7 Bagay na Nagpapataas ng Value Mo Bilang Tao By Brain Power 2177





Hindi mo kailangang maging sikat para maging valuable. Hindi mo kailangang habulin ang atensyon ngamga tao para respetuhin ka. At lalong hindi mo kailangang patunayan sa lahat na may halaga ka.

Tumataas ang value ng isang tao kung mas nagiging disiplinado siya, marunong, independent, at may paninindigan siya.

So kung gusto mong maging taong hindi basta-basta minamaliit, ginagamit, o tinitake for granted, kailangan mong malaman ang 7 tips na ito..


Number 1
Huwag mong ipakita ang lahat ng ginagawa mo


Hindi lahat ng ginagawa mo kailangan makita ng ibang tao. Hindi lahat ng plano mo kailangang ikuwento. At hindi lahat ng progress mo kailangang i-post para masabing may nararating ka.

Mas maganda ang tahimik kang gumagawa kaysa buong mundo ang nakakaalam ng mga plano mo pero wala pang konkretong resulta.

Kapag may bagong goal ka, hindi naman masama na maging excited at mag-share. Pero may mga pangarap na mas magandang protektahan habang binubuo mo pa lang. Some things grow better in silence.

Kapag sinabi mo agad sa lahat ang plano mo, maraming bagay ang maaaring mangyari. May taong susuporta sa’yo, pero may iba ring kukwestiyon sa kakayahan mo. May magbibigay ng unsolicited advice. May tatawa. May magsasabing hindi mo kaya. At may taong hindi naman talaga masaya para sa’yo pero magaling lang magkunwaring supportive.

At kapag masyado mong pinapakinggan ang lahat ng opinyon, puwedeng mawala ang focus mo. Kaya, move in silence dahil alam mong hindi lahat ng tao kailangang magkaroon ng access sa ginagawa mo.

Kung nag-iipon ka, hindi mo kailangang ipaalam kung magkano na ang naitatabi mo.
Kung may business idea ka, hindi mo kailangang ikuwento sa bawat kakilala mo.
Kung nag-aaral ka para magkaroon ng bagong skill, hindi mo kailangang ipakita araw-araw kung ilang oras kang nag-aaral.
Kung nagbabago ka ng lifestyle, hindi mo kailangang ipakita sa social media ang bawat maliit na adjustment.
At kung may pinagdadaanan kang personal, hindi ibig sabihin na kailangan mong i-broadcast ito para maramdaman mong valid ang nararamdaman mo.
Let your progress be private until the results become undeniable.

May kakaibang peace kapag hindi mo kailangang ipaliwanag ang bawat galaw mo. Hindi mo kailangang patunayan na busy ka. Hindi mo kailangang ipakita na may ginagawa kang malaking bagay. Hindi mo kailangang kumbinsihin ang ibang tao na nag-iimprove ka.

Dahil kapag masyado mong ipinapakita ang progress mo, napapalitan ang tunay na motivation mo. Imbes na gawin mo dahil gusto mong mag-improve, ginagawa mo na para may maipakita. Imbes na maging focused ka sa journey, nagiging focused ka sa reaction ng audience.

And that's where the problem starts.

Kapag naging dependent ang confidence mo sa reaction ng ibang tao, madaling mawala ang momentum mo kapag walang pumapansin. Kaya matuto kang gumawa ng mga bagay na walang audience. Matuto ka ring maging proud sa sarili mo kahit walang pumalakpak sa 'yo. Dahil ang tunay na growth ay hindi palaging visible.

May mga pagbabago sa buhay na hindi mo kailangang ipakita. Makikita na lang ng mga tao kapag mas kalmado ka na, mas disciplined ka na, mas maayos ka nang magdesisyon, mas marunong ka nang pumili ng mga taong papasukin sa buhay mo, at hindi ka na basta-basta naaapektuhan ng opinyon ng iba.

Kaya kung may binubuo ka ngayon, huwag kang masyadong sabik na ipakita agad. Build first. Improve first. Finish first. Then let the results speak.

