10 GINAGAWA ng mga NARCISSIST para MAKONTROL ka By Brain Power 2177



Simulan natin ang artikulong ito sa isang tanong:

NAPAPALIGIRAN KA BA NG NARCISSIST?

Teka lang, alam mo ba kung ano ang narcissist?

Ang kahulugan ng narcissist ay taong mataas ang tingin sa sarili o mayabang, sarili lang ang kanyang iniisip, walang konsiderasyon, walang pakialam sa nararamdaman ng tao. May obsession sila sa kanilang sarili. Gusto nila na palagi silang pinupuri. Mga feeling superior o boss.

Gusto ko lang linawin na tayong lahat ay nasa isang bahagi ng spectrum ng narcissism pero kung mentally healthy tayo ay alam natin kung paano balansehin ang ating sarili. Kaya ang videong ito ay nakapokus lang doon sa taong may narcissistic disorder at pag-uusapan din natin ang kanilang kakaibang pag-uugali.

Hindi talaga natin maiiwasan na may isang tao na may ganitong karamdaman ang gagawa o magsasabi ng isang bagay na talagang walang kabuluhan. Lalong madali nilang makontrol ang mga taong walang alam sa buhay. Ang ginagawa kasi ng mga narcissist ay ilihis ka mula sa katotohanan. Ginawa ko ang videong ito para malaman natin ang 10 kakaibang bagay na ginagawa ng mga narcissistic na tao para makontrol tayo.

Pero bago po natin pag-usapan 'yan, gusto ko munang mag shoutout sa mga aktibong viewers natin. Shoutout kay Fritz Gerald Omayo, kay Rayam, kay Lhyne Quebin. Maraming salamat sa lagi niyong panonood at sana ay gagamitin niyo o ilapat niyo sa inyong buhay ang mga natutunan niyo. Nga pala, pasensya na kayo kung may mga pangalan man akong nabanggit na mali ang pagbigkas sa tuwing magsha-shoutout ako, okay?

Balik na po tayo sa topic natin.


NUMBER 1
MAMALIITIN KA NILA


Ang emotional at psychological abuse ay maaaring ipinapakita sa iba't ibang anyo, kabilang na dito ang pangmamaliit, na maaaring mag manifest bilang panghuhusga, pagpapahiya, pagbatikos o pagsasabi ng mga nakakasakit na joke. Ngunit ang pangmamaliit ay hindi biro. Ito ay isang taktika na madalas gamitin ng mga narcissist upang maramdaman ng kanilang mga biktima na sila ay mababa lang, walang halaga, o hindi pinapahalagahan. Maaari itong makaapekto sa confidence at self-esteem ng isang tao. The more na down na down ka o nanliliit ka na sa sarili mo, the more dependent you will be on the narcissist to validate you. The reason why the narcissist does this is that they are insecure. And they feel they must belittle other people to show they are in control.


NUMBER 2
SOBRANG PAGMAMAHAL


Sa unang dinig parang ang sarap kay may taong sobrang nagmahal sa 'yo, 'di ba? Pero 'wag ka, alam ng mga narcissist kung paano ka paikutin. Alam ko na masarap magmahal pero kung sumobra naman, may negatibong epekto na rin ito. Sa sobrang pagmamahal ng isang tao, may ginagawa na siyang kakaiba na hindi niya namamalayan o siguro alam niya pero gusto niyang masakal ang isang tao. Halimbawa sa relasyon, sa umpisa ng relationship, binibigyan ka ng narcissist ng sobrang atensyon. Ikaw na man ay kilig na kilig. Mararamdaman mo yung tamis ng atensyon na hindi mo pa naramdaman sa buong buhay mo. Yun bang kakatagpo niyo pa lang, sinasabi na niya na kayo na habambuhay. Comfort level 999. Hindi halata ang motibo niya dahil parang perpekto siyang magmahal and he or she even shares so much of his or her life and history with you. Siyempre magtitiwala ka na rin. They shower you with excessive attention, compliments, and affection in the early stages of a relationship to quickly gain control and attachment, only to later switch to devaluation and emotional abuse. It's a tactic to quickly "hook" someone with an idealized version of themselves before revealing their true nature. Ganyan nila ginagamit ang pag-ibig kaya mag-ingat ka para hindi ka mabulag ng pekeng sweetness. Maraming lumalabas sa Raffy Tulfo in Action na mga magkasintahan na sobrang sweet sa umpisa tapos piniperahan lang o inaabuso. Sana naman wala ng umabot sa ganoong punto.


