15 Things That You Need To Know Today By Brain Power 2177


Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Ang totoong kayamanan ay hindi mabibili ng pera. Ito ay nasa sa 'yo na pero hindi mo lang napapansin. Nabubulag ka na kasi sa materyal na bagay sa mundong 'to at palagi mong iniisip na ito'y tunay na magbibigay sa 'yo ng kaligayahan. Pero nagkakamali ka lang pala. Makikita mo lang ang tunay na kayamanan kapag pinapahalagahan mo ang mahalagang bagay na nasa sa 'yo. Ang mga bagay na tinutukoy ko ay ang makakapagbigay ng kaligayahan sa 'yo. Ano ba ang mga ito? Ang pamilya mo, mga kaibigan mo, mga alaga mong hayop, mga aklat, ang pag-alaga mo mismo sa sarili mo, 'yan ang importanteng bagay na kailangan mong pagtuonan ng pansin. Ang mga bagay na 'yan ay hindi matutumbasan ng pera. Pagtuonan mo ng pansin ang mga bagay na nakakapagpasaya sa 'yo na hindi mo ginagamitan ng pera. Heto na ang 15 bagay na makakapagbuklat ng iyong isipan.


NUMBER 1
ANG MGA IMPORTANTENG BAGAY
AY WALANG PRESYO
Photo by Alexandr Podvalny from Pexels


Ang mga materyal na bagay ay importante rin naman pero hindi PINAKA IMPORTANTE. Ang mga bagay na pinaka importante sa buhay natin ay hindi mababayaran, hindi mabibili, walang katumbas. THEY ARE PRICELESS. Sila y'ong pamilya mo, mga kaibigan mo, mga alaga mong hayop, at ang pagkatuto mo sa isang bagay o kahit anong bagay na hindi mo mabibili. Mabibili ba ng pera ang pag-ibig? Hindi. Libre mo lang y'ong makukuha sa pamilya mo. Libre mo rin lang y'ong maibigay sa mga kaibigan mo. Kapag ito'y binabayaran, hindi ito tunay na pagmamahal.


NUMBER 2
MAGKAHIWALAY MAN KAYO NG PAMILYA MO,
NAKADIKIT PA RIN SILA SA PUSO MO
Photo by cottonbro from Pexels


Gaya ng sabi ko kanina, hindi mababayaran ang tunay na pagmamahal. Kahit g'ano man kayo kalayo ng pamilya o mga kaibigan mo, mananatili pa rin sila sa puso mo. Nakatira sila sa puso mo ng LIBRE. Kung totoo mo silang mahal, iparamdam mo sa kanila. Show them that you REALLY CARE. Magkaiba pa rin ang pagpapadala ng pera at pagpapadala ng pagmamahal. Tell them how much you love them. Tawagan mo sila. Send something thoughtful. Tandaan mo 'to, hindi dahil hindi kayo magkasama physically, ay nag-iisa ka na. Hindi ka nag-iisa. Kaya't 'wag kang malungkot. Know that your family is always willing to support you for FREE.


NUMBER 3
KUNG HINDI MABIBIGAY NG TAO ANG PAGMAMAHAL NA GUSTO MO,
MAG-ALAGA KA NG HAYOP
Photo by Olya Kobruseva from Pexels


Kahit anong hayop ang aalagaan mo, makakatulong sila sa pagpapagaan ng loob mo. Binak-apan na ito ng siyensya. Pets know how to love humans. Kahit isang yakap lang sa alaga mo, talagang mawawala ang stress mo. They will show you genuine love. And things that you can buy or you already have can't make you completely happy. If you have a pet, you are already prosperous. But I'm not saying if you don't have one, you are unprosperous. You can still receive genuine love from your family and friends.


NUMBER 4
HINDI KA MAYAMAN KUNG ANG KAYAMANAN MO
AY KAYANG BILHIN NG PERA
Photo by Alexander Mils from Pexels


Lahat naman tayo pwedeng maging mayaman. Pero kaya ba ng lahat na magpakatotoo? Kaya ba ng lahat magmahal ng walang kapalit? Hindi lahat makakaya 'to. Kung bibili ka ng mamahaling kotse, ang kotse bang 'yan ay makakapaghilom ng sugat sa puso mo? Hindi, 'di ba? Pamilya mo lang ang makakasagip sa 'yo. Sila ang tunay mong kayamanan. Kung matuto ka lang makontento, maiintindihan mo panigurado, na wala na pa lang kulang sa buhay mo.


