ENVY, The Trait That POISON Your Mind By Brain Power 2177
INGGIT, NAKALALASON SA ISIP Photo by ArtHouse Studio from Pexels Nagkaroon nito si Napoleon Bonaparte. Nagkaroon nito si Julio Cesar. Nagkaroon nito si Alejandrong Dakila. Sa kabila ng kanilang kapangyarihan at katanyagan, ang mga lalaking ito ay nagkimkim sa kanilang puso ng isang masamang ugali na makalalason sa isip. Lahat sila ay nakadama ng inggit. Kahit sino ay puwedeng tubuan ng inggit, gaano man siya kayaman, ano man ang mabubuting katangian niya, at gaano man siya katagumpay sa buhay. Ang inggit ay ang paghihinanakit sa iba dahil sa kanilang mga ari-arian, kasaganaan, mga bentaha, at iba pa. Upang ipakita ang pagkakaiba ng inggit at paninibugho, isang reperensiya tungkol sa Bibliya ang nagsabi: “Ang ‘ paninibugho ’ . . . ay tumutukoy sa hangaring pantayan ang pag-asenso ng iba, at ang salitang ‘ inggit ’ naman ay tumutukoy sa hangaring agawin kung ano ang taglay ng iba.” Ang taong naiinggit ay hindi lang naiinis sa taglay ng iba kundi gusto rin niya itong kunin mula sa kani