Dahil may mga bagay na kapag masyado mong ipinagsasabi habang binubuo mo pa lang, nawawala ang excitement, nadadagdagan ang pressure, at napapasuko ka dahil masyado mong iniisip kung ano ang sasabihin ng ibang tao.

Protect your peace. Protect your plans. Protect your energy. Hindi lahat ng tao kailangang makaalam kung saan ka papunta. Ang mahalaga, ikaw mismo alam mong may pinupuntahan ka.


Number 2
Magkaroon ka ng standards sa sarili mo


Hindi ibig sabihin na kailangan mong maging perfect. Ang pagkakaroon ng standards ay hindi tungkol sa pagiging mataas ang tingin sa sarili. It’s about knowing what kind of person you want to become and refusing to live below that standard.

May mga taong mabait sa lahat pero sobrang sama naman ng trato sa sarili. Pinapalampas ang sariling pagkakamali sa ibang tao, pero kapag sarili na nila, sobrang harsh nila. Tinitiis ang disrespect. Tumatanggap ng bare minimum. Nanatili sa mga sitwasyong paulit-ulit silang sinasaktan dahil natatakot silang mawalan ng tao.

Dito pumapasok ang importance ng standards.

Kapag may standards ka sa sarili mo, hindi ibig sabihin na hindi ka na tatanggap ng pagkakamali. Ibig sabihin, may limitasyon ka kung hanggang saan mo hahayaang bumaba ang kalidad ng buhay at pagkatao mo.

Halimbawa, may standard ka sa kung paano ka makitungo sa ibang tao. Kahit galit ka, hindi mo kailangang mang-insulto. Kahit nasaktan ka, hindi mo kailangang manakit pabalik. Kahit may pagkakataon kang manlamang, pipiliin mong maging patas. Because your character should not depend on how other people treat you.

May standard ka rin sa trabaho at responsibilidad. Kapag sinabi mong gagawin mo, pinagsisikapan mong tapusin. Kapag may pagkukulang ka, inaamin mo. Hindi mo palaging sinisisi ang circumstances, ibang tao, o bad luck. You take responsibility for your life.

At higit sa lahat, magkaroon ka ng standard kung paano mo hinahayaan ang ibang tao na tratuhin ka.

Hindi mo kailangang manatili sa isang relationship na puro disrespect. Hindi mo kailangang paulit-ulit ipaliwanag kung bakit deserve mong respetuhin. Hindi mo kailangang habulin ang taong malinaw namang ayaw kang piliin.

Sometimes, having standards means knowing when to walk away dahil alam mong may mga bagay na hindi na dapat paulit-ulit mong pinagdadaanan.

Pero tandaan mo rin: standards are not the same as unrealistic expectations.

Hindi ibig sabihin na kailangan mong humanap ng taong walang flaws. Hindi rin ibig sabihin na dapat perfect ang trabaho, relationship, o buhay mo bago mo ito tanggapin. Everyone has weaknesses. Everyone makes mistakes. Ang mahalaga ay may respeto, effort, accountability, at willingness to grow. Dahil kung sobrang taas ng expectations mo sa ibang tao pero mababa naman ang standards mo sa sarili mo, hindi iyon self-respect. Pride iyon.

Hindi sapat na alam mo kung ano ang deserve mo. Kailangan mo ring maging taong karapat-dapat sa klase ng buhay na gusto mo. At huwag mong isipin na selfish ang pagpili sa sarili.

Kapag sinabi mong, “Hindi ko na tatanggapin ang ganitong treatment,” hindi ibig sabihin na masama kang tao. Kapag sinabi mong, “Kailangan kong protektahan ang oras ko,” hindi ibig sabihin na wala kang pakialam sa iba. Kapag sinabi mong, “Ayoko na sa ganitong environment,” hindi ibig sabihin na feeling superior ka. You're simply choosing peace over unnecessary chaos.

Habang tumatanda ka, matututunan mong hindi lahat ng bagay ay kailangang patunayan. Hindi lahat ng argument kailangan mong panalunan. Hindi lahat ng tao kailangan mong kumbinsihin. Hindi lahat ng relationship kailangan mong iligtas.

May mga pagkakataon na ang pinakamalaking sign ng maturity ay ang kakayahan mong sabihin na hindi katanggap-tanggap ang sitwasyon. At panindigan mo 'yon.

Kaya pataasin mo ang standards mo pero magsimula ka sa sarili mo.

Standard na aalagaan mo ang katawan at isip mo. Standard na hindi mo sisirain ang sarili mo para lang mapasaya ang ibang tao. Standard na hindi ka magsisinungaling para lang magmukhang magaling. Standard na hindi ka mang-iinsulto kapag galit. Standard na tutuparin mo ang mga pangako mo. Standard na kapag nagkamali ka, babawi ka at matututo.

Dahil kapag consistent kang namumuhay ayon sa standards mo, unti-unting nagbabago ang tingin mo sa sarili mo. Mas nagiging confident ka not because everyone approves of you, but because you trust yourself. At iyon ang tunay na value.

Build standards that make you respect yourself. Because once you learn to respect yourself, mas mahihirapan ka nang tanggapin ang mga bagay na paulit-ulit na sumisira sa’yo.


Number 3
Maging emotionally mature


Hindi ibig sabihin ng pagiging emotionally mature na hindi ka na nasasaktan, hindi ka na umiiyak, o hindi ka na nagagalit. Hindi ibig sabihin na kailangan mong maging cold para masabing strong ka. Emotional maturity means you still feel deeply, but you learn how to handle what you feel without allowing your emotions to control your decisions.

Halimbawa, kapag may taong hindi nag-reply sa’yo, hindi ibig sabihin na kailangan mo agad isipin na ayaw ka na niya. Kapag may nagbago ng pakikitungo sa’yo, hindi mo kailangang gumawa agad ng conclusion. Kapag may narinig kang hindi maganda tungkol sa’yo, hindi mo kailangang sagutin lahat. Ang maturity ay iyong kakayahang huminto muna bago ka mag-react. Dahil hindi lahat ng nararamdaman mo ay kailangan mong sundin.

Maaari kang magalit pero piliin mong huwag manakit. Maaari kang masaktan pero piliin mong huwag gumanti. Maaari kang ma-disappoint pero piliin mong huwag mang-insulto. Maaari kang mainggit pero gamitin iyon bilang motivation para pagbutihin ang sarili mo. That is emotional control. At malaking bagay iyon sa pagtaas ng value mo bilang tao.

Mapapansin mo, may mga taong kapag galit ay kung anu-ano ang sinasabi. Sa init ng emosyon, nagme-message ng mahaba, nagpo-post sa social media, nagsasabi ng mga sikreto, o nananadya para makaganti. Pero pagkatapos humupa ang galit, saka nila pagsisisihan ang lahat.

Isang minuto lang ng uncontrolled emotion ang kayang sirain ang ilang taon mong pinaghirapang relationship, friendship, career, o reputation. Kaya matutong mag-isip muna.

Kapag galit ka, don't make permanent decisions based on temporary emotions. Hindi lahat ng bagay kailangang sagutin agad. Hindi lahat ng argument kailangang panalunan. At hindi lahat ng taong nang-provoke sa’yo ay deserve ng reaction mo.

May mga pagkakataon na ang pinaka-mature na sagot ay katahimikan dahil alam mong hindi lahat ng bagay ay worth your energy.

Emotionally mature ka rin kapag marunong kang tanggapin na hindi lahat ng tao ay maiintindihan ka. Darating ang panahon na kahit gaano ka kabuti, may taong mali pa rin ang magiging interpretation sa’yo. May taong hindi maniniwala sa side mo. May taong gagawa ng sarili niyang version ng story tungkol sa’yo. At kailangan mong matutong mabuhay kahit hindi mo kontrolado ang opinion nila. You don't have to explain yourself to everyone.

Hindi mo kailangang maghabol sa bawat taong may maling perception sa’yo. Sometimes, protecting your peace is more important than proving your innocence to people who already decided not to understand you.

Emotionally mature ka rin kapag marunong kang umamin kapag mali ka. Hindi iyong “Ganito kasi ginawa niya kaya ganito ako.” Dahil kahit may dahilan ka, kailangan mo pa ring maging accountable sa actions mo. Mature people know how to say, “I was wrong.” Marunong silang humingi ng sorry dahil naiintindihan nilang ang apology ay hindi dapat maging excuse para i-justify ang pagkakamali. At higit sa lahat, marunong silang matuto mula rito.

Hindi naman masama ang magkamali. Ang problema ay kapag paulit-ulit mong ginagawa ang parehong bagay at bawat pagkakataon ay may bago kang excuse. Emotional maturity also means knowing your triggers.

Alam mo kung ano ang mga bagay na mabilis na magpapagalit sa 'yo. Alam mo kung kailan ka vulnerable. Alam mo kung kailan kailangan mong lumayo muna, huminga, at mag-isip. Hindi mo kailangang ikahiya ang emotions mo. You just need to learn how to manage them.

Ang totoong lakas ay iyong taong may matinding emosyon pero hindi hinahayaan ang emosyon na gumawa ng desisyon para sa kanya.

Kapag nasaktan ka, hindi ibig sabihin na kailangan mong manakit pabalik.
Kapag iniwan ka, hindi ibig sabihin na kailangan mong sirain ang pangalan niya.
Kapag hindi ka pinili, hindi ibig sabihin na kailangan mong ipilit ang sarili mo.
Kapag may taong hindi ka nirerespeto, hindi ibig sabihin na kailangan mong bumaba sa level niya para lang makaganti.

The strongest response is to simply walk away because you know it's not the kind of person you want to become. At doon mo makikita ang tunay na value ng emotional maturity. Dahil habang tumatanda ka, maiintindihan mong hindi lahat ng laban ay kailangan mong salihan. Hindi lahat ng insulto ay kailangan mong sagutin. Hindi lahat ng rejection ay kailangan mong personalin. At hindi lahat ng pagkawala ay kailangan mong habulin.

May mga bagay na kailangan mong tanggapin.
May mga taong kailangan mong pakawalan.
May mga sitwasyon na kailangan mong tigilan.
At may mga pagkakataon na kailangan mong piliin ang peace kaysa sa satisfaction na ikaw ang huling nakapagsalita.
That is growth.

Nagiging mature ka kapag kahit nasasaktan ka, marunong ka pa ring pumili ng tamang response.

Ang taong marunong mag-control ng emotions niya ay hindi madaling manipulahin, hindi madaling ma-distract, at hindi basta-basta nawawala sa sarili kapag may problema. Feel your emotions, but don't let your emotions run your life. Iyan ang emotional maturity.

At habang natututo kang kontrolin ang sarili mo, mas nagiging kalmado ka, mas malinaw kang mag-isip, mas maayos kang makitungo sa ibang tao, at mas nagiging mataas ang respeto mo sa sarili mo.

Hindi mo kailangang maging emotionless para maging strong. You just need to become emotionally intelligent enough to know when to feel, when to speak, when to act, and when to let go.


Number 4
Matutong maging komportable mag-isa


May mga taong takot mapag-isa dahil kapag tahimik na ang paligid, doon nila naririnig ang mga bagay na matagal nilang iniiwasan. Kaya mas pinipili nilang laging may kausap, may kasama, may ka-chat, o may taong nagbibigay ng attention dahil uncomfortable silang harapin ang sarili nila.

Pero habang tumatanda ka, matututunan mo na hindi lahat ng katahimikan ay loneliness.

Ang pagiging mag-isa ang pagkakataon para makilala mo kung sino ka kapag wala kang kailangang i-impress. Kapag wala kang kailangang patunayan. Kapag wala kang kailangang habulin. Just you, your thoughts, and the life you're trying to build.

Kapag komportable ka sa sarili mo, hindi mo na kailangang laging may taong nagpapaalala sa’yo na valuable ka. Hindi mo kailangan ng constant replies para maging okay ang mood mo. Hindi mo kailangang mag-post ng bawat ginagawa mo para maramdaman mong may nakakapansin sa’yo.

