Kung Alam Mo Ito, Hindi Ka Basta Basta Mapipikot By Brain Power 2177





Alam mo ba na hindi mo kailangang maging pinakamatalino sa isang grupo para hindi ka madaling maisahan ng ibang tao? Ang tunay na advantage ay kung paano ka mag-isip, paano ka makinig, paano ka mag-obserba, at paano ka kumontrol sa sarili mong emosyon.

Tandaan mo 'to, hindi lahat ng mabait ay sincere, hindi lahat ng confident ay tama, at hindi lahat ng sinasabi ng isang tao ay kailangan mong paniwalaan agad. The smarter you become, the more you realize na may mga bagay na mas magandang obserbahan muna kaysa agad pag-reactan.

Kung gusto mong maging mentally sharp, kung guston mong mas mahirap kang manipulahin, at kung gusto mong mas strategic sa pakikitungo sa kahit anong klase ng tao, narito 11 tips kung paano mo gagamitin ang isip mo para manatiling isang hakbang sa unahan without playing dirty or stepping on anyone.


Number 1
Huwag agad ipakita ang buong intensyon mo


Hindi ibig sabihin na kailangan mong maging secretive o magpanggap para lang maging matalino sa pakikitungo sa ibang tao. Ang pagiging strategic ay simpleng pag-alam kung kailan kailangan mong magsalita at kung kailan mas mabuting manahimik muna. Hindi lahat ng plano mo kailangang malaman ng lahat, lalo na kung hindi pa naman ito tapos.

Kapag masyado mong maagang ipinapakita ang buong intention mo, binibigyan mo rin ang ibang tao ng pagkakataong maimpluwensiyahan ang decision mo. Puwede nilang kontrahin, pwede nilang husgahan, pangunahan, o gamitin ang information na sinabi mo laban sa’yo. Kaya mas wise na sabihin lang kung ano ang necessary at hayaan munang magsalita ang actions mo kaysa puro explanation.

Think before you reveal. Hindi lahat ng nagtatanong ay totoong concerned sa’yo, at hindi rin lahat ng interesado sa plano mo ay may magandang intention. May mga taong curious lang, may mga taong gustong makialam, at may ilan na gusto munang malaman ang direction mo bago nila ipakita kung ano talaga ang gusto nila.

At habang mas kaunti ang unnecessary information na ibinibigay mo, mas nakikita mo rin kung paano kumikilos ang ibang tao nang hindi sila aware sa buong plano mo. You get more room to observe. Mas mapapansin mo kung sino ang supportive, sino ang judgmental, sino ang mahilig mang-pressure, at sino ang marunong respetuhin ang boundaries mo.

Hindi mo rin kailangang ipaliwanag ang bawat decision mo. May tendency kasi tayong mag-overexplain kapag gusto nating maintindihan tayo ng lahat. Pero habang tumatanda ka, matututunan mong hindi lahat ng tao kailangan kumbinsihin.

Hindi mo kailangang i-share ang next move mo para mapatunayan na may ginagawa ka. You can work quietly, observe carefully, and let the results speak for you. Kapag hindi mo agad ipinapakita ang buong intention mo, mas nagkakaroon ka ng freedom na mag-adjust kapag may bagong information kang nalaman.

At higit sa lahat, huwag mong gawing habit ang pagsasabi ng plano bago pa ito maging action. Maraming bagay ang nawawala sa momentum kapag masyado nang pinag-uusapan kaysa ginagawa. Keep some things private, not because you're trying to outsmart everyone, but because you're giving yourself enough space to build without unnecessary pressure.

Remember, privacy is not deception. Ang pagiging tahimik tungkol sa intentions mo, it's simply protecting your peace, your plans, and your freedom to choose. Hindi lahat ng nasa isip mo kailangang maging public knowledge. May mga bagay na mas magandang tahimik mong buuin hanggang sa dumating ang tamang panahon para ipakita kung ano talaga ang nagawa mo.


