7 Things You Need To Know By Brain Power 2177


Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Dapat mamuhay ka ng maayos. Mamuhay ka ng maayos bago ka lilisan sa mundong 'to. 'Wag mong sayangin ang bawat segundo. May dahilan kung bakit nandito ka. 'Wag kang huminto sa paghahanap ng kasagutan sa mga katanungan mo. May 7 bagay na gusto kong malaman mo ngayon.


NUMBER 1
'WAG MONG MASYADONG SERYOSOHIN
ANG BUHAY

Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Ito ang isa sa mga problema ng karamihan. Kahit maliit na bagay ay pinapalaki. Masyadong sineryoso. Kahit maliit na problema, pinapalaki. Hinayaan nila na mababalot sila ng kadiliman. Maglaan ka rin ng oras para magsaya. Para makapaglaro paminsan-minsan. Para maibsan ang bigat sa kalooban mo. 'Yan lang naman ang sekreto ng masayang buhay. Completely engaged with what you are doing in the here and now. At sa halip na tinatawag mo 'yang TRABAHO, isipin mo na lang na 'yan ay LARO lamang ng iyong buhay. Hayaan mo ang iba na sobrang seryoso na nila. Life is not meant to be serious. There's always time for fun, for joy, for laughter in EVERY SINGLE DAY. Naaalala mo pa ba noong bata ka pa? Puro laro na lang ang nasa isip mo, 'di ba? Kasi ganito naman ang buhay. Kailangan nating enjoyin ang bawat araw. Ngayong adulto na tayo, dapat pa rin natin itong i-apply sa ating buhay. Hindi dapat na masyado tayong seryoso. Sa sobrang seryoso mo, hindi mo na namamalayan na ang daming oras na palang sinayang mo kakaisip sa mga walang kwentang bagay. Hanggang sa mawala ka na lang sa mundo, bitbit mo pa rin ang kaseryosohan mo. Isipin mo na lahat tayo ay mawawala rin. Kapag ipinapaalala natin sa ating sarili na mamamatay rin tayo, kapag ipinapaalala natin sa ating sarili na hindi natin alam kung kailan ang huling araw natin, pwedeng ngayon tayo mawawala o bukas, kung ipasok lang natin sa isipan natin na pwede tayong mawala kahit anong oras, siguro maiisip rin natin na kailangan nating magsaya. Take things lightly. Mabigat na nga ang buhay, dinagdagan mo pa. Ang dami ng taong nahihirapan. Nahihirapang maghanap ng trabaho. Nahihirapang kumita ng extra income. Nahihirapan dahil sa kakaimpress sa mga taong wala namang pakialam sa kanila. Wala namang paki ang tao sa naabot mo dahil wala ka rin namang paki sa naabot nila. We're doing the same thing. Don't try too hard to impress people. Sobrang abala ka na sa kakahabol ng pera. Sineryoso mo kasi akala mo ay 'yon na ang solusyon. You think money will make everything better. But remember this, money doesn’t make us feel WORTHY, tayo lang ang makakapagparamdam nun sa ating sarili. Kahit gaano ka pa kayaman, kung hindi mo pinaramdam sa sarili mo ang tunay mong halaga, mananatili ka pa ring walang halaga sa mga mata mo at sa mata ng mga tao. Kaya tama na ang ganitong mindset. Tama na sa kakapokus sa kung ano ang kulang sa 'yo. Nahihiya ka na sa katabaan mo. Sobrang seryoso mo na sa kulay ng balat mo, sineryoso mo masyado na wala kang sapat na pera. Sineryoso mo ang iniisip ng ibang tao tungkol sa 'yo. Simula ngayon, tingnan mo ang buhay mo bilang isang paglalakbay. 'Wag mo munang seryosohin ang kahirapan, ang kalungkutan, kasi parte na 'yan ng ating buhay. Alam na natin 'yan. Tingnan mo kung ilang positibo ang mahahanap mo sa bawat araw kapag hindi ka na nag-iisip ng negatibo tungkol sa buhay mo. Kahit wala kang sasakyan, kahit maliit lang ang bahay mo, hindi naman 'yan makakaapekto sa pamumuhay mo. Kahit anong mangyari, may makukuha ka sa pagpokus ng positibo. Makukuha mo ang 3 “K” na ito at hindi mo ito mabibili kahit saan. Ano ang 3 K na ito? KAGALAKAN, KAPAYAPAAN at pagka KONTENTO. Sa oras na nababalot ka ng dilim, magpokus ka sa paghahanap ng liwanag. Create a life that feels good on the inside, not just one that looks good on the outside.