Unti-unti mong matututunan na you can enjoy your own company.

Kaya mong kumain mag-isa. Kaya mong pumunta sa isang lugar nang hindi kinakailangang may kasama. Kaya mong manood ng sine, maglakad, mag-coffee, magbasa, o simpleng maupo at mag-isip nang hindi kinakabahan na baka isipin ng ibang tao na wala kang kaibigan. At higit sa lahat, matututunan mong hindi nakakahiya ang pagiging mag-isa.

May malaking difference ang being alone at feeling lonely. Maaari kang mag-isa pero peaceful. Maaari ka ring maraming kasama pero pakiramdam mo ay mag-isa ka pa rin. Minsan nga, mas nakakapagod pa ang nasa maling circle kaysa sa tahimik na mag-isa.

Kapag natutunan mong maging komportable mag-isa, hindi ka na basta-basta kumakapit sa taong nagbibigay lang ng kaunting attention. Hindi ka na madaling ma-impress sa bare minimum. Hindi mo na kailangang manatili sa isang relationship na paulit-ulit kang sinasaktan dahil lang takot kang magsimula ulit nang mag-isa. Dahil alam mong kaya mong mabuhay nang wala siya. And that changes everything.

Hindi ibig sabihin na ayaw mo na ng tao. Hindi ibig sabihin na magiging cold ka na o lalayo ka sa lahat. Ang ibig sabihin lang, hindi mo na kailangan ang ibang tao para punan ang lahat ng kakulangan sa loob mo.

You still want love, friendship, companionship, and connection but you don't depend on them for your entire sense of worth.

Mas nagiging healthy ang relationships kapag hindi ka pumapasok dahil desperado kang magkaroon ng kasama, kundi dahil gusto mong makasama ang taong pinipili mo.

Kapag hindi ka takot mapag-isa, mas kaya mong umalis sa mga lugar na hindi ka nirerespeto. Mas kaya mong tumanggi sa mga taong ginagamit ka. Dahil mas nakakatakot para sa’yo ang mawala ang sarili mo kaysa mawalan ng isang tao.

At doon mo rin mararamdaman ang isang magandang bagay tungkol sa solitude: nagkakaroon ka ng space para marinig ang sarili mong boses.

If you're always surrounded by noise, hindi mo na alam kung ano talaga ang gusto mo. You start living based on what other people expect from you.

Hindi mo kailangang punuin ang bawat bakanteng oras ng distractions. Hindi mo kailangang hawakan ang phone mo every five minutes para tingnan kung may nag-message. Hindi mo kailangang gumawa ng drama para lang may maramdaman. Peace feels boring at first because you're used to chaos. Pero kapag nasanay ka na sa peace, mapapansin mong hindi mo na hinahanap ang dating ingay.

Mas pipiliin mong tahimik na gabi kaysa endless arguments. Mas pipiliin mong mag-isa kaysa kasama ang taong nagpaparamdam sa’yo na unwanted ka. Mas pipiliin mong maghintay para sa tamang tao kaysa kumapit sa maling tao dahil lamang ayaw mong mag-isa. At doon tumataas ang value mo.

Dahil ang taong komportable sa sarili niya ay hindi madaling kontrolin ng attention. Hindi madaling manipulahin ng rejection. Hindi madaling sirain ng pagkawala ng isang tao. He knows how to stand alone. Kaya matutong makasama ang sarili mo.

Lumabas ka nang mag-isa. Maglaan ka ng tahimik na oras. Matutong mag-enjoy kahit walang kasama. Ayusin mo ang buhay mo kahit walang pumapalakpak. Work on yourself even when nobody is watching. Dahil darating ang panahon na maiintindihan mong ang pagiging mag-isa ay hindi punishment. It can be preparation.

Preparation para makilala mo ang sarili mo. Preparation para maging emotionally stronger ka. Preparation para hindi mo na kailangang tumanggap ng bare minimum just because you're afraid of being alone.

At kapag dumating na ang tamang mga tao sa buhay mo, hindi mo sila pipiliin dahil kailangan mo sila para mabuhay. Pipiliin mo sila dahil mas maganda ang buhay mo kasama sila pero alam mong kaya mo pa ring maging okay kahit wala sila.


