9 na Paraan Para Mabago Ang Buhay mo By Brain Power 2177





Sa buhay natin, may mga negatibong pangyayari na hindi natin inaasahan at hindi natin ginusto. Pero yun na talaga ang buhay. Minsan pakiramdam mo na parang nasa tuktok ka ng mundo tapos biglang dumating yung problema na magpapalugmok sa 'yo. Mahihirapan kang makabangon. Pero hindi ibig sabihin na manatili ka na lang sa pagkalugmok. Hindi ibig sabihin na 'yan na lang lagi ang takbo ng buhay mo. Magbabago ang sitwasyon kung may gagawin ka lang. Kapag kasi negatibo na ang sitwasyon mo, parang to good to be true na magbabago pa ang iyong sitwasyon. But it's true that you can start making positive changes today, leading to a happier and more fulfilling life.


NUMBER 1
MAG SET KA NG GOAL


Dapat malinaw ang goal mo. Dapat realistic ang goal mo. Kapag nagtakda ka ng maliliit na goal at naabot mo ang mga ito, lalakas ang loob mo na magkaroon ng mas malalaking goal. Hindi ka rin matatakot na harapin ang mga hamon sa araw-araw​. When you have a specific target to aim for, you’re more likely to stay motivated and on track. Hindi maganda kung boring ang buhay mo o naghihintay ka na lang sa kung ano ang mangyayari sa 'yo. Pero kapag nagkaroon ka ng goal at inabot ito, magiging masaya ka kasi may nagawa ka. Hindi kataka-taka na sinabi minsan ng unang-siglong Kristiyano na si apostol Pablo, sa 1 Corinto 9:26,

“hindi ako tumatakbo nang walang patutunguhan;
hindi ako sumusuntok na parang sumusuntok sa hangin.”

At tandaan, mas malaki ang tunguhin mo, mas masaya ka kapag naabot mo ito! Mag-isip ka ng posibleng mga goal. Basta isulat mo lang muna ang lahat ng maiisip mo. Tingnan mo kung may maisusulat ka kahit 10 o 20 bagay na gusto mong maging goal. Tapos pag-aralan mo ang iyong mga goal. Alin sa mga goal mo ang gustung-gusto mong maabot? Alin sa mga goal mo ang pinakamahirap maabot? Alin sa mga ito ang maipagmamalaki mo? Tandaan, ang pinakamagandang goal ay ang pinakamahalaga sa 'yo. Tapos magkaroon ka ng priyoridad. Pumili ka ng maliliit na goal na puwede mong maabot sa loob ng ilang araw. Pagkatapos, pumili ka ng malalaking goal na maaabot mo sa loob ng ilang linggo o ilang buwan. You’ll build momentum and confidence in your ability to create change by consistently making progress.


NUMBER 2
PAGIGING MAPAGPASALAMAT


Ang pagiging mapagpasalamat ay napatunayan nang maraming pakinabang. May pakinabang sa pisikal, mental, at emosyonal. Kaya dapat itong gawing bahagi ng buhay natin. Nakatutulong ang mapagpasalamat para magkaroon ng positibong damdamin, para maging masiyahan sa magagandang karanasan, para bumuti ang kalusugan, para maharap ang mahihirap na problema, at para magkaroon ng malapit na kaugnayan sa ibang tao. Hinihimok tayo ng Bibliya na maging mapagpasalamat. Basahin natin ang Colosas 3:15,

“ipakita ninyong mapagpasalamat kayo.”

Ang tunay na kaligayahan ay nagmumula hindi lang sa paminsan-minsang pagsasabi ng salamat kundi sa pagiging mapagpasalamat. Tutulong ito sa atin para maiwasang magmataas, mainggit, at maghinanakit, na dahilan para layuan tayo ng iba at mawalan ng kagalakan. Take a few minutes daily to write down at least three things you’re grateful for. Ang dami nating mapapasalamatan. Life itself is a blessing. Pwede ring pasalamatan mo ang Diyos dahil sa pagkaing masarap, sa init ng araw na dumadampi sa balat mo, sa hangin na nilalanghap mo, sa mga taong naging tapat sa 'yo. As you make gratitude a daily habit, you will notice more positive aspects of your life, even during challenging times. Kapag taimtim tayong nagpapasalamat, naipadarama natin sa nagbibigay ang ating pagpapahalaga. Kahit nga mga strangers ay natutuwa kapag pinasalamatan sila dahil sa kanilang mabuting ginawa. Practice gratitude, okay?


