7 Prinsipyo na Dapat Mong i-Apply sa Buhay mo By Brain Power 2177


Photo by Helena Lopes from Pexels:
https://www.pexels.com/photo/four-person-standing-at-top-of-grassy-mountain-697244/


Kaya mong kamtin ang masaganang buhay kung gugustuhin mo lang. Nasa sa 'yo naman ang desisyon. Ang maayos na buhay, maayos na trabaho, maayos na relasyon, pwede mong makamit ang lahat ng mga 'yon. Kung gusto mo ng maayos na buhay, dapat committed ka ring gumawa ng maayos na bagay. Gawin mo ang mga positibong bagay. 'Wag mong tularan ang ibang tao na negatibo lang ang ginawa nila sa kanilang buhay. Mag-isip ka rin ng positibo. Hindi yung puro na lang kamalian sa mundo ang pinopokus mo. Sa araw na 'to, gusto kong malaman mo ang 7 PRINSIPYO na dapat i-apply mo sa 'yong buhay. Para naman magbago ang buhay mo. Buhay na puno ng kasaganaan, kaligayahan at tagumpay.


NUMBER 1
MAWAWALA KA RIN SA HULI


'Yan ang pinaka unang prinsipyo na dapat mong malaman at tanggapin. 'Wag kang matakot sa prinsipyong 'yan. Oo magwawakas rin ang buhay mo. Hindi lang naman ikaw e. Tayong lahat naman ay mamamatay balang araw. Maaaring 30 taon mula ngayon. Maaring 20 linggo na lang ang kulang. Siguro sa susunod na linggo na. O di kaya'y NGAYON. Hindi ko alam. Hindi mo alam. Walang nakakaalam kung kailan ka mawawala. Uulitin ko, 'wag kang matakot sa prinsipyong 'to. Sa halip na matakot ka sa huling hantungan, yakapin mo ang katotohanan at tanggapin mo na lahat naman tayo ay mawawala rin. Knowing this we must live FULLY TODAY. Hindi ito dapat na katakutan. Sa oras na tanggap mo na may hangganan ang buhay mo, makakapag-isip ka ng maayos. Mