It All Begins In Your Mind By Brain Power 2177


Photo by Alex Green from Pexels


Lahat ng bagay na nakamit mo na, na nandiyan na sa 'yo ay nagsisimula 'yan sa pagnanasa. Tandaan mo 'yan lagi. Lahat ay nagsisimula muna sa isipan hanggang sa ito ay iyong nahawakan. Kung wala kang pagnanasa sa isang bagay, mahihirapan ka ring makuha ang mga nais mo. Para bang kapag maliit lang ang apoy, maliit lang din ang init nito. Ganyan ka makapangyarihan ang isipan natin. Kung wala kang pagnanasa sa isang bagay, hindi ka rin itutulak nito para kumilos. Ang pwersang nasa loob mo ay mailalabas mo lang kung gugustuhin mo. That's why the START of anything GREAT is the moment YOU DECIDE you HAVE TO HAVE IT. Nagsisimula 'yan sa pagpapasya mo. Sa oras na magpasya kang kamtin ang isang bagay, siguradong makukuha mo 'yon. That's the START of something GREAT. Gawin mo lahat ng makakaya mo upang mailabas mo ang init ng pwersa sa loob mo, upang mailabas mo pa ang init ng iyong pagnanasa. Ang lahat ng 'to ay para sa pangarap mo.

Ang pagtitiis, pagtitiyaga at ang iyong pawis ay isang kombinasyong hindi magagapi, 'yan ang kombinasyon na kinakailangan mo para sa tagumpay. Ang tagumpay ay laging posible para sa taong hindi tumatanggi sa pakikipaglaban. Hangga't hindi ka susuko, hindi pa tapos ang laban mo. Walang kabiguan sa taong hindi humihinto. Kung natalo ka man, kung nadapa ka man, bumabagal lang ang pagkamit ng pangarap mo pero hindi 'yan maglalaho kung hindi ka lang susuko. Kung hindi man natupad kaagad ang pinangarap mo, magpatuloy ka lang. Tiisin mo lang ang bawat araw na nagdaan na hindi pa natupad ang lahat, magpatuloy ka lang sa paggawa ng mga ito. Basta't itanim mo lang sa isip mo na 'wag na 'wag kang susuko. Manatili ka lang sa paggawa ng mga positibong bagay hanggang sa mapapasa 'yo ang ninanais mo.

Nang dahil sa mga struggles mo, nabuo rin ang iyong lakas at mas lalo kang lalago. Kaya't ipatuloy mo lang ang iyong pagsisikap. Ang bawat kahirapan, bawat pagkabigo, bawat sakit na nadarama mo ay may pakinabang sa buhay mo. Karamihan sa mga taong nagtagumpay ay nakamit nila ang kanilang pinakadakilang tagumpay pagkatapos ng kanilang pinakamalaking kabiguan. Maniwala ka man o hindi, kung may kasawian, kung may pansamantalang pagkatalo, do'n papasok ang panibagong pagkakataon. Tayong lahat naman ay may pinagdadaanan. Maliit man o malaki, nahihirapan tayong lahat. Wala ni isa man lang sa atin ang nagnanais ng mapait na sitwasyon, sakit at mga hamon, siyempre dahil ayaw nating mahirapan. Pero hindi natin alam na 'yon ang makakapagpalawak ng ating kaalaman. 'Yon ang makakapagpabago sa 'tin. In the challenges and the struggle that come from PUSHING for what you really want in life. Ang mga taong tumanggi na sundin ang totoong gusto nila sa buhay ay nabigo na kaagad kahit hindi pa sila humakbang. Kapag tinanggihan mo ang pagbabago, siguradong wala kang pagdusahan. Hindi ka rin mapahiya sa mga kabiguan mo. Pero isa lang ang mararanasan mo. Isa lang pero mas grabe pa. 'Yon ay ang PAGSISISI. Pagsisisi na sana'y ginawa mo ang bagay na gusto mo noon pa.