NUMBER 2
ANG DAMI MONG MATUTUNAN
SA KABIGUAN

Photo by Ketut Subiyanto from Pexels


FAILURE doesn't define you. Unless YOU decide to let them. Gusto kong malaman mo ang katotohanang 'to: kung teenager ka pa lang tapos may problema ka na, mas madadagdagan 'yan pagpasok mo ng adulto. May mga bagay na inaasahan mo na hindi matutupad. Paglalaruan ka ng buhay ng paulit-ulit. May gusto kang maranasan pero hindi 'yon ibibigay kaagad ng buhay. Ganyan kalupit ang buhay. Pahihirapan ka pa ng maraming beses. Pinapahirapan ka man, pero hinuhulma ka naman. Sa bawat pagsubok na binangga mo, nahuhulma ang bago mong pagkatao. Ang daming aral na mapupulot mo. Bibigyan tayo ng mga hamon, harapin din natin, para mabigyan ng kabuluhan ang buhay natin. Kasi kung walang pagsubok, kung walang mga hamon, wala ring kwenta ang buhay natin. Napaka boring. Kaya't 'wag kang matakot sa mga pagsubok na kinakaharap mo. If you change the way you look at things, the things you look at change. Kung tinitingnan mo lang ang mga hamon bilang positibong kaganapan sa buhay mo, hindi mo rin ito maiisip na problema. Ito'y direksyon ng iyong buhay. Minsan may pagpapala na nakatago sa bawat pagsubok. Hindi mo man makokontrol ang bawat pangyayari, pero kaya mong sumulong at hindi magpatalo sa mga pangyayaring 'yan. 'Wag kang sumuko kaagad sa laban ng buhay mo. Araw-araw ay may panibagong hamon at alam na alam ko rin na makakaya mo ang lahat ng 'to. Umabot ka nga sa araw na 'to e, ngayon ka pa ba susuko? Hindi mo man alam ang kahihinatnan sa mga nangyari sa 'yo, pero magtiwala ka na makakaya mo 'to. Trust that it was for the best for you or for your family. Find meaning in any of the situation. Halos lahat nag-iisip kung paano baguhin ang mundo, pero wala man lang nag-iisip kung paano baguhin ang kanilang sarili.


NUMBER 3
MATUTO KANG KONTROLIN
ANG ISIPAN MO

Photo by Liza Summer from Pexels


Napaka makapangyarihan ng ating isipan. Kung ano ang iniisip mo, magiging gayon ka. Totoo 'yan. Kung nag-iisip ka ng negatibo, negatibo din ang mararamdaman mo sa 'yong katawan. Madedepress ka, magkaka anxiety ka. Alam mo ba na lahat ng tao ay may 60, 000 na iniisip sa bawat araw? Ang dami nun, 'di ba? Pero hindi naman 'yan ang problema. Ang problema lang ay halos lahat ng pinag-iisip ng bawat tao ay negatibo. 'Yan ang pinakamalaking problema. Bakit negatibo na lang palagi ang iniisip natin? Dahil napoprogramme tayo ng lipunan. Kung ano ang ating pinanood sa TV, sa social media, 'yon din ang maiisip natin. 'Yon din ang magagawa natin. 'Yon din ang paniniwalaan natin. Maniniwala na tayo sa binabasa natin, sa pinapanood natin kahit FAKE NEWS naman. Ang dali nating mag react pero kung may mangyari na sa 'tin, wala na tayong reaksyong positibo. Kasi hindi natin alam kung paano i-handle ng maayos ang problema. Marunong tayong mag-isip ng positibo para sa iba pero hindi natin magagawa sa ating sarili. Sa halip na kalmadong solusyonan ang problema upang maharap ng maayos, mas galit tayo sa ating sitwasyon, galit tayo sa mga nangyari. Because of that negative reaction, we escalate the little problem into a monster problem. Learning to control your mind and control your emotions is KEY to living a life IN CONTROL. Not in control of circumstances but in control of how YOU FEEL about them which is more important than being in control of circumstances because that is something you have NO CONTROL over. Makokontrol mo lamang ang iyong isipan kung handa ka ng kontrolin ito. Mag-isip ka lang ng positibong bagay. Ulit-ulitin mo lang hanggang sa kumalma ang iyong isipan at emosyon. At mabibigyan ka nito ng positibong pakiramdam. Mag meditate ka, magpasalamat ka, manalangin ka, mag-ehersisyo ka. Linisin mo ang iyong isipan. Matatanggal ang mga dumi na nakadikit diyan sa utak mo. All these things are crucial to living a beautiful life. Every individual is responsible for how they feel. Kaya't sa susunod na magagalit ka sa sitwasyon mo, alam mo na kaagad na IKAW ang may problema, hindi ang problema ang problema mo. Kahit ano pa ang mangyayari sa paligid mo, basta mapayapa lang ang kaisipan mo, payapa din ang iyong buhay. Kung pilit mong kontrolin ang sitwasyon, ikaw ang matatalo. Ang reaksyon mo lang ang kaya mong kontrolin.