NUMBER 3
AYAW NILA NG TANONG


Isa pang kakaibang bagay na ginagawa ng mga narcissist ay ang pag-iwas. This can be done in many ways lalo na kapag may mga tanong na ibabato sa kanila. Ayaw nilang sumagot dahil takot sila na baka may masabi sila tungkol sa kanilang sarili. At maiinis sila sa 'yo kung alam nilang may nalalaman kang negatibo tungkol sa kanila. Madali mo namang malaman kung walang tinatago ang isang tao dahil diretso siyang sumagot. Hindi yung ibabalik sa 'yo ang tanong. Halimbawa sasabihin nila,

“Bakit mo 'yan itinatanong?”

“Bakit pinaghihinalaan mo ako?”

“Wala ka bang tiwala sa akin?”

Sasagutin nila ang mga tanong mo ng mga tanong din. Senyales na 'yan na baka may tinatago siya sa 'yo.


NUMBER 4
FEELING VICTIM


Ang taong toxic ang personalidad ay palaging nagpapakabiktima. Ang taong may victim mentality ay labis na nababalot ng kadiliman emotionally and mentally, kaya't hindi nila makita ang kabuuan ng kwento o pilit na binabaliktad ang pangyayari. They live in constant fear, which is why they constantly defend themselves and make excuses. Ginagawa nila ito dahil umaasa silang makakuha ng simpatiya, but deep inside, defense mechanism nila ito para hindi sila masaktan.

Hindi natin mababago ang mga taong may victim mentality. Sila lang ang makakagawa nun sa sarili nila. They have to see a way out of their own forest at hindi 'yon mangyayari sa isang araw lang. The best way to “deal" with a narcissist ay 'wag natin silang bigyan ng kasagutan kung wala naman silang tanong. 'Wag natin silang payuhan kung hindi nila hiningi dahil ayaw nila ng gano'n. Ayaw nila ng responsibility. Be there only when they seek you. Give them the answer when they pose the question, then step back. They may ask the same question multiple times, but it's only because they are trying to make sense of it in their muddled mind and weighed down their hearts.


NUMBER 5
SILENT TREATMENT


Ang silent treatment ay kapag ini-ignore mo ang isang tao o hindi mo siya kakausapin. It can be a form of emotional manipulation that causes confusion and anxiety. Ito ang laro ng mga narcissist. Ginagamit nila ito para makontrol ka nila lalo na kung hindi mo trip ang ganitong manipulasyon o kung soft hearted ka, luluhod ka talaga. Madalas ginagamit ng mga narcissist ang galawang ito kung may gusto silang makuha. Hindi lang bastang sakit ang mararamdaman mo. Talagang sobrang sakit dahil emosyon ang apektado.


NUMBER 6
HINDI MAG SO-SORRY


Sobrang sakit kapag napagtanto mong ang taong mahal mo ay hindi hihingi ng tawad sa nagawa niyang pananakit sa 'yo. Siguro nagso-sorry siya pero hindi naman siya sincere sa mga sinasabi niya. Kung sakaling humingi ng tawad ang narcissist, ginagawa lang niya ito para tumahimik ka na. Kasi wala naman talaga silang pakialam sa nararamdaman mo. Mas pinahahalagahan pa nila ang kanilang sariling damdamin, kahit na alam nilang may nagawa silang mali. Ang nakakatawa pa, minsan binabaliktad nila ang kwento. Sasabihin nila na “wala na akong nagawang tama” tapos ikaw na ngayon ang maaawa sa kanila at ikaw na lang ang magso-sorry.


NUMBER 7
GASLIGHTING


Ang gaslighting ay ang sinadyang pagkilos na sisira sa mental health ng isang tao sa pamamagitan ng pagtatangkang kumbinsihin nila ang biktima na nag-iimagine lamang sila tungkol sa mga nangyari. Gaslighters are true psychopaths. They have no regard for another person’s well being. Sobrang makasarili.


NUMBER 8
EMOTIONAL BLACKMAIL


Hindi ito blackmail na hihingan ka ng pera. Bibigyan kita ng halimbawa,

“Kung makikipaghiwalay ka, magpapakamatay ako”

“Kung ayaw mong gawin to, hihiwalayan kita.”

“Kung tunay ka talagang kaibigan, gagawin mo ito para sa akin.”

Ang emotional blackmail ay isang anyo ng emosyonal na karahasan kung saan sinusubukan ng blackmailer na sisihin ka sa kanyang mga problema at umaapela sa konsensya ng biktima at gumagamit ng hindi patas na paninisi upang makuha ang gusto niya. Gusto niyang kumbinsihin ang kanyang biktima na obligadong sumunod sila sa kanyang mga inaasahan at kahilingan, kung hindi sila susunod ay sila pa ang magi-guilty. Mase-sense kasi ng mga narcissist kung empath ka o may insecurity. Gagamitin nila ang kahinaan mo para makontrol ka nila. Lalo na kapag magagalit sila, siyempre magugulat ka at matatakot. Wala kang magawa kundi ang sumunod na lang sa kagustuhan nila.


NUMBER 9
MAGKIKIMKIM SILA NG GALIT


Kabilang sa mga pinakanakakabaliw na bagay na ginagawa ng mga narcissist ay ang magtanim ng sama ng loob nang napakatagal. Napakahusay nilang magkimkim ng galit. Kung may nagawa kang hindi nila nagustuhan, aabutin ng mga araw, linggo, buwan, at minsan aabutin pa ng taon ang pagtatanim nila ng sama ng loob tungkol sa isang partikular na insidente. Kahit maliit na bagay pa 'yon. Hindi lang nila iniisip na makabubuti para sa kanila na kalimutan ang mga bagay na 'yon at makipagpayapaan na lang. Dito natin malalaman kung gaano ka-insecure ang mga narcissist.


NUMBER 10
GUSTO NILANG MAG REACT KA


Natatandaan mo pa ba noong sinabi ko na kapag may taong negatibo ang aatake sa 'yo, 'wag mong patulan. Kasi lalo silang gaganahan. Narcissists love to get a negative reaction from you, so they use a handful of tactics to do so. Kung may nakalimutan kang gawin, sasabihin nila na sinadya mong kalimutan dahil ayaw mong gawin. Kung may sinasabi sila tapos hindi mo narinig, sasabihin nila na ini-ignore mo sila on purpose tapos magtatampo na ang mga 'yan. Tapos magsisimula ka ng mag react sa kinikilos nila tapos diyan na magsisimula ang gulo dahil 'yan ang hinihintay nila, ang mag react ka. Kapag magagalit ka, gasolina 'yon sa kanila. Tapos ikaw na ngayon ang may kasalanan kung bakit nagagalit ka. Sila na yung tama. Sila na ang biktima. Sabi ko nga kanina, kaya nilang baliktarin ang kwento.

So try to control yourself. Ang lahat ng negatibong bagay na ginagawa at sinasabi ng mga narcissist ay 'wag mong dibdibin. Hindi mo dapat bibigyan 'yan ng reaksyon. 'Wag kang magpapaapekto sa kanila. Ang susi ay maging matatag at alalahanin mo ang iyong halaga. You are not the empty shell that pretends by wearing a mask. You are not the one who works hard to be two or more people at the same time. You are free. Kung sa tingin mo ay kaya mong tulungan ang mga taong gumagamit ng mga toxic na taktika sa buhay, then tulungan mo. Pero sa totoo lang, hanggang hindi nila nakikita o napapansin ang kanilang negatibong pag-uugali, walang pagbabago na mangyayari. Ang tanging magagawa mo lang ay umasa na magbabago sila at maging mabuting tao. Ngayong nalaman mo na ang mga taktika ng narcissist, kaunting ingat naman. 'Wag kang magpapakontrol sa kanila.




Comments

Popular posts from this blog

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177

10 Dahilan Kung Bakit Hindi ka Nila Gusto By Brain Power 2177