9 na PAG-UUGALI ng taong LOW QUALITY By Brain Power 2177





Lahat tayo ay may mga kalakasan at mayroon ding kahinaan, ngunit ang ilang mga pag-uugali ay maaaring magpatingkad sa isang tao sa negatibong paraan—lalo na pagdating sa mga relasyon at personal growth.

Ang isang low quality na tao o "mababang kalidad" na tao ay hindi ito tungkol sa itsura o katayuan niya sa buhay; ito ay tungkol sa mga aksyon niya at kung paano siya mag-isip. May mga pag-uugali na maaaring magtulak sa mga tao palayo. May mga pag-uugali ring sobrang toxic na pati ikaw mismo ay na makakausad sa buhay.

Pero ang magandang balita? Ang mga pag-uugaling ito ay madali mong mapansin at mababago mo ito.

Heto na ang 9 na PAG-UUGALI na ayon sa Psychology ay komon sa mga taong low quality.


NUMBER 1
WALANG PANANAGUTAN


Walang perpekto—lahat tayo ay nagkakamali. Ngunit ang pagkakaiba sa pagitan ng high quality at low quality na tao ay madalas na nakasalalay sa pananagutan.

Ang low quality na tao ay tumatangging akuin ang responsibilidad sa kanyang mga aksyon. Sa halip na aminin ang kanyang mga pagkakamali, sinisisi niya ang iba, gumagawa pa siya ng mga dahilan, o nagpapakabiktima para lang makatakas sa pagkakamaling nagawa niya.

Tinatawag ito ng mga psychologist na external locus of control. Ano ang ibig sabihin nito? Yung naniniwala ka na ang buhay ay basta na lang nangyayari sa 'yo sa halip na i-acknowledge mo na ikaw ang dahilan kung bakit ganyan ang kinalabasan ng mga ginagawa mo. May problema ba kung ganito kang klaseng tao? Napakalaking problema. Kasi ang ganitong mindset ang sisira sa relasyon mo sa mga tao o sa mismong sarili mong pag-unlad. Rerespetuhin ka ng mga tao kung kaya mong aminin na nagkakamali ka at mamahalin ka ng mga tao kung nakikita nilang natuto ka sa mga karanasan mo. Hindi madaling mag take ng responsibility pero ito ay kinakailangan para makabuo ka ng tiwala at para na rin sa kapakanan mo.


NUMBER 2
GUSTO NG KAGULUHAN


May mga taong ganito e. Ayaw ng tahimik. Maraming kaaway kasi 'yan ang gusto niyang buhay, mahilig makialam. May kaibigan ka bang ganito? o kakilala na kung tahimik ang lahat, maghahanap siya ng dahilan para magalit. Tinutuyo. Hinahalungkat ang past issues para lang may pag-awayan. Yung iba nangtsitsismis. Ang malala ay yung nag-iimbento na ng kwento. Akala ko noong una, ang ganitong tao ay sinusundan ng malas sa buhay. Pero 'yon pala ay mali ang pag-iisip niya. Low quality na tao. Makitid din ang utak. Nag-eenjoy siya sa ganyang kadramahan. 'Yon ang source ng kanyang kagustuhan na makakuha ng atensyon, mararamdaman niyang importante siya dahil pinapansin na siya ng mga tao kahit in a negative way. Lalo na ngayon na uso na ang social media, maraming magpapahype para lang tumaas ang engagement. May mga tao talagang adik na adik sa kadramahan kasi 'yon ang nagbibigay sa kanila ng excitement o control. Pero ang kawawa ay yung mga tao na nasa paligid niya kasi gagawan sila ng issue ng low quality na taong ito. Kaya ang maipapayo ko sa 'yo, lumayo ka sa mga taong ito. Sayang ang energy mo na magagamit mo sana sa mga bagay na may kabuluhan at doon lang napunta sa mga taong toxic. Ang taong high quality, vina-value nila ang katahimikan, ang peaceful na buhay at kontrolado nila ang kanilang emosyon. Hindi sila basta-bastang naaapektihan ng kaguluhan sa paligid nila.


NUMBER 3
MATERYALISTIKO


Walang masama sa pag-eenjoy sa mga materyal na bagay, pero kapag ang buong halaga ng sarili ng isang tao ay nakatali sa pera, sa katayuan, o mga ari-arian, nagiging problema ito.

Ipinakita ng mga pag-aaral na ang mga tao na mataas ang pagpapahalaga sa materyal na kayamanan ay may tendensiyang magkaroon ng mababang antas ng kaligayahan at ang tumaas ay ang anxiety at depresyon. Dahil ang materyalismo ay lumilikha ng isang walang katapusang siklo. Ano ang ibig kong sabihin? Kahit gaano pa karami ang nakamit at nabili ang isang tao, hindi pa rin ito sapat sa kanya. Palagi siyang naghahabol ng mga bagay na hindi naman nagdudulot ng long lasting happiness. Temporary lang. 