NUMBER 4
MAGPLANO KA

Photo by Startup Stock Photos from Pexels


Oo magplano ka at siyempre aksyonan mo rin. Kung wala kang plano sa buhay, wala ka ring mararating. Do you know the worst part? You will fall into someone else’s plan. And guess what they have planned for you? Not much. Kung may pinaplano ka, hindi ibig sabihin na sa resulta ka na lang nakapokus. Magpokus ka sa mga dapat mong gawin. Kung may plano mang hindi natupad, hayaan mo lang na gano'n. Minsan ang buhay ay ganyan talaga. Learn to dance in the rain. Kadalasan sa buhay natin, ayaw nating mahirapan. Ayaw nating masaktan. Palagi tayong umiiwas sa mga negatibong sitwasyon. Ayaw nating magkasakit, ayaw natin ng problema sa relasyon, ayaw natin ng masasamang araw, ayaw natin ng lahat ng 'yon. Kahit ayaw mo man 'yan, mangyayari talaga 'yan sa buhay mo. Malalabanan mo lang 'yan kung may plano ka sa buhay. Not planning for circumstances to be perfect. But planning to do the work on YOU every single day. Magplano ka na mula ngayon, mag-ehersisyo ka na para sa kagandahan ng pangangatawan mo. Magplano kang mag meditate, mag journal, manalangin araw-araw para sa ikakagaan ng iyong pakiramdam. All of these things have a profound and compounding effect on your life. The people you attract, the relationships you attract, strengthen how you feel about yourself. Siyempre sabi ko nga kanina, hindi lahat ng plano ay matutupad. May mga hamon talaga na sadyang malakas at mahirap labanan. Kung darating man 'yon, kailangang tanggap na natin 'yon. Alam na natin kung paano sumabay sa agos. At ang pinakamahalaga, alam natin kung paano bumalik sa tamang landas. Kung palagi ka na lang nakikinig sa negatibong opinyon ng iba, para ka na ring bilanggo. Sabi ni Benjamin Franklin:

“If you fail to plan, you're planning to fail.”



NUMBER 5
HINDI MO MAPI-PLEASE
ANG LAHAT

Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Stop pleasing people because you will never be able to please everyone. Kahit ano pa ang gagawin mo. Kahit nga ikaw ang pinakamabait na tao ay marami ka pa ring haters. Kahit gaano pa kalinis ang intensyon mo, may mga tao pa ring dudungisan ka. Wala ka ng magagawa dun kasi hindi mo sila makokontrol. The reality of human beings is that we are all so DIFFERENT. And because of those great differences, we are all vibrating on VERY different levels. May mga taong ayaw pa nilang magpakatino sa buhay, ayaw nilang magpakabait, ayaw pa nila ng kapayapaan, ayaw nilang maawa at kaawaan kaya sila mabangis. Some people are not ready for ANYTHING positive. 'Wag mong hayaan na pati ikaw ay madamay sa ganyang istilo. It’s nothing personal, it’s just the very fact that everyone is so different, and from their differences in upbringing, circumstances and environment come differences of opinion and differences in reactions. Hindi dahil hindi sila sang-ayon sa 'yo, kahit ayaw nila sa 'yo o sa mga punto mo, ay hindi mo na sila tatratuhin ng maayos. Bigyan mo pa rin sila ng tamang pagtrato. Let them go their own way in peace. 'Wag kang makipag-away sa mga taong ayaw sa 'yo. Negatibo na nga sila e papatulan mo pa? Don't bring more negative energy to ANY situation. Let those who differ from you, differ from you. Be an example of someone who allows all others to have their opinion, without being affected. Ikaw na lang ang mag adjust sa sitwasyon na 'to. May sumang-ayon man sa 'yo o wala, wala ka ng magagawa dun. Hayaan mo na lang sila na gano'n ang kanilang reaksyon. Be so busy improving yourself that you don’t even notice negativity coming your way. Magpokus ka lang sa paggawa ng kabutihan sa buhay mo. Magpokus ka lang sa mga taong sumusuporta sa 'yo. 'Wag mong baguhin ang sarili mo para lang sumang-ayon sila. Just be yourself. Marami na ang nagtatago sa likod ng kanilang maskara. 'Wag mo silang tularan.


