7 Ways To Stop Feeling Insecure In Your Relationship by Brain Power 2177



Gusto mo bang mapagtagumpayan ang kawalan ng seguridad sa isang relasyon? Para sa 'yo ang videong 'to.

Ramdam mo ba na parang naghihintay ka lang ng mga papuri? Palagi ka bang nagtatanong kung s'an pupunta ang partner mo, kahit alam mo naman ang sagot? Palagi ka bang humihingi ng atensyon kahit magkasama naman kayo buong araw? Palagi mo ba siyang inakusahan na may iba siya ngunit 'yon ay kaibigan niya lang pala? Ang lahat ng mga bagay na 'to ay resulta ng kawalan ng seguridad sa relasyon. 

Hindi ka nag-iisa sa problemang 'to. Maraming mga tao ang nagseselos palagi at nakaramdam ng walang katiyakan sa kanilang relasyon, kahit mahal na mahal naman sila ng kanilang partner. Kahit bago pa lang kayo o matagal ng nagsasama, kailangan mong matutunan kung paano itigil ang pagiging insecure sa relasyon.

Tatalakayin muna natin kung ano ang dahilan ng insecurity sa relasyon?

Kung sa tingin mo ay insecure ka talaga, ito ay dahil binabalewala mo lang na lalamunin ka ng negatibong pangyayaring ito. Maaaring naging insecure ka dahil hindi natutugunan ng partner mo ang iyong mga pangangailangan, o maaaring may kinalaman lamang sa 'yong pag-uugali, hindi lamang sa loob ng inyong relasyon, tulad ng kawalan ng kumpiyansa sa sarili o takot ka sa bagay na hindi pa naman dumating. Ang mahalagang bagay ay kailangan mong alamin ang pinaka ugat ng problema at lutasin ang problemang ito nang magkasama kayo.

NUMBER 1

MAGSIMULA KA SA SARILI MO

Kung wala ka pang ka-relasyon, MAHALIN mo muna ang sarili mo bago ka papasok sa relationship. Kung may ka-relasyon ka na, bigyan mo naman ng kaunting panahon na isipin ang iyong sarili. Ang pangunahing sanhi ng kawalan ng seguridad sa isang relasyon ay madalas kulang na kulang ka ng pagmamahal sa sarili. Kaya ka uhaw na uhaw sa sa pagmamahal ng ibang tao dahil ramdam mong kulang ka. At dapat kailangang mapunan 'yon. At hindi 'yon mapupunan ng ibang tao. Ikaw lang ang makakagawa n'on. Kung palagi mo na lang nilimitahan ang sarili mo, gaya ng takot kang mawala ang partner mo o hindi ka karapat-dapat mahalin, hindi ka rin magtitiwala sa partner mo. Dahil ikaw mismo'y negatibo ang pagtingin mo sa 'yong sarili. At alam mo naman na ang TIWALA ay ang PUNDASYON ng anumang relasyon. Upang matutunan mong mahalin ang sarili mo, kailangan mo munang malaman ang pagkukulang mo sa 'yong sarili para mas madali mong maalis ang iyong pekeng paniniwala tungkol sa 'yong sarili. Alamin mo kung paano gambalain ang negatibong salita na ibinabato mo sa sarili mo. Gumawa ka ng mga hakbang upang mabuo ang kompiyansa mo. Magpokus ka lang sa pagpapabuti sa sarili mo at 'wag magpokus sa mga hinala.

NUMBER 2

MAKIPAG-USAP KA NG MAAYOS

Hindi y'ong nakikipag-usap ka nga pero may kasamang sigaw at pagdududa. Hindi na 'yan komunikasyon, ang tawag na diyan ay argumento. At alam kong walang tao ang may gusto niyan. Ang komunikasyon ay susi sa lahat ng larangan ng buhay. Lalong lalo na kung kinakain ka na ng iyong insecurities. Upang malaman mo kung paano itigil ang pagiging insecure, ang pinaka magandang bagay na maaari mong gawin ay mabisang makipag-usap sa partner mo. Makipag-usap ka ng mahinahon. At tanggapin mo kung ano ang sagot niya. Kung nagsisinungaling man siya o nagsasabi ng totoo, respeto na lang sa sagot niya. Hindi mo naman kasi alam ang totoo dahil wala kang ebidensya. Hindi ka pwedeng mag-akusa. Kung darating man ang panahon na nagkakatotoo ang mga hinala mo, at magkahiwalay man kayo, mami-miss ka ng partner mo dahil sa respetong ipinakita mo sa kanya. Pero dapat malaman mo kung paano ba nakikipag-usap ang partner mo? Ano ang istilo niya sa pakikipag-usap? Maaari niyong pag-usapan ang mga bagay nang paulit-ulit, ngunit maliban na lang kung tunay kang kumokonekta sa antas ng iyong partner. Y'on bang pasukin mo ang kanyang lebel. Hindi ka pwedeng lumampas sa kanya dahil away ang kalalabasan niyan. Sabayan mo ang kanyang lebel, gayahin mo ang kanyang istilo sa pakikipag-usap. Alam kong napakahirap makipag-usap na hindi hahantong sa gulo, lalong lalo na kapag insecurities ang kalaban mo. Pero isa itong hamon sa sarili mo. Dadaan ka talaga sa pagsubok bago mo malutas ang insecurities sa loob mo.

NUMBER 3

IBIGAY ANG PANGANGAILAN NG BAWAT ISA

Ikaw at ang partner mo ay may pangangailangan. Kahit na mag partner na kayo, may kanya-kanya kayong kagustuhan at pangangailangan. Isa din kasi 'to sa mga nagpapalala ng insecurity kung ang partner mo ay hindi man lang na-meet ang mga pangangailngan mo sa relasyon. Para bang ikaw na lang ang bigay ng bigay. Dapat kasi give and take tayo. Bilang tao, may 6 tayong pangunahing pangangailangan.

Una, nangangailangan tayo ng KATIYAKAN. Gusto natin ng kasiguruhan na hindi tayo masasaktan sa sitwasyong 'to at gusto natin maging masaya lang.

Pangalawa, nangangailangan tayo ng mga bagay para maging handa sa WALANG KATIYAKANG sitwasyon. Kasi may takot tayo sa mga bagay na hindi pa dumating at gusto lang nating masiguro kung matutugunan ba ito ng partner natin. Kung baga kaya ba nila tayong i-comfort kung darating na 'yon?

Pangatlo, nangangailangan tayo ng KABULUHAN. Gusto natin y'ong pinaparamdam sa atin na kakaiba tayo sa lahat, na espesyal tayo sa mundo o sa buhay niya, na importante tayo, o may silbi tayo. Nagki-crave tayo sa ganyang mga bagay.

Pang-apat, nangangailangan tayo ng KONEKSYON. Mula pa ng nasa sinapupunan tayo, may koneksyon na tayo sa ating ina. Kaya hindi nawawala 'yon sa pagkatao natin. Gusto natin y'ong feeling na solido ang closeness natin sa ating partner. Takot tayong lumayo sila sa 'tin.

Panglima, nangangailangan tayo ng PAG-UNLAD. Gusto nating mag-improve ang ating relasyon, lumawak pa ang ating samahan o kaalaman, at lumawak pa ang ating pag-uunawa.

Pang-anim, nangangailangan tayo ng KONTRIBUSYON. Gusto nating tumulong at mag serbisyo sa kapwa natin, lalo na sa partner natin. Gusto nating sumuporta at tumulong sa kanila.

Kapag may tatlo o higit pa diyan na hindi naibigay ng partner mo sa 'yo, diyan magsisimulang umaalog ang iyong mundo. Diyan na papasok ang negatibong pag-iisip. Iniisip mo na baka mayroon na siyang pinagkakaabalahang iba. Pero sa totoo lang, hindi naman lahat ng 'yan ay maibibigay sa 'yo. Hindi tayo perpekto. May pangangailangan talaga sa buhay na hindi natin maibigay. Hindi tayo Diyos na kayang ibigay ang lahat sa kapwa natin. Sa anim na pangangailangan na 'yan, alin ang pinakamahalaga sa 'yo? Nakakatulong ba ang iyong relasyon upang matupad ang pangangailangang ito? Kung hindi, paano mo mapapabuti ang relasyon upang makaramdam ka ng pagmamahal at pagsuporta?

NUMBER 4

BALANSEHIN MO ANG IYONG OPOSISYON

Alam mo naman siguro na magkaiba talaga tayo. Kahit anong pilit mo, hindi mo makokontrol ang tao na sundin ang kagustuhan mo. Sa bawat relasyon mayroong MASCULINE AT FEMININE ENERGY. Pero hindi natin sinasabi na kapag lalaki ay MASCULINE na kaagad. May lalaki kasi na FEMININE ang enerhiya niya. Kaya walang kinalaman ang kasarian dito. Ngunit ang dalawang enerhiyang ito ay kailangang presenti upang may pagkakaisa sa relasyon. Ito'y tinatawag nating OPOSISYON. Kung hindi balanse ang inyong oposisyon, maaalog ang iyong buhay at magdidilim ang iyong isipan. Ibig nating sabihin, kung kayong dalawa ay parehong nasa FEMININE ENERGY o MASCULINE ENERGY, diyan lilitaw ang mga insecurities. Hindi kayo magkakaintindihan kasi pareho niyong pinapairal ang tama. Walang umaako ng kamalian. Palaging nagbabangayan. Tingnan mo kung paano nagbago ang inyong mga tungkulin sa paglipas ng panahon. Paano mo maibabalik ang BALANSENG OPOSISYON upang matanggal mo ang iyong insecurities?

NUMBER 5

PALAGING TRATUHIN ANG RELASYON NA PARA BANG BAGO PA LANG KAYO

Ito ang isa sa mga problema ng relasyon. Lahat ginagawa kapag bago pa lang. Exciting sa umpisa. Nang nagtagal na, nagiging boring. Dito na magsisimula ang pagkakalaboan. Kahit walang nangangaliwa, iniisip na mayroon. Pero ang katotohanan ay nababagot lang pala sa relasyon. Kapag bago pa ang relasyon, parang nakakuryente ang enerhiya. Sobrang sumusiklab. Sa paglipas ng panahon, lahat ay kumupas. N'ong unti-unti mo ng nakilala ang partner mo, lahat ng nararamdaman mo n'ong una ay humahaging na. Alam ko na sasabihin mo na walang nag-iba sa nararamdaman mo. Pero mayroon talaga. Hindi mo lang masyadong napansin kasi nababalot ka ng insecurities. Paano ko nasabing mayroon? Naging komportable ka na sa 'yong ugali at huminto ka na sa paggawa ng mga bagay na ikaka-impress ng partner mo. Noon grabe ka magpaganda, 'di ba? Magpabango? Kung anu ano na lang ginawa mo para ma-impress mo siya. Pero ngayon ay wala ka ng paki sa sarili mo. Kasi iniisip mo na hindi magbabago ang takbo ng panahon. Minsan kasi kasalanan din natin kung bakit tayo hiniwalayan. Minsan din kasalanan nila kung ba't hindi sila naging kuntento. Maaaring lumitaw ang insecurities kung ang partner mo naman ay hindi nagsisikap na pa-impressin ka. Y'on bang feeling natin ba't hindi na siya katulad ng dati? ATTRACTION IS SLOWLY FADING. Gawin niyong dalawa ang ginawa niyo noon n'ong bago pa lang kayo. Purihin niyo ang isa't-isa. Lumabas kayong dalawa paminsan-minsan dahil 'yan ang kinakailangan upang maging solido ang bond niyong dalawa. Kahit maliliit na positibong bagay lang ay makakatanggal ng insecurities.

NUMBER 6

GUMAWA KA NG BAGONG STORYA

Kalimutan mo na ang nakaraan ng partner mo. Wala kang kinalaman sa nakaraan niya. Kung nanloko siya noon, 'wag mong ibalik 'yon ngayon. Hindi ako naniniwala na ONCE A CHEATER, ALWAYS A CHEATER. Lahat tayo ay nagbabago. Walang tao o bagay sa mundo na hindi nagbabago. Life is a constant change. Diyos lang ang hindi nagbabago. Kaya nahihirapan kang magtiwala dahil nakapokus ka lang sa ginagawa ng partner mo. Nakalimutan mo na ang sarili mong buhay bilang indibidwal. Lahat tayo ay nagkakamali. Ngunit ang matibay na relasyon ay kayang magpatawad. Hindi man makakalimutan pero kailangang bitawan. Ano ba ang madalas niyong pinag-aawayan? Hindi mahalaga kung dati kayong nagtatalo tungkol sa pananalapi o sa paglalandi ng iyong partner, kung pinili mo pa rin na magpatuloy sa relasyong 'to, iwanan mo na rin ang dating isyu sa buhay niyo. Kasi kung hindi mo 'yan kayang bitawan, ba't ka pa nagpasyang magpatuloy? Ngayon ikaw pa ang hihingi ng atensyon. Sa halip na palagi mong ipinapamukha sa kanya na nakakawalang gana na siya, subukan mong ilipat ang iyong pag-iisip sa positibong nagawa niya sa 'yo. Kasi kung inis na inis ka na, ba't hindi mo siya kayang iwan? Dahil ba mahal mo? Hindi 'yan pagmamahal kung nanunumbat ka na o inuutusan mo na ang tao na gawin ang gusto mo. Lahat tayo ay may kalayaan. Kung may gusto siyang gawing kakaiba sa buhay niya, 'yan ay ang kanyang desisyon at hindi mo 'yan makokontrol. Alam kong napakahirap pero kailangang gawin upang hindi lumala ang sitwasyon. Tanggapin mo ang partner mo sa kung sino siya talaga. Magpasya ka na lumikha ng bagong kwento nang magkasama kayo sa halip na buhayin mong muli ang nakaraang pagkakamali niya. Halos lahat ng babae ang gumagawa nito. Y'ong pekeng pagkalimot lang. Kapag nag-aaway na, binuksan na naman ang naipon niya sa kahon. Ang nakaraan ay muling nabuhay. Kailangan mo lang kontrolin ang iyong sarili. Kasi ang dila man ay malambot pero ito'y nakakatusok.

NUMBER 7

ITIGIL MO NA ANG SOBRANG PAG-AANALISA SA MGA BAGAY-BAGAY

Ang insecurities ay may negatibong epekto sa ating buhay. At nagsisimula lamang 'yan sa ULO mo. Kung ano ang iniisip mo, 'yan ay magiging iyong realidad. Lahat ng iniisip mo ay nakakaapekto sa 'yong emosyon. Ang emosyon mo ay nakakaapekto sa 'yong mga aksyon. Kapag hinahayaan mong paikutin ka ng negatibong isipan, diyan lalabas ang iyong paghahagupit. Kasi wala ka na sa 'yong normal na katayuan, magiging offensive ka na. Lahat ng paliwanag niya'y hindi makapasok sa pandinig mo kasi natatakpan ng negatibo ang utak mo. Itigil mo ang mga damdaming ito bago sila magsimulang maghagupit sa pamamagitan ng pagkatuto na kontrolin ang iyong emosyon. Hayaan mo lang ang partner mo sa kanyang desisyon. Lahat naman tayo ay nakikipag-usap sa iba. Kung babae ka, nakikipag-usap ka naman sa lalaki, 'di ba? Kung lalaki ka, nakikipag-usap ka din naman sa mga babae, 'di ba? Ganyan din ang partner mo. Hindi mo siya mapipigilan na 'wag kumausap sa opposite sex. Kaya nga tayo may bibig. Ang mga pipi nga ay nakikipag-usap din. Lahat din tayo ay gustong lumabas kasama ang mga kaibigan natin. Lahat din tayo ay gusto ng oras na mapag-isa lang tayo para ma-detoxify ang ating saloobin. Hindi ito masamang gawin kahit nasa relasyon. Kung nagagawa mo pa rin 'to, ibig sabihin na nasa HEALTHY RELATIONSHIP ka.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177