No Pain, No Gain by Brain Power 2177


Photo by Ketut Subiyanto from Pexels


Hindi sa lahat ng panahon sisikat ang araw. May mga bagyong dumating. May mga gabing sinusumpong tayo ng kalungkutan. Kalungkutan na nakakalunod. Mararamdaman mo ang iyong emosyon. Emosyong puno ng kadiliman. May mga araw na lalamunin ka ng panahon. Magdidilim ang iyong paligid. Yun bang naglalakad ka pero hindi mo alam ang tamang daan. Hahayaan mo na lang ba na babalutin ka ng kadiliman? Hindi mo hahayaan, 'di ba? 

Alam ko na sawa ka na sa buhay na ganyan. Y'ong napakabagal mong makarating. Nagsasawa ka na sa ganitong buhay. Kahit anong ginawa mo, parang wala pa ring progreso. Dahil sa mahirap na sitwasyon, gusto mo na lang huminto. Dahil pagod ka na rin kakalaban. Pero alam kong matututo ka rin sa kahirapang 'to. Matutunan mo rin kung paano magpakatatag. Matutunan mo rin kung paano lumaban.

Hindi ka pwedeng sumuko sa laban ng buhay. Kapag dumadaan ka sa mahihirap na sitwasyon, kailangan mong gawin ang susunod na hakbang. Dapat kang magpatuloy. At alam ko na dumadaan ka sa isang napakahirap na sitwasyon ngayon. Tayong lahat naman ay naghihirap sa iba't ibang paraan. Gawin mo pa rin ang susunod na hakbang. Patuloy na sumulong. Ang tanging paraan upang pagtagumpayan ang mga hamon na kinakaharap mo ay magsimula kang sumulong at hindi pwedeng umatras.


Photo by Gabriela Palai from Pexels


Araw-araw bumangon ka ng may inspirasyon, ng may buong lakas at tapang, at puno ng motibasyon. Kahit na sa pinakamadilim na oras, kahit na sa pinakamalakas na bagyo, kahit na ang araw ay lumubog at ang mundo ay naging tagilid na, 'wag mong hayaan na ang kadiliman ay makakapatay ng iyong LIWANAG, ng iyong SARILI, ng iyong KALOOBAN, ng iyong DETERMINASYON. Kahit anuman ang mangyari, kahit gaano man kahirap ang laban, hangga't patuloy kang nakikipaglaban, ikaw ang MANANALO.

Matatawag mo lang na isa kang talunan kung sumuko ka na. Ang pagtigil lamang ang iyong wakas. Mananaig ang problema kung hahayaan mo lang 'to. 'Wag mong hayaan na ang kadilimang 'to ay maghahari sa buhay mo. Matuto kang lumaban. Labanan mo ang kahirapang 'to. Gawin mo ang lahat para manalo ka. 'Wag kang matakot mabigo. Ang buhay ay puno ng mga pasakit. Kahit saan ka man magpunta, hindi ka makakatakas.

Oo masakit ang matalo. Masakit ang mabigo. Masakit ang mawalan. Masakit ang maloko. Masakit kapag may namumuna. Masakit kung walang nagkakagusto sa 'yo at sa mga ginagawa mo. Ang mundo natin ay puno ng pait at sakit. 'Yan ang normal na buhay. Kapag masaya lang palagi, hindi mo matatawag na buhay 'yan. Ika nga, NO PAIN, NO GAIN.


Photo by Alexandr Podvalny from Pexels


May mga bagay na hindi mo makokontrol. Kailangan mo y'ong tanggapin. Ang pinakamasamang bagay na magagawa mo ay hayaan ang isang bagay na wala sa iyong kontrol, na kontrolin ka. Don't let those things control you. Ikaw dapat ang magkontrol sa sarili mo. Kontrolin mo ang iyong emosyon. 'Wag kang magalit dahil nangyari 'to sa 'yo. 'Wag kang manghina. Sa halip, manatiling kalmado at alamin mo kung paano umabante. Malapit ka ng makarating sa tagumpay na hinahangad mo. Isara mo ang iyong tainga. 'Wag mong pakinggan ang mga taong nambabastos sa pagkatao mo, sa mga taong naghihila sa 'yo pababa, sa mga taong nagsasabi na wala kang mararating sa buhay. Isara mo ang iyong tainga. 

Pagod ka na ba? Ayaw mo na ba? Ang layo na ng narating mo. 'Wag kang huminto sa gitna. Alam kong mahahawakan mo rin ang tamis ng tagumpay. Humakbang ka pa okay? Hindi ka na pwedeng sumuko ngayon. Pwede kang gumapang pero hindi ka na pwedeng tumigil ngayon. Ilang beses ka na bang nabigo? Sampung beses na ba? Malay mo mananalo ka na sa ika-11. Paano mo malalamang mananalo ka kung huminto ka na? Sampung beses ka ng natalo, masasayang ang talo na 'yon kung hihinto ka na. Mas lalong masasaktan ka. Kapag iniwan ka ng taong mahal mo, lalo kang masasaktan kung mananatili ka na lang sa kwarto mo at umiyak. Kailangan mong lumabas at ipakita sa mga tao na kaya mong magpakasaya.

'Wag ka ng magpokus sa mga talo mo. Magpokus ka sa mga mapapanalunan mo. Ang dami mo ng iniisip e… at hindi 'yan makakatulong sa 'yo. Ang dami mo ng inaanalisa. Ang dami mo ng pinagsasabi. Minsan magdududa ka na kung magtatagumpay ka pa ba o sadyang ito na talaga ang kapalaran mo. Ikaw lang ang makakasagot niyan. Kailangan mo lang magpatuloy. Humakbang ka muna bago mo sagutin 'yan. Ipasok mo lang sa isip mo na matatalo ka lang kung sumuko ka na. Ang daming hindi naniniwala sa 'yo, 'wag mong hayaan na pati IKAW ay nawalan na rin ng TIWALA sa SARILI mo. Yes, you're not good enough. Why? Because YOU ARE GREAT.


Photo by Lukas from Pexels


'Wag mong isipin na dahil mahirap ka lang ay wala ka ng mararating. Hindi dahil hindi ka nakapagtapos ay hindi ka pwedeng umunlad. Mali ang iniisip mo. Mali ang paniniwala mo. The circumstances don't determine who you are. Hindi mahalaga kung gaano karaming mga pagkakamali ang nagawa mo. Hindi mahalaga kung gaano karaming pera ang nawala sa 'yo. Sa katunayan, nakikita ko lamang ang kakulangan bilang isang puhunan dahil ang dami mong natutunan sa buhay. 'Wag kang tumigil dahil lang pagod ka. Tumigil ka lang kung tapos ka na.

Wala namang sikreto sa tagumpay. Basta't 'wag mo lang sukuan ang mga bagay na gusto mo, 'yon na 'yon. Hindi dahil nababalot ka ng kahirapan, ng kadiliman, ng sakit, ay wala ng pag-asang natitira sa loob mo. Buksan mo ang iyong diwa. See the BLESSING inside of you. Magpokus ka lang sa positibong epekto nito at sigurado akong magtatagumpay ka.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177