NUMBER 6
MAGPAKATOTOO KA

Photo by Blue Bird from Pexels


Hindi ka magiging masaya kung pinipeke mo ang iyong sarili. Don't ever try to fit in with other people. Be yourself and do it with pride! Ang tunay na kaligayahan ay hindi mo mararamdaman kung binabago mo ang sarili mo para lang matanggap ka ng karamihan. Hindi ka tunay na sasaya kung hindi ka nagpapakatunay sa sarili mo. Dapat komportable ka sa sarili mong balat. Dapat komportable ka pa rin kahit anong opinyon nila tungkol sa 'yo. Lahat ng maling tao ay iiwan ka. At ayos lang 'yon. Kasi ang lahat ng TAMANG TAO ay mananatili sa buhay mo. Ang tamang tao na tinutukoy ko ay yung mga taong nagmamahal sa 'yo kahit sino ka man. Mahirap ka man o mayaman, pangit man o may hitsura, mananatili pa rin sila sa buhay mo. Kung ano ang ginawa nila sa 'yo, ipagdasal mo na lang 'yon sa Diyos. Pero kung nagrereact ka ng negatibo sa mga ginagawa nila, ikaw ang magdurusa. Just be who you are and say what you feel, because those who mind don’t matter, and those who matter don’t mind.


NUMBER 7
'WAG KANG MAGPAPAAPEKTO
SA KANILA

Photo by Ketut Subiyanto from Pexels


Kung sino yung tumitira sa 'yo, sila yung mga tao na nababalot ng kadiliman. Wala silang magagawa kundi hilahin ka nila sa kanilang lebel. Don’t let anyone steal your joy. Sabi ni Wayne Dyer,

“Loving people live in a loving world. Hostile people live in a hostile world. Same world.”

Natural na kasi sa mga taong negatibo na ayaw makakita na may mga taong masiyahin. May mga taong hihilahin ka pababa dahil ayaw nilang maging masaya ka dahil hindi pa nila 'yon nararanasan. Maiinggit sila sa naabot mo. Many people live in a hostile universe. And perhaps unknowingly, perhaps unintentionally will try and drag you into this hostile universe so they are not alone in there. Ganyan sila kabrutal. Kaya't 'wag mong baguhin ang pagkatao mo para lang masamahan mo sila sa mababang mundo nila. Kung mananatili ka lang na magpakatotoo sa sarili mo, kung committed ka lang na manatili sa positibong pamumuhay, kung committed ka lang sa mga plano mo, sa mapayapang buhay, sa buhay na puno ng kagalakan, yung mga taong hila ng hila sa 'yo ay biglang magpapatulong sa 'yo na iahon mo sila sa kalungkutan na dinanas nila. Kung hindi ka lang magpapaapekto, mahahawaan mo sila ng pagkapositibo. That's the power of positivity. Be the light for others to find their way. Be the example that changes not only your life, but others through your own POSITIVE LIFE EXPERIENCE. Walang makakapigil sa 'yo sa pagiging positibo. Ikaw lang ang makakapigil sa sarili mo kung gugustuhin mo. Don’t allow the bitterness of others inside your heart. They don’t want to be there either. They need someone to show them the way. Ang dami ng taong nasaktan at itinatago na lang nila 'yon na may pait at sama ng loob. Kaya kahit saan ka man magpunta, palagi mong bigyan ng kaliwanagan ang ibang tao. Pagaanin mo ang kanilang buhay sa pamamagitan ng kabaitan mo. Kahit na wala silang maibalik sa 'yo. Maging positibo kang halimbawa sa mundong puno ng negatibo.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177