No Pain, No Gain by Brain Power 2177

Hindi ka pwedeng mapagod Photo by Ketut Subiyanto from Pexels Hindi sa lahat ng panahon sisikat ang araw. May mga bagyong dumating. May mga gabing sinusumpong tayo ng kalungkutan. Kalungkutan na nakakalunod. Mararamdaman mo ang iyong emosyon. Emosyong puno ng kadiliman. May mga araw na lalamunin ka ng panahon. Magdidilim ang iyong paligid. Yun bang naglalakad ka pero hindi mo alam ang tamang daan. Hahayaan mo na lang ba na babalutin ka ng kadiliman? Hindi mo hahayaan, 'di ba? Alam ko na sawa ka na sa buhay na ganyan. Y'ong napakabagal mong makarating. Nagsasawa ka na sa ganitong buhay. Kahit anong ginawa mo, parang wala pa ring progreso. Dahil sa mahirap na sitwasyon, gusto mo na lang huminto. Dahil pagod ka na rin kakalaban. Pero alam kong matututo ka rin sa kahirapang 'to. Matutunan mo rin kung paano magpakatatag. Matutunan mo rin kung paano lumaban. Hindi ka pwedeng sumuko sa laban ng buhay. Kapag dumadaan ka sa mahihirap na sitwasyon, kailangan mong gawin ang...