9 Habits na Nagpapabigat ng Buhay mo By Brain Power 2177





Kung gusto mong maging masaya habang tumatanda ka, tanggalin mo na ang 9 na habits na ito.

Habang tayo ay tumatanda, siyempre may mga bad habits tayong kinakapitan at 'yan ang dahilan kung bakit hindi tayo masaya. Ano ang 9 na habits na ito na dapat nating tanggalin sa buhay natin?


NUMBER 1
PAGKOKOMPARA


'Wag mong ikompara ang buhay mo sa buhay ng iba. 'Yan ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi mo ma-appreciate ang mga nakamit mo sa buhay dahil sa ibang buhay ka nakapokus. At siyempre, it's one of the biggest joy-stealers. Minsan ng sinabi ni Theodore Roosevelt,

“Comparison is the thief of joy.”

Sa totoo lang, yung mga taong nakikita mo na sobrang yaman, sobrang fit ng katawan, o yung mga tao na masarap ang lifestyle, akala mo lang na perfect na ang buhay nila. But the reality is, there's no such thing as a perfect life. Kapag patuloy nating ikinukumpara ang ating sarili sa iba, tayo na rin ang nag set ng ating sarili para sa kabiguan at kawalang-kasiyahan. Paano ka sasaya kung sa iba ka nakatingin? Paano ka sasaya kung hindi ka kontento sa mga naabot mo? It’s a habit that rarely leaves room for joy or contentiveness. Magpokus ka sa sarili mong journey. I-celebrate mo ang iyong tagumpay, maliit man 'yan o malaki. At matuto ka sa mga kabiguan mo. Kung ano man ang nakamit ng iba, hindi ibig sabihin na dapat kamtin mo rin 'yon. Pero pwede naman. Pero isipin mo rin ng mabuti kung talagang kailangan mo ba ang mga bagay na 'yon. Appreciate what you have while striving for what you want. So next time you find yourself in the comparison trap, take a step back and reevaluate. Alam ko kung gaano kahirap tanggalin ang bad habit na ito, ngunit maniwala ka sa akin o hindi, sulit na sulit ang pagtanggal mo nito kung gusto mong tumanda ka nang may kaligayahan at kagalakan.


NUMBER 2
PAG-IISIP SA NAKARAAN


'Wag mong hayaang mawala ka sa NGAYON dahil lang sa kakaisip mo lagi sa NAKARAAN. Sang-ayon naman ako na lahat tayo ay may negatibong nagawa sa nakaraan at pinagsisihan natin 'yon. Kung mabalikan ko lang ang nakaraan, hindi ko sana ginagawa ang mga maling bagay. Pero hindi ko na hawak ang NAKARAAN. Naging memory na lang ito. Kapag lagi mong iniisip ang nakaraan at laging may mga WHAT IFs sa isipan mo, babagsak ang kaligayahan mo dahil nawawala ka na sa NGAYON. There’s no point dwelling on a past you couldn’t change. Decide to focus on the present moment. May mali ka mang nagawa noon, 'yon din naman ang dahilan ng iyong pagkatuto at hindi mo na ito uulitin ngayon. May mga bagay man na hindi mo nagawa noon, pwede mo naman itong gawin ngayon, 'di ba? The moment you stop letting this past regret control your present, sigurado akong magiging masaya ka. Gagaan ang buhay mo. Parte naman ang pagsisisi sa buhay natin. Lahat tayo ay makakagawa ng kamalian. Pero kapag ito na lang lagi ang tatakbo sa isip mo, mawawala na rin ang kaligayahan mo. Learn from the past, but live in the present. Your future self will thank you for it.


