You Have The Ability To Change Your Life By Brain Power 2177


Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Lahat naman tayo panigurado ay gustong magtagumpay, 'di ba? Lahat gusto pero bakit iilan lang ang nagsisikap? Bakit iilan lang ang gustong magpatuloy? Akala ko ba lahat? Bakit hanggang gusto mo lang? Bakit wala kang ginagawa? Bakit ang iba'y ginagawa ang mga imposible? Habang ang iba naman ay walang pakialam sa kanilang buhay. Sa totoo lang, isa din ako sa mga taong walang pakialam sa buhay. Pero noon 'yon. Sinasayang ko ang oras ko sa kakagawa ng mga bagay na walang kwenta. Nakikipag-inuman sa mga barkada. Pero isang araw, naiisip ko bigla kung ano ba ang kinabukasan ko kung palagi na lang akong ganito. May layunin ba ako? Marami talaga akong naiisip sa panahong 'yon. Marami akong tanong tungkol sa mundo. Marami akong katanungan tungkol sa buhay ko. Nang dahil sa mga katanungang 'yon, nabuksan ang aking isipan. Kasi lahat naman ng mga ginagawa natin ay nagsisimula sa ISIPAN. Dapat may tanong ka muna, kapag nakakakuha ka na ng kasagutan, aksyon na dapat ang susunod. Kung walang aksyon, wala ring mangyayari.

May mga hakbang ba para magtagumpay? Gusto ko munang sabihin sa 'yo, ang TAGUMPAY ay hindi nangangahulugan na marami kang pera. Pero kung para sa 'yo 'yan ang TAGUMPAY, nasa sa 'yo na 'yon. Iba't-iba ang ibinibigay nating kahulugan sa tagumpay. Depende sa depinisyon na ibibigay natin dito. Halimbawa gusto mong manalo sa dance competition or singing competition o kahit anong larangan, kapag nanalo ka sa kompetisyong sinasalihan mo, 'yan ang tagumpay mo. Pero kapag ang nasa isip mo ay gusto mong yumaman, tapos yumaman ka na, isa na rin 'yang TAGUMPAY mo. Naintindihan mo ba ang ibig kong sabihin? Balikan natin ang tanong kanina. May mga HAKBANG ba para magtagumpay? Siyempre may iilang HAKBANG, may GABAY, may PORMULA. Magbigay lang ako ng 5. Pwede mong isulat upang hindi mo makakalimutan. Ang unang hakbang na ibibigay ko sa 'yo ay sa totoo lang alam mo na 'to. Pero gusto ko lang ipaalala ulit sa 'yo


NUMBER 1
MAY KAKAYAHAN KANG BAGUHIN
ANG BUHAY MO
Photo by Tirachard Kumtanom from Pexels


Magbabago ang buhay mo 100% kung KIKILOS ka. Ikaw lang naman ang responsable sa sarili mong buhay. Hindi mo pwedeng iasa sa iba ang buong tunguhin mo. Tandaan mo 'to palagi,

“If you want to be successful,
you have to take 100% RESPONSIBILITY
for everything that you experience in your life.”

100%. Hindi pwedeng KALAHATI lang. Buong buhay mo ay IKAW ang may KONTROL. Mula sa RELASYON, sa KALUSUGAN, sa KINIKITA mo, sa 'yong NARARAMDAMAN, at marami pang iba. Lahat ng 'yon ay nakasalalay sa 'yo. This is not meant to be BURDENSOME. It's meant to be EMPOWERING. When you take 100% RESPONSIBILITY, you ACKNOWLEDGE that you CREATE EVERYTHING that happens in your life. Ikaw ang nagkokontrol sa sarili mong TADHANA. Hindi ang tadhana ang nagkokontrol sa 'yo. Walang gan'on. You have the ABILITY to change your life. Dapat talaga na ipasok mo 'yan sa kukote mo at dapat na ikapit mo 'to sa 'yong buhay: walang kasalanan ang ibang tao kung bakit nananatili ka pa rin sa buhay na ganyan. Kasi IKAW ang nagpili niyan. Pwede kang umalis, pwede mong iwan ang mga taong toxic, pero mas pinili mong manatili na lang. Ibig sabihin, GINUSTO mo 'yan. Napakaraming sitwasyon ang nangyari na at may mga sitwasyong haharapin mo pa. May mga magagandang pangyayari at hindi kanais-nais na pangyayari. Pero ang pinaka IMPORTANTE ay kung paano ka mag REACT sa bawat sitwasyon. If you don't like the outcomes of things, change the way you respond. CHANGE YOUR NEGATIVE THOUGHTS into POSITIVE ONES. CHANGE YOUR HABITS. CHANGE YOUR FRIENDS.


