10 UGALI na Ipinapakita ng mga taong AYAW sa 'yo By Brain Power 2177
Lahat tayo ay may mga hinala paminsan-minsan na baka may isang tao na hindi tayo gusto.
Minsan nag-iisip tayo ng ganyan dahil sa social anxiety o mahiyain lang tayo. Akala natin na ayaw ng mga tao sa atin pero tayo pala ang hindi nakikipag-usap sa kanila dahil nahihiya tayo.
But in other cases, tama ang hinala natin na hindi tayo gusto ng ibang tao. Minsan may mga kinikilos silang hindi halata o minsan sobrang obvious.
Narito ang 10 UGALI ng mga tao na masasabi mong hindi ka nila gusto. Ang bawat isa ay magpapakita ng mga pag-uugali sa kanilang sariling paraan, at maaari ring magkaroon ng anumang halo-halong kombinasyon ng mga ito depende sa indibidwal.
At ang ilan sa mga pag-uugaling ito ay talagang mapang-abuso. Ibig kong sabihin sa sobrang pag dislike nila sa 'yo, sasaktan ka na nila.
Alinmang paraan, ang pinakamainam na gawin ay lumayo ka sa kanila at doon ka makihalubilo sa mga taong gusto ka at maganda ang pagtrato sa 'yo.
#1 SIGN
na hindi ka nila gusto,
kapag papalapit ka na, MANANAHIMIK sila
Noong nasa malayo ka pa, naririnig mo silang nag-uusap o tumatawa pero lahat sila ay biglang tumatahimik kapag nakikita nilang malapit ka na. Sigurado na ayaw nilang isali ka sa kanilang pag-uusap. O pwede ring tumahimik sila dahil ikaw ang pulutan sa usapan. Minsan mangyayari ito sa mga roommates mo, minsan din sa pamilya mo mismo, mga kaibigan, o mga katrabaho. Pinaparamdam nila sa'yo na isa ka lang stranger o outsider. Pinaparamdam nila na hindi ka belong sa grupo at mananahimik sila hanggang sa umalis ka. Kapag aalis ka na, mag-iingay na naman sila ulit. Pero kung ayaw mong umalis, sila naman ang aalis. Either way, parehong masakit, 'di ba?
#2 SIGN
na hindi ka nila gusto,
HINDI SILA NAKIKIPAG EYE CONTACT
Sa mata makikita na interesado ang tao sa 'yo. Making eye contact is an intimate form of connection. Di ba sabi nila, ang mga mata ay bintana ng kaluluwa, at dahil sa pakikipag eye contact, maipapakita mo sa isang tao na mahalaga sila at mahalaga ang sinasabi nila. Kung hindi ka nila tinitingnan sa mata habang kausap ka, ipinapakita nila sa 'yo nang walang pag-aalinlangan na hindi ka karapat-dapat bigyan ng energy o effort man lang. Kung nakasalubong mo ang kakilala mo, siguro ngingitian ka nila pero aalis naman kaagad. Kapag hindi peke ang ngiti ng isang tao, makikita mo rin ito sa kanilang mga mata. Sa kabaligtaran, kapag ngumingiti yung mga taong ayaw sa 'yo, emotionless din ang kanilang mga mata. Parang galit tumingin. Kung madalas man itong mangyari, pwede mo rin silang tanungin kung may ginagawa ka bang hindi kaaya-aya. Kung makipag-usap man sila sa 'yo, hindi naman sila engaged. Yun bang sobrang haba ng sentence mo pero sasagutin ka lang ng isang salita na walang laman. Minsan nga iibahin nila ang topic para manahimik ka lang.
