Huwag Mong Patulan ang mga Taong Nang-aasar sa 'yo By Brain Power 2177


Photo by Engin Akyurt:
https://www.pexels.com/photo/woman-in-green-v-neck-sweater-leaning-on-table-3214207/


Sinasabi ng Bibliya na nakakasamâ ang di-makontrol na galit, kapuwa sa taong nagagalit at sa mga taong nasa paligid niya. Basahin natin ang Kawikaan 29:22,


Kung minsan, may dahilan naman kung bakit tayo nagagalit, pero sinasabi ng Bibliya na ang mga taong laging may SILAKBO NG GALIT ay hindi makaliligtas sa araw ng Diyos. Malamang ay maitatanong mo kung lagi bang mali ang magalit? HINDI laging mali ang magalit. May pagkakataong makatuwiran lang magalit. Halimbawa, ang tapat na taong si Nehemias ay LUBHANG NAGALIT nang malaman niyang pinahihirapan ang mga kapuwa niya mananamba. Basahin natin ang Nehemias 5:6,


Pero hindi lang ang mga tao ang nagagalit. Pati ang Diyos ay nagagalit rin. Halimbawa, nang hindi tumupad ang bayan Niya noon sa kasunduan nilang Siya lang ang sasambahin at naglingkod sila sa ibang diyos, LUMAGABLAB ANG GALIT NG DIYOS LABAN SA ISRAEL. Basahin natin ang Hukom 2:13, 14,



Kita mo 'yan? Pero hindi galit ang nangingibabaw na katangian ng Diyos. Ang galit ng Diyos ay laging makatuwiran at kontrolado. Basahin natin ang Exodo 34:6,


Nagagalit man ang Diyos pero alang-alang sa pangalan Niya ay magpipigil Siya ng galit; Para sa kapurihan Niya ay pipigilan Niya ang sarili Niya At hindi Niya basta-bastang pupuksain ang mga tao. Ganyan magkontrol ng galit ang Diyos. Hindi katulad ng mga tao na kapag nagagalit, gumagawa ng masama at naghihiganti pa. Ang tanong natin kanina ay lagi bang mali ang magalit, atin ng nasagot na hindi. Ang sunod na tanong ay, KAILAN MALING MAGALIT? Maling magalit kapag hindi ito makontrol o wala sa katuwiran, na madalas nangyayari sa di-sakdal na mga tao. Halimbawa, si Cain ay NAG-INIT SA MATINDING GALIT nang hindi tanggapin ng Diyos ang handog niya. Hinayaan ni Cain na patuloy siyang magalit, kaya napatay niya ang kaniyang kapatid. Halimbawa rin ay ang propetang si Jonas, NAG-INIT SIYA SA GALIT noong maawa ang Diyos sa mga Ninevita. Pero itinuwid ng Diyos si Jonas; ipinakita ng Diyos na hindi tama na mag-init ito sa galit at na dapat ay naaawa ito sa mga makasalanang nagsisisi.

Ipinapakita lang ng mga halimbawang ito na dahil hindi sakdal ang mga tao, ang poot ng tao ay hindi nagpapakita ng katuwiran ng Diyos. Basahin natin ang Santiago 1:20,


Uulitin ko, hindi laging mali ang magalit. Naging mali lang ito kapag hindi ito makontrol at wala sa katuwiran. Ang tanong, PAANO MAKOKONTROL ANG GALIT? Palagi mong tandaan na mapanganib ang di-makontrol na galit. Iniisip kasi ng ilan na tanda ng kalakasan ang paglalabas ng galit. Parang naaastigan sila sa kanilang sarili. Pero ang totoo, kapag hindi makontrol ng isang tao ang kaniyang galit, ipinapakita lang niya na mahina siyang nilalang. Sa kabilang banda, kapag sinisikap nating kontrolin ang ating galit, nagpapakita tayo ng tunay na lakas at kaunawaan. Napakaganda ng sinabi sa Kawikaan 14:29,


Ito pa ang sinasabi ng Kawikaan 16:32,


Kaya kontrolin mo ang iyong galit bago ka makagawa ng isang bagay na pagsisisihan mo. Ang sabi sa Awit 37:8,


Kaya kapag nakakaramdam tayo ng galit, may magagawa tayo—puwede natin itong pahupain bago pa tayo makagawa ng masama. Sabi sa Efeso 4:26,