Number 5
Alagaan mo ang iyong reputation


Madaling magkaroon ng magandang pangalan, pero mahirap itong panatilihin. Isang maling desisyon, isang maling salita, o isang maling pakikitungo sa tao, sapat na iyon para mabago ang tingin nila sa’yo. Kaya habang abala ka sa pagbuo ng career, relasyon, goals, at future mo, huwag mong kalimutang alagaan ang pangalan mo.

Ang reputation mo ay kung ano ang sinasabi at nararamdaman ng mga tao tungkol sa’yo kapag wala ka sa harapan nila. Ang mahalaga, kapag nabanggit ang pangalan mo, ang unang pumapasok sa isip nila ay trust, respect, and credibility.

Halimbawa, kapag kilala kang taong maaasahan, kapag sinabi mong gagawin mo, ginagawa mo. Kapag nangako ka, pinaninindigan mo. Kapag nagkamali ka, marunong kang umamin. Kapag may problema, hindi ka agad naninisi. Those little things may look ordinary, pero habang paulit-ulit mong ginagawa, unti-unti nitong binubuo ang pangalan mo.

Kaya mag-ingat ka sa paraan ng pakikitungo mo sa ibang tao. Hindi mo alam kung sino ang makakasama mo ulit sa future. Yung taong minamaliit mo ngayon, baka maging boss mo balang araw. Yung taong tinatrato mong walang halaga, baka maging business partner mo. Yung taong pinagkalatan mo ng sikreto, baka siya pala ang taong makakatulong sa’yo sa isang napakahalagang pagkakataon.

Life is unpredictable. So, don't burn bridges just because you think you don't need someone today. Pero hindi rin ibig sabihin na kailangan mong maging mabait sa lahat para lang magkaroon ng magandang reputation. Hindi mo kailangang mag-please ng everyone. Ang goal mo ay maging taong may prinsipyo kahit walang nakakakita. Dahil doon talaga nasusubok ang character mo.

At isa pa, huwag mong gawing entertainment ang buhay ng ibang tao. Iwasan ang sobrang pagku-kwento ng personal na problema ng iba, pagkalat ng sikreto, at pakikipagtsismisan na parang wala itong consequences. Trust is fragile. Years ang kailangan para mabuo pero ilang minuto lang para masira.

Kaya kung may nagtiwala sa’yo, ingatan mo. Hindi lahat ng impormasyong alam mo ay kailangan mong sabihin. Hindi lahat ng bagay na narinig mo ay kailangan mong ipasa. Not everything you know needs to be shared.

Ganito rin sa social media.

Hindi lahat ng galit kailangan i-post. Hindi lahat ng away kailangang i-story. Hindi lahat ng problema kailangang ipakita sa buong mundo. May mga bagay na mas magandang inaayos privately kaysa ipinapahiya publicly. Dahil kapag nailagay mo na online, mahirap nang bawiin.

Puwede mong i-delete ang post, pero hindi mo makokontrol kung may nakapag-screenshot na. Puwede mong burahin ang comment, pero hindi mo mabubura ang impression na naiwan sa taong nakakita nito. Think before you post.

Hindi mo kailangang maging perfect para magkaroon ng magandang reputation. You just need to be accountable.

Kapag nagkamali ka, huwag kang gumawa ng sampung dahilan para lang mapatunayan na tama ka. Aminin mo. Humingi ka ng tawad kung kinakailangan. Ayusin mo kung ano ang kaya mong ayusin. Then learn from it.

Ang reputation ay binubuo ng maliliit na bagay na ginagawa mo consistently. Kung punctual ka, kung marunong kang tumupad sa commitment, kung marunong kang rumespeto, kung hindi ka mapanlamang, kung marunong kang mag-ingat sa salita, kung kaya mong panindigan ang actions mo, unti-unti mong binubuo ang isang pangalan na may bigat.