NUMBER 2
DAPAT MALINAW
ANG PANANAW MO SA BUHAY
Photo by Pixabay from Pexels

Hindi pwedeng malabo ang pananaw mo. Dapat kitang-kita mo ang iyong TARGET. CLARITY IS POWER. Isipin mo nga 'to, kung hindi mo alam kung ano ang misyon mo o kung ano ang tunguhin mo, MADALI lang. Madali lang maanod sa walang kwentang buhay. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit walang narating ang karamihan. Kasi hindi nila alam ang tunay na kagustuhan nila sa buhay. Walang malinaw na pananaw. Kasi wala silang pakialam sa buhay nila. Wala silang pakialam sa kinabukasan nila. By creating a vision, you are able to have a GUIDING PURPOSE. Gawin mo kung ano ang gusto mo. Gawin mo kung saan ka magaling. Halimbawa magaling kang sumayaw, e di sumayaw ka. Magaling kang magpinta, magpinta ka. 'Wag mong sabihing wala kang talento. Kasi may TALENTO tayong lahat. Hindi mo pa lang nadidiskobre dahil hindi mo pa masyadong kilala ang sarili mo. Accomplish what is important to you. Once you have your vision, bring this change to the world. Don't try to enforce your beliefs on other people. Simply be the person who is living your values. Tandaan mo 'to palagi, sa oras na magtatagumpay ka na, maraming tao ang pupunta sa 'yo at magtatanong sila kung paano mo kinaya ang sitwasyon mo. Then of course you need to tell them. Turuan mo rin sila kung paano lampasan ang mga pagsubok. Himokin mo sila. Palakasin mo ang kanilang loob. Tulungan mo silang makaangat rin.


NUMBER 3
MAGANDA ANG BUONG ARAW MO
KUNG SA PAGISING MO PA LANG
AY MAPAYAPA ANG ISIP MO
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels

Kailangang masterin mo ang bawat umaga. Sa pagising mo pa lang, CLAIM this wonderful day. One small positive thought in the morning can change your whole entire day. And if you own the morning, you OWN the DAY. Sa umaga pa lang masusukat mo na kung gaano ka kadisiplinado. Malamang sasabihin mo na may DISIPLINA ka. Tignan nga natin… Bakit ang tagal mong bumangon? Umaga pa lang tinatamad ka na. Kaya mo bang bumangon ng alas 5? Kung hindi mo kaya, ibig sabihin na hindi masyadong mahalaga ang layunin mo. Maliban na lang siguro kung night shift ka. But we're not talking about your work here. We're talking about how disciplined you are. Ang tagal mong bumangon, sinisisi mo ang traffic dahil na-late ka. Hindi ka maaabutan ng traffic kung maaga kang nag-asikaso sa sarili mo. Saan na ang disiplina mo? Ang dahilan kung bakit gumigising ako ng alas 5 ay para magamit ko ang oras na 'yan na pag-isipan kung ano ang gagawin ko sa buong araw. Inuuna ko ang mahalagang bagay. Umaga pa lang, planado na ang buong araw ko. Hanggang ngayon ko 'yan ginawa. May oras pa akong pag bubulay-bulayan ang sitwasyon. May oras pa akong tignan ang schedule ko. May oras pa akong magpasalamat sa Diyos dahil sa dagdag na buhay na ibinigay Niya sa 'kin. May oras pa akong mag ehersisyo. By waking up early and by owning my morning routine, I'm taking 100% responsibility for the whole entire day and reinforcing in my mind what I'm trying to accomplish. Dapat ganito mo rin tratuhin ang iyong buhay. Dapat seryoso ka sa mga layunin mo. Wala na kasi tayong pangalawang buhay. Dapat bigay todo ka na ngayon. Hindi natin alam, bukas huling araw na pala natin. Wala na tayong magagawa dun. Pagsisisi na lang ang tanging maiisip natin. Bago pa mahuli ang lahat, bumalik ka na sa tamang landas. Bago ko sabihin ang pang-apat, alam mo ba kung ano ang affirmations?