Number 2
Huwag hayaang emosyon ang magdesisyon para sa’yo


Hindi masama ang makaramdam ng galit, lungkot, selos, disappointment, o excitement. Normal lang ‘yan dahil tao tayo. Pero ang problema, kapag hinayaan mong emotion ang humawak ng isipan mo, gumagawa ka na rin ng desisyon na pagsisisihan mo kapag kumalma ka na. Kapag galit ka, puwede kang magsalita ng mga bagay na hindi mo naman talaga gustong sabihin. Kapag nasaktan ka, puwede kang gumawa ng choice just to hurt someone back. At kapag sobrang excited ka naman, puwede kang sumang-ayon sa isang bagay nang hindi mo muna iniisip ang consequences.

Kaya kapag mataas ang emotion mo, matuto kang mag-isip muna. Hindi ibig sabihin na duwag ka o wala kang paninindigan. Ibig sabihin, marunong kang mag-control sa sarili mo. The smartest response is not an immediate response. Huminga ka muna. Lumayo ka sandali. Matulog ka muna kung kailangan. Bigyan mo ang sarili mo ng oras para bumaba ang intensity ng nararamdaman mo bago ka gumawa ng importanteng decision.

Remember this, emotions give you information, but they don't always give you the best instructions. Puwedeng sabihin ng galit na “gumanti ka,” pero hindi ibig sabihin na kailangan mong gumanti. Puwedeng sabihin ng takot na “umatras ka,” pero hindi ibig sabihin na iyon na ang tamang choice. Puwedeng sabihin ng insecurity na “patunayan mong kaya mo,” pero hindi mo naman kailangang patunayan ang sarili mo sa lahat.

Kapag natutunan mong huminto muna bago mag-react, mas nagiging mahirap kang manipulahin. Hindi ka basta-basta mapipilit dahil lang sa guilt, pressure, anger, o excitement. Mas nakikita mo kung ano talaga ang nangyayari instead of simply reacting to how you feel in the moment.

Real strength is not the absence of emotion. It's having emotions without allowing them to control your actions. You can feel deeply and still think clearly. At ang pinakamatalinong move ay ang sandaling katahimikan na nagbibigay sa’yo ng pagkakataong mag-isip bago ka kumilos.


Number 3
Huwag agad maniwala sa unang impression


Isang tingin, isang conversation, o ilang minutes lang na pakikitungo sa isang tao, feeling natin alam na agad natin kung sino siya. Kapag friendly, iniisip nating mabait. Kapag tahimik, iniisip nating suplado. Kapag confident magsalita, iniisip nating matalino. At kapag simple lang manamit o hindi palasalita, minsan minamaliit na agad natin. But the truth is, people are more complicated than the first impression they give you.

Hindi mo kailangang husgahan agad ang isang tao base sa kung paano siya kumilos sa unang pagkikita ninyo. Baka tahimik siya dahil uncomfortable pa. Baka hindi siya masyadong nagsasalita dahil ino-observe ka muna niya. Baka confident siya dahil sanay lang siya makihalubilo. At baka naman ang taong mukhang mabait sa simula ay may ibang ugali kapag mas nakilala mo na. That's why first impressions can be useful, but they should never be your final conclusion.

Matutong mag-observe beyond appearances. Pansinin mo kung consistent ba ang words at actions niya. Tingnan mo kung paano niya tratuhin ang mga taong wala siyang kailangang makuha. Observe how they behave when they're angry, disappointed, stressed, or when things don't go their way. Doon mo mas makikita ang character ng isang tao kaysa sa ilang minutes na magandang conversation.

Ganito rin sa mga opportunities at situations. May bagay na mukhang perfect sa umpisa pero kapag pinag-isipan mo nang mabuti, may red flags pala. May mga taong magaling magsalita at mag-iwan ng magandang impression, pero hindi ibig sabihin na automatic na mapagkakatiwalaan na sila. At may mga taong hindi agad impressive sa unang pagkikita pero habang tumatagal, doon mo makikita ang tunay nilang value.