Kung i-push mo lang ang iyong sarili tungo sa pagbabago, tungo sa kaunlaran, mararanasan mo talaga ang kabiguan, mararanasan mo ang kalungkutan, kapighatian, minsan kahihiyan, o kahit ano pang negatibong emosyon. Pero kung magpapatuloy ka pa rin kahit na nahihirapan ka na, kung tatagan mo lang ang loob mo, hindi lang TAGUMPAY ang makakamit mo, makakamit mo rin ang pinakamahalagang bagay sa mundo. 'Yon ang panibago mong KARAKTER. Your new CHARACTER only comes from GROWTH. GROWTH only comes from pushing yourself. Hindi mo 'yan mabibili sa kahit saan. You have to EARN IT.

Sabihin mo nga sa 'kin kung paano mo ginugol ang bakante mong oras? Kung paano mo ginamit ang pera mo? Upang masabi ko rin sa 'yo kung anong buhay ang darating sa 'yo. Hindi ako manghuhula. Pero mababasa ko ang kinabukasan mo sa pamamagitan lamang ng mga habits mo. Kung negatibo ang habits mo, negatibo rin ang resulta niyan. Kung positibo naman, alam mo na kung ano ang bunga. If your habits designed to move you TOWARD a life you want, you will move toward a life you want. Dapat bukas ang iyong isipan kung paano mo ginugol ang iyong oras at kung paano mo ginamit ang iyong pera. Dahil 'yan ang sukatan ng iyong ugali. Create a plan of daily action that will lead to strong habits. Habits that will move you closer to your goals.

Gusto ko lang malaman mo 'to NGAYON na mismo. Ang layunin mo ay isang pangarap na may deadline. May layunin ka naman, 'di ba? Pero ang tanong, kailan mo gustong matupad 'yan? Kasi kung walang deadline, mananatili lamang 'yang pangarap. Dapat ini-execute mo. 'Wag mong gawing panaginip na lang ang iyong mga layunin. Dapat inaaksyonan mo tapos may deadline kang hinahabol. Upang makita mo naman kung may inaaksyonan ka ba talaga. Dreams can only come true if you get serious about them and the first step to getting serious about your GOALS is to set a DEADLINE for when you must achieve it. 'Wag kang matakot sa deadline. Kahit mahirap na layunin man 'yan. Pero dapat realistic din ang layunin mo. Hindi yung layunin na makakapag-isip ka ng IMPOSIBLE. Dapat maiisip mo ang layunin mo na POSIBLE itong mangyari. Ito lang ang masasabi ko sa 'yo. Sa ngayon, hindi mo pa makakamit ang pangarap mo. Bakit? Kasi kailangan mo pang baguhin ang iyong pagkatao. Kailangan mo pang itulak paitaas ang sarili mo, isa 'yang positibong paraan upang matiyak na makakamit mo talaga ang hinahangad mo. 'Yan dapat ang LAYUNIN mo. Baguhin mo muna ang sarili mo.

Kung matatalo ka man sa tindi ng mga pagsubok, tanggapin mo lang na senyales 'yon na hindi pa maayos ang pagkahulma ng mga plano mo, magplano ka ulit, at gawin mo ulit. Kung bigo na naman, baguhin mo na ang strategy mo. Lahat naman tayo ay mabibigo. Pero kaunti lang ang hindi sumuko. Halos lahat umayaw na kaya halos lahat rin ay nananatili sa miserableng buhay. Kaunti lang ang nagtatagumpay. Don’t be like most people. When temporary defeat visits you – take responsibility. What can you do better? Paano mo ba gagamitin ang kabiguang 'to para matuto pa? Paano mo gawing malinaw ang mga plano mo at gawing malinaw ang dinadaanan mo? Kung bigo ka sa unang hakbang, sana'y sa pag-ulit mo ay naliwanagan ka na. 'Wag kang sumuko kaagad, okay? Gulatin mo ang lahat sa sigasig mo. Gulatin mo ang lahat sa 'yong lakas. Gulatin mo sila sa resulta ng iyong pagsisikap.

