Stop Comparing Yourself To Others By Brain Power 2177
Photo by Miriam Alonso from Pexels
Isa ka ba sa mga taong palaging ikinokompara ang sarili nila sa iba? Halos lahat naman tayo ay ganitong ganito. Minsan ikinokompara natin ang ating sarili sa ating mga kaibigan. Minsan din sa mga sikat na tao sa social media. 'Wag kang mahiyang umamin. Kasi hindi ka naman nag-iisa. Guilty din ako sa ganitong bagay. Kasi noon, may mga “BAKIT” na katanungan ako.
“Bakit mahirap lang kami?”
“Bakit ganito?”
“Bakit ganyan?”
“Bakit wala silang problema?”
“Bakit ang gaan ng buhay nila?”
The sad truth is, it's the REALITY for too many of us. Social comparison starts at a very young age.
Marami na ang kabataan ngayon ang namulat na hindi lahat ng buhay ay pareho at hindi lahat ay may oportunidad. Bata pa lang, napapansin na nila na mas marami pang laruan ang kaibigan nila, mas marami pa silang magagarang damit, at mas nakatira sila sa magandang bahay. At madali rin nilang maipasok sa kanilang isipan na pinagkaitan sila ng panahon. Kaya't noong lumaki na sila, bitbit pa rin nila ang PAGKOKOMPARA. Ito ang dahilan kung bakit lumalaki silang mahihina. Comparison often INTENSIFIES and turns into NEGATIVE SELF-TALK. Self-talk na napakalala.
“HINDI AKO MAGALING”
“HINDI KO 'YAN KAYA”
“WALA AKONG TALENTO”
That negative thoughts slowly start creeping into their minds.
Ganito mo rin ba tinatrato ang sarili mo? If YES is your answer, then I want you to know that this kind of gloomy thinking causes you to develop anxiety and depression, which may continue well into your adulthood years. Kaya halos lahat may insecurities. Tayo lang din naman ang gumagawa nito. Ikinokompara natin ang ating KAHIRAPAN laban sa KARANGYAAN ng ibang tao. Diyan pa lang TALO ka na kaagad. Alam mo, hindi naman lahat ng nakikita mo ay TOTOO. Akala mo lang masaya sila sa buhay nila dahil sa mga post nila sa social media. Pero hindi mo alam ang behind-the-scenes ng bawat tao. Tayo lang ang sumisira sa ating sarili. Mahirapan tayong magtagumpay kapag ikinapit natin ang negatibo sa ating buhay. Kaya't oras na para bitawan natin ito.
NUMBER 1
ANG PAGKOKOMPARA ANG PAPATAY
SA KALIGAYAHAN NATIN
Photo by armağan başaran from Pexels
Malamang alam mo na ang epekto ng pagkokompara. Kahit alam mo na ang negatibong epekto nito, kailangan ko pa ring uulit-ulitin. Nang sa gan'on ay maiintindihan mo talaga kung ano na ang nangyari sa buhay mo. It means, comparing yourself to other people, only makes your life DIFFICULT and brings you MISERY and brings you PAIN. Saan na ang KALIGAYAHAN? Wala na. Ang pagkokompara ang papatay sa kaligayahan mo. May positibo namang epekto ang pagkokompara KUNG. . . . . .ginagamit mo ito bilang MOTIBASYON. Bibigyan kita ng halimbawa, may nakita kang tao na mas maganda pa sa 'yo, 'wag mong kainggitan, sa halip na maiinggit, gamitin mo sila bilang inspirasyon mo para naman mas maalagaan mo pa lalo ang iyong sarili. Work harder. Do better.
NUMBER 2
HINDI KA UUNLAD
Talagang wala kang mararating sa buhay kung ginagamit mo ang buong araw mo sa pagkokompara ng tagumpay ng iba. Uulitin ko, hindi ka talaga magtatagumpay sa ganyang ugali. Bakit hindi ka magtatagumpay? Dahil wala ka ng focus sa sarili mo. Ibinuhos mo ang oras mo sa kakapokus sa ibang tao. Paano na ang sarili mo? Paano na ang layunin mo? You must invest all your energy into pursuing your own DREAMS and GOALS. Don't waste your precious time on those of others. Kasi ang mga taong tinitingala mo ay hindi makakatulong sa 'yo. Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo. IKAW lang ang hahawak sa buhay mo. Nasa sa 'yo pa rin ang pagdedesisyon.
NUMBER 3
HINDI MO MABABAGO ANG KATAWAN MO
Photo by Ike louie Natividad from Pexels
Ibig sabihin ng katawan ay ang pagkatao mo. What I mean is, physically speaking, YOU are YOU. Kahit anuman ang gagawin mo, IKAW ay IKAW pa rin. Habambuhay. Hindi ka magiging katulad ko. Hindi ka magiging katulad niya. Kasi IKAW ang bukod tanging nilalang sa mundo. May spesyal kang kakayahan na hindi namin kaya. Kung iniisip mong maging katulad ka nila, 'yan ang malaking kamalian na gagawin mo. Isipin mo 'to, sa sampung mga daliri, ni isa walang parehong finger print. Because each one of us is UNIQUE. Again, you will never be anyone else. There will NEVER be anyone EXACTLY like you. May regalo ang Diyos na ikaw lang ang nakakagawa. At ang regalong 'yon, ay TALENTO mo. Talento mo na kailangang ipakita mo sa mundo. We have special talents. Kahit ang daming tao na may talento sa pagsasayaw pero hindi sila pareho ng istilo. Nakuha mo ba ang punto ko? We have talents. Even though we have the same talents but NOBODY, again NOBODY will use their talent quite the same way you do. So now I want you to start BELIEVING in the VALUE of your UNIQUENESS.
NUMBER 4
LAHAT TAYO AY HINDI PERPEKTO
Ito kasi ang kamalian na ginagawa natin ng paulit-ulit. Iniisip natin na perpekto ang sitwasyon ng ibang tao. Ito ang dahilan kung bakit nadidismaya tayo sa sarili nating buhay. But the truth is, NO ONE HAS A PERFECT LIFE. Makikita mo ito sa social media. Maraming nagpo-post ng mga
“GALA MOMENTS”
“KAINAN”
“RELATIONSHIP GOALS”
at marami pang ibang nakakainggit na pangyayari. And we might think, that a lot of them are leading an amazing life with NO DOWN SIDES. BUT this is NOT TRUE. Kasi walang tao ang gustong mag post ng negative side nila sa social media. Ayaw nilang makita ang BAD SIDES nila. Ang pinopost lang nila ay ang mga HIGHLIGHTS ng kanilang buhay. Kaya nabibilog ang ulo mo. You see, ikinokompara mo ang NEGATIVE SIDE mo sa POSITIVE SIDE ng ibang tao. Ano ang resulta? TALO ka. Mas lalo kang malulungkot. Every single person on this Earth experiences PROBLEMS and CHALLENGES throughout their lives. Walang EXEMPTED dito. Kahit ako ilang beses ng sinubok ng panahon. But the difference between YOU and ME is I always take ACTION to PUNCH my problems. Ang iba'y marunong magtago sa likod ng kanilang mga problema. Kaya palagi silang inaatake ng mga problema araw-araw. Kaya't sa oras na magkokompara ka na, tandaan mo 'to, hindi mo alam ang BEHIND-THE-SCENES ng ibang tao. Nagtatagumpay man sila pero hindi mo alam kung gaano nila 'yon pinaghirapan. Nagiging duguan muna sila sa laban ng buhay bago nagtagumpay.
NUMBER 5
MAY PALAGING TAO
NA NAKAKAHIGIT SA 'YO
Alam kong masasaktan ka talaga nito. Oo kahit gaano ka pa kagaling, may mas magaling pa sa 'yo. Mas mabuti pang saktan kita sa katotohanan kaysa sa bilugin ang ulo mo sa kasinungalingan. The reason why I do this is because I want you to accept this reality TODAY. The sooner you ACCEPT it, the HAPPIER you will be. 'Yan naman ang gusto ko, ang MAPAPASAYA ka at MAPAPAGAAN ang loob mo. Alam mo, n'ong nag-aaral pa ako, marami akong kaklase na matalino pa sa 'kin. Nakakaranas din ako ng bagsak na grado. Then a friend of mine told me,
“Kahit hindi ka pumasa sa araw na ito,
kahit may umangat pa sa 'yo,
ikaw pa rin ang the best para sa 'kin”
Someone believes in me at naiisip ko sa araw na 'yon, kahit gaano ka man kagaling, MAS may taong magaling pa sa 'yo at tinanggap ko 'yon ng BUO. I'll let people do their own thing. While doing my own thing. To be honest, hindi naman agad-agad na naka-move on ako sa ganyang bagay. Dumaan muna ako sa pagiging malungkot. I didn't really understand what the hell my friend was talking about and to tell you FRANKLY, it left me with even more PAIN. Pero unti-unti ko 'yong naintindihan. I realized he was right. At some point in our lives, someone will BEAT us to whatever it is we're after. Kahit kinikilala si Manny Pacquiao bilang Pambansang Kamao pero napabagsak siya ni Juan Marquez. Kasi hindi sa lahat ng panahon ay PANALO tayo. Kaya't tanggapin natin ang maaaring mangyari upang hindi tayo mababaon sa kalungkutan. Let's accept that we can't always win at everything in life. All you have to do is work hard and try your BEST and whatever is MEANT TO BE will fall into place for you at the RIGHT MOMENT.
Comments
Post a Comment