NUMBER 3
MGA BISYO


Alam ko na maraming tao na ang may bisyo. Lagi nating naririnig ang HEALTH IS WEALTH. Pero ang tanong, inalagaan mo ba ang sarili mo o pinapakain mo ito ng basura? Sigarilyo, alak, druga, junk foods, nagpupuyat, at iba pa. 'Yan ba ang ginagawa mo? Kapag apektado na ang kalusugan mo, apektado rin ang kaligayahan mo. Kapag malusog tayo, ang dami nating magagawa sa buhay, ang dami nating mararanasan and enjoy life to its fullest. Ayon sa pananaliksik, ang regular na pag-eehersisyo ay hindi lamang pinapanatili ang hugis ng iyong katawan, ngunit mayroon din itong malaking epekto sa iyong mental health. Exercise can boost your mood, improve your sleep, and even help manage stress levels. Pero habang tumatanda na tayo, tinatamad na tayong mag exercise, 'di ba? Binabalewala na natin ang ating katawan. Siguro sobrang busy lang natin. Wala na tayong panahon para magpapawis. Kulang rin ang budget pambili ng mga vitamins. Lahat ng ginagawa natin sa ating katawan, positibo man o negatibo, mararanasan natin ang epekto nito sa hinaharap. Kaya ngayon pa lang, 'wag nating balewalain ang ating sarili. Hindi naman ibig sabihin na dapat tumakbo ka ng ilang kilometro. Nakakatulong na rin ang paglalakad sa labas. As long as may pisikalan kang ginagawa. Hindi yung kain-tulog ka lang. A healthier body often leads to a happier mind. If you want to age joyfully, sanayin mong igalaw ang katawan mo.


NUMBER 4
TAAS NG EGO


Habang tumatanda na tayo, marami na tayong nararanasan sa buhay. Lahat ng ups and downs, tagumpay at kabiguan, saya at lungkot, ay nararanasan natin. Lahat ng nararanasan natin ay sobrang napakahalaga kasi may leksyon itong dala. Pero ito rin ang dahilan kung bakit tumataas ang ego natin. Akala kasi natin na lamang na ang ating kaalaman sa mga nakababata sa atin. But the Bible teaches us about the value of humility and the dangers of a bloated ego. It suggests that an inflated ego can lead to suffering, as it distorts our perception of ourselves and the world around us. If we are not careful, though, we could be influenced by people in Satan’s system who are proud and selfish. Kaya kung gusto mong mamuhay ng walang kaaway, payapa at masaya, tanggalin mo ang pagka-egotistiko mo.


NUMBER 5
PAGKIMKIM NG SAMA NG LOOB


Alam kong nasaktan ka na at nagalit ka na ng sobra. Tapos may kinimkim ka pa ng sama ng loob. Ako rin. Ngunit sa paglipas ng panahon, napagtanto ko na sa pamamagitan ng pagkimkim ng sama ng loob, nilalason ko lang pala ang sarili kong isipan. Nawawala ang aking peace of mind. Parang literal na may binitbit akong mabigat na bagay tapos 'yon ang nagpapahina sa akin at hindi na ako masaya. Tapos yung taong kinaiinisan ko ay parang wala lang. Masaya pa rin siya. Parang walang nangyari. Ako lang pala ang nagbibit ng negatibong emosyon. Kaya nagpasya akong bitawan ang sama ng loob. Hindi madali pero kinakailangan. Pinapatawad ko siya, hindi lang para sa kanya, pero para rin sa ikakabuti ng sarili ko. Noong nabitawan ko na ang sama ng loob, naging magaan at payapa na ang aking isipan. Lalo na na tumatanda na tayo, madali tayong magkasakit kapag may negatibong emosyon na kinimkim natin. Kaya bitawan mo na ang negatibong emosyon na 'yan at palitan mo ng positibo.


NUMBER 6
PERFECTIONIST


Kahit anong gawin mo, hindi ka magiging pekpekto. Ano ang perpeksiyonismo​? Ang paniniwala na ang isa ay kailangang maging lubos na perpekto sa lahat ng kaniyang ginagawa. Pero ito ay nagpapahirap sa isipan ng maraming tao. May malaking pagkakaiba sa pagitan ng matinong paghahangad na maging mahusay at ng nakapipinsalang pagpupursigi para sa isang imposibleng mithiin. Ang mga taong nagsisikap na maging mahusay ay maaaring may matinding hangarin na maging maayos at organisado at mataas ang inaasahan sa kanilang sarili, subalit tinatanggap din nila ang kanilang mga pagkakamali at may positibong mga paraan ng pagharap sa mga ito. Sa kabilang dako naman, ang mga perpeksiyonista ay laging nababalisa na baka sila magkamali. Mayroon silang napakataas na mga pamantayan. You see, while it’s great to aim for excellence, constantly chasing after perfection can actually be detrimental to our happiness. Hindi kasi realistic ang perfection. It sets up an impossible standard that we can never truly achieve. This constant pursuit can lead to stress, anxiety, and disappointment kapag hindi natin naabot ang hinahangad natin.