Anuman ang iniisip mo ng paulit-ulit, mangyayari 'yon kung sasabayan mo lang ng aksyon. Walang limitasyon sa ating kaisipan maliban lamang kung hinahadlangan mo ito. Isa ako sa mga naniniwala na may kakayahan tayong baguhin ang ating buhay. Marami-rami na rin ang nagtatagumpay dahil sa higpit ng pagtitiwala nila sa kanilang kakayahan. Most of the greatest people in history refused to entertain the limits of the majority. Kung iniisip nila na hindi nila kaya 'yon, hindi sila matagumpay ngayon at hindi natin sila kilala ngayon. 'Wag mong hayaan na limitahan ka ng lipunan, ng iyong mga kaibigan, o kahit pa mga pamilya mo. Minsan kasi pamilya at kamag-anak ang hadlang sa ating pangarap. 'Wag nating hayaan na lulubog tayo dahil sa kanila. Kung hindi ka naniniwala sa kakayahan mo, hindi mo talaga magagawang baguhin ang takbo ng iyong buhay. Kung walang naniniwala sa 'yo, sapat na ang magtiwala sa sarili mo. It's very clear that MINDSET is the greatest asset you can have if you want to do great things with your life. Develop that mindset, believe in yourself and become unstoppable.

Kapag nasa tuktok ka na, wala ng makakapigil sa 'yo. Kasi kaunti lang kayo do'n at parehong matagumpay na tao ang kasama mo. Wala ng taong toxic sa tuktok. Ang kaguluhan ay nasa baba. Yung mga taong maingay na wala pang naabot sa buhay. Yung mga taong puro na lang satsat. Ang daming kaguluhan sa baba kaya dapat lang na umakyat ka. Don't settle in your toxic job, don't settle in that toxic relationship. 'Wag mong balewalain ang effort mo. Kung may effort ka lang, makukuha mo ang gusto mo. Be one of the few who are not afraid to take the harder path EARLY ON so you can enjoy the easier path later in life. Patuloy mo lang akyatin ang tuktok ng tagumpay. Kung nasa itaas ka na, tingnan mo kung sino ang na-inspire mo. Kung may na-inspire ka, aakyat din sila at sigurado akong ikakatuwa mo 'yon.

Ang buhay natin ay DIY. Do It Yourself. Walang ibang tao ang gagawa ng gawain mo. IKAW lang. Kung hindi mo kayang ayusin ang buhay mo, ikaw ang guguluhin ng mismong buhay mo. Ito ang buhay mo. Buhay mo lang. It’s YOURS to create whatever you want of it. If you want a great body: that’s YOUR RESPONSIBILITY. If you want a great MINDSET: that's YOUR RESPONSIBILITY. Kontrolado man ng gobyerno ang taxes natin, pero hindi nila kayang kontrolin ang isipan natin. Kasi ikaw lang ang may kakayahang kontrolin 'yon. No one can conquer you but YOURSELF. Take care of your mind, there is nothing more important. Nurture it with positive thoughts, with teachings that help you to GROW, with anything and everything that makes you feel better and make you stronger as a human being. Wala ng mas mahalaga pa diyan. Kung gusto mo talagang magtagumpay, palawakin mo muna ang iyong kaalaman.

Sumama ka sa mga taong ka same-minded mo upang maimpluwensiyahan ka rin nila kung paano mamuhay ng tama. Ang karunungan ay nagsisimula sa 'yo. At matututo ka pa lalo dahil sa mga struggles mo, sa effort mo, at sa pinag-iisip mo. Hindi uunlad ang buhay mo kung palagi kang umaasta na alam mo na ang lahat ng bagay. Kasi sa totoo lang, kaunti lang ang alam mo sa mundo. Be humble enough to know you DON’T KNOW everything. Be curious enough to SEEK new knowledge EVERYWHERE you go. In books, in teachings and in EVERYONE you speak with. May palagi kang matutunan sa sarili mo at sa ibang tao. Surround yourself with mostly people that will either enhance your future, or make you feel good in the present. Ikaw ang amo sa sarili mo. You can influence, you can direct and you can control your own environment. You can make your life what you want it to be. Sabi ni Napoleon Hill,

“If you cannot do great things, do small things in a great way.”

'Wag kang maghintay. Walang tamang pagkakataon. Ikaw ang hahanap ng tamang pagkakataon. Start where you stand, and work whatever tools you may have at your command and better tools will be found as you go along. Alam kong magtatagumpay ka. Dapat alam mo rin 'yon. Believe in yourself and believe in God.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177