our body. Exercise is the best way in which we can attain a positive and optimistic attitude toward life. Living a well-balanced life with lots of exercise is a lifestyle choice that will give you a happier and more fulfilled life. Exercise is an incredibly powerful tool that will improve your life and help you feel good. So from now on, JUST GET MOVING. Kailangan natin palakasin ang ating katawan.


NUMBER 7
HARAPIN MO ANG IYONG TAKOT
Photo by Charles Parker from Pexels


Madaling balewalain ang ating mga kinakatakutan at umaasang mawawala ang TAKOT natin. Sa kasamaang palad, hindi ito mawawala ng basta-basta na lang. Kung gusto mong magbago ang takbo ng iyong buhay, alamin mo kung ano ba ang mga kinakatakutan mo at kung bakit TAKOT ka, upang hindi ka na makokontrol pa ng TAKOT mo. Kung ito man ay TAKOT SA PAGKABIGO, o TAKOT sa KALUNGKUTAN o kahit ano pa man 'yan, 'yan ang PIPIGIL sa 'yo na mamuhay ng maayos. Hihilahin ka pabalik ng negatibong emosyon. Malalaman natin na nakokontrol tayo ng TAKOT dahil nagiging diskontento na tayo sa ating buhay. Kahit anong gawin natin, hindi tayo nasisiyahan. Once we face our fears, we take back our power to choose how we want to live our lives and when we do this, we change our lives forever.


NUMBER 8
TANGGAPIN MO ANG IYONG SARILI
Photo by RODNAE Productions from Pexels


Ang tanging tao na makakapagpabago ng iyong buhay ay walang iba kundi IKAW lang. Upang likhain ang pagbabagong 'yon, kailangan mong tanggapin ang iyong sarili. May mga oras sa buhay na kailangang harapin ang mga rejections. May mga taong hindi ka magugustuhan at hindi rin nila magugustuhan ang mga pinagagawa mo. Kahit hindi ka nila matanggap at least tanggap mo ng BUO ang sarili mo. By accepting who you are and LOVING yourself despite adversity, it helps you to move forward in your life. Find your COURAGE. LOVE YOURSELF and STEP OUT and DO SOMETHING CRAZY. 'Wag kang mag-alala kung ano ang iniisip ng sinuman. 'Wag kang mag-alala kung magkakamali ka. Kung nararamdaman mo lang na TAMA ang ginagawa mo, ipagpatuloy mo. Gawin mo dahil 'yan ang gusto mo.


NUMBER 9
MAMUHAY KA
NG PUNO NG PAGKAKONTENTO
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Hindi ibig sabihin na kontento ka na sa kahirapan ng buhay. Ibig kong sabihin na matuto kang magpahalaga sa mga bagay na nandiyan na sa 'yo. Halos lahat ng tao ay hindi nakontento sa buhay. Gusto pang magkaroon ng marami pang bagay kahit nahihirapan na silang habulin ang mga bagay na 'yon. Gusto pa nila ng marami dahil akala nila na makakapagpasaya sa kanila ang mga bagay na 'yon. Wala namang mali kung gusto mo ng mga materyal na bagay. Nasa sa 'yo pa rin ang pagdedesisyon. What I mean is, we are often so busy focusing on our pursuit of happiness that we miss the JOY of actually living in the present moment. Dahil sa kakapokus sa ating KINABUKASAN, nalilimutan na natin ang TOTOO nating buhay NGAYON. We become so consumed with all our problems that we miss the precious beauty of the present moment. Kahit nga nakaupo ka lang kasama ang mahal mo, kumakain kayo ng ice cream, ito'y matatawag na nating kaligayahan. APPRECIATING and SHOWING GRATITUDE on a daily basis is experiencing happiness in the moment. Helping those in need, brings us JOY and HAPPINESS. This is what living your life in the moment is all about. Don't miss these moments because you are too busy focusing on your pursuit of happiness.


NUMBER 10
DAMHIN MO ANG KALIGAYAHAN
SA BAWAT ARAL NA NAPUPULOT MO
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Sa tuwing may natutunan kang bago, nakakakuha ka ng maraming KAALAMAN. At sa maraming kaalaman na 'yon ay dumarating ang higit na KOMPIYANSA. LEARNING NEW SKILLS helps us to be more adaptable in new situations. It also encourages us to be more CREATIVE and innovative in our thinking and we are more comfortable with the UNKNOWN. Mahilig ka bang magbasa? Ang pagbabasa ay isang magandang paraan upang matuto tayo. Para mas lalawak pa ang ating kaalaman. To fully embrace the joy of learning, pick up that book you've heard so many people talking about. Anumang genre ang gusto mong basahin, basahin mo ang maraming pahina hangga't maaari.

Mayroon kang pagpipilian na gawin kung paano mo gustong baguhin ang iyong buhay. Ang pagpili na ikapit ang 10 bagay na ito ay makakatulong sa 'yo na makapagsimula, habang hinahangad mong pagbutihin ang iba't-ibang aspeto sa 'yong buhay. Go at it with a positive attitude and remember that CHANGE TAKES TIME. Hindi ka magbabago sa isang tulog lang. Magsisimula ang kagandahan ng takbo ng iyong buhay kapag nagpasya ka ng magbago.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177