8 PHRASES na INTROVERT lang ang GUMAGAMIT By Brain Power 2177
Kung isa kang introvert, siguradong makaka-relate ka rito! May mga bagay na sinasabi ng mga introvert na minsan, hindi agad maintindihan ng ibang tao—lalo na ng mga extrovert! Lilinawin ko lang, ang INTROVERT ay isang taong mas komportable at energized kapag mag-isa sila o nasa tahimik na kapaligiran. Pero hindi ibig sabihin na mahiyain sila o anti-social, pero mas gusto nilang mag-recharge nang mag-isa kaysa sa maraming tao. Hindi rin ibig sabihin na hindi friendly ang introverts, pero mas pili nila ang kanilang social interactions. Natural lang ito—iba-iba lang talaga ang paraan ng tao sa pagkuha ng energy!
Ang extrovert naman ay isang taong mas energized at komportable kapag kasama ang ibang tao. Kabaligtaran ng introverts, 'di ba? Sila ay madalas mas outgoing, mahilig sa social interactions, at hindi madaling mapagod sa pakikisalamuha. Pero hindi ibig sabihin na laging masaya ang extroverts, pero mas madalas silang bukas sa social interactions. Katulad ng introverts, may kanya-kanyang strengths at challenges ang pagiging extrovert!
Siyempre may magtatanong, paano kung hindi ako introvert at extrovert? Parang nasa gitna ako e.
Ang tawag diyan ay AMBIVERT. Ang ambivert ay isang taong may kombinasyon ng introvert at extrovert traits. Ibig sabihin, kaya nilang mag-enjoy sa social interactions tulad ng extroverts, pero kailangan din nila ng oras mag-isa para mag-recharge tulad ng introverts. Minsan madaldal, minsan tahimik – Depende sa mood at sitwasyon. Kaya nilang mag-adjust sa social settings – Masaya sa parties pero hindi rin magrereklamo kung mag-stay lang sa bahay. Nakakakuha ng energy mula sa ibang tao at nakakakuha rin ng energy sa pagiging mag-isa. Balanseng-balanse! Mahusay makinig at mahusay ding magsalita. Alam ng ambivert kung kailan siya makikinig at kung kailan siya magsasalita. Flexible din siya sa pakikitungo sa iba. Kaya niyang makisama sa iba’t ibang klase ng tao.
Uulitin ko, ang ambivert ay nasa gitna ng introvert at extrovert spectrum, kaya madali silang mag-adjust depende sa sitwasyon. Kung minsan hindi mo sigurado kung introvert o extrovert ka, baka ambivert ka!
Pero sa videong 'to, pag-uusapan natin ang '8 Phrases na INTROVERT lang ang gumagamit o nagsasabi. Baka nasabi mo na rin ang ilan sa mga ito!
Unang phrase na ginagamit ng mga introvert,
GUSTO KO MUNANG MAPAG-ISA
Kapag sinabi 'yan ng introvert sa 'yo, seryoso siya sa kanyang sinasabi. Hindi 'yan alibi nila para makaiwas lang sa mga tao. Ibig sabihin nila ay gusto nilang mag recharge ng sila lang mag-isa. There’s a real science behind it.
Isang kilalang teorya mula sa Psychologist na si Hans Eysenck ang nagsasabing ang mga introvert ay may natural na mas mataas na cortical arousal. Ano ba ang ibig sabihin nito? Ang cortical arousal ay tumutukoy sa antas ng paggising o pagkaalerto ng utak, partikular sa cerebral cortex, ito ang bahagi ng utak na responsable sa pagpoproseso ng impormasyon, pag-iisip, at pagkilos.
Paano Ito Nauugnay sa Introverts at Extroverts?
Ayon sa Eysenck’s Theory of Personality, ang introverts at extroverts ay may magkaibang level ng cortical arousal:
Mas mataas ang natural na cortical arousal ng introvert, kaya madali silang ma-overstimulate. Dahil dito, mas gusto nila ng tahimik na kapaligiran para mapanatili ang balanse. Opposite naman sa extrovert.
Halimbawa ng Cortical Arousal sa Araw-araw:
✅ Ang introverts ay mabilis mapagod sa maingay na events dahil mataas na ang kanilang arousal.
Sa madaling salita, ang cortical arousal ang dahilan kung bakit may mga taong mahilig sa excitement, habang ang iba naman ay mas gusto ang katahimikan at focus.
Mas mabilis silang nagiging overstimulated kaysa sa mga extrovert at kailangan nila ng katahimikan upang makapag-recalibrate.