Darating ang panahon na hindi mo na kailangang sabihin na mapagkakatiwalaan ako. Sila na mismo ang magsasabi. Hindi mo na kailangang ipaliwanag na mabuti kang tao. Makikita nila sa actions mo. Hindi mo na kailangang pilitin ang respeto. Your character will speak for you.

Kaya alagaan mo ang reputation mo dahil ang pangalan mo ay bahagi ng buhay na binubuo mo. Your reputation is your silent introduction. At kahit wala ka sa isang lugar, may mga taong nakakakilala sa’yo dahil sa mga bagay na ginawa mo, sa mga salitang sinabi mo, at sa paraan ng pagtrato mo sa kanila.

Kaya siguraduhin mong kapag narinig nila ang pangalan mo, maaalala nila ang character mo. Ang integrity mo. Ang pagiging maaasahan mo. At ang respeto na ipinakita mo kahit wala kang kailangang patunayan.


Number 6
Huwag mong gawing personality ang problema mo


May mga taong kapag nakilala mo, parang ang buong pagkatao nila ay umiikot na lang sa mga pinagdaanan nilang problema. Kapag kinausap mo, puro sakit. Kapag nag-post, puro hugot. Kapag may nangyaring maganda, may kasunod na “pero…” dahil lagi silang may dahilan kung bakit hindi puwedeng maging okay ang buhay.

Hindi naman masamang pag-usapan ang problema. Hindi masamang aminin na nahihirapan ka. Hindi masamang sabihin na nasaktan ka, napagod ka, o may mga bagay kang hindi pa kayang ayusin. Ang problema ay kapag nasanay ka nang kilalanin ang sarili mo base sa sakit na pinagdaanan mo.

Dahil iniwan ka, naging distrustful ka na sa lahat.
Dahil niloko ka, ayaw mo nang magtiwala kahit sa taong sincere naman sa’yo.
Dahil nabigo ka noon, iniisip mong hindi ka na talaga para sa success.
Dahil maraming nanghusga sa’yo, nauwi ka sa paniniwalang wala ka talagang halaga.
At dahil matagal kang nasaktan, parang naging bahagi na ng identity mo ang pagiging hurt.

May mga bagay na nangyari sa’yo na hindi mo naman pinili. May mga taong nanakit sa’yo. May mga pagkakataong hindi naging patas ang buhay. May mga desisyong pinagsisihan mo. May mga panahon na ginawa mo naman ang best mo pero hindi pa rin naging sapat ang resulta.

Valid lahat iyon. Pero hindi ibig sabihin na kailangan mong dalhin ang mga iyon habang-buhay bilang description ng pagkatao mo. You are still a person beyond what happened to you.

Minsan kasi, kapag matagal na nating dala ang isang problema, nagiging pamilyar na ito. Kahit masakit, sanay na tayo. At kapag dumating ang pagkakataong maging okay, parang hindi na natin alam kung paano.

Kaya may mga taong kapag tahimik na ang buhay, naghahanap ulit ng drama.
Kapag walang kaaway, gumagawa ng issue.
Kapag walang problema, iniisip kung ano na naman ang maaaring mangyaring masama.
Not because they want to suffer, but because chaos has become familiar. At iyon ang delikado. Dahil kapag nasanay kang mabuhay sa survival mode, pati peace of mind ay nagiging uncomfortable.

Hindi mo kontrolado ang ginawa ng ibang tao. Hindi mo mababago ang nakaraan. Hindi mo maibabalik ang mga taong umalis. Pero kaya mong piliin kung ano ang gagawin mo sa buhay na natitira sa harap mo. You can turn pain into wisdom. You can turn failure into experience. You can turn rejection into redirection. At puwedeng dumating ang araw na hindi mo na kailangang ikuwento ang sakit, makikita na lang sa’yo. Mas kalmado ka. Mas maingat ka sa choices mo. Mas malinaw ang boundaries mo. Mas alam mo na kung ano ang deserve mo. Mas hindi ka madaling ma-trigger. Mas hindi mo kailangang patunayan ang sarili mo. At higit sa lahat, hindi mo na ginagamit ang nakaraan bilang dahilan para sirain ang present mo.