Hindi ibig sabihin nito na maging suspicious ka sa lahat. Ang point ay huwag mong ibigay agad ang buong judgment mo based on limited information. Give people enough time to reveal who they are. Give situations enough time to show you what they really mean.

Being mentally sharp means knowing the difference between “I noticed something” and “I already know everything.” Puwede mong mapansin ang isang bagay nang hindi agad bumubuo ng final conclusion.

Kaya sa halip na sabihin agad na, “Alam ko na kung anong klaseng tao siya,” sabihin mo muna sa sarili mo, “Interesting. Let me observe.” Dahil ang tunay na pagkilala sa isang tao ay nakikita sa patterns, consistency, at kung sino sila kapag wala nang dahilan para magpanggap.


Number 4
Matutong manahimik kapag unnecessary ang explanation


Hindi lahat ng bagay kailangan mong ipaliwanag, at hindi lahat ng tao kailangan mong kumbinsihin tungkol sa side mo. Nasasanay kasi tayo na kapag may nagtanong, nagduda, o nanghusga sa atin, feeling natin kailangan nating magbigay ng mahaba at detailed na explanation para maintindihan nila tayo. Pero habang mas marami kang sinasabi, mas marami ring puwedeng pagpilian ng ibang tao para i-twist, para pag-usapan, o para gamitin laban sa’yo.

There are moments when silence is actually the stronger response. Kapag alam mong wala namang genuine intention ang kausap mong intindihin ka, bakit mo gugugulin ang energy mo para ipaliwanag ang sarili mo? Kung decided na silang maliitin ka, kahit gaano kaganda ang explanation mo, baka hindi pa rin nila tanggapin. You don't always need to defend yourself to people who are committed to misunderstanding you.

Matuto kang kilalanin kung kailan kailangan mong magsalita at kung kailan mas mabuting tumahimik. Kapag may importanteng misunderstanding na kailangang ayusin, speak clearly. Pero kung simpleng pangungulit, provocation, gossip, o unnecessary criticism lang, hindi mo kailangang sumabay sa ingay. Sometimes, saying less keeps you in control.

Isipin mo rin kung gaano kadalas nauuwi sa regret ang sobrang pagpapaliwanag. Dahil habang emosyonal ka, baka masabi mo ang mga bagay na dapat private lang. Baka ma-share mo ang personal reasons mo, insecurities, plans, o problems sa taong hindi naman talaga dapat nakakaalam. At pagkatapos, saka mo marerealize na, “Bakit ko ba sinabi lahat iyon?”

Being quiet doesn't mean you're weak, scared, or walang masagot. It means you have enough self-control to know that not every conversation deserves your attention. You don't have to prove your innocence in every situation. You don't have to answer every accusation. You don't have to explain every decision.

Kapag secure ka sa sarili mo, hindi mo mararamdaman na kailangan mong kumbinsihin ang lahat tungkol sa worth mo. You can simply say, “That's my decision,” “I understand your opinion,” or sometimes, nothing at all.

Dahil habang natututo kang magsalita nang may purpose, natututo ka ring manahimik nang may purpose. At doon mo marerealize na ang pagiging mentally sharp ay hindi lang tungkol sa pagiging magaling sumagot. Mas matalino yung taong alam kung kailan worth it magsalita at kung kailan mas powerful ang katahimikan.


Number 5
Huwag ibigay agad ang lahat ng personal information mo


Hindi ibig sabihin na kailangan mong maging secretive o suspicious sa lahat ng tao. Ang punto ko ay matuto kang magkaroon ng boundaries. Hindi lahat ng taong mabait sa’yo ay automatic na kailangan mong pagkatiwalaan ng buong personal life mo. Minsan, dahil comfortable tayo sa isang tao o dahil maganda ang unang connection, napapakwento tayo nang sobra. Kinikwento natin sa kanila ang family problems natin, financial situation, relationship issues, personal struggles, future plans, at kahit mga bagay na hindi naman talaga kailangang malaman ng ibang tao.