NUMBER 3
BAGUHIN MO ANG IYONG MINDSET


Palagi nating naririnig ang salitang MINDSET. May taong fixed ang mindset at may taong dini-develop nila ang growth mindset. Kapag positibo ang mindset mo, hindi ka gaanong maaapektuhan ng mga hamon at pagsubok sa buhay dahil alam mo na kung paano i-approach o hawakan ang negatibong sitwasyon. Ang mga taong fixed ang mindset, hindi sila naniniwala na may kakayahan sila. Kulang sila ng tiwala sa sarili. Hindi sila confident. Habang ang mga taong may growth mindset, naniniwala sila na kaya nilang gawin ang isang bagay at kaya nilang paunlarin ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagsisikap at pag-aaral. Tingnan mo ang mga hamon bilang mga pagkakataon para lumago at tingnan ang mga pagkabigo bilang mahalagang mga aral. Reframe those thoughts more constructively when you catch yourself engaging in negative self-talk. Halimbawa, sa halip na sabihin mong, "Hindi ako magaling sa ganito," sabihin mo "Hindi pa ako magaling dito, aaralin ko ito at mag-iimprove ako.


NUMBER 4
PUMILI KA NG KAIBIGAN


Makakatulong ang pagkakaroon ng kaibigan para maging masaya at makabuluhan ang buhay. Ang mabubuting kaibigan ay may magandang impluwensiya sa isa’t isa at nakakatulong sila para mas maging mabuting tao tayo. May impact kasi ang mga taong nakapalibot sa atin sa ating mental health at well-being. Kaya idinidiin ng Bibliya na napakahalagang piliing mabuti ang mga kakaibiganin natin. Nagbababala ito tungkol sa masamang resulta kapag mali ang pinili nating kaibigan. Basahin natin ang 1 Corinto 15:33,

“Ang masasamang kasama ay sumisira ng magagandang ugali.”

Ang mga maling kaibigan ay iimpluwensiya sa atin na gumawa ng di-matatalinong desisyon at sisira ng magaganda nating katangian. Invest time and energy into those that lift you and support your goals. Kung nalaman mong toxic na ang sitwasyon, mag set ka ng boundaries o umalis ka na lang sa circle. Humanap ka na lang ng mga bagong koneksyon.


NUMBER 5
DAPAT MAY ROUTINE KA


Dapat may routine kang sinusunod. Having a routine is how you build habits. Kapag mayroon tayong routine na sinusunod araw-araw, hindi masasayang ang ating oras sa paggawa ng mga bagay na hindi importante. Nagbibigay-daan ito sa atin na malaman kung anong mga gawain ang kailangan nating gawin sa bawat araw nang hindi kinakailangang mag-isip ng sobra. Kapag tapos na tayo sa isang gawain, alam na natin kung ano ang susunod nang hindi na gaanong iniisip. Time is the most precious asset because, once lost, it is non-retrievable. Sa pamamagitan ng pagsunod sa isang routine, hindi natin masasayang ang oras sa pag-iisip kung ano ang susunod nating gawin dahil may routine na tayong sinusunod. Our routine has predetermined our schedule, allowing us to use our time efficiently. Mas madaling mabuo ang good habits kapag ginagawa natin ito ng paulit-ulit.


NUMBER 6
MEDITATE


Meditation o pagbubulay-bulay. Pero hindi ko sinasabing mag meditate ka gaya ng ginagawa ng Eastern religions. Sabi kasi ng paniniwala nila, para makakita nang malinaw, kailangang blangko ang isip. Kung blangko daw ang isip ng isang tao habang nagpopokus sa ilang salita o larawan, magdudulot daw ito ng kapanatagan, malinaw na pag-iisip, at espirituwal na kaliwanagan. I'm talking about Biblical meditation. The Bible puts a high value on meditation. Ang meditation na tinutukoy ko ay walang kinalaman sa pagbablangko ng isip o sa pag-uulit ng ilang salita o parirala, na kung minsa’y tinatawag na mantra. Sa halip, ang pagbubulay-bulay na binabanggit sa Bibliya ay ang makabuluhang pag-iisíp tungkol sa kapaki-pakinabang na mga paksa, gaya ng mga katangian, pamantayan, at mga nilalang ng Diyos. Basahin natin ang Awit 134:5,

“Inaalaala ko ang mga pangyayari noon;
Pinag-iisipan kong mabuti ang lahat ng ginagawa mo;
May pananabik kong binubulay-bulay ang gawa ng mga kamay mo.”

Ang pagbubulay-bulay sa mabubuting bagay ay nagpapasulong ng ating personalidad, pagpipigil sa sarili, at katatagan sa moral. Ito ang mga bagay na tutulong sa ating makapagsalita at kumilos nang may kaunawaan. Kaya naman ang gayong pagbubulay-bulay ay nakatutulong din para magkaroon tayo ng maligaya at makabuluhang buhay. Sinasabi ng Awit 1:3 tungkol sa tao na palaging nagbubulay-bulay sa Diyos:

“Magiging gaya siya ng isang puno na nakatanim sa tabi ng daluyan ng tubig,
Isang puno na namumunga sa panahon nito,
Na ang mga dahon ay hindi nalalanta.
At ang lahat ng ginagawa niya ay magtatagumpay.”

You can reduce stress, improve focus, and increase emotional regulation by cultivating mindfulness.


NUMBER 7
HUWAG MAG-ISIP NG NEGATIBO


Sinasabi sa Kawikaan 15:15,

“laging may pagdiriwang ang taong masaya ang puso.”

Kung iiwasan mong mag-isip ng negatibo at magpopokus ka sa positibo, magiging mas masaya ka. Pero siyempre, may mga realidad ng buhay na hindi natin maiiwasan kahit na positibo tayo. Kahit positibo tayo pero kung may digmaang mangyayari, maaapektuhan talaga tayo. Minsan may problema sa pamilya. Hindi rin maiiwasang magkamali tayo. May mga taong toxic na nagti-trigger ng ating positibong isipan. Sa halip na magbulag-bulagan sa realidad ng buhay o magpokus sa mga negatibong 'yon, maging makatotohanan. Sa gayon, matatanggap mo ang sitwasyon nang hindi pinanghihinaan ng loob at maiiwasan mong maging masyadong negatibo. Ang mga iniisip natin, positibo man o negatibo, may impluwensya ito sa emosyon at behavior natin. Sa tuwing mag-iisip ka ng negatibo, isipin mo rin kung 'yan bang iniisip mo ay makakatulong sa 'yo o mag-aalis ng kaligayahan mo? Replace negative thoughts with more balanced, realistic ones. Halimbawa, nabigo ka sa ginawa mo, 'wag mong sabihing failure ka. Sabihin mo sa sarili mo na nagkamali ka pero natuto ka na at magagamit mo ang natutunan mo sa susunod.


NUMBER 8
TAKE RESPONSIBILITY


Upang tunay na mabago ang iyong buhay, 'wag mong takasan ang maling nagawa mo. 'Wag mong isisi sa iba. Kung ano man ang resulta ng choices mo at sa mga ginagawa mo, take responsibility. Kahit may nangyaring negatibo na hindi mo ginawa, you always have the power to choose how you respond. Magpokus ka lang sa mga bagay na makokontrol mo. Kung hindi mo kontrolado, at least hindi negatibo ang response mo sa sitwasyon. 


NUMBER 9
IPAGDIWANG MO ANG IYONG PAG-UNLAD


Kahit gaano pa kaliit ng achievements mo, kahit gaano pa kabagal ng progress mo, i-celebrate mo pa rin. Bigyan mo ng halaga ang paglalakbay mo. Kapag naabot mo ang isang milestone o nakamit mo ang isang layunin, bigyan mo ng reward ang sarili mo. Ibahagi mo ang iyong tagumpay sa mga sumusuportang kaibigan at sa pamilya mong nagpapasaya sa 'yo. Ang pagbabago ng iyong buhay ay parang hindi kapani-paniwala. But by breaking it down into small, actionable steps and applying these 9 proven principles, you can start making positive changes today. Tandaan mo na ang pangmatagalang pagbabago ay nangangailangan ng sapat na oras at patuloy na pagsisikap. Hindi magbabago ang buhay mo sa isang tulog lang. Be patient at 'wag kang matakot na humingi ng tulong kung kinakailangan. Dedication and perseverance can create the life you’ve always wanted. One small step at a time.

Uulitin ko, humingi ka ng tulong kung kinakailangan. Bagama't ang mga diskarteng ito ay maaaring maging lubos na epektibo sa pagbabago ng iyong buhay, mahalagang magsabi ka kung kailangan mo ng karagdagang suporta. Kung nahihirapan ka sa mental health issue, gaya ng depresyon, anxiety, o trauma, mahalagang humingi ka ng tulong sa isang kwalipikadong propesyonal sa mental health. Ang isang therapist o counselor ay maaaring magbigay ng patnubay.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177