Dahil ang inig sabihin ng tunay na healing ay hindi na nito kontrolado kung sino ka ngayon. Kaya kung may problema ka ngayon, harapin mo. Kung kailangan mong umiyak, umiyak ka. Kung kailangan mong magpahinga, magpahinga ka. Kung kailangan mong humingi ng tulong, humingi ka. Pero huwag mong sabihin sa sarili mo na ganito ka na talaga.

Hindi.

May problema ka. Pero hindi ikaw ang problema. May sugat ka. Pero hindi ikaw ang sugat mo. May pinagdaanan ka. Pero hindi doon nagtatapos ang kuwento mo. Because the strongest version of you is the version of you who got hurt, learned from it, healed from it, and still chose to become better.


Number 7
Huwag tumigil sa pag-grow


Hindi dahil may naabot ka na, ibig sabihin tapos na ang journey mo. Hindi dahil may trabaho ka na, may pera ka na, may pamilya ka na, o may mga bagay ka nang ipinagmamalaki, wala ka nang kailangang matutunan. Life is a continuous process of becoming. Habang nabubuhay ka, may mga bagay ka pang kailangang maintindihan, matutunan, baguhin, at i-improve sa sarili mo.

Minsan kasi, nasasanay tayo sa kung ano na tayo ngayon. Kapag comfortable na ang buhay, ayaw na nating gumalaw. Pero ang tinatawag nating comfort zone ay siya ring lugar kung saan unti-unting nawawala ang potential natin.

At huwag mong isipin na kailangan mong maging better than everyone else. Hindi naman race ang buhay. Ang pinakaimportanteng comparison ay kung sino ka ngayon kumpara sa kung sino ka dati.

Dati gusto mong mapansin. Ngayon gusto mo ng peace.
Dati gusto mong patunayan na tama ka. Ngayon mas gusto mong maintindihan kung ano ang totoo.
Dati gusto mong maraming kaibigan. Ngayon mas pinapahalagahan mo ang genuine connections.
Dati gusto mong makuha ang lahat. Ngayon mas naiintindihan mong hindi lahat ng bagay ay worth having.

That's what growth does to you.
Binabago nito hindi lang ang ginagawa mo, kundi pati ang paraan ng pagtingin mo sa buhay.

Pero tandaan mo rin, hindi linear ang growth. May mga araw na feeling mo ang layo na ng narating mo, tapos may araw na parang bumalik ka na naman sa dati. May pagkakataong confident ka, pero may pagkakataon ding doubtful ka. May season na mabilis ang progress mo, at may season na mabagal.

Don't be too hard on yourself. Ang mahalaga, hindi ka tuluyang tumitigil. Kung nadapa ka, learn from it. Kung nagkamali ka, own it. Kung may hindi ka alam, learn it. Kung may habit kang nakakasira sa’yo, work on it. Kung may mindset kang kailangang baguhin, challenge it. Hindi kahinaan ang na may kailangan ka pang i-improve. Kasi isa iyon sa pinakamalaking signs ng maturity.

At darating ang panahon na lilingon ka sa dating ikaw at mapapangiti ka. Makikita mong marami ka palang pinagdaanan. Marami kang dating kinatatakutan na kaya mo na ngayon. Marami kang dating hinahabol na hindi mo na kailangan. At maraming bagay na dati mong akala ay katapusan na, pero naging parte lang pala ng transformation mo.

Kaya kung pakiramdam mo mabagal ang progress mo ngayon, don't quit. Baka hindi mo lang napapansin, pero may nababago na sa’yo. At higit sa lahat, mas naiintindihan mo na kung anong klaseng tao ang gusto mong maging.

Ang tunay na value ng isang tao ay hindi lang kung gaano karami ang mayroon siya ngayon, kundi kung gaano siya kahandang mag-improve para maging mas mabuting version ng sarili niya bukas.

Comments

Popular posts from this blog

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

10 Dark Psychology Tricks na Epektibo sa Lahat ng Tao By Brain Power 2177

9 BAGAY na Dapat Mong Bitawan para Gumaan ang Buhay Mo By Brain Power 2177