10 SIMPLE Ways To Fight Coronaphobia By Brain Power 2177


Photo by cottonbro from Pexels


Mabilis na nagbago ang lahat. Sa lahat ng dako ng mundo ay nasa panganib na mahawaan ng SAKIT na ito. It's terrifying! Pero halos lahat ng tao'y HINDI ALAM na ang TAKOT ay mas grabe pa kaysa sa virus. Ang dami ng kinakatakutan ang tao. Takot sa virus. Takot sa bakuna. Halos lahat ay NAGIMBAL. But FEAR is the very first virus spreading everywhere. Nang dahil sa TAKOT palagi tayong nag-aabang ng balita, palagi tayong nag-click sa bawat post sa Facebook Page. Naghahanap kasi tayo ng katiyakan. Naghahanap tayo ng isang bagay na makakapawi ng ating takot. Ngunit wala tayong KATIYAKANG nakikita. And guess what, those OBSESSION for certainty, creates more ANXIETY. At hindi mo ba alam na ang mga bata ay sensitibo sa bawat nadarama mo? Magkaka-anxiety rin sila. Kung ipinapakita mo na natatakot ka, mas lalo silang matatakot. Kita mo 'yan, FEAR is WORSE than the virus.

NAKAKAHAWA ang negatibong enerhiya. Social media, news media, are feeding us FEAR. At ang TAKOT ang humihila sa atin pababa. Many people do something unusual because of FEAR. And FEAR leads to HATRED. Ang numero unong dahilan ng pagkatakot ay KAMANGMANGAN. Kung pakiramdam mo na medyo natatakot ka na, learn how to take RESPONSIBILITY for managing yourself. Ang buhay ay punong-puno ng kawalan ng katiyakan. Lalong lalo na sa panahong 'to. Bagaman maraming bagay ang hindi natin kontrolado, ang tamang kaisipan mo ang susi sa pagkaya ng matitinding kalagayan at upang maharap ang di-tiyak na mga bagay.

Uncertainty is all around us, especially TODAY. Lalong lumala ang problema sa lahat ng bansa dahil sa pandemyang 'to. Naaapektuhan na ang ekonomiya, ang trabaho, ang mga kita, ang relasyon sa isa't-isa, at lalo na ang pisikal at mental na kalusugan. As human beings, we always crave security. We wanna feel safe. Ang takot ang dahilan ng ating pagkabalisa, at nawawala na tayo sa direksyon ng ating buhay. Fear can drain us EMOTIONALLY. Palagi na lang tayong nag-iisip ng negatibo tungkol sa kinabukasan natin. But we’re all different in how much uncertainty we can tolerate in life. May ibang tao na gusto pa ring lumaban, may ibang tao na gustong sumuko na lang. Ngunit lahat tayo ay may hangganan. Kaya't hindi ka nag-iisa. Lahat tayo ay apektado sa sitwasyong 'to. Realize this that no matter how helpless and hopeless you feel, there are steps you can take to better deal with uncontrollable circumstances.

Ang bawat matinding sitwasyon ay hindi natin mapipigilan. Hindi natin 'to kontrolado. It's a NATURAL and UNAVOIDABLE part of life. Kahit may kontrol tayo sa iilang bagay pero ang mga pangyayari na naganap sa ating buhay ay hindi natin makokontrol. Isang sakit ang kumalat sa buong mundo at ang buhay ay biglang nagbago. Biglang naging NEW NORMAL. May iba na natatamaan ng sakit. May nawawalan ng trabaho. May nag-aalala sa araw-araw na pangangailangan. May nag-aalala sa seguridad ng kanilang pamilya. Nababalisa na tayo sa kahihinatnan ng mundo.

Realize this that worrying CAN'T HELP to predict the future. Worrying CAN'T CONTROL over uncertain times. Worrying is NOT the SOLUTION. Kaya halos lahat hindi na masaya dahil nababalot na sila ng matinding pag-aalala. Chronic worrying CAN’T give us more control over uncontrollable events; NINANAKAW lang nito ang kasiyahan natin. Heto na ang 10 bagay para labanan ang iyong TAKOT at ANXIETY na nadarama mo ngayon.

NUMBER 1 HUMINGA KA NG MALALIM

Huminahon ka muna saglit at bitawan mo kung anuman 'yang iniisip mo. Huminga ka ng malalim para makalma ang katawan mo at para mapigilan mo ang reaksyon ng STRESS HORMONES. Kapag kasi stress tayo, siyempre magkakasakit tayo. At 'yong sakit na 'yon akala natin virus na. Pero reaksyon 'yon ng ating stress hormones. Madali rin tayong kapitan ng ibang sakit dahil manghihina ang ating immune system. Hindi lang sa pisikal ang tama ng stress pati rin sa ating mental. Too much of the stress hormone cortisol can make it harder to focus or concentrate causing memory problems as well as anxiety or depression. Alam kong natatakot ka sa virus na ito. Pero kailangan mo ring malaman na ang TAKOT ay isang MATINDING VIRUS na nasa sa 'yo na at nakakahawa ito. Fear can make us PANIC. Fear can make us do things which make matters worse. Nang dahil sa TAKOT, madali tayong naniniwala sa fake news. Tapos sh-nishare pa natin. Nang dahil sa TAKOT, halos lahat ay nagsisisihan kung sino ang may sala. Gusto ko lang sabihin sa 'yo, na wala kang dapat ikatakot.

