Love Yourself Again By Brain Power 2177


Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Bakit ba palagi mong iniisip na hindi ka deserve maging masaya? Ba't ba mababa lang ang tingin mo sa sarili mo? Ano ba talaga ang problema mo? Kailan mo ba mapagtanto na nilalang ka ng Diyos upang mabuhay na puno ng pagmamahal. Kailan ka ba titigil sa pag-iisip na "LESS THAN" ka lang? Mahigit ka pa sa problema mo. Mahigit ka pa sa mga taong manloloko. Ano ba ang pinanghihinayangan mo? Kailan mo ba bibitawan ang mapait na nakaraan? Kailan ka ba mamuhay ng maayos? Bakit mo pinababa ang iyong mga pamantayan? Kailan mo ba bibitbitin ang pangarap mo, kailan mo ba tutuldukan ang lahat ng 'to?

Talagang ikaw ay natatangi at perpekto. Talagang maganda at kamangha-mangha ka. Bakit hindi mo ipapakita 'yon sa mga tao? Ba't hinayaan mo lang sila na saktan ka? Nakalimutan mo ba na hindi ka doormat? Nakalimutan mo ba na ang lahat ng dumi na nangyari sa nakaraan ay kailangang manatili lang doon? Hindi mo 'yon pwedeng dalhin dito ngayon. Wala ka na sa nakaraan mo. Ang mga bagay mula sa nakaraan ay nagpapalakas sa 'yo at nagturo sa 'yo sa tamang tao o landas.  Nalimutan mo ba 'yon? Ang mga tao na tinatrato kang "LESS THAN", bakit 'di mo sila kayang bitawan? Bakit nakikipag kaibigan ka pa rin sa kanila? Hindi sila nararapat sa 'yo. Hindi nila nakikita ang iyong kadakilaan at nais nilang panatilihin ang pagka-average mo. Hindi nila gustong aangat ka. Hindi nila gustong malalampasan mo sila. Gustung-gusto nilang punitin ka upang manatili ka lang sa ganyang buhay. Gusto mo lang bang average ka na lang palagi? Ayaw mo ba ng "MORE THAN"?

Ikaw ay kahanga-hanga, maganda, gwapo at kamangha-mangha. 'Wag kang matakot na lumitaw ang iyong liwanag para naman makita ng lahat. Itigil mo na ang pagiging tupa at sunud-sunuran. Tiyak na alam mo ang lahat ng kadakilaan sa loob mo. Damhin mo 'yan sa lahat ng oras. Alam mo na may lakas pang natitira sa puso mo pero hindi mo lang ginagamit, siguro natatakot ka sa mundo. Itigil mo na 'yan. Walang mali o egotistical tungkol sa pagpapakita ng tunay na kagandahan mo. Hindi gusto ng Diyos na kimkimin mo lang 'yon. May mga tao pa rin na gustong makita ang totoong IKAW. Kung marami man ang naiinggit sa 'yo, tanggalin mo sila sa buhay mo. Kung iniwan ka ng taong mahal mo, ipaubaya mo na lang sa Diyos ang lahat. 

'Wag mong hayaan na lalamunin ka ng takot. Takot kang mag-isa. Marami kang insecurities, may limitasyon ka. 'Wag mong hayaan na pipigilan ka ng mga ito. May tunay na pag-ibig at may makikinang na buhay na nararapat sa 'yo. At nand'on sila sa hinaharap mo. Alam mo na ang kwento ng kahapon mo, 'di ba? Ba't iniisip mo pa? 'Wag ka ng tumira d'on. Natutuhan mo ang lahat ng mga aralin, 'di ba? Marami ka ng pinaniniwalaang kasinungalingan. Sapat na 'yon.

Hindi ako sapat

Hindi ako matalino

Hindi ako maganda

Hindi ako gwapo

Hindi ako espesyal

Pero alam mo, kasinungalingan lang ang lahat ng 'yan. Walang kulang sa 'yo.

Matalino ka

Maganda ka

Kamangha-mangha ka

at espesyal ka

Nalimutan mo na ba 'yan? Lahat ng mga taong tinatrato ka na parang basura, y'ong mga taong nang-iwan sa 'yo, nais lang nilang panatilihin ka sa kanilang mababang antas. Hindi nila gustong makita kang lumago o lumawak o maging kahanga-hanga. Gusto nilang makita na malungkot ka, na mababang tao ka lang, na wala kang kabuluhan, at puno ng takot. Ginagawa 'yan ng mga bullies. Pero hindi ka na ang taong 'yon. Hindi ka na nagpapaapi. Tumayo ka at ipakita mo sa kanila, ipakita mo sa buong mundo kung SINO ka talaga. Ipakita mo sa buong  mundo ang iyong tunay na kadakilaan, ngunit higit sa lahat, ipakita mo sa 'yong sarili ang tunay na pagmamahal. Mahalin mo ulit ang sarili mo. Mahalin mo ang iyong sitwasyon. Mahalin mo ang iyong sarili nang higit sa anumang bagay sa mundo. Kapag ginawa mo 'yan, ipinapakita mo sa mga tao kung paano ka dapat mahalin at tratuhin nila. 'Wag kang magpapaapekto sa mga nangyari. Maging mabangis. Huwag hayaan ang sinuman o anumang bagay na hahadlang sa 'yong daan. Mahalin mo ulit ang sarili mo.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177