Ang taong low quality ay inuuna niya lagi kung ano ang mayroon siya kaysa sa kung sino siya.  Nangju-judge na siya dahil marami na siyang pera. Jina-judge na niya ang mga walang pera. May iba rin na ayaw ng tumanggap ng mga murang bagay dahil hindi pasok sa standards nila. At ang mas malala ay yung hindi na unconditional ang pagmamahal nila. Ano na? Transactional. Akala nila makukuha nila ang lahat ng gusto nila gamit ang pera. Tandaan mo, ang confidence mo at self-worth mo ay hindi galing sa materyal na bagay. Mas lalong 'yan ang dahilan kung bakit naging insecure ka sa sarili mo.


NUMBER 4
NAGPAPAKABIKTIMA


Ito ang sabi ko kanina sa number 1 na walang pananagutan. Lahat ay dumaranas ng mga pagsubok, pero kung paano tumugon ang isang tao sa mga pagsubok na ito ay diyan makikita kung anong klaseng tao siya. Nakuha mo ba ang punto? Ang taong low quality ay laging nagpapakabiktima sa kahit anong sitwasyon. Tinatawag natin itong victim mentality. Isang kaisipan kung saan ang isang tao ay naniniwala na ang buhay ay hindi patas sa kanila at wala silang kontrol sa kanilang mga kalagayan. Sa halip na maghanap ng solusyon, nakapokus sila na sisihin ang iba kung bakit nagkaganyan ang kanilang sitwasyon at naghahanap pa ng simpatiya. Ang ganitong pag-uugali ay nakaka-drain emotionally para sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Ang healthy na pagsasama ay nangangailangan 'yan ng pananagutan at katatagan, hindi ng patuloy na guilt-tripping at self-pity. Hindi maiiwasan ang mga hamon sa buhay, pero kung paano natin ito haharapin, 'yan ang magdedefine ng ating paglago. Uulitin ko, ang taong high quality ay may pananagutan sa kanyang buhay at hindi niya hahayaan na ang mga pagsubok ang magdedefine ng kanyang halaga.


NUMBER 5
WALANG EMPATIYA


Ano ang empathy? o empatiya? Ang empatiya ay ang kakayahang maunawaan ang damdamin ng iba—ito ang nagbibigay-daan sa atin na makabuo ng malalim na koneksyon at makapagpatibay ng ating relasyon sa isa't isa. Pero ang isang taong low quality ay walang empatiya. Wala siyang pakialam sa emosyon ng sinuman. Sarili lang niya ang kanyang iniisip at wala rin siyang pakialam kung nakasakit na siya. Katulad din ito sa ugali ng narcissist, kung saan ang isang tao ay walang tunay na malasakit sa sinuman kundi sa kanilang sarili lamang. Ang mga taong may mababang empatiya ay madalas nagkakaroon ng higit pang alitan sa kanilang mga relasyon at walang emotional intimacy. Kung walang empatiya, imposibleng magkaroon ng tiwala at pag-unawa. Ang kakayahang makita o maramdaman ang nararamdaman ng ibang tao ay tanda ng emosyonal na talino. Ang isang high quality na tao ay alam niya na ang kabaitan at malasakit ay napakahalaga sa buhay.


NUMBER 6
WALANG RESPETO


Alam naman natin na ang respeto ay isa sa mga pinaka-pangunahing pundasyon ng anumang healthy relationship, hindi lang sa romantic relationship, pati na rin sa friendship o kahit sa mga taong hindi mo kilala. Pero ang isang mababang uri ng tao ay palaging walang galang sa iba. Napakabastos ng kanilang pag-uugali. Mapagmataas, o wala silang konsiderasyon.

Lahat tayo ay may mga bad days, pero may pagkakaiba sa pagitan ng frustrated ka paminsan-minsan at ginawa mo ng ugali ang kawalang-galang. Ang pagsasalita ng may paghamak sa mga tao, palaging sumasabat sa usapan, o pagtrato sa mga tao na parang sila'y mababa sa kanya, lahat ng palatandaang 'yan ay nagpapakita na isa siyang insecure na tao at feeling entitled. The way mo tinatrato ang iba, especially sa mga taong walang kakayahan, ay magdedefine ng pagkatao mo. Ang tunay na kumpiyansa ay hindi nagmumula sa pamamagitan ng panglalait mo sa iba kundi nagmula ito sa pagtulong mo sa kanila. Alam ng mga taong high quality na hindi kahinaan ang pagpapakita ng kabutihan sa kapwa. Sign pa nga 'yan ng kalakasan.


