It Depends How You Look At Your Challenges By Brain Power 2177


Photo by Tima Miroshnichenko from Pexels


Kahit ano man ang sitwasyon mo ngayon, tanggapin mo lang 'yan. Magpokus ka lang kung paano ka babangon. Ito ang masakit na katotohanan, halos lahat ng tao ay naniniwala na malas ang kanilang buhay. Oo, tinanggap nila ang nangyari pero wala silang ginawa para makabawi. Karamihan kasi ibinabase nila ang kanilang self-worth sa kanilang nakaraan, sa kanilang napagtagumpayan, sa kung paano sila tinitingala ng ibang tao, pero sa totoo lang, yung mga nakamit natin, ang pagtrato ng ibang tao sa 'tin, balewala lang 'yan sa huli. Kasi ito ah, paano kung walang humahanga sa 'yo? Paano kung wala ka pang napapatunayan? Ibig bang sabihin ay mababa lang din ang tingin mo sa 'yong sarili? We are who we “CHOOSE to BECOME”. Ang pagbabago ng ating buhay ay nakasalalay sa ating pagdedesisyon. Ang nangyari sa 'yo ngayon ay hindi mo 'yan pinili, hindi mo 'yan hiniling, 'di ba? Natural lang itong dumating sa buhay mo. But how you choose to FEEL about what happens is ALWAYS your CHOICE. Uulitin ko upang mas maging malinaw, hindi mo pinili ang mga pangyayari. Wala kang kontrol sa mga 'yon. Pero ikaw ang pumili kung paano mo tinugunan ang bawat pangyayari. Kung ano ang reaksyon mo sa sitwasyon, 'yan ang tumutukoy ng kalidad ng iyong buhay. Kaya't bitawan mo na ang nangyari sa nakaraan. Kailangan mong magpasya na ngayong araw na 'to ay handa mo ng harapin ang pagbabago. Simulan mo sa araw na 'to. 

Malamang maitatanong mo,

“Bakit palaging masama ang nangyayari sa 'kin?”

“Bakit ang daming taong toxic sa buhay ko?”

Gusto mo bang malaman ang sagot? Halos lahat ng kinikilos mo ay kontrolado ng iyong subconscious mind. Pati na ang mga iniisip mo. Ang problema lang sa mga tao, hindi nila naiintindihan ang katotohanang 'to. Kung naiintindihan man nila, hindi nila matanggap. Kung hindi mo maintindihan ang role ng iyong subconscious mind, para kang naka autopilot. Halos lahat ng negatibong pangyayari ay paulit-ulit na lang. Lahat ng reaksyon at iyong response ay paulit-ulit. Pati problema ay nauulit. Walang katapusan. Ito ang dahilan kung bakit hindi pa rin nagbago ang takbo ng iyong buhay. Paulit-ulit mong ginawa ang mga bagay kahit alam mo namang walang resulta tapos naghahangad ka pa ng magandang resulta. Paano magkakaresulta ng maganda kung inulit mo lang ang mga bagay na walang dulot na maganda? Baguhin mo ang iyong reaksyon, ang iyong response, ang iyong aksyon hanggang sa masanay ka sa gano'ng mga kilos. Kapag naipasok mo sa 'yong subconscious mind ang bago mong ginawa, magbabago rin ang takbo ng iyong buhay. Kaya't dapat mong malaman kung ano ba ang ginawa mo ngayon upang maituwid mo ang iyong kamalian. Also learn WHY you FEEL a certain way, on a consistent basis, so you will be able to consistently feel better in any way. Pag-isipan mo 'yang mabuti at suriin mong mabuti ang takbo ng buhay mo ngayon. Suriin mo ang iyong SARILI. Ano ba ang nararamdaman mo? Positibo ba? Positibo rin ba ang mga kilos mo? Kamusta ang iyong mga habits? Hinayaan mo na lang ba na kontrolado ka ng isipan mo? Kung may nakikita kang hindi maganda sa sarili mo, kailangan mo muna 'yang baguhin. Suriin mong mabuti ang SARILI MO. Kasi IKAW lang ang nakakaalam ng TUNAY mong pagkatao. If you can manage that, you can start changing those habits – consciously. Paulit-ulit mong gawin ang positibong bagay hanggang sa ma-adapt ng utak mo ang panibagong habits na 'to. Bagong pakiramdam, bagong habits, bagong reaksyon, BAGO rin ang RESULTA.