Kung posible, umalis ka kapag nagagalit ka na. Basahin natin ang Kawikaan 17:14,


Kahit na tamang ayusin agad ang mga di-pagkakasundo, kailangan muna ninyong magpalamig para mahinahon kayong makapag-usap. Siyempre, huwag puro bibig na lang ang gagamitin. Buksan mo rin ang iyong isip. Alamin mo ang totoong nangyari. Ang sabi sa Kawikaan 19:11,


Kailangang malaman muna natin ang lahat ng detalye bago tayo gumawa ng konklusyon. Kung pakikinggan nating mabuti ang lahat ng panig, hindi tayo basta-basta magagalit. Basahin natin ang Santiago 1:19,


Pero ang mabisang gamot sa galit ay MANALANGIN. Manalangin ka para sa kapayapaan ng isip. Matutulungan tayo ng pananalangin na magkaroon ng kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan. Puwede nating hilingin sa panalangin ang banal na espiritu ng Diyos, na tutulong sa atin na magkaroon ng mga katangiang gaya ng KAPAYAPAAN, MAHABANG PAGTITIIS, at PAGPIPIGIL SA SARILI.

Para hindi ka madaling mairita, dapat piliin mong mabuti ang mga kasama mo. May tendensiya kasi tayong maging katulad ng mga taong nakakasama natin. Basahin natin ang 1 Corinto 15:33,


Kaya nagbababala ang Bibliya, sa Kawikaan 22:24, 25,



Tandaan mo, MALAKAS ka kung nakokontrol mo ang iyong galit. Kaya kapag nagsisimula nang uminit ang ulo mo, umalis ka muna. Hindi tayo basta-bastang magagalit kung isasaalang-alang natin ang kabuoan ng sitwasyon sa halip na gumawa agad ng konklusyon. Hindi tayo basta-bastang magagalit kung makikinig tayong mabuti sa iba. Kapag sumasama tayo sa mga taong magagalitin, baka maging ganoon din tayo. Tayo ang dapat na kumokontrol sa emosyon natin, hindi tayo ang kinokontrol ng ating emosyon. Matutulungan tayo ng banal na espiritu, para magkaroon ng mga katangiang mahalaga para makontrol natin ang ating galit. Hindi man natin maiiwasang magalit, pero puwede natin itong kontrolin.

Mayroon kasing mga tao na nang-aasar kaya ito ang dahilan kung bakit tayo nag-aapoy. Gusto kasi nila na patulan mo sila dahil doon sila masaya. Kapag magpapaapekto ka, siyempre babanatan mo sila, doon nila makikita na na-trap ka sa kanilang hawla. Parang 'yan ang kanilang vitamins sa buhay, ang pang-aasar. Napapansin mo naman 'yan, 'di ba? Talo ka lagi kung papatulan mo sila. Nag-eenjoy sila sa kanilang pang-aasar, sa kanilang paninira, tapos ikaw ay nagdurusa at bitbit mo ang negatibong emosyon na 'yan. Kung iiwas ka na lang gaya ng nabasa natin kanina sa Bibliya, kung pipigilan mo ang sarili mo, kung kokontrolin mo ang iyong emosyon, MALAKAS ka. PANALO ka. Hayaan mo lang sila sa kanilang ginagawa dahil hindi sila magtatagumpay kung wala kang pakialam sa kanila. Tandaan mo, kapag papatulan mo sila, ibig sabihin lang niyan, pareho kayo ng pag-iisip. Gusto mo ba 'yon? Hindi, 'di ba? Ang mga taong may pagpipigil sa sarili ay may kapayapaan ng isip. Kasi ayaw mong makapasok ang negatibo sa buhay mo. Huwag kang magpapaalipin sa ibang tao at lalong huwag kang magpapaalipin sa emosyon mo. Kontrolin mo ang mga bagay na nakakasama sa 'yo upang hindi masira ang buong araw mo dahil lang sa mga sinasabi ng iba. Uulitin ko, pigilan mo ang iyong sarili bago ka pa makagawa ng masama. Basahin natin ang 2 Timoteo 1:7,

Comments

Popular posts from this blog

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177

10 Dahilan Kung Bakit Hindi ka Nila Gusto By Brain Power 2177