Lucas 12:22, 23 , “…huwag na kayong mag-alala kung ano ang kakainin o isusuot ninyo dahil mas mahalaga ang buhay kaysa sa pagkain at …sa damit.”

Awit 27:1 Ang Diyos ang aking liwanag at kaligtasan. Kanino ako matatakot? Ang Diyos ang moog ng buhay ko. Kanino ako masisindak?

NUMBER 2 TANGGALIN MO ANG NEGATIBO

Sa panahon ngayon, alam kong ang daming tumatakbong negatibo sa isip mo. But know this, that this virus has a cure. Walang bagay, walang tao, walang sakit ang mananatili MAGPAKAILANMAN. Lahat ng negatibong pangyayari ay pansamantala lang. Lilipas rin 'to. Matatapos rin 'to. Magtiwala lang tayo na may liwanag sa dulo. 'Wag tayong magpokus sa kadiliman. Natatakot ka ba na mawawala tayong lahat? Sa palagay mo ba'y katapusan na natin? Natatakot ka ba para sa pamilya mo? Para sa sarili mo? Maaaring mangyari ang kinakatakutan mo pero ba't ka natatakot sa mga bagay na hindi pa naman dumating? Paano kung hindi mangyari ang kinakatakutan mo? E di nagsasayang ka lang ng lakas. Our thoughts about the future are never REAL. Pero kung diyan ka lang nakapokus, maa-attract mo 'yan sa buhay mo. Minsan pinaglalaruan tayo ng ating isipan. Hayaan mong ang Diyos ang maghusga sa kinabukasan natin kasi Siya lang naman ang may alam ng lahat. Tanggalin mo na ang negatibo sa isipan mo. Hayaan mo lang ang mga pangyayari. Hindi mo naman ito makokontrol.

NUMBER 3 KONTROLIN MO ANG IYONG ISIPAN

Take charge of your thoughts. Hindi pwedeng ang isipan mo ang umaalipin sa 'yo. Ang mabisang gamot sa takot ay ipagsigawan mo na KAYA MO 'TO! KAYA NATIN 'TO! Kapag kasi takot tayo, iniisip natin palagi na wala na tayong magagawa. Pero sa totoo lang, may magagawa pa tayo. Malalampasan natin 'to. Kahit anumang pagsubok ay malalampasan natin. You can do hard things. You can do everything. Kailangan mong magtiwala sa sarili mo. Kailangan nating magtiwala na mawawala rin 'to. Matatapos rin 'to. Hindi 'to mananatili habambuhay. Kailangan mong magtiwala sa Diyos na pinoprotektahan Niya tayo. Hindi Siya natutulog. This is not the right time to scream. Ito ang tamang oras na tanggapin ang realidad. Makakaya natin 'tong lahat. Malalampasan natin 'to. Always think that you're SAFE. Kumalma ka lang.

NUMBER 4 ORAS 'TO PARA SA MGA MAHAL MO

Sa halip na pagkabagot ang naiisip mo, ilagay mo sa 'yong isipan na oras na para kumonekta sa 'yong pamilya. Cultivate positivity. Enjoy your loved ones. 'Wag mong hayaan na virus na lang palagi ang nasa isip mo. 'Wag mong hayaang makapasok ang takot sa isip mo. Patayin mo muna ang TV upang hindi mo palaging makikita ang negatibong pangyayari. Cultivate positivity. Pwede kang makinig ng mga kanta sa bahay. Pwede kang sumayaw. Do something creative. Pwede kang magluto ng paborito mo. Y'ong mga araw na hindi mo masyadong napaglaanan ng oras ang pamilya mo, panahon na 'to para bumawi. Enjoyment can shift your mood from OVERWHELM to HAPPIER and more hopeful. Kahit na nasa ibang lugar ka, pwede ka pa ring kumonekta sa kanila online. Kapag nakikita kasi natin ang ating mga mahal na malusog, naiibsan ang ating pag-aalala at stress. Mas magiging masaya tayo. Wala naman tayong ibang hiniling kundi ang makita silang masaya at malusog, 'di ba? Give yourself and everyone around you some extra grace. This is not life as usual. This is a hard, unusual time. Kaya't kailangan nating magtulungan para mas madali natin 'tong malampasan.

NUMBER 5 PILIIN MO LAGI ANG PAG-IBIG

Hindi ka matatalo kung pag-ibig ang pipiliin mo kaysa sa takot. Dalawa lang ang pagpipilian natin sa buhay. Pag-ibig at takot. Hindi pwedeng dalawa ang pipiliin mo. Isa lang ang pwede mong piliin at dapat 'yon ay ang PAG-IBIG. The BIGGEST danger of pandemics is that our survival instinct begins to threaten our compassion. Kung takot lang ang pinapalawak natin, tayo ang madudurog nito. Buksan mo ang puso mo para mailabas mo 'yang takot mo at para naman pag-ibig ang papasok diyan. Stop consuming fearful posts. Stop spreading fear. Kapag kasi pag-ibig ang nilabas natin sa mundo, at kapag nakadama din tayo ng pagmamahal, sasaya tayo at gagaan ang ating pakiramdam. Kakalma ang ating katawan. Gagana ang ating immune system.

NUMBER 6 MAGPOKUS KA LANG SA MAKOKONTROL MO

Ang sakit na 'to ay hindi mo kontrolado. Hindi natin 'to ginusto. Hindi mo 'to masabihan na umalis. Hindi natin 'to inaasahan. Tanggapin na lang natin na may mga bagay na hindi natin hawak. Hindi man natin masusumpo kaagad ang virus, hindi ibig sabihin na wala na rin tayong magawa. Maraming nawalan ng trabaho. Hindi mo rin 'yan kontrolado. Epekto ito ng pandemya. Ang kontrolado mo lang ay kung paano ka dumiskarte para kumita pa rin. Ang daming nagnenegosyo online. May nagpa-part time jobs. It's how you REACT that really MATTERS. Madali lang tayong makapitan ng negatibong pag-iisip. Lalo na kung palagi tayong nakapokus sa negatibong sitwasyon ngayon. Hindi naman kita pinipilit na maging positibo. Pero kung pinipeke mo ang iyong emosyon, kapag umaasta kang positibo pero hindi naman pala, dahil takot pala ang nasa loob mo, mas tataas ang antas ng stress mo. 'Wag mong itago ang tunay mong nararamdaman. 'Wag kang umasta. Allowing yourself to experience uncertainty in this way can help you reduce stress.

NUMBER 7 CHALLENGE YOUR NEED FOR CERTAINTY

Bagaman ang kawalan ng katiyakan at pagbabago ay hindi maiiwasan, we often adopt behaviours to try to cope with the discomfort they can bring. Dahil sa labis na pag-aalala mo sa sitwasyon, palagi ka lang umaasa ng kasiguraduhan. Dahil gusto mo na safe ka. Tinitiyak mong tama ang impormasyon na nakukuha mo para komportable ka na ulit. Dahil sa sobrang takot, hindi mo na makokontrol ang sarili mo. Pati mga gawain mo iniwan mo dahil takot kang may mangyari sa 'yo. Palagi kang nag-aabang ng balita dahil gusto mo lang maseguro na ayos na ba ang lahat. Tanggapin mo na ang buhay ay pabago-bago at punong puno ito ng mga di inaasahang pangyayari. But that's not always a bad thing. Kung may malagin na pangyayari, mayroon din namang magandang pangyayari. May pagkakataon na hindi natin inaasahan. The truth is, no matter how much you try to plan and prepare for every possible outcome, life will find a way of surprising you.

NUMBER 8 TANGGAPIN MO ANG PANGYAYARI

Kapag hindi mo tanggap ang nangyari ngayon, ibig sabihin na nag-iilusyon ka lang. Kapag nababalot ka ng takot at anxiety, mahihirapan kang buksan ang isip mo. Mas lalong mabibigatan ka. Allow yourself to feel the uncertainty. Hindi mo alam kung ano ang mangyayari. Kaya 'wag mong pangunahan. Tanggapin mo na ito'y parte ng ating buhay. Life is simpy too random and unpredictable.

NUMBER 9 MAGPOKUS KA LANG NGAYON

Alam mo ba kung ba't ka nahihirapan at natatakot? Dahil nakapokus ka lang sa hinaharap. Nakalimutan mo na ang NGAYON. Mas lalong mawawalan ka ng pag-asa. Mas lalo kang made-depress. Ang mabisang paraan para maging kalmado ay magpokus ka lang sa araw na 'to. Bago mo hulaan ang hinaharap, solusyonan mo muna ang sitwasyon mo NGAYON. Subukan mong practisin ang MINDFULNESS MEDITATION. Pinapakalma nito ang iyong kaisipan. Pinapababa ang iyong stress at mas lalo kang patatagin nito. You can start a mindfulness practice by following an audio meditation.

NUMBER 10 MANAGE STRESS AND ANXIETY

Pero paano? Sa pamamagitan ng paggalaw. Mag-ehersisyo ka. Stress reliever kasi ang pag-eehersisyo. Anti-anxiety treatment din 'to. Pwede ka ring tumambay sa mapunong lugar upang malanghap mo ang preskong hangin. Pakinggan mo ang awit ng mga ibon. Pwede ka ring pumunta sa dagat. Ikaw na ang bahala kung saan ka mas komportable. Basta ang punto ko dito ay makapagrelax ka.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177