Why Do We SUFFER In Life By Brain Power 2177
Photo by RODNAE Productions from Pexels
'Wag mong masyadong seryosohin ang mga nangyayari sa 'yong buhay. Sa sobrang seryoso mo, halos lahat na lang binibigyan mo ng kahulugan. Alam mo, hindi lang naman ikaw ang nahihirapan sa buhay. Tayong lahat ay nahihirapan. Walang exempted. Sa totoo lang, ang dami kong pinagdadaanan sa buhay. Minsan nawawala ako sa tamang landas. Naranasan ko na rin ang sobrang kalungkutan. Naranasan ko na rin ang problemang pinansiyal. Kung alam mo lang kung gaano ako kadurog noon, sigurado akong masasabi mong… hindi ka nag-iisa sa laban ng buhay. Sobra talaga akong nahihirapan sa sitwasyon ko noon. Wala na sigurong pain killer ang makakapatay ng sakit. Ang tanging naiisip ko lang noon, BAKIT NAPAKAHIRAP NG BUHAY? Bakit palagi tayong nags-struggle? Bakit tayo nagdurusa sa mundong 'to? Bakit palaging may kasamaang nangyayari kahit nagpakabuti naman tayo? Bakit paulit-ulit na lang itong nangyari? Marami pa akong katanungan sa buhay noon. Pero kahit anuman ang gagawin ko, hindi ko 'yon maiiwasan. Kailangan ko lang tanggapin ang mga problema ko. Kung may masamang mangyari, maitatanong natin, kung BAKIT TAYO PA. May nagawa ba tayong kasalanan? Halos lahat na lang ng tanong tungkol sa buhay ay naisaulo na natin.
May iba din sa atin na nahihirapan na at gusto ng tapusin ang kanilang buhay. Pero hindi pu-pwede 'yan. Hindi 'yan ang solusyon ng mga problema mo. That's a selfish wish. Sa pag-iisip pa lang ng ganyan, nagkasala ka na sa Diyos. Pero alam mo, mapagtanto din natin, na hindi tayo nag-iisa. Kasama natin ang Diyos sa laban na 'to. Kumapit lang tayo sa Kanya at 'wag tayong sumuko. Magtiwala lang tayo sa plano Niya para sa atin.
May kanya-kanya tayong pinagdaanan na hindi alam ng iba. Tayo lang ang nakakaalam sa mga problema natin. We all experienced the UPS and DOWNS. Sa sobrang hirap, darating na tayo sa punto na hindi natin maiintindihan kung ano ang silbi ng ating buhay. Kaya't naiintindihan kita ngayon. When life crumbles all around you and you're left to pick up the broken pieces, life can seem so hard. Para lang itong giyera. Kapag unti-unti ng nauubos ang mga sundalo at napapalibotan na sila ng kalaban, wala na silang magagawa kundi ang sumigaw na lang o di kaya'y ang pagtakbo na lang ang huling pagpipilian. Tanggapin mo man o hindi, ganito na talaga ang buhay.
Hindi patas ang buhay. Kahit mabuti kang tao, may masamang mangyari pa rin sa 'yo. Hindi madaling mamuhay sa mundong 'to. But it's really WORTH it. May ikikwento lang ako sa 'yo, noong na-ospital ang mama ko, tinignan ko lang siyang nakahiga. I just wanted to dull the pain. I remember how much I prayed during that time. I was so LOST. So broken. In shambles. Kasi ayaw nating nakikitang nagdurusa ang mga mahal natin sa buhay, 'di ba? Wala akong magawa sa araw na 'yon kundi ang humagulgol na lang. Pumasok sa isipan ko ang YouTube Channel na ginawa ko. Brain Power. At naisip ko, ako pala si Brain Power. Bakit ako nanghihina? Nagliliwanag muli ang aking isipan. I know that God was carrying me. Oo alam ko. There was no other explanation that time. Nothing else could have changed aside from God in my heart telling me that I'm tough.
Magkaiba tayo ng kahinaan. Pero lahat tayo ay may kahinaan. Pero hindi natin 'yon hahayaan na lalamunin na lang tayo basta-basta. Kailangan rin nating ayusin ang ating isipan. We already know that life would be hard going forward. But we also know that we will never give up. You just need to RESET your mind. You need to CHANGE YOUR WAYS, you need to CHANGE YOUR HABITS. You need to stop doing the things you've been doing. Wala ni isang tao ang magsasabi na MADALI lang ang buhay. But there's something WAITING for you in life. Ang kahirapan at sakit ay hindi ang iyong katapusan. It was a REBIRTH. Ang pagbangon mo mula sa PAGKADAPA ay ang iyong bagong SIMULA. Kaya kung nahihirapan ka man ngayon at umabot ka na sa punto na nawawalan ka na ng ganang mabuhay, naiintindihan ko 'yang nararamdaman mo kasi nanggaling na ako d'on. Alam ko kung gaano kasakit ang naramdaman mo ngayon.
But you know what, something you don't realize is that you were meant to walk this path. You can't understand it right now. But I assure you, there will be a reason for it one day. May liwanag din sa dulo. That pain you're feeling right now will manifest into something extraordinary. Hindi pa ito ang katapusan mo. Ito na ang pagkakataon mo na magsimula ulit. Ang panibagong simula. Ang panibagong pagkakataon. Mula sa simula. Hindi ito oras ng pagsuko. Hindi ka pwedeng umayaw. Oo, nahihirapan ka na ngayon at sukong suko ka na. INTINDIHIN mo na lang ang nangyari at YAKAPIN mo ng buo. Salubungin mo ang KABIGUAN at PASAKIT kasi ito ang tutulong sa 'yo para lumago ang buhay mo. Ito rin ang magpapatatag sa 'yo. Teka lang, bakit nga ba tayo nahihirapan?
NUMBER 1
NAHIHIRAPAN TAYO
KASI MAY EMOSYON TAYO
Hayop nga ay nasasaktan, tayo pa kaya na TAO. Aminin na natin, kahit na titigas-tigas ka pa diyan, may emosyon ka pa rin. Tinatago mo lang. You know, we are emotional beings. Lahat na lang ng nangyayari sa 'tin, hindi natin kaagad sosolusyonan. Magre-react muna tayo base sa ating nararamdaman. Alipin tayo ng ating emosyon. Emosyon ang nagkokontrol sa atin. May iba kapag nai-stress, naglalakwatsa na lang, ang iba'y naglalasing, ang iba'y kumakain, ang iba'y nalulong sa masamang bisyo. Bakit? Dahil nilalamon na sila ng kanilang emosyon.
NUMBER 2
NAHIHIRAPAN TAYO
KASI DEPENDENT TAYO SA IBA
Ito ang dahilan kung bakit mas lalo tayong nahihirapan. Halos lahat na lang kasi nakadikit sa ibang tao o bagay. Nagiging masaya lang tayo, kapag minahal tayo, kapag may nagbigay sa 'tin, kapag may tumulong sa 'tin. Pero ito lang ang gusto kong sabihin sa 'yo, ang kaligayahan ay hindi nanggagaling sa ibang tao, nanggagaling ito sa kaloob-looban mo. Alam kong mahirap paniwalaan. It's hard to be happy when you've based your entire existence around the presence of someone else in your life. Kapag ikinabit mo ang iyong kaligayahan sa ibang tao at kung ang taong 'yon ay lalayo na sa 'yo, ano kaya ang mangyayari sa 'yo? Siyempre masasaktan ka ng lubusan. Madudurog ka. So how do you extricate yourself from a situation like this? It's not easy if it's become habitual behaviour. But you have to find happiness from within. That's the only source of happiness. NO PERSON or MONEY or THING is gonna make you happy. It just won't. Yes you will be happy if someone gives you money but it might last for a few days. But after that, when the feeling subsides, you'll want something else. Naaadik tayo sa kaligayahan. Pero ang tunay na kaligayahan ay nasa kalooban mo na.