Remember, trust should be earned, not automatically given. Hindi porke’t matagal mo nang kausap ang isang tao, ibig sabihin alam na niya dapat lahat tungkol sa’yo. May mga bagay na okay lang manatiling private, lalo na kung hindi pa sapat ang level ng trust at hindi mo pa alam kung paano niya hahawakan ang information na ibinibigay mo.

Isipin mo rin that once you tell something personal, you lose some control over where that information goes. Puwede mong sabihin na, “Satin² lang ‘to,” pero hindi mo kontrolado kung ikukuwento niya sa iba. At hindi mo malalaman na kumalat na pala ang information mo hanggang marinig mo ito mula sa taong hindi mo naman pinagsabihan.

Kaya matuto kang mag-filter. Bago ka mag-share, tanungin mo muna ang sarili mo: “Do I really trust this person?” “Kailangan ba talaga niyang malaman ito?” At higit sa lahat, “Okay lang ba sa’kin kung malaman ito ng ibang tao someday?” Kung hindi ka sigurado, there's nothing wrong with keeping it to yourself.

Hindi rin kailangan na cold ka para maprotektahan ang privacy mo. You can still be friendly, approachable, and genuine without revealing everything. Puwede kang makipag-close sa mga tao habang may bahagi pa rin ng buhay mo na para sa’yo lang. That's called having healthy boundaries.

At habang tumatagal, mapapansin mong mas peaceful kapag hindi lahat ng ginagawa mo ay alam ng buong mundo. Hindi lahat ng plano mo kailangan i-post. Hindi lahat ng problema kailangan i-share. Hindi lahat ng achievements kailangan ipaalam. Keeping certain things private gives you the space to grow without outside opinions, pressure, or unnecessary interference.

Dahil ang pagiging mentally sharp ay hindi lang tungkol sa pagiging magaling mag-isip. Kasama rin dito ang pagiging intentional sa kung ano ang sinasabi mo, kanino mo sinasabi, at gaano karami ang kailangan nilang malaman.

You don't have to hide your life. You just have to protect the parts of it that deserve privacy. Hindi lahat ng tao kailangang magkaroon ng access sa buong story ng buhay mo para maging genuine ang connection ninyo.


Number 6
Alamin kung kailan ginagamit ng isang tao ang guilt
para ma-pressure ka


Minsan, hindi ka naman talaga kumbinsido sa isang bagay, pero napapapayag ka dahil pinaramdam sa’yo na masama kang tao kapag tumanggi ka. Halimbawa, humihingi sila ng favor at kapag tumanggi ka, sasabihin nila, “Akala ko ba kaibigan kita?” O kaya, “Sige, huwag na lang. Sanay naman akong hindi napapansin.” At bigla kang makakaramdam ng guilt kahit wala ka namang ginawang mali. You start questioning yourself, hanggang sa mapapayag ka na lang para matapos ang uncomfortable feeling.

Dito mahalagang matutunan mong kilalanin ang difference between genuine disappointment and emotional pressure. Normal lang na may taong malungkot kapag hindi mo napagbigyan. Pero ibang usapan kapag paulit-ulit nilang ginagamit ang guilt para kontrolin ang decisions mo. Kapag ang “no” mo ay palaging sinusundan ng panunumbat, silent treatment, drama, o pagpaparamdam na masama kang tao, baka hindi na simpleng disappointment iyon.

Hindi ibig sabihin na lahat ng guilt na nararamdaman mo ay manipulation. May pagkakataon talagang kailangan nating aminin kapag may nagawa tayong mali. Pero kung wala ka namang nilabag na responsibility, wala kang ipinangako, at may valid reason ka para tumanggi, hindi mo kailangang parusahan ang sarili mo dahil lang hindi mo napagbigyan ang gusto ng ibang tao.

Matuto kang huminto muna kapag may taong nagpaparamdam sa’yo na kailangan mong magdesisyon agad dahil nakakaramdam ka ng guilt. Tanungin mo ang sarili mo: “Ginagawa ko ba ito dahil gusto ko, o dahil natatakot akong ma-disappoint sila?” Malaking difference iyon. Kapag ang decision mo ay nanggagaling sa fear, guilt, or pressure instead of genuine willingness, kailangan mong mag-isip muna.

You are allowed to say “No” without writing a long explanation. Puwede kang tumanggi nang maayos. Puwede mong sabihin na hindi mo kaya, hindi ka available, o hindi ka comfortable. Hindi mo kailangang gumawa ng sampung dahilan para lang maging acceptable ang boundary mo.

At tandaan mo, ang pagiging mabuting tao ay hindi nangangahulugang lagi kang available. You can care about someone and still say no. You can love people and still have boundaries. You can understand someone’s feelings without allowing their feelings to control your choices.

Kapag natutunan mong hindi basta-basta nagpapadala sa guilt, mas nagiging malinaw sa’yo kung alin ang responsibility mo at alin ang emotion na ipinapasa sa’yo ng ibang tao. Hindi mo kailangang akuin ang discomfort ng lahat para lang mapanatili silang masaya.

A healthy relationship allows you to say no without making you feel like a bad person. Kaya kapag may taong paulit-ulit na ginagamit ang guilt para mapasunod ka, huwag agad mag-react. Observe the pattern, pause, and decide based on what you genuinely believe is right not simply because someone made you feel guilty for having a boundary.


Number 7
Tingnan ang actions, hindi lang promises


Madaling magsabi ng magandang bagay. Madaling mangako ng, “Magbabago na ako,” “Tutulungan kita,” “Andito lang ako para sa’yo,” o “Hindi na mauulit.” Pero ang tunay na character ng isang tao ay hindi mo makikita sa ganda ng mga salitang sinasabi niya. Mas makikita mo ito sa mga ginagawa niya kapag wala nang audience, kapag wala nang pressure, at kapag hindi na niya kailangang mag-impress sa’yo.

Kaya huwag kang masyadong mabighani sa promises. Listen to the words, but watch the pattern. Kung paulit-ulit niyang sinasabi na importante ka pero lagi ka naman niyang binabalewala, mas mahalagang pansinin ang behavior kaysa sa declaration. Kung sinasabi niyang magbabago siya pero pareho pa rin ang ginagawa niya after several chances, kailangan mong tingnan kung may actual effort ba o puro salita lang.

Hindi ibig sabihin na dapat mong i-dismiss agad ang lahat ng promises. May mga taong sincere naman talaga pero nangangailangan ng time para magbago. Ang mahalaga ay may nakikita kang consistent effort. Hindi kailangang perfect agad, pero dapat may movement. May accountability. May willingness na ayusin ang pagkakamali. Dahil ang genuine na pagbabago ay hindi lang naririnig, nakikita.

Halimbawa, may taong paulit-ulit na nagsasabing nirerespeto ka niya. Pero kapag may disagreement kayo, minamaliit ka, sinisigawan ka, o ginagamit niya ang weaknesses mo laban sa’yo. Sa ganitong situation, mas malinaw ang behavior kaysa sa words. Respect isn't just something you say; it's something you demonstrate, especially when you're angry or disappointed.

Ganito rin sa friendship, relationship, trabaho, at kahit simpleng pakikitungo sa ibang tao. Observe what they consistently do. Sino ang nandiyan kapag kailangan mo? Sino ang tumutupad sa napag-usapan? Sino ang marunong umako ng responsibility kapag nagkamali? Sino ang mabait lang kapag may kailangan?

Dahil ang isang magandang promise can make you hopeful, pero ang consistent action ang nagbibigay ng dahilan para magtiwala. Words can create expectations, but actions create evidence.

Kaya huwag mong husgahan ang isang tao sa isang magandang pangako lang. Give more weight to patterns than promises. Kung gusto mong malaman kung sino talaga ang isang tao, observe them over time. Tingnan mo kung nagma-match ba ang sinasabi nila sa ginagawa nila.

At tandaan mo, hindi mo kailangang maging detective para malaman ang character ng isang tao. Kailangan mo lang maging patient enough to observe. Listen to what they say, but believe what they consistently show you. Because actions don't always tell the whole story but they often reveal much more than promises ever can.


Number 8
Huwag hayaang ma-pressure ka ng mabilisang decision


May mga taong sasabihin sa’yo, “Ngayon ka na magdesisyon,” “Last chance na ‘to,” o “Kung gusto mo talaga, dapat sagutin mo agad.” At dahil ayaw mong mawalan ng opportunity o baka isipin nilang indecisive ka, napipilitan kang magbigay ng sagot kahit hindi ka pa talaga handa. Pero tandaan mo, hindi lahat ng decision na kailangang gawin agad ay decision na dapat mong gawin agad.

Kapag may taong sadyang minamadali kang magdesisyon, take a step back. Tanungin mo muna kung bakit kailangan mong magmadali. Is the urgency real, or are they simply trying to prevent you from thinking things through? May mga legitimate deadlines naman talaga, pero may pagkakataon din na ginagamit ang pressure para hindi mo mapansin ang details, risks, o conditions ng isang offer.

Kapag emotional ka at pressured at the same time, mas mahirap mag-isip nang malinaw. Baka puro “What if mawala ito?” o “Baka magsisi ako kapag hindi ako pumayag” 'yan na lang ang umiikot sa isip mo. Pero hindi ibig sabihin na dahil natatakot kang mawalan ng isang bagay, kailangan mo na itong tanggapin.

Learn to give yourself time. Puwede mong sabihin, “Pag-iisipan ko muna,” “Kailangan ko munang tingnan ang details,” o “Babalikan kita kapag nakapagdesisyon na ako.” Hindi iyon weakness. That's emotional discipline. You are giving your brain enough space to process the situation instead of letting pressure make the decision for you.

Lalo na kapag tungkol sa pera, trabaho, relationship, commitment, o anumang decision na may long-term consequences, huwag kang matakot humingi ng oras. Read the details. Ask questions. Compare your options. Think about what happens if you say yes and what happens if you say no.

At huwag mong kalimutan: a good opportunity should be evaluated, not blindly grabbed out of fear. Kung talagang worth it ang isang bagay, dapat kaya nitong mabigyan ka ng kahit kaunting panahon para mag-isip nang maayos. Kung ang buong decision ay nakasalalay sa pressure at panic, that's a reason to slow down and look more carefully.

Hindi mo kailangang patunayan na decisive ka sa pamamagitan ng mabilis na pagsagot. The smartest decision is simply saying, “I need time to think.”

Dahil ang tunay na pagiging mentally sharp ay hindi yung pinakamabilis kang sumagot. Ito yung marunong kang huminto kahit minamadali ka ng lahat. Pause before you commit. Think before you agree. Dahil ang ilang segundo ng pressure ay puwedeng humantong sa desisyong kailangan mong dalhin nang matagal.


Number 9
Kilalanin ang sarili mong weaknesses
dahil puwedeng gamitin iyon ng iba


Lahat tayo may weaknesses. May mga bagay na mabilis makapag-trigger sa atin, may insecurities tayo, may fears, at may mga pagkakataong nahihirapan tayong magsabi ng “no.” Hindi masama ang magkaroon ng weaknesses. Ang problema ay kapag hindi mo kilala ang sarili mong weak points, mas madali kang maimpluwensiyahan ng ibang tao nang hindi mo namamalayan.