Para sa mga tunay na introvert, ang simpleng pagsasabi sa mga tao na, “Kailangan kong mag-recharge mag-isa,” ay kinikilala na ang kanilang kakayahan para sa pakikisalamuha ay may tiyak na hangganan. Kaya sa mga extrovert diyan na nanonood ng videong ito, igalang niyo po ang desisyon ng mga introvert kung sasabihin nila 'yan sa inyo.
Pangalawang phrase na ginagamit ng mga introvert,
PAG-ISIPAN KO MUNA 'YAN
Ang mga tunay na introvert ay kadalasang nangangailangan ng sapat na oras upang lubos na maproseso ang kanilang mga iniisip—sa halip na biglang magsalita ng kahit ano na pumasok sa isip nila. Hindi na man ibig sabihin na nag procrastinate sila. Maingat lang nilang binubuo ang isang maayos na sagot. Hindi lang nila bastang pinagninilayan ang mga obvious na punto; tinitingnan din nila ang mga anggulo, ang potensyal na resulta, at ang emosyonal na epekto.
Sa isang mundo kung saan ang mabilis na desisyon ay madalas na pinapahalagahan, ang maingat na pamamaraan ng isang introvert ay maaaring maging isang estratehikong kalamangan. Tulad ng sinabi ni Greg McKeown, "Kung hindi mo bibigyang-priyoridad ang iyong buhay, may ibang gagawa nito."
Para sa mga introvert, ang priyoridad na 'yon ay umaabot sa kung paano nila ginugugol ang kanilang mental energy. Sa halip na hayaan ang panlabas na presyon na magdikta ng kanilang mga response, naglalaan sila ng space upang makabuo ng mga maingat na sagot.
Pangatlong phrase na ginagamit ng mga introvert,
SANAY NA AKO SA KATAHIMIKAN
Nararanasan mo na bang nakipag-usap ka tapos may kaunting pause and then it feels awkward tapos nag-iisip ka o nagmamadali kang punan ang katahimikang 'yon. Ang introvert ay hindi gano'n. They are not always in a hurry to do so. Their comfort with silence is a testament to their internal thought processes, as well as their desire to allow conversations to breathe. This concept is supported by the notion that silence can be a powerful tool for introspection.
May nabasa akong sinabi ni Dale Carnegie na bagay sa usaping ito, “When dealing with people, remember you are not dealing with creatures of logic, but creatures of emotion.”
Ang pagbibigay ng sandaling katahimikan ay nagbibigay-galang sa mga damdaming 'yon—ito ay nag-aanyaya ng pagninilay-nilay sa halip na pilitin ang mabilis na reaksyon. Tunay na nauunawaan ng mga introvert na may bigat ang mga salita, at ang katahimikan ay maaaring maging makabuluhang paraan upang maproseso ang mga ito.
Pang-apat na phrase na ginagamit ng mga introvert,
GUSTO KO LANG MAKINIG
Hindi lang pakikinig sa tao. Pati na rin sa music. Kahit walang kausap ang mga introvert, music lang sa bahay habang naglilinis, walang problema sa kanila. 'Yan ang comfort nila e. Minsan din kapag nakikipag-usap sila, may mga katanungan silang makabuluhan dahil gusto nilang makinig sa sagot. It’s not just about hearing words; it’s about absorbing information and grasping the nuances. Psychologically, strong listening skills are linked to empathy and emotional intelligence—the traits many introverts cultivate.
Ayon sa pananaliksik, ang mga introvert ay madalas na magaling sa mga teknik ng aktibong pakikinig. Mas malamang na maalala nila ang mga detalye at masundan nila kaagad ang mga partikular na punto. Kaya nga sabi ko noon sa Facebook post ko na kung sasaktan mo ang introvert, didibdibin nila 'yan. Lahat ng nasabi mong masasakit, naririnig nila. Hindi lang bastang naririnig, napakikinggan nila.
Panglimang phrase na ginagamit ng mga introvert,
OKAY NA AKO SA KAUNTING KAIBIGAN
Kung introvert ka, alam kong relate na relate ka rito. Di bale ng kaunti basta tunay. This is all about quality over quantity. Ang mga tunay na introvert ay karaniwang nag-iinvest ng energy sa mga makabuluhang koneksyon kaysa sa ibalandra nila ang kanilang sarili sa malalaking social network pero wala namang kabuluhan. The underlying reason? Social energy is a limited resource, and investing it in a handful of close, supportive relationships leads to stronger emotional well-being.