NUMBER 3
NAHIHIRAPAN TAYO KASI LAHAT NG GAWAIN
AY GINAGAMITAN NG LAKAS
LAKAS MENTAL. LAKAS SPIRITWAL. LAKAS PISIKAL. Madaling magpakapagod. Madaling magpakanegatibo. Pero ang hirap magpakasaya. Nothing comes simply. It takes hard work and effort, it takes blood, sweat and tears. Don't even aptly describe the amount of effort certain things take. Ang problema kasi natin ay madali tayong sumuko. Hindi mo ba alam na tayo ay masipag na nilalang? Nahihirapan lang tayo kasi gusto natin madaliin ang resulta. That's just the way life often goes. We work so hard and then we give up. Even though we could have been so close. Imbes na malapit na natin naabot ang ginto pero hindi na natin kinaya ang kahirapan. Lumipat na naman tayo ng pwesto. How can we expect to have any peace of mind when we take on one opportunity after another, thinking that they will bear fruit? But we give up too soon and try the next thing? You have to put in years and years of effort to see the overall products of your work. Success takes TIME. But as long as you don't give up, anything is certainly POSSIBLE and ACHIEVABLE.
NUMBER 4
NAHIHIRAPAN TAYO
KASI MARAMI ANG MAPANGHUSGA
May nagawa man tayong mabuti, masama pa rin ang nakatatak sa isipan ng iba. I know this has plagued me in much of my earlier life. Palagi ko lang iniisip kung ano ba ang tingin ng tao sa 'kin. Pero ngayon, wala na akong pakialam. Makapal na ang balat ko. Hindi na ako basta-bastang maaapektuhan sa opinyon ng ibang tao. Kahit anong negatibong salita pa 'yan. Pero tayo ay tao lamang. Hindi ko naman sinasabi na tayong lahat ay hindi maaapektuhan. May sensitibo ring tao. You can't expect life to be easy if you're constantly worrying about what other's think. This is deep-rooted into our culture and our society but it needs to be something we extricate ourselves from. Hindi ka magiging masaya kung nakapokus ka lang sa opinyon ng ibang tao. Hindi ka talaga magiging masaya. It just doesn't work like that. Finding a way to break that cycle is really HARD. Kapag titirahin ka ng isang tao, gawin mo lang 'yon bilang feedback ng iyong buhay. Kapag negatibo ang natanggap mo, siguro oras na para i-improve mo pa ang iyong sarili. Their words don't really matter. Your REACTIONS do matter. Everyone improves over time.
NUMBER 5
NAHIHIRAPAN TAYO
KASI MAY KINAKATAKUTAN TAYO
Ang dami nating kinakatakutan. Takot tayo sa ating kinabukasan. Takot tayo sa mga bagay na hindi pa nangyayari. Takot tayong magkasakit. Takot tayong maghirap sa buhay. Takot tayong mawala ang mga mahal natin. Takot tayo sa maraming bagay. Each of us is plagued by fear. Oftentimes, we fear things that we know will be painful. Normal lang naman 'yan. But how do you overcome something like that? Tandaan mo lang, kahit mabuti kang tao, makakaranas ka pa rin ng matinding problema. Para maibsan ang takot mo, kailangan mo lang tanggapin ang mga nangyari at tanggapin din kung ano ang maaaring mangyari. Sinasabi ko na 'to noon pa, “Kung ano ang iniisip mo ng paulit-ulit, negatibo man 'yon o positibo, maa-attract mo 'yon. If you think negative thoughts, you will attract negative circumstances. There is pure power in your thoughts. So if you keep your thoughts clean and have a positive outlook on life, fear won't pervade your mind as much. Kung may makalusot man, madali mo na itong mapapaalis.
Comments
Post a Comment