Don't Lie To Yourself by Brain Power 2177


Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Ang bawat desisyon na gagawin mo ay may kahihinatnan. Pinagpapabuti mo ba ang iyong sarili o pinapasama mo ang iyong sarili? Sumusulong ka pa ba o umaatras ka na? Gumagawa ka ba ng ikakaunlad mo o wala kang ginagawa? Ang bawat maliit na desisyon na gagawin mo ay may bilang. Walang shortcut sa tagumpay. Walang hack sa tagumpay. Walang cheat code. Kung gusto mong dumaan sa madaling daan, diretsuhin na kita, mas matatagalan ka d'on at mas lalo kang masasaktan sa daanang 'yon. Kaya't 'wag kang humingi sa Diyos ng madaling buhay. Humingi ka sa Kanya ng lakas upang makayanan mo ang mahirap na daan. Kung magdedesisyon ka lang ng tama at ipakita mong may gagawin ka talaga, totohanin mo. 'Wag puro sabi na lang. 'Wag kang magsinungaling sa sarili mo. Sa oras na magsisinungaling ka sa sarili mo, 'yan ang pinakamasahol na bagay ang nagawa mo sa buong buhay mo. Oo makapagsinungaling ka sa mga kaibigan mo, sa mga magulang mo o kahit sa sinuman. Pero hindi mo maloloko ang sarili mo. Alam mo naman 'yon, 'di ba?

Alam mo ba ang pinakamasakit? Walang tao ang makakatulong sa 'yo. Ikaw lang ang makakatulong sa 'yong sarili. Gusto mo ba na 5 years from now, ganyan ka pa rin? Kung ano ang ginagawa mo ngayon, mabuti man o masama, mahuhulma mo 'yan sa kinabukasan mo. Kailangang alam mo kung ano ang pinagagawa mo ngayon. 'Wag mong tularan ang masamang ugali ng iba. Hayaan mo na palagi silang naninisi ng ibang tao, ng sistema, ng gobyerno. Manahimik ka lang at gawin mo ang iyong responsibilidad. Oo hindi patas ang buhay pero 'wag mong gamitin 'yon para manghina. Gamitin mo 'yon para magsikap pa sa buhay. Ikaw ang namumuno sa 'yong buhay. Banggain mo lahat kahit mahirap na sitwasyon. Magsikap ka. Magsakripisyo ka. Panindigan mo ang mga sinabi mo. Disiplina sa sarili ang kailangan mo. Ito ang maghahatid sa 'yo tungo sa kalayaan at kapayapaan. Gawin mo ang disiplina na bahagi ng iyong pang-araw-araw na buhay at ang iyong pang-araw-araw na buhay ay magiging mas maayos pa kaysa sa dati.


Photo by Alex Green from Pexels


Matuto kang i-train ang kaisipan mo. It's like training your muscle. Ang iyong isipan at ang iyong emosyon ay parehong muscles. Palagi mo na lang ipinagpaliban ang mga gawain mo. Palagi ka na lang nagdadahilan na hindi ka pa handa. Kailan ka ba maging handa? Kapag wala ng panahon? Akala mo hindi ka mauubusan ng panahon? Akala mo hindi magwawakas ang lahat? Lahat ay may hangganan. Kasama pati ang buhay mo. Hindi ako nagbibiro. Wala akong oras para magbiro. Seryoso 'to kasi gusto kong magbago ka. 

May isipan ka. Alam mo mismo sa sarili mo kung ano ang ginagawa mo na hindi mo ikakaunlad. Alam mo na may mga mali kang nagawa pero ba't hindi mo pinapansin? Ba't sinisisi mo ang iba sa sitwasyon mo ngayon? Ikaw lang ang may kakayahan na kontrolin ang isipan mo. Ikaw lang ang makakapagsanay ng utak mo. Kung hindi mo kontrolin ang isip mo, ayos lang, ayos lang ba na ikaw ang kokontrolin nito?

Sa halip na hahayaan mo ang iyong mga layunin at ang iyong mga gawain, at ang iyong kalusugan, at ang iyong disiplina na mag-alanganin, bumangon ka at agresibong sumulong sa landas patungo sa tagumpay. Hindi pwedeng steady ka lang sa ganyang buhay. Dapat may gagawin ka para magbago kasi ito naman ang gusto mo, 'di ba? Ang magbago. 

Ang dami mong dahilan kung ba't na late ka sa trabaho mo. Ang dami mong dahilan kung ba't wala kang ginawa. Kung bakit hindi mo naisakatuparan, bakit hindi mo natapos, bakit hindi mo ginawa, bakit ka nagpabaya at kung bakit humihinto. Mayroon kang isang dahilan kung bakit nandiyan ka lang. I guarantee you if you were humble enough, if you were hungry enough, if you really wanted what you said, you'd sit down and you'd study what you do, and you would say, I can do this better.


Photo by Karolina Grabowska from Pexels


Kailangang ibuhos mo lahat ng makakaya mo. 'Wag kang magdahilan na mahirap ka lang, na may kulang. Alam mo, wala kang mararating kung palagi ka lang nagdadahilan. Alam kong ang dami mong plano sa buhay pero ang pag aksyon na lang talaga ang kulang. Hindi ka magkakapera, hindi ka uunlad, kung hindi mo aaksyonan ang pangarap mo. Baguhin mo ang sarili mo at sigurado akong magbabago rin ang takbo ng iyong buhay. 

Disiplina ang kailangan mo. Idagdag mo 'yan sa buhay mo. Work hard. Work smart. Hindi pwedeng ang pangarap ay hanggang pangarap na lang. Aksyon na lang ang kulang.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177