Pang-anim na phrase na ginagamit ng mga introvert,
BIGYAN MO 'KO NG SPACE
Physical space man ang ibig sabihin niya o psychological distance, basta ang importante, igalang mo ang space ng introvert. I learned this lesson the hard way kasi introvert din ako e. May katrabaho ako dati na sobrang ingay. Yung ingay na wala na sa lugar. Maraming ibinabatong katanungan sa akin na mababaw lang naman. Okay lang naman magtanong pero yung may kabuluhan. Then over time, I found myself mentally exhausted. Tapos pranka kong sinabi sa kanya na ayoko ng maingay at bawasan na namin ang pag-uusap. It wasn’t me being cold; it was simply my way of preserving a little bubble to concentrate and recharge.
Pang-pitong phrase na ginagamit ng mga introvert,
GUSTO KO TAYO-TAYO LANG
Kung napapansin mo sa sarili mo na mas gusto mong makipag-usap sa isang kaibigan sa isang komportableng lugar kaysa dumalo sa isang okasyon, malamang introvert ka. Kapag may gala tapos ayaw mo ng maraming kasama, sign na 'yan.
Ang mga tunay na introvert ay nasisiyahan sa maliliit, mas nakokontrol na mga pagtitipon dahil ang mga ganitong environment ay nagbibigay-daan sa kanila na kumonekta nang mas malalim nang hindi sila nabibigatan.
Nakikita ko ito madalas kapag nagtitipon ang mga tao para mag-brainstorm. Sa malalaking grupo, ang daming boses mong maririnig kaliwa't kanan tapos may mga side conversation pa, at may mga taong nag-aagawan sa atensyon.
Ngunit sa mas maliliit na mga setting, mas tahimik na atmosphere kung saan lahat ay makakapag-ambag nang hindi nakakaramdam na sila'y nalulunod. Ang mga introvert, sa partikular, ay madaling matuto sa setting na ito dahil mayroon silang space upang mag obserba, mag-isip, at magbahagi ng mga ideya sa paraang natural. Ang speaking of observation,
Pang-walong phrase na ginagamit ng mga introvert,
MAG-OOBSERBA MUNA AKO
Ito ang last na naiisip ko na phrase na ginagamit ng mga introvert. Kung may naisip man kayong ibang phrase na madalas niyong sinasabi o madalas niyong naririnig sa ibang introvert, i-comment niyo lang para mabasa ko rin. Anyway, this is the last but not the least, we have a phrase that encapsulates a defining trait: a preference for observation before jumping into action.
Ang mga tunay na introvert ay madalas na nagpipigil, nanonood, at uma-absorb ng impormasyon bago gumawa ng anumang hakbang. Ito ay isang sistematikong pamamaraan na maaaring makaiwas sa padalos-dalos na mga desisyon at magtaguyod ng mas malalim na pag-unawa sa kung ano ang nangyayari.
Napansin ko ang pattern na ito sa maraming introverted na lider. Maaaring hindi sila agad mangibabaw sa usapan, ngunit gugugulin nila ang unang bahagi ng pulong sa pagkuha ng impormasyon, pakikinig sa tono ng mga tao, at pagkuha ng anumang mga di-nakikitang pahayag. Tapos kung sila na ang magsasalita, ang kanilang mga opinyon ay madalas na may kaalaman at maingat na pinag-isipan.
Ito ay sinusuportahan ng mga eksperto tulad ni Seth Godin, na binigyang-diin ang power of intentional decision-making. Bagaman hindi niya partikular na tinatalakay ang introversion, ang mas malawak na punto niya ay ang tagumpay ay kadalasang nangangailangan ng maingat na pagsusuri bago umaksyon.
Ang mga tunay na introvert ay natural na sumusunod sa prosesong 'yon—nagsisimula sa pagmamasid, kasunod ang may layuning aksyon.
Kung madalas mong binibigkas ang alinman sa mga phrase na ito, maaaring mapagtanto mo na ang iyong pangangailangan para sa pag-iisa ay hindi ibig sabihin na mahiyain ka o umiiwas ka—it’s simply part of how you navigate the world.
Ang pagiging introvert ay hindi tungkol sa pagtanggi sa social interaction; ito ay tungkol sa pagpili kung kailan, paano, at kanino ka makikisalamuha.
Kung nagtatakda ka man ng mga boundary sa personal space mo o naglalaan ka man ng oras bago sumagot sa isang tanong, ito ay hindi kahinaan. Kalakasan mo 'yan.
The more you embrace them, the easier it becomes to channel your energy where it truly matters. At kung may magtatanong man kung bakit ang tahimik mo, may maisasagot ka na sa kanila gamit ang 8 phrases na ito at siguradong maiitindihan nila kung bakit ganyan ka.
Introversion is just one dimension of personality, but understanding it can make a world of difference. If you ask me, there’s plenty to appreciate in these thoughtful, genuine expressions—and the people who use them.
Comments
Post a Comment