14 na Hakbang Para Mamuhay ng Maayos By Brain Power 2177


Photo by Simon Migaj from Pexels


IKAW lang ang gumagawa ng meaning sa buhay mo. Sa pamamagitan ng mga INIISIP mo at GINAGAWA mo. Kailangang may matutunan ka sa buhay mo upang mas madali kang makaabante. Kung nandiyan ka pa rin sa madilim na sitwasyon ngayon, ikaw na ang may problema. Hindi na kasalanan ng ibang tao kung bakit nandiyan ka pa rin. Itigil mo na ang paninisi. Tandaan mo na ikaw ang may kontrol sa buhay mo. May choice ka kung ano ang gagawin mo. Kung nabibigo ka dahil may nagawa kang hindi tama, ikaw na ang may kasalanan. Nakuha mo ba ang punto?


NUMBER 1
MAGPOKUS KA SA SARILI MO

Photo by Keegan Houser from Pexels

Kailangang hanapin mo ang iyong sarili. Ibig sabihin, alamin mo ang iyong potensyal. Tandaan mo rin na hindi ka dapat magmadali sa buhay. Living your life to the fullest is a PROCESS that will take your WHOLE LIFE to develop. 'Wag kang magalit sa sarili mo at 'wag kang magalit sa sitwasyon mo. Kahit hirap na hirap ka na sa buhay, magpokus ka lang sa kakayahan mo. 'Wag kang magpokus sa mga kakulangan sa buhay mo. Natural lang ang kabiguan sa buhay. Identify the things that you want to achieve. Set goals to define a path for yourself. Pero hindi ibig sabihin na kapag nakapokus ka na sa kalakasan mo, wala ka na ring tiwala sa lakas o sa kapangyarihan ng Diyos. Basahin natin ang 1 Cronica 16:11,

“Hanapin ninyo ang Diyos at umasa kayo sa lakas niya.”

Because the good news is, when you FOCUS on God's STRENGTH, you become stronger.


NUMBER 2
MAGING TAPAT SA IYONG SARILI

Photo by Riccardo Bresciani from Pexels

Ang pagiging tapat ay nagbibigay sa atin ng kasiyahan. Kapag hindi kasi tayo tapat o tunay sa ating sarili, parang pinipigilan din natin ang ating sarili na matuto at umunlad. Kapag hindi tayo tapat sa iba, masisira natin ang TIWALA ng ibang tao sa atin. May negatibong epekto rin sa atin kung hindi tayo tapat sa sarili natin, kung pinipeke natin ang ating sarili. Pero alam ko na minsan nagsisinungaling tayo sa iba. Minsan nagsisinungaling din tayo sa sarili natin. Halimbawa umaasta tayong hindi naiinggit pero naiinggit na pala tayo. Nagsinungaling na nga tayo sa iba, mas lalong nagsisinungaling tayo sa ating sarili. Minsan nagsisinungaling tayo kasi ayaw natin silang masaktan kung malaman nila ang katotohanan. Minsan mahirap magpakatotoo. Pero ito ang paraan para gumaan ang ating buhay. Dapat magpakatotoo ka.


NUMBER 3
TANGGAPIN MO ANG IYONG SARILI

Photo by Simon Migaj from Pexels

Aminin na natin, napaka-busy natin sa kakatingin o kakahanap ng mga kulang sa atin, kung ano ang dapat baguhin sa atin. Spending all your time focused on what you don't like means you are not able to focus on your future. Make a conscious decision to learn to love yourself. Love yourself, just as you are. Basahin natin ang Kawikaan 19:8,

“Ang nagsisikap magkaroon ng unawa
ay nagmamahal sa sarili niya.
Ang nagpapahalaga sa kaunawaan ay magtatagumpay.”

Marami kang magagawa. May kakayahan ka. Magpokus ka sa kakayahan mo, hindi sa mga kabiguan mo.


NUMBER 4
CHALLENGE NEGATIVE SELF-TALK

Photo by Daniel Reche from Pexels

Negative self-talk and self-criticism don't help you become a better person and don't help you achieve your goals. Try self-kindness and self-compassion. Kung palagi mo na lang pinapansin ang mga ayaw mo sa sarili mo, i-twist mo kaagad ang iniisip mo. Kung iniisip mong TALUNAN ka, ang dapat mong isipin ay kung ano ang dapat mong matutunan upang manalo. Pansin mo naman, 'di ba na madali lang tirahin ang ating sarili. Ang daming negatibong salita na nabubuo sa ating isipan. Kung iniisip mong BOBO ka, HINDI totoo 'yan. Hindi ka lang handa.

Sometimes we entertain negative thoughts because of what others have said to us. We have been called STUPID, UGLY, or worse when we hit a low point in our lives, these are the very words we hear in our minds. However, God's word affirms our value and worth. We were created for a divine purpose and God knows how to use our weaknesses to bring strength. By memorizing and meditating on Scripture, we can renew our pattern of thinking to reflect what God says rather than what man has said.


NUMBER 5
UMABANTE KA PA RIN

Photo by Umberto Shaw from Pexels

Kahit anong mangyari, 'wag kang tumigil sa 'yong paglalakbay. One of the reasons we become frustrated is that we expect things to stay the same. Life is full of change. Open yourself to the processes of CHANGE and GROWTH and learn to ADAPT to the NEW SITUATIONS and CHALLENGES that happen. 'Wag kang huminto at maghintay na lang. Salubungin mo ang pagsubok mo. Harapin mo. 'Wag kang matakot. Basahin natin ang Josue 1:9,

“Lakasan mo ang loob mo at magpakatatag ka.
Huwag kang masindak o matakot,
dahil kasama mo ang Diyos saan ka man magpunta.”

Lumabas ka sa lugar na nakasanayan mo. Mas marami kang matutunang bago sa labas ng iyong comfort zone. The more you are willing to challenge yourself, the more comfortable you will become with new experiences. Alam kong natatakot kang humarap sa maraming bagay lalo na kung hindi ka pa sanay sa bagay na 'yon. Dahil natatakot kang mabigo. Pero kung hindi mo itataya ang buo mong lakas, pagsisisihan mo 'yan sa huli. Getting out of your comfort zone occasionally can also help you develop the flexibility you need to deal with life's unexpected roadblocks. Pa-isa-isang hakbang lang hanggang makarating ka sa tuktok. Hindi naman ito kompetisyon e na kailangan mong magmadali. Di bale ng mabagal basta't hindi ka lang huminto. Subukan mong gawin ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa.


NUMBER 6
'WAG MONG PILITIN ANG SARILI MO


Nakasanayan na kasi natin na piliting gawin ang mga bagay kahit hindi naman natin kagustuhan. It can cause a lot of dissatisfaction and grief. Eliminating this from your life can help you live MORE FULLY. Halimbawa sinasabi mong,

“Gusto kong pumayat”

Teka lang, gusto mo ba talagang pumayat o ginusto mo lang dahil sinabihan ka palagi na MATABA ka? Kita mo 'yan, hindi ka nagpapayat para sa sarili mo. Nagpapayat ka para hindi ka na masabihan na mataba ka. Napipilitan ka lang dahil pinuna nila ang anyo mo. Magtakda ka ng layunin, lalo na kung ano ang meaningful para sa 'yo, hindi para mapalugdan ang mga tao o ano ang demand nila sa 'yo.


NUMBER 7
TANGGAPIN MO ANG KABIGUAN

Photo by Andrea Piacquadio from Pexels

Kung gusto mong magbago ang takbo ng iyong buhay, sunggaban mo ang mga pagkakataon. Go after what you want. But sometimes, these things don't go the way you'd hoped. Tanggapin mo pa rin ng buong-buo na talo ka at bigo ka sa laban ng iyong buhay. 'Wag kang magalit sa sitwasyon at lalong 'wag kang magalit sa sarili mo. Tanggapin mo na ang pagkabigo o pagkatalo ay parte na 'yan ng ating buhay. If you are afraid of taking a chance because it might not work out, you may miss out on opportunities.


NUMBER 8
MARAMI PANG PAGKAKATAON

Photo by Andrea Piacquadio from Pexels

Matuto kang makontento sa buhay. Pero hindi ibig sabihin na tanggapin mo na lang ang kahirapan mo. Hindi gan'on 'yon. Be ACTIVE and PRESENT in it. Always consider what you can learn from whatever situation you encounter. Magpokus ka sa pag-abante mo. 'Wag kang magpokus kung sino ang tumatahol sa likuran mo.


NUMBER 9
MATUTO KANG MAGPASALAMAT

Photo by Dana Tentis from Pexels

Ang pagpapasalamat ay hindi lang nararamdamang kasiyahan. Bahagi ito ng ating buhay. Saying THANK YOU, makes you HAPPIER and more POSITIVE. Saying THANK YOU means you appreciate the little things you already have.

Recognize daily the things you are grateful for. Let your family, friends and your partner know how grateful you are to have them. Your life will feel more fulfilling when you actively practice being grateful. Halos lahat ng tao ay nakapokus na lang sa mga bagay na wala sa kanila. They ignore the beauty of life. Magpasalamat ka palagi kahit sa mga maliliit na bagay.


NUMBER 10
TUMAWA KA

Photo by Helena Lopes from Pexels

Laughter is the best medicine. Pero 'wag ka namang tumawa kung mag-isa ka lang. Hindi na 'yan normal. Laughter is POWERFUL that it can eliminate stress. Basahin natin ang Kawikaan 17:22,

“Ang masayang puso ay mabisang gamot,
pero ang pagkasira ng loob ay nakauubos ng lakas.”

Ang nakakatuwa pa, nakakahawa rin ang pagtawa. Kapag may tumawa sa harapan mo, matatawa ka na rin, 'di ba? Laughing together can create emotional and social bonds. Kaya mo bang hindi tumawa sa isang araw? Ano kaya ang mararamdaman mo kung sa loob ng isang araw hindi ka man lang tumawa? Siyempre manghihina ka at parang mawawalan ka ng gana sa buhay.


NUMBER 11
SUMAMA KA SA POSITIBONG TAO

Photo by Helena Lopes from Pexels

Maniwala ka man o hindi, masasalo natin ang emosyon ng ibang tao. Kung gumugol ka ng panahon kasama ang mga taong positibo at masiyahing mga tao, magiging positibo ka rin at masiyahin. Kung gumugol ka ng panahon kasama ang mga taong nakapokus lang sa negatibong bagay, makakaramdam ka rin ng negatibo sa buhay mo. Basahin natin ang Kawikaan 13:20,

“Ang lumalakad na kasama ng marurunong
ay magiging marunong,
Pero ang sumasama sa mga mangmang
ay mapapahamak.”

Again, masasalo natin ang emosyon ng ibang tao. Kaya mag-ingat ka sa mga sinasamahan mo. Mamili ka ng mga tao. Pero dapat positibong tao ka rin. Hindi pwedeng ang toxic mo tapos namimili ka pa ng positibong tao. Gawin mo munang positibo ang ugali mo at sasama ka sa mga katulad mong mag-isip. Real talk lang, hindi lang mga kaibigan mo ang nagpapahid ng negatibo sa 'yong buhay, pati pamilya mo ay may toxic na ugali rin na maaaring ma-adapt mo. Pati na mga relatives mo. Pati mga kapitbahay. Surround yourself with people who CARE for you, surround yourself with people who RESPECT you and ENRICH your life and who also care and respect and enrich other people's lives. Hindi ko naman sinasabi na sumama ka lang sa mga taong kinokonsente ka. Doon ka sumama sa mga taong ITUTUWID ka. Hindi yung tatawanan lang ang mga kamalian mo.


NUMBER 12
MAHALIN MO ANG LAHAT

Photo by Rosemary Ketchum from Pexels

Hindi pwedeng namimili ka lang kung sino ang mayaman o angat sa buhay ay sila lang din ang mamahalin mo. Hindi pwedeng gano'n ang ugali mo. Be SELFLESS in your attitude towards others. Basahin natin ang 1 Corinto 16:14,

“Ang lahat ng inyong mga gawain
ay maganap nawa na may pag-ibig.”

One of the biggest things that holds us back in our lives is our focus on the idea that we DESERVE certain things. This feeling can result in feelings of dissatisfaction and anger. Magmahal ka ng walang hinihinging kapalit. Magmahal ka kahit nahihirapan ka. Hindi ibig sabihin na magpapatapak ka na lang sa iba. You can love and accept them and still RECOGNIZE that they are not GOOD for you. Love is a POWERFUL FORCE in the Universe. Bakit? Dahil ang Diyos ay PAG-IBIG. — 1 Juan 4:16


NUMBER 13
MATUTO KANG MAGPATAWAD

Photo by Magda Ehlers from Pexels

Patawarin mo ang iyong sarili. Patawarin mo rin ang mga nananakit sa 'yo. Forgiveness is good for your soul. Alam kong mahirap magpatawad pero para ito sa ikakatahimik ng iyong puso at isipan. Forgiveness can help you feel FULFILLED and HAPPY even if the other person never acknowledges the wrong doing. Hindi mo na kailangang sabihin sa mga tao na pinatawad mo na sila. Maramdaman mo ang kapatawaran sa puso mo. Madali lang kasing sabihin ang PINATAWAD NA KITA pero mahirap tanggapin ng buo sa puso. Tandaan na ikaw lang ang may kakayahang magkontrol sa sarili mo at hindi mo kayang kontrolin ang ugali ng iba. Ang isa sa mga rason kung bakit ang kapatawaran ay mahirap gawin ay dahil ikaw lang ang makakagawa nun. Walang sino man ang makakadikta na “patawarin mo na”. Hindi kita pipilitin kasi ikaw lang ang nakakaalam kung naghilom na ba ang sugat sa puso mo at kung handa ka na bang magpatawad. It takes time. Take your time. Hindi man alam ng tao na mali siya, PATAWARIN mo pa rin at BUMITAW ka na sa negatibong emosyon na 'yan. Holding on to your anger about the situation, ultimately only hurts you. Learning to forgive will help you heal. Forgiving yourself is as important as forgiving others. When we dwell on things about our past lives or behavior that we regret, we can end up falling into an unproductive cycle of self-blame rather than using those experiences as tools to help us focus on becoming better people in the present. We need to forget certain situations in life which bring us negative emotions. Patawarin mo na sila. Patawarin mo na rin ang sarili mo.


NUMBER 14
MATUTO KANG MAGBIGAY

Photo by Gary Barnes from Pexels

Hindi pwedeng tanggap ka lang ng tanggap. Magbigay ka rin. Giving will not only make you better as a person but it will also help others. Helping others not only benefits them but it also has physical health benefits for you. Hindi naman pera na lang ang pwede nating maibigay sa tao. Pwede rin naman ang ating KABUTIHAN. Even small acts of everyday kindness can have a huge effect. Your kindness can inspire others to show GENEROSITY. And kindness in turn which then inspires more and more people to do the same. Tanggapin mo ang lahat. Ang mga kamalian mo, mga kabutihang nagawa mo, mga negatibo at positibong pagbabago, tanggapin mo lahat 'yan. Tanggapin mo ang iba't-ibang tao. Treat others as you would like to be treated. Remember that you can learn something from every person you encounter. And the more diversity you embrace in your daily life, the more you will realize that we are all human.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177