Halimbawa, kung alam mong sensitive ka sa rejection, baka may taong gamitin ang takot mong maiwan para mapasunod ka. Kung alam mong hirap kang makaramdam ng guilt, baka paulit-ulit kang i-pressure sa pamamagitan ng panunumbat. Kung sobrang kailangan mo ng approval ng ibang tao, puwedeng gamitin iyon para mapilit kang gawin ang mga bagay na hindi naman talaga gusto mo.

That's why self-awareness is a form of protection.

Hindi ibig sabihin na kailangan mong maging paranoid at isipin na lahat ng tao ay may masamang intention. Ang ibig sabihin lang nito ay alam mo kung saan ka vulnerable. Kapag kilala mo ang sarili mo, mas mabilis mong mapapansin kapag may situation na tumatama sa isang weakness mo. Instead of immediately reacting, puwede mong sabihin sa sarili mo, “Wait, sensitive ako sa ganitong bagay. Baka kaya ako napapapayag ngayon dahil triggered ako.”

Napakalaking bagay ng awareness na iyon.

Halimbawa, alam mong nahihirapan kang tumanggi kapag may humihingi ng favor. Next time na may humingi sa’yo, hindi mo kailangang automatic na magsabi ng yes. Puwede kang mag-pause at sabihin, “Let me check first kung kaya ko.” Kapag alam mong mabilis kang maapektuhan ng criticism, matututo kang ihiwalay ang valid feedback sa simpleng panlalait. Kapag alam mong takot kang mawalan ng tao, mas mapapaisip ka kung ginagawa mo ba ang isang bagay dahil tama ito o dahil ayaw mong maiwan.

The goal isn't to eliminate every weakness. The goal is to understand them well enough that they don't control you.

Dahil kapag alam mo kung saan ka mahina, mas madali mong mapoprotektahan ang sarili mo. Alam mo kung kailan kailangan mong tumigil. Alam mo kung kailan kailangan mong mag-set ng boundaries. At alam mo kung kailan hindi dapat gumawa ng importanteng decision habang emotionally triggered.

At tandaan mo rin, hindi mo kailangang ikahiya ang weaknesses mo. They are part of being human. Ang mahalaga ay hindi mo hinahayaan na maging remote control sila ng buhay mo at hindi mo rin basta-basta ibinibigay sa ibang tao ang access para gamitin ang mga ito laban sa’yo.

Know your triggers. Know your patterns. Know your limits. Dahil kapag kilala mo ang sarili mo, mas mahirap para sa ibang tao na manipulahin ka gamit ang mga bagay na hindi mo man lang alam tungkol sa sarili mo.


Number 10
Huwag magdesisyon habang galit, excited, o desperado


May mga desisyong kapag ginawa mo habang mataas ang emotion, parang tama na tama sa moment pero kapag lumipas na ang ilang oras o araw at kumalma ka na, saka mo maiisip ng, “Bakit ko ba ginawa ‘yon?” Kapag galit ka, gusto mong gumanti. Kapag sobrang excited ka, gusto mong kunin agad ang opportunity. Kapag desperado ka, tatanggapin mo kahit hindi naman talaga pabor sa’yo. The problem is, strong emotions can make temporary feelings look like permanent truths.

Kapag galit ka, narrowed ang perspective mo. Nakikita mo lang kung ano ang ginawa sa’yo at hindi mo na napapansin ang possible consequences ng magiging reaction mo. Kaya may mga taong nagsesend ng mahahabang messages habang galit, nagsasabi ng masasakit na salita, o gumagawa ng impulsive decisions then regrets everything once they calm down.

Kapag excited ka naman, ibang klase ang danger. Dahil sobrang gusto mo ang possibility, hindi mo na napapansin ang red flags. Ang naiisip mo ay puro “What if this is the opportunity I've been waiting for?”. Hindi mo na natatanong kung practical ba, sustainable ba, o may risks bang kailangan mong paghandaan.