Hindi mo malalasap ang kasiyahan kung hindi ka pa dumaan sa kalungkutan. Hindi mo mapahalagahan ang liwanag, kung hindi ka pa nakakadaan sa madilim. Uulitin ko, hindi mo malalasap ang tunay na kaligayahan kung hindi mo pa nararanasan ang matinding kalungkutan. Kaya't mas mabuting tanggapin natin ang mga bagay kasama ng pagtitiis at kahinahunan. 'Di bale ng kaunti lang ang nakamit mo sa buhay pero puno naman ito ng kabuluhan kaysa sa ang daming nakamit mo pero wala namang punto ang pagkamit mo ng mga 'yon. O siguro ay para lang makapagpa impress ka ng tao. Hindi ka sasaya sa ganyang hangarin. Uulitin ko, kung hindi mo pa nararanasan ang matinding kalungkutan, hindi mo maiintindihan kung ano ang tunay na kaligayahan. Kung walang kadiliman, wala ring kaliwanagan. Ang masayang buhay ay hindi yung wala kang kalungkutan, walang kamalian, walang kabiguan, walang problema. Ang masayang buhay ay may halo-halong sangkap, positibo man o negatibo, at ang lahat ng 'yon ay may kahulugan. Kung ang nasa isip mo lang ay mag-ipon ng kayamanan, mga materyal na bagay na lang ang hinahabol mo, panandalian lang ang hatid na kaligayahan ng mga 'yon. At lahat ng 'yon ay walang tunay na kahulugan. Kasi sa totoo lang, hindi mo kailangan ang mga bagay, pera at ari-arian para lang mabigyan ng kahulugan ang buhay mo. Kahit kaunti lang ang nasa sa 'yo ngayon, kung may kabuluhan naman 'yon sa 'yo, PANALO ka na sa buhay. With MEANING and PURPOSE in your life you can face the inevitable challenges of life without fear. With MEANING and PURPOSE in your life you can LET GO of the past, because there is always a brighter way to work toward, to believe in… tomorrow.

Ang KAHULUGAN ng bawat ginawa mo at ang LAYUNIN mo ang magtutulak sa 'yo upang bumangon ka at upang lumaban ka pa. Pasiklabin mo ang liwanag sa kadiliman. Tuklasin mo ang tunay mong pagkatao, bumuo ka ng isang buhay na puno ng KAHULUGAN at LAYUNIN, at tanggapin mo ang bawat hindi maiiwasang hamon na dumating sa 'yong buhay. Ang bawat problema ay nakadepende kung paano natin ito tinitingnan at tinatrato. Kasi kahit parehong problema ang dumating sa bawat isa, pero bakit may ibang tao na masaya pa rin? Kasi sa parehong problema, iba't-iba ang ating reaksyon. Sa REAKSYON tayo nagkakatalo. It all depends on how we look at things. Anuman ang nangyari sa 'yong buhay ay hindi 'yan gano'n na lang, kundi ang iyong interpretasyon nito. Uulitin ko para mas malinaw, anuman ang nangyari sa 'yo ay hindi 'yan ang REALIDAD mo, ngunit ang iyong INTERPRETASYON ng iyong realidad.

