How To Stop Negative Self-Talk By Brain Power 2177


Photo by Pixabay from Pexels


Ayon sa tantsa ng mga tagapagsaliksik, bawat isa sa atin ay napakaraming iniisip bawat araw. Alam mo ba kung gaano karami ang iniisip natin? 50, 000 hanggang 70, 000. Pero hindi lang natin namamalayan. Pero ang napakasaklap pa, 80% sa mga iniisip natin ay NEGATIBO. Napakasakit kung iisipin, 'di ba? Ano nga ba ang negative self-talk?

Ito y'ong the way na kinakausap mo ang iyong sarili. Ginugugol mo ang iyong oras sa pagpapabagsak ng iyong sarili. Paano ko nasabi? Palagi mo kasing sinasabi sa sarili mo na HINDI KA MAGALING, na BOBO KA, na WALA KANG TALENTO, na HINDI KA KAAKIT-AKIT. Palagi mong sinasabi sa sarili mo na HINDI KA DESERVING sa mga bagay na gusto mo. Palagi mong sinasabi sa sarili mo na hindi mo matutupad ang pangarap mo. Palagi mong sinasabi na hindi mangyayari ang kagustuhan mo at hindi ka naniniwala na makakaya mong gawin 'yon. Palagi mong sinasabi na IMPOSIBLENG matupad ang pangarap mo.

Alam mo ba na ang pagka negatibo mo ay may malaking negatibong epekto rin sa buhay mo? Kung iisipin mo na POSIBLENG matupad ang pangarap mo, mas itutulak ka pa ng utak mo na magsikap para makamit 'yon. Kasi sa ISIPAN nagsisimula ang lahat. Kung iisipin mo naman na IMPOSIBLENG mangyari ang kagustuhan mo, hindi rin gagana ang utak mo. Mas papaniwalain ka pa nito na 'wag na lang sumubok. Paano ka makakausad kung IMPOSIBLE lang ang pinaniniwalaan mo sa buhay? Kita mo naman ang malaking diperensya, 'di ba? Kung iisipin mo na deserve mo ang mamuhay ng maayos, you will also create that life.

Ayon sa pag-aaral, ang pag-iisip ay may malaking salpok sa buong katawan natin. Halimbawa, nagpa-lie detector test ka, pinapaliwanag nila na ang iniisip mo ay may impluensya sa 'yong blood pressure, maaapektuhan rin ang iyong kalamnan, temperatura sa 'yong katawan, ang iyong paghinga, ang tibok ng iyong puso, at pagpapawisan rin ang iyong mga kamay. Kita mo 'yan. Lahat ng 'yan ay REAKSYON ng negatibong INIISIP mo. Kung palagi ka lang nag-iisip ng negatibo, gaya ng iniisip mo na nagdudulot ng pagkatakot, pagkagalit, pagkabalisa, pagkakasala, kahihiyan at pagsisisi, ang kalamnan mo ay manghihina, tataas ang antas ng stress mo.

Ayon sa pag-aaral, ang negatibong tao ay lalong makakaranas ng depresyon at mas lalong hindi masisiyahan sa kanyang buhay. Kung lahat ng iniisip mo ay POSITIBO, babaha rin ng ENDORPHINS ang utak mo. Ang salitang ENDORPHIN ay hango sa salitang ENDOGENOUS, ibig sabihin ay INSIDE THE BODY. Ang ibig sabihin ng MORPHINE ay medikasyon na nakakapagtanggal ng sakit. Sa madaling salita, ang ENDORPHIN ay isang HAPPY HORMONE. Sa bawat pag-iisip mo ng positibo, makakadama ka ng kasiyahan at kaginhawahan sa 'yong buhay. At siyempre kung MASAYA ka, ang katawan mo ay magri-release ng endorphins. Kaya nga naging masaya ang tao kapag positibo siya, 'di ba? Dahil 'yon sa ENDORPHINS. And as a result, you are far more likely to be CONFIDENT, OPTIMISTIC, and more MOTIVATED to do what it takes to achieve your goals.

Malamang maiisip mo na hindi madali maging positibo. Totoo naman 'yan. Pero mas hindi madali ang buhay kung negatibo ka na lang palagi. Karamihan kasi sa mga tao ngayon, madaling mapuna ang bawat pagkakamali ng ibang tao o sa kanilang sarili mismo. But in reality, all they are doing is mentally sabotaging themselves. Pero kahit na gan'on, makikita mo rin ang kagandahan nito. Kasi alam mong IKAW pa rin ang NAGKOKONTROL sa isipan mo. Lahat ng epekto tungkol sa anumang nakikita mo ay GALING lang sa 'yo. Galing sa REAKSYON mo. That means, you can learn to consciously choose to replace your negative thoughts with positive ones that will make your life better.

Ngayon, may ibibigay akong 5 URI ng negatibong pag-iisip. Nang sa gan'on, ay malaman mo at nang malabanan mo ang mga ito upang maging mas matiwasay ang iyong pamumuhay. 'Wag mong ihinto ang panonood mo, 'wag mong laktawan ang videong 'to dahil ang lahat ng laman ng videong ito ay napakaimportante.


NUMBER 1
PALAGI AT HINDI MENTALITY
Photo by Pixabay from Pexels


Naintindihan mo ba? Ito y'ong sinasabi mo sa sarili mo, na

“PALAGI NA LANG AKONG GANITO”

“HINDI NA MAGBABAGO ANG SITWASYON KO”

Alam kong marami pa ang mga halimbawa na tumatakbo sa isip mo ngayon. Pero alam mo ba, na ang mga iniisip mo gaya ng halimbawang ito, ay hindi naman totoo? Ikaw lang ang gumagawa ng mga hadlang sa buhay mo at ikaw din ang may kakayahang wasakin ito.