NUMBER 5
TIME IS GOLD
Photo by abdullah . from Pexels


Ang oras ay pera 'yan. Hindi pwedeng ang pera ay oras. Hindi mo 'yan pwedeng baliktarin. Time can make a lot of money. But money cannot make a lot of time. Did you get my point? Ito lang ang kulang ng karamihan. Ang iba'y nagsasayang ng oras. Please stop wasting your time. Because a time that you wasted is already wasted. Kung may oras ka, magagamit mo ito para itama ang pagkakamali mo. Magagamit mo ito para matuto ka.


NUMBER 6
ANG LAHAT NG BAGAY
AY MALULUMA
Photo by Ekaterina Belinskaya from Pexels


REAL TALK! May mga taong bibili lang ng mga bagay para may maipapakita rin sila sa ibang tao. This is a bad idea. Why? Because you're living NOT for yourself. You're living seeking approval from other people. And all of that material things you have will go out of fashion. Ang tunay na kayamanan ay hindi maluluma. Your family, friends, things thay you've learned, God's words, will never go out of fashion. Hindi sila maluluma. Hindi sila masisira. Hindi mo sila mapapalitan. Mananatili silang ganyan kahit ano ka pa o sino ka pa. Sa halip na nakatutok ka lang sa mga bagong labas na mga bagay, bakit hindi mo muna pagtuonan ng pansin ang spiritwal mong pangangailangan? How about your emotional needs? God will HEAL you. Things don't heal you. Your family can lift you up, things don't. Your close friends can make you laugh, things don't. Kaya't magpokus ka lang sa mga positibong tao na nakapaligid sa 'yo. Magpokus ka rin sa tulong ng Diyos.


NUMBER 7
ANG MGA HAYOP
AY HINDI NANGHUHUSGA
Photo by cottonbro from Pexels


Ibig sabihin, kung mapanghusga kang tao, anong klaseng animal ka? Alam ko na ang iba sa inyo'y may alagang hayop. Hinuhusgahan ba nila ang pagkatao mo? Hinuhusgahan ba nila ang mga nakamit mo sa buhay? kung anong sinusuot mo? Namimili ba sila ng magandang tagapag-alaga? HINDI. Sino ba ang mapanghusga? Ang mga toxic na tao na akala mo'y tunay mong kaibigan. Kaya't alagaan mong mabuti ang mga alaga mong hayop at hinding hindi ka magsisisi.


NUMBER 8
MAMUHAY KA NG MAAYOS
Photo by Jess Loiterton from Pexels


Halos lahat ay umiiral lang sa mundo pero hindi naman namumuhay ng maayos. Abalang-abala ka sa mga bagay na walang kwenta. Gusto mong magkaroon ng maraming pera. Hanggang sa nakakalimutan mo na ang mga bagay na nakakapagpasaya sa 'yo. Oo, makakapagpasaya naman ang pera pero pansamantala lamang. Before you reach your last breath, notice all the simplest things that make you happy. Uulitin ko nang mas maliwanagan ka pa, mahalaga ang pera pero hindi PINAKA mahalaga. Mahalaga pa rin ang mamuhay na puno ng pagmamahal.


NUMBER 9
ANG MALIIT NA BAGAY
AY MAY MALAKING HALAGA
Photo by Tima Miroshnichenko from Pexels


Alam mo ba kung anong maliit na bagay ang tinutukoy ko? 'Yan ang kabutihan at pagmamahal na ipinapakita mo sa ibang tao. Bakit maliit na bagay? Kasi 'yang bagay na 'yan ay madaling makalimutan ng tao. Ang kamalian lang kasi ang laging natatandaan. Kung marunong kang magmahal, pinagpala ka na. Libre lang naman ang magmahal, kaya't 'wag ka ng humingi ng kapalit.