NUMBER 7
CONTROLLING


Kung mahal mo ang isang tao, kaibigan man 'yan o romantic partner, hindi mo dapat sila kinokontrol. Hindi mo dapat sila sinasakal. Pero ang taong low quality ay sinusubukan niyang kontrolin ang bawat aspeto ng mga tao sa paligid niya, kinokontrol niya kung ano ang kanilang ginagawa, kung sino ang kanilang kasama, pati na rin kung paano sila mag-isip. Sa unang dinig, akala natin sobrang caring lang o concern. Pero over time, parang nararamdaman mo na nasa hawla ka na. Hindi ka na makagalaw, hindi ka na makahinga. The constant need to be in charge, the passive-aggressive comments, the guilt-tripping—it all adds up. Alam mo ba kung bakit nangungontrol ang isang tao? Dahil 'yan sa takot nila na baka mawala ang isang tao o isang bagay sa buhay nila. Natatakot silang maiwan, natatakot silang pagsabihan na wala silang kwenta, natatakot silang mawalan. Pero ang tunay na koneksyon ay hindi nakabatay sa kontrol; ito ay nakabatay sa tiwala. Nauunawaan ng taong high quality na ang pag-ibig at respeto ay hindi dapat pinipilit. Ang healthy relationship ay yung nararamdaman mo na safe ka sa taong 'yon. Hindi ka takot na baka husgahan ka niya o hindi ka nag-iisip na baka minamanipula ka. Ang nasa puso't isip mo lang ay tiwala.


NUMBER 8
SOBRANG NEGATIBO


Okay lang naman maging negatibo pero hindi okay ang SOBRANG NEGATIBO. Nakakahawa ang negativity. Kapag sumama ka sa mga taong palaging nagrereklamo sa buhay, palaging nambabatikos, o palaging nakikita ang bad side sa lahat ng tao o sitwasyon, siguradong madi-drain ka emotionally at posible na mahawa ka sa ganyang pag-uugali.

Ang taong low quality ay laging makakahanap ng dahilan para malungkot. Nakapokus siya sa mga problema imbes na solusyon, dina-down niya ang iba kapag nakikita niyang masaya sila, at bihirang nagpapasalamat. Mga inggrata. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nilalayuan sila ng mga tao. Ang pangit ka-bonding ng ganitong klaseng mga tao. Kahit may magandang nangyayari sa paligid nila pero nahahanapan pa rin nila ng butas. Psychologists have found that chronic negativity can actually rewire the brain, making it even harder to break the cycle. Tandaan mo, kung nakakahawa ang negativity, nakakahawa rin ang positivity. Ibig sabihin, na sumama ka sa mga taong positibo sa buhay para maging katulad ka rin nila. Ang taong high quality ay nagsisikap na makita ang mas maliwanag na bahagi ng buhay. Naiintindihan niya na may mga hamon sa buhay, pero hindi niya hinahayaan na ito ang magdedefine ng kanyang saloobin—o ng kanyang mga relasyon.


NUMBER 9
WALANG RESPETO SA SARILI


Kung paano niya tinatrato ang kanyang sarili, ganyan din niya tinatrato ang iba. Kung wala siyang respeto sa sarili niya, paano ka niya rerespetuhin? Ang taong low quality, madalas ay napupunta sa toxic relationship kasi wala silang boundary and they settle for less than they deserve. Naghahanap siya ng validation sa iba sa halip na siya ang mag value ng kanyang sarili. Hinayaan na lang niya na tatapakan siya ng iba. Nananatili siya sa sitwasyon na walang nagpapahalaga sa kanya. Kasi ang nasa isip niya, mababang tao lang siya. But self-respect isn’t about arrogance or pride—it’s about knowing your value and refusing to accept anything that undermines it. Kung paano dinadala ng tao ang sarili niya, kung ano ang standard niya sa buhay, kung ano ang sini-set niyang boundaries, nagrereflect 'yan kung gaano niya rin pinahalagahan ang kanyang sarili. 

Ang bottom line sa videong ito, ang asal ay humuhubog sa pananaw. Ang ating pagkilos ay hindi lamang nagdedefine kung paano tayo nakikita ng iba kundi pati na rin kung paano natin nakikita ang ating sarili.

Ayon sa Psychology na ang paulit-ulit na mga pag-uugali ay humuhubog sa ating pagkakakilanlan sa paglipas ng panahon.  Kapag ang isang tao ay patuloy na nakikibahagi sa mga negatibong gawi—maging ito man ay kawalan ng empatiya, paghahanap ng gulo, o tumatanggi sa kanyang pananagutan—they reinforce an image that eventually becomes difficult to change. Pero sabi ko nga kanina, kung ang negatibo ay nakakahawa, nakakahawa rin ang positibo. Katulad din kung negatibo ang pag-uugali mo, negatibo rin ang kalalabasan. Self-awareness and growth can transform the way a person is viewed and the quality of relationships they attract. Tandaan mo, choice mo 'yang ginagawa mo. Choice mo 'yang pag-uugali mo. And the choices we make determine the kind of person we become.




Comments

Popular posts from this blog

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

If You Want To Give Up, READ This by Brain Power 2177