NUMBER 2
NAKATUON KA LANG SA KADILIMAN
Photo by Keenan Constance from Pexels


Ito y'ong abalang-abala kang tumingin sa kamalian ng ibang tao at sa ingay ng mundo. O mismo sarili mong pagkakamali at kabiguan ay pinupuna mo. Kahit anong gawin mo, parang MALI lahat ng nakikita mo. Pero ang katotohanan, hindi naman kasamaan lang ang nangyayari sa buhay natin at sa mundo. Hindi rin kabutihan lang. Lahat ay BALANSE. YIN YANG ENERGY. May kadiliman at may kaliwanagan. May demonyo pero may Diyos rin. Napakaperpekto ng buhay natin, 'di ba? Hindi lang perpekto ang ating reaksyon.  There's a positive side and a negative side to pretty much everything. Alam mo naman na ikaw lang ang may kakayahang mag adjust ng focus mo. Paano kaya kung i-direkta mo ito sa positibong dako? I promise you it will have a much better impact on your life and your health if you do that.


NUMBER 3
ALAM MO NA LAHAT
Photo by Markus Spiske from Pexels


Kaya ka naging negatibo sa buhay kasi palagi mong sinasabi na ALAM mo na. Pero sa totoo ay kaunti lang ang nalalaman mo. Ini-imagine mo na lahat kahit hindi naman totoo. Sa sobrang negatibo mo, ini-imagine mo palagi kung kailan ang katapusan ng mundo, kung kailan ang WW III. Iniisip mo in advance kung kailan ka tatanggalin ng boss mo. Tapos iniisip mo na parang galit ang mga tao sa 'yo. Iniisip mo na may kabet ang asawa mo. Lahat iniisip mo kasi iniisip mo na ang lahat ay ALAM mo. Ito ang dahilan kung ba't hindi ka natututo. Paano mo maitama ang mali mong kaisipan kung alam mo naman lahat ng gawin? Kahit imahinasyon mo lang lahat 'yon, isa lang ang ibig sabihin niyan, pinapakita mo sa sarili mo, na wala kang kontrol sa 'yong buhay. Don't lose your BALANCE. The truth is, we don't know everything. Hindi natin alam kung anong mangyayari sa kinabukasan natin. Kaya't para saan pa ang pag-aalala sa mga bagay na hindi pa naman dumating? Minsan nga may mga bagay na hindi naman mangyayari.  Masasayang lang ang ating lakas sa kakaisip sa mga bagay na 'yon. Isa lang ang dapat mong gawin. Alamin mo lang kung ano ang nangyayari NGAYON kasi ang NGAYON lang ang tanging makokontrol mo.


NUMBER 4
MIND READING
Photo by Akshar Dave 🍉 from Pexels


Ito y'ong palagi nating iniisip kung ano ang iniisip ng ibang tao tungkol sa 'tin. Iniisip mo na hindi ka nila gusto. Pero ang tanong, paano mo nasabing hindi ka nila gusto? Paano mo nasabing pinag-uusapan ka nila? Guni-guni mo lang 'yan. Resulta 'yan sa kakulangan ng kompiyansa mo sa 'yong sarili. 'Wag mong kontrahin ang utak mo. 'Wag mong basahin kung ano ang pakikitungo ng ibang tao sa 'yo. Gawin mo ang sarili mong tungkulin. Kasi hindi mo naman alam kung ano ang iniisip ng ibang tao. May sariling buhay din sila katulad mo. Ang swerte mo naman kung nakasentro ka lang sa buhay nila, 'di ba? You are NOT a psychic. Ang tanging paraan para malaman mo kung ano ang iniisip ng ibang tao ay tanungin mo sila ng harapan at mag-usap kayo tungkol sa iniisip niya. Ganyan lang kasimple. 'Wag mong pangunahan ang mga bagay-bagay. Iniisip mo na may galit ang isang tao sa 'yo. Pero paano kung hindi pala siya galit? Paano kung may mood disorder lang siya? That's also how you form deeper and more meaningful relationships.


NUMBER 5
MAKASALANAN KA

Ito y'ong nakatuon ka lang sa mga kasalanan mo, sa mga kamalian mong nagawa noon at hanggang ngayon. Mga kamaliang nagdudulot ng kahihiyan. And you allow that to define your perception of who you are. Palagi mong sinasabi sa sarili mo na TARANTADO KANG TAO, na hindi ka magtatagumpay sa anumang bagay, na hindi ka deserving dahil sa mga kamalian mo. Kaya't sumusuko ka na rin kahit hindi mo pa inumpisahan.

I've seen so many people waste their entire lives because of their past deeds. Whatever bad you did in the past, YOU CAN'T CHANGE IT. But you can change “YOU”. Be the best version of yourself. Ang gusto ko lang malaman mo, LAHAT TAYO AY HINDI PERPEKTO. Walang exempted. But we shouldn't allow that to DEFINE us and to DEFINE YOU. Sa bawat oras na papasok sa isip mo ang negatibong bagay, 'wag mong piliting palabasin ito. Kumalma ka lang at lalabas rin ito. The more you resist, PERSIST. Consciously shift your thoughts into a POSITIVE THOUGHT.





Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177