NUMBER 10
KAPAG NAWALA ANG PAMILYA MO,
MALULUGMOK KA TALAGA
Photo by Jeswin Thomas from Pexels


Kung mawawalan ka ng pera, magagawan mo pa ng paraan para kumita ka ulit. Kung pamilya naman ang mawawala sa 'yo, paano ka na? Ganyan kalaki ang impact ng pagmamahal sa buhay natin.


NUMBER 11
MAHALIN MO ANG IYONG BUHAY
AT MAMAHALIN KA NITO PABALIK
Photo by Pixabay from Pexels


Gaya nga ng sabi ko kanina, ang maliit na bagay ay may malaking halaga. Paano nga ba mahalin ang buhay? LIVE FULLY. Appreciate the CLEAN AIR. BREATHE. MEDITATE. APPRECIATE ALL THE THINGS YOU DO HAVE, even if it's SMALL. Appreciate the beauty of God's perfect creation. These simple things are often taken for granted when they are the things that matter the most. ENJOY LIFE. LIVE IN THE PRESENT MOMENT. And you will see how rich you are. Because money cannot buy you fresh air. It's FREE.


NUMBER 12
MABUTI PA ANG MGA HAYOP
AY TUNAY NA MAGMAHAL
Photo by Dids from Pexels


Wala silang paki mahirap ka man o mayaman. Gusto lang nila ang pag-aalaga mo. Kahit hindi ka man gaanong kagandahan, wala silang paki sa hitsura mo. Gusto pa rin nila ang pagmamahal mo. Kamusta kaya ang mga tao? Ganyan ba tayo magmahal sa kapwa natin? Hindi ba tayo namimili ng taong mamahalin? Hindi ba tayo nanghuhusga sa kapwa natin? Hindi ba tayo tumitingin sa puso nila? Ang daming tao ngayon na namimili lang ng mayaman, ng magandang mukha. Ginanyan ba tayo ng Diyos?


NUMBER 13
GUMAWA KA NG MGA BAGAY
NA MAAALALA NG MGA TAO
Photo by Christina Morillo from Pexels


Y'ong mga bagay na talagang didikit sa ulo ng mga tao at mami-miss ka nila kahit wala ka na sa mundong 'to. Make all people happy. Pagaanin mo ang kanilang buhay. Kung aalis ka na sa mundong ginagalawan mo, buhay ka pa rin sa isipan nila.


NUMBER 14
'WAG MONG BALEWALAIN
ANG PAMILYA MO
Photo by Pixabay from Pexels


Kasi sa huli, sa kanila ka pa rin babalik. Sila ang nagpapalaki sa 'yo. Sana'y ikaw naman ang tutulong sa kanila. Pinalaki ka nila ng walang kondisyones. Sana'y gantihan mo rin ng kabutihan ang kabutihan ng mga magulang mo. Marami ng tao ngayon ang nakakalimot sa pinanggalingan nila. Sana'y maisip mo rin ang pagsasakripisyo nila n'ong bata ka pa.


NUMBER 15
HINDI KA NAG-IISA
Photo by Dmitriy Ganin from Pexels


Kahit na mag-isa ka ngayon, hindi ka pa rin nag-iisa, dahil alam mong may malalapitan ka. Kung hindi man tao, pwede ang Diyos. Kahit gaano kahirap ang buhay, kapag may tunay kang kaibigan, hindi ka talaga madaling tablan ng takot at hindi ka na masyadong mag-aalala. Ang tunay na magkakaibigan ay hindi mabubuwag ng salapi. See you're richer more than you think. Kung madadapa ka man sa 'yong paglalakbay, tandaan mo, may malalapitan kang pamilya't kaibigan na nagmamahal sa 'yo ng tunay. Material things couldn't talk. Actually, you are rich already. Isipin mo nga y'ong mga taong minahal mo at nagmahal sa 'yo. Isipin mo nga y'ong mga alaga mong walang paki sa kung anong mayroon ka. Isipin mo nga y'ong mga bagay na natutunan mo sa 'yong buhay. Ang mga bagay na 'yan ang tunay mong kayamanan. Hindi 'yan kayang bilhin ng pera. Hindi 'yan matutumbasan.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177