At kapag desperado ka, puwedeng mas maging vulnerable ka sa anumang mukhang solution. Dahil gusto mo nang matapos ang problema, puwede mong tanggapin ang isang option na hindi mo naman tatanggapin kung nasa calm state ka. Hindi naman talaga iyon ang best choice, gusto mo lang magkaroon ng immediate escape from the situation.

Kaya kapag nararamdaman mong sobrang taas ng emotion mo, huminto ka muna. Hindi mo kailangang gumawa agad ng final decision. Give yourself time to breathe, think, and see the situation from a calmer perspective. Kung maaari, matulog ka muna bago sumagot sa importanteng message. Maglakad. Lumayo sandali. Isulat ang options mo. Talk to someone you trust. Do anything that gives your mind enough space to settle.

Hindi ibig sabihin na mali ang emotions mo. In fact, emotions can tell you something important. Pero hindi sila laging magandang decision-maker. Feelings are real, but they are not always reliable instructions.

Kapag kalmado ka na, balikan mo ang decision at itanong: “Kung wala akong galit, excitement, o desperation ngayon, pipiliin ko pa rin ba ito?” Kung oo, mas malaki ang chance na pinag-isipan mo talaga ito. Pero kung biglang nagbago ang perspective mo, magandang indication iyon na kailangan mo pang maghintay.

Dahil ang pagiging mentally strong ay hindi yung hindi ka nakakaramdam ng matinding emotions. It's knowing when your emotions are too loud to make a clear decision.

Never let a temporary emotional state make a permanent decision for you. Ang pinakamatalinong move ay ang maghintay hanggang kaya mo nang mag-isip nang malinaw.


Number 11
Huwag makipagtalo para lang mapatunayan na tama ka


Hindi lahat ng argument kailangan mong panalunan. Minsan, alam mong tama ka, may evidence ka, at kaya mong ipaliwanag ang side mo pero hindi ibig sabihin na kailangan mong ipilit ang sarili mo hanggang sa maubos ang energy mo. There are times when proving your point gives you nothing except stress, frustration, at isang conversation na paikot-ikot lang.

May mga taong hindi naman talaga nakikipag-usap para maintindihan ka. Nakikipagtalo sila para manalo. Kahit anong explanation ang ibigay mo, may panibagong argumento silang ilalabas. Kapag napansin mong hindi na naghahanap ng understanding ang conversation at naging competition na kung sino ang may last word, maybe it's time to step back.

Hindi rin naman ibig sabihin na lagi kang mananahimik kapag may disagreement. May mga bagay na kailangan mong ipaglaban, lalo na kung tungkol ito sa boundaries, principles, trabaho, o mga importanteng desisyon. The key is knowing the difference between defending what matters and arguing just to feed your ego.

Hindi mo kailangang baguhin ang opinion ng isang tao. People are allowed to see things differently. Puwede mong sabihin ang perspective mo nang maayos at pagkatapos ay hayaan silang gumawa ng sarili nilang conclusion. Hindi mo responsibilidad na kumbinsihin ang bawat taong hindi sumasang-ayon sa’yo.

At kapag alam mong nagiging emotional na ang usapan, huwag kang matakot umatras. Puwede mong sabihin, “I understand your point, but I don't think we're getting anywhere right now.” Hindi iyon pag-iwas. That's knowing when the conversation is no longer productive.

Remember, you don't have to win every argument to be right. Mas malaking victory ang peace of mind kaysa sa pagkakaroon ng last word. Kapag natutunan mong piliin ang battles mo, hindi ka madaling maubos ng mga argumentong wala namang magandang maidudulot sa buhay mo.

Comments

Popular posts from this blog

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

10 Dark Psychology Tricks na Epektibo sa Lahat ng Tao By Brain Power 2177

9 BAGAY na Dapat Mong Bitawan para Gumaan ang Buhay Mo By Brain Power 2177