Sa isa sa 'yong mga pinakamagandang araw, lumilitaw ang isang hamon, at nakikitungo ka dito, na may presensya, nang may kumpiyansa, na may puno ng pagtitiwala. Pagkatapos, ang hamon ay nawala, marahil ay nagiging isang pagpapala, isang bagong pag-unawa. Kaya't 'wag mong takasan ang mga hamon. Harapin mo. Banggain mo. Dahil pag natalo mo ang hamon na 'yon, BLESSING ang nasa likod nun. Paano naman kung isa sa mga bad days mo, may parehong hamong dumating? Pero ang reaksyon mo ay puno ng galit. Ano ang mangyayari? Ang hamong 'yon ay ang magpapabagsak sa 'yo. Lulubo ang problema at maaapektuhan ang iyong buhay. Teka lang anong nangyari? Parehong hamon lang naman, 'di ba? Oo, parehong hamon pero kung hindi pareho ang iyong reaksyon sa hamong ito, negatibo din ang resulta nito. It depends how you look at your challenges. It depends how you REACT.

Naranasan na natin 'to, 'di ba? Yung lumulubo ang problema dahil negatibo na lang ang reaksyon natin. Pero may mga hamon din na napagtagumpayan natin dahil positibo ang ating pananaw. Sino kaya ang may problema? Ang problema ba? O TAYO mismo? Hindi kasalanan ng problema kung bakit nagkaganyan ang buhay mo. Kasalanan mo na 'yon dahil sa negatibo ng reaksyon mo. We can see BEAUTY in anything and UGLINESS in anything. The real question is, what do you CHOOSE to see? The BEAUTY or the UGLY situation?

Mahirap mag-isip, 'di ba? Kaya't madali na lang ang manghusga. Pigilan muna natin ang ating sarili bago tayo may masabing hindi maganda sa ibang tao. At hindi ito madaling gawin. Kasi alam naman natin, gusto natin na tayo ang mabuting tao, gusto natin na tayo lang ang palaging tama. Aminin mo na 'yan ang ginagawa mo, 'di ba? But you must take ownership for your judging. Hinusgahan mo ang isang tao, hinusgahan mo ang ginawa ng tao, ang mga bagay, ang mga sitwasyon. Hindi mo pa nga alam ang buong kwento, may kwento ka ng nabuo. Alam kong madalas mo 'tong ginagawa. Pero minsan napagtanto mo na hindi pala tama ang iniisip mo. Naranasan na natin 'to, 'di ba? Kaya dapat ngayon pa lang, itigil mo na ang ganitong gawain. Tama na ang panghuhusga sa mga bagay na hindi mo naman alam ang katotohanan. Kung hindi mo alam, dapat tanggapin mo na wala ka talagang alam, para manahimik ka lang. We really do CHOOSE how we see everything, and anything can be seen through a positive, optimistic lens if that is our intention. Ipasok mo sa isipan mo ang kabutihan. Walang panghuhusga. Dapat positibo lang tayo sa buhay. Tama na ang negatibo.

Magiging malinaw lang ang pananaw mo kung sisirin mo ang iyong puso. Kung palagi ka na lang nakatingin sa labas, wala kang mararating. Tingnan mo ang kalooban mo upang magising ka sa katotohanan. Kung ikaw yung palaging nakatutok sa labas, kung ikaw yung nakatingin sa bawat kilos ng tao, sa lipunan, masisira ang daan mo sa buhay. Mamuhay ka ng maayos na naaayon lamang sa panuntunan mo. 'Wag mong tingnan ang iba dahil may sarili kang buhay na dapat mong ayusin. Magigising ka lang sa katotohanan kung tingnan mo ang sarili mong buhay. Pakinggan mo ang iyong puso. Magtiwala ka sa tibok nito. Be brave enough to live life on YOUR TERMS. Itabi mo ang iyong PAKI sa mga taong nambabato ng iba't-ibang opinyon at panghuhusga. Magpokus ka lang sa mga bagay na nakakapagpalakas sa 'yo. Tanggapin mo ang tunay mong pagkatao at sitwasyon. This is the awakened life. The REAL YOU, living with freedom of all outside expectations and opinions.