Pansinin mo ang body language ng tao. 'Wag kang magpapadala sa malambing nilang boses at 'wag kang magpapadala sa matamis nilang ngiti dahil makikita mo sa kanilang mga mata ang katotohanan. Pero tandaan po ninyo na ang ilang tao ay nahihirapang makipag-eye contact sa mga tao para sa iba't ibang dahilan. Kaya hindi po tayo pwedeng mang judge na wala silang paki porket hindi sila nakikipag eye contanct sa atin. In short, dapat lawakan natin ang ating pang-unawa.
#3 SIGN
na hindi ka nila gusto,
DUMISTANSYA SILA SA 'YO
Kapag kasama natin ang totoong kaibigan natin, komportable tayo sa kanilang presensya, 'di ba? Ito ang dahilan kung bakit gusto nating sumama sa mga kaibigan natin. Sa kabaligtaran, kung ayaw sa 'yo ng isang tao, didistansya sila sa 'yo. Pero paano naman kung hindi sila umalis, hindi sila dumistansya? Makikita mo rin ang sign kung ano ang posisyon ng kanilang paa. Sabi ko nga kanina, pay attention sa body language nila. Katulad din ng boxing at martial arts, madalas mong mahulaan kung ano ang susunod na galaw ng iyong kalaban sa pamamagitan ng pagtingin sa kanilang mga paa. Kung ang isang tao ay nakatayo na ang isang paa ay nakaharap sa 'yo at ang isa ay nakaharap sa ibang direksyon, nangangahulugan ito na nagpa-plano na silang lumayo. Ayaw nilang kausapin ka o paglaanan ka ng oras. Gagawa sila ng dahilan para lang hindi kayo magkita o mag-usap. Pero kung sakaling pumayag sila sa plano ninyo na magkita, gagawa pa rin sila ng dahilan para hindi matuloy ang plano.
#4 SIGN
na hindi ka nila gusto,
MAGSISINUNGALING SILA SA 'YO
Kung talagang passive-aggressive ang isang tao at hindi masabi nang diretso sa 'yo na ayaw nilang magkasama kayo o magka-usap kayo, magsisinungaling sila. Tapos ang masaklap pa hindi ka imbitado sa mga party o hindi ka yayayain sa inuman. Tapos makikita mo na lang sa mga post nila na gumagala sila. At maramdaman mong na-left out ka dahil hindi ka nakatanggap ng imbitasyon. Kung sakali mang pupunta ka, ipaparamdam pa rin nila sa 'yo na hindi ka welcome doon sa pamamagitan ng pag-iwas sa 'yo. Mararamdaman mo naman 'yan.
#5 SIGN
na hindi ka nila gusto, HINDI SILA MAGTE-TEXT sa 'yo
o HINDI SILA NAGRE-REPLY sa 'yo
Kung ayaw sa 'yo ng isang tao, hindi nila priority ang mag message o mag reply sa 'yo. Malamang sasabihin mo na baka busy lang. Iba po ang galaw ng taong busy sa hindi ka priority. Kung talagang ayaw ka nila, hindi sila mag-aaksaya ng oras.
#6 SIGN
na hindi ka nila gusto,
PAGTATAWANAN ka nila
Isang classic na asal mula sa isang taong hindi ka gusto ay ang ida-down ka kapag nasa harap ka ng karamihan. Parang ginagawa kang talunan at clown. May mga tao talagang insultuhin ka nang direkta. Ang taong ito ay matutuwa sa 'yong mga pagkakamali at matutuwa kung may mangyari mang nakakahiya sa 'yo. Patuloy nilang babanggitin ang mga pagkakamali mo para lalo ka pang masaktan. Mas kawawa ka kung may nakuha silang kahit anong footage, dahil ilalagay nila 'yon online para pagtawanan ka ng lahat. This could be emotionally or physically, but inevitably results in you feeling pain and them laughing about it. Tapos sasabihin pa nila na sobrang OA mo dahil ang dali mong mag react o masaktan.