NUMBER 4
ANGKININ MO NA
ANG MAGANDANG BUHAY
Photo by Moose Photos from Pexels


'Yan ang ibig sabihin ng AFFIRMATION. Kahit pangarap mo pa 'yon, kahit hindi mo pa nakakamit, angkinin mo na. Damhin mo na para bang nahawakan mo ang pangarap mo. Halimbawa gusto mong maging masaya, dapat sabihin mo,

“MASAYA NA AKO”

'Yan ang AFFIRMATION. Pero hindi ibig sabihin na hanggang salita ka na lang dapat dama mo ang TUNAY na KASIYAHAN, ang TUWA, ang GALAK. Hindi pwedeng MALAMYA. Hindi pwedeng sabihin mong MASAYA na ako, pero magkasalungat ang puso't isip mo. Mas lalo kang malulungkot kung gan'on ang nararamdaman mo. Your mind and heart should be in HARMONY with each other. Isa pang halimbawa, kung gusto mong taasan ang sahod mo, dapat sabihin mo,

“SOBRANG SAYA KO DAHIL SAPAT NA ANG KINIKITA KO”

At siyempre damhin mo 'yon. Damhin mo na para bang totoo na. Feel the happiness within. Ang dahilan kung bakit maraming tao ang hindi masaya, palagi na lang kasi nilang iniisip ang kanilang kakulangan sa buhay. Pwede mo ring gayahin ang ginagawa ko. I have written every affirmation on a small piece of paper. Tinatago ko sa wallet ko. Dala ko ito kahit saan. Each morning as part of my morning routine, I read my goals and I visualize them as already being complete. Bago pa lang akong nag-a-upload dito sa YouTube. Ini-imagine ko kung ano ang pakiramdam kung may 1K subscribers na sa channel na 'to. At siyempre nagkakatotoo, 'di ba? Wala talaga akong pakialam kung may sumuporta o wala, patuloy pa rin akong nagsusulat at gumagawa ng motivational videos. Hanggang sa naabot ko ang 1K subscribers. Sobrang hirap maghanap ng sumuporta at manonood, pero hindi ako sumuko ng basta-basta. Dahil alam ko na magbubunga ang pinaghirapan ko. Kung may pangarap ka man, kahit gaano pa katagal matupad 'yon, kahit nakakasawa na, kahit nakakapagod na, magpatuloy ka lang. Pangarap mo 'to.


NUMBER 5
MAGPASALAMAT KA SA DIYOS
Photo by Engin Akyurt from Pexels


Ito ang pinaka importante sa lahat. Halos lahat kasi ng mga tao ay nagpapasalamat lang kung may nakukuha na silang bagay. Napakamali ng mentalidad na 'yan. 'Yan ang isa sa mga dahilan kung bakit nahihirapan tayong sumaya. Hindi kasi natin pinapansin ang biyayang natanggap natin. Gusto kasi natin na ang hinihiling natin ang matutupad. It's important to always FOCUS on what you already have. The quickest way to change your mood is to focus on something you APPRECIATE, something you LOVE or something you DERIVE JOY from. It could be ANYTHING. Pwedeng pasalamatan mo ang alaga mong hayop dahil napapasaya ka nila kahit papaano. Pwedeng pasalamatan mo ang asawa mo dahil sa pagmamahal niya sa 'yo. Lalong pasalamatan mo ang Diyos dahil may HANGIN kang nilalanghap, may PAGKAIN ka sa mesa, may TUBIG kang iniinom at siyempre ang BUHAY na regalo ng Diyos para sa 'yo. Mayroon pa bang kulang sa buhay mo? Wala ng kulang. Naiisip mo kasi na may kulang kasi hindi ka pa nakukuntento sa mga bagay na 'yan. May tinitirhan ka na. Gusto mo pa malaki. May kotse ka na, gusto mo naman ng bago. Lahat ng mga temporaryong bagay ina-upgrade mo. That's how people are wired. We always want MORE. We want more because we think it will make us feel better. Yet the reality is, we can feel great almost instantly by focusing on what we already have in our lives. Learn to APPRECIATE those things you have. Sigurado akong magiging masaya ka na at mapagtanto mo na wala na palang kulang sa buhay mo. SUCCESS IS NEVER-ENDING. SUCCESS is not a DESTINATION. It's a WAY OF LIFE. What you DO, what you THINK and what you FEEL will DETERMINE how SUCCESSFUL you BECOME.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177