Kapag alam mo ang iyong sitwasyon, madali mo ring maunawaan ang sitwasyon ng ibang tao. Kapag nauunawaan natin na tayong lahat ay may madilim na pinagdadaanan, dito lang natin maunawaan ang pait ng karanasan ng ibang tao. Understanding that everyone is doing the best with the life circumstances they were presented. Kung alam naman nila ang TAMA, gagawa din sila ng TAMA. Kaya't alamin mo na tayong lahat ay may kamaliang nagawa. Magkakamali tayo sa iba't-ibang paraan. For most of us, when we stuffed up, we knew better, so we did better. Ayaw nating makasakit sa iba o masaktan ang ating sarili. Tanggapin lang natin ang aral sa bawat sitwasyon at mag move on na tayo. May mga tao na madali lang maka move on, pero hindi dahil nadalian lang sila ay hindi na sila nasasaktan. 'Wag nating husgahan ang kanilang ginawa. It should give us some compassion for others, knowing that even we have made mistakes, no one is perfect… and perhaps with the same life circumstances we would not do any better than the other. Siguro kung nararanasan lang natin ang naranasan nila, magkandarapa rin tayo sa kakahanap ng solusyon.

Ang lahat ng bagay na nakakairita sa atin tungkol sa iba ay maaaring humantong sa atin sa pag-unawa sa ating sarili. Ibig sabihin na anuman ang ikinakairita mo sa ibang tao ay malamang repleksyon 'yon ng pagkatao mo. They are the things we are most afraid will come out of ourselves. Para itong salamin sa personalidad mo. What irritates you in others can teach you important things about yourself. Pay attention to those things in others that irritate you, perhaps there is something you can work on too.

Kung maghari lang ang pag-ibig sa sanlibutan, wala ng kaguluhan pa. Kung kapangyarihan lang ang paiiralin natin, magkukulang naman tayo ng pag-ibig. Ang isa ay ang anino ng iba. Lahat naman tayo ay naghahangad na sana'y pag-ibig na lang ang isipin ng bawat isa sa mundo. Pero ang totoo, kapangyarihan na lang ang nasa isip ng bawat isa. Ang walang katapusang paghahanap ng kapangyarihan at kontrol ay dahil 'to sa kakulangan ng pag-ibig. Isang kakulangan ng koneksyon at empatiya para sa iba. Tanungin mo ang iyong sarili kung paano mo bibitawan ang iyong sariling pangangailangan para sa kapangyarihan at kontrol, kahit na maliit pa 'yan, at kung paano mo hawakan ang higit pang pag-ibig, habag, pag-unawa at pagbibigay sa lahat ng tao. Kung may anumang bagay na nais nating baguhin sa isang bata, dapat munang suriin natin ito at dapat nating makita kung hindi ba ito isang bagay na maaaring mas makakapagpabago sa ating sarili. The creation of something new is not accomplished by the intellect but by the play instinct acting from inner necessity. The creative mind plays with the objects it loves. Minsan ang isipan natin ay hindi maaasahan. Hindi natin mababago ang lahat hangga't hindi natin matanggap ang tunay na nangyari sa 'tin. 

Ang buhay mo ngayon ang resulta ng mga ginagawa mo noon. Nakatira na tayo sa mundong puno ng hanggang sabi na lang. Ang daming satsat pero wala namang inaaksyonan. Remember this, YOU ARE WHAT YOU DO. Kaya't hindi mo na kailangang ipagsigawan sa mundo kung ano ang mga plano mo. Maipapakita mo 'yon sa pamamagitan ng pagkilos mo. At sa mga resulta nito. That's ultimately how we are all judged anyway… on how we show up everyday. Huhusgahan ng mga tao ang pagkatao mo, ang ginagawa mo, kung ano ang pinagsasabi mo at kung ano ang mga plano mo, kaya't manahimik ka lang at ipakita mo ang resulta sa kanila. Leave the need for validation behind and BEING who we intend to be. Gawin mo lang kung anong gusto mo, kung anong nararapat. At lahat ng TAMANG TAO ay lalapit sa 'yo para suportahan ka sa mga desisyon mo.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177