#7 SIGN
na hindi ka nila gusto,
GAGAWAN KA NILA NG ISSUE
Maaaring magsinungaling ang mga kapatid mo para mapahamak ka sa mga magulang mo. Maaaring mag-imbento ng mga kwento ang mga kaibigan mo upang iwasan ka ng ibang mga kaibigan. Maaaring sumipsip ang katrabaho mo, sasabihin nila sa boss mo na tamad ka sa trabaho at hindi ka nagtatrabaho ng maayos, o may sinabi ka raw o ginawa kang hindi kaaya-aya. Sa madaling salita, sinusubukan nilang magmuckrake sa anumang paraan upang gawing hindi komportable ang buhay mo, o upang alisin ka sa eksena. Dahil hindi ka nila nire-respeto o gusto, wala silang anumang insentibo para respetuhin ang iyong mga personal boundary. May mga paksa bang sensitibo para sa 'yo, na hiniling mong huwag ng pag-usapan? Kung ganoon, makatitiyak ka na patuloy pa rin nilang babanggitin ang mga 'yon. Tapos ikakalat pa nila kung anong nalalaman nila tungkol sa 'yo.
#8 SIGN
na hindi ka nila gusto,
MAKIKIPAGTALO SILA sa 'yo
Basically, this is just arguing for its own sake. Kahit alam na nila na tama ka tungkol sa isang partikular na paksa, pero gusto lang nilang inisin ka. Kahit magdala ka pa ng lahat ng uri ng patunay at ebidensya na tama ka, hindi pa rin sila magpapatalo. Ultimately, gusto nilang galitin ka at natutuwa sila kapag nakikita ka nilang apektado. Kung nahaharap ka sa mga ganitong sitwasyon, 'wag mo silang pakitaan ng reaksyon at siguradong mabobored sila. Makikipagtalo sila sa 'yo dahil wala silang paki sa emosyon o kagustuhan mo. Isa ka lamang kasangkapan na gagamitin nila para sa kanilang kaginhawaan.
#9 SIGN
na hindi ka nila gusto,
SOBRA SILANG NICE sa 'yo
Yung taong sobrang bait sa 'yo ay maaaring hindi talaga mabait na tao. Maaaring nag-o-overcompensate sila dahil talagang ayaw nila sa 'yo pero nakakaramdam sila ng sama ng loob dahil wala silang valid na dahilan para sa kanilang pag-ayaw. O baka ginagawa nila ang mga magaganda upang ma-distract ka at maalis ka sa harapan nila.
#10 SIGN
na hindi ka nila gusto,
SASABAT SILA habang nagsasalita ka pa
Iniisip kasi nila na walang laman ang mga sinasabi mo kaya't pinapatigil ka nila tuwing magsasalita ka. O hindi sila interesado sa paksa na pinagsasabi mo, kaya't magsasalita sila habang ikaw ay nagsasalita at babaguhin pa nila ang paksa. Wala silang respeto sa'yo, kaya tiyak na hindi nila ibibigay ang space at oras para ipahayag ang sarili mo.
Minsan hindi nila gagamitin ang 10 signs na ito. Kasi minsan, may mga taong prankang sasabihin sa 'yo na hindi ka nila gusto. But it can be either a blessing or an immense disappointment, depending on circumstances. At least mayroon ka nang malinaw na sagot kaysa sa mag overthink ka pa, 'di ba?
Kung napagdaanan mo na ang signs na ito at napansin mong ipinapakita ng mga tao na hindi ka nila gusto, sobrang sakit niyan lalo na kung talagang gusto mo sila at umaasa kang mananatili ang inyong pagkakaibigan. Minsan nga magtataka ka kung may problema ba sa 'yo. Walang problema sa 'yo. Minsan hindi mo makokontrol ang desisyon ng mga tao at hindi mo mapi-please ang lahat.
Isipin mo lang na ang daming tao sa paligid kaya 'wag kang mag stick sa mga taong walang gusto sa 'yo. Doon ka sumama sa mga taong pinahalagahan ka.
Comments
Post a Comment