Kung ang iyong mga pamantayan ay napakataas, maaari itong humadlang sa 'yo na kumilos. Baka masumpungan mo na iniiwasan mo ang paggawa ng anumang bagay na bago. O baka ipagpaliban mo ang paggawa ng mahahalagang bagay dahil natatakot kang mabigo. Baka madama mo pa nga na tinatanggihan mo ang sinuman na hindi nakatutugon sa 'yong mga pamantayan, at maaaring masumpungan mo ang iyong sarili na walang mga kaibigan. Isaalang-alang natin ang pananalita sa Bibliya na nasa Eclesiastes 7:16,

“Huwag kang maging sobrang matuwid
o mag-astang napakatalino.
Bakit mo ipapahamak ang sarili mo?”

Try embracing the concept of ‘good enough’. Recognize that you’re human and that mistakes and flaws . Pero hindi naman ibig sabihin na hindi mo na kailangang mag improve. It means you appreciate your efforts and progress without berating yourself for not being perfect.


NUMBER 7
LAGING NAG-IISIP SA KINABUKASAN


I'm sure sasabihin mo, paano ko mababago ang buhay ko kung hindi ako nag-iisip sa future ko? Tama ka naman. Ang punto ko lang, pagplanohan mo ang kinabukasan mo pero sa NGAYON ka magpokus. Pag-isipan mo ang NGAYON. Kung ano ang ginagawa mo ngayon, positibo man o negatibo, 'yan din ang maging resulta sa hinaharap. Kapag kasi palagi tayong nakapokus sa hinaharap, makakaligtaan natin ang ngayon. We overlook the beauty of the moment, the joy in the now. We become so fixated on what’s to come that we forget to enjoy what is. Mai-stress lang tayo sa kakaisip sa mga bagay na hindi pa dumating o hindi pa nangyayari. Bakit natin iniisip ang kinabukasan e hindi naman natin kontrolado 'yon. If you want to age joyfully, learn to live in the present. Enjoy each moment as it comes, savoring the experiences and emotions it brings. Pero hindi ko sinasabi na 'wag kang magplano. Dapat balansehin mo rin ang sitwasyon. As they say, yesterday is history, tomorrow is a mystery, but today is a gift – that’s why it’s called ‘the present’.


NUMBER 9
TAKOT SA PAGTANDA


Tanggalin mo ang takot na ito dahil tayong lahat naman ay tumatanda. Kaya nga bawat araw ay kailangan nating maging masaya para sa pagtanda natin, may magandang nangyari sa buhay natin at masaya tayong lilisan. Isipin mo ha, kada taon, may nararanasan tayong bago at may natutunan din tayo. We become more self-aware, more resilient. We learn to appreciate the things we often took for granted in our youth. Bakit pa tayo matatakot sa ating pagtanda e hindi naman natin hawak ang sitwasyong ito. Kahit ano pa ang gawin natin, tatanda talaga tayo at mamamatay. Kaya 'wag tayong mabuhay sa takot. We need to let go of this fear and start viewing aging as a beautiful and natural part of life, we can truly begin to age with joy and happiness.

Enjoyin natin ang ating paglalakbay. Tanggapin natin ang mga pagbabagong dumarating at pahalagahan natin ang ating natutunan. Alam ko na mahirap tanggalin ang mga bad habits pero makakaya natin. Hindi na tayo pabata. Kailangan nating yakapin ang katotohanan. Gagaan ang ating buhay kung wala tayong iniisip na nakakasira ng ating peace of mind.  Tandaan mo na hindi dapat natin iniisip na nadagdagan na ang ating edad pero habang tumataas ang ating edad, dagdagan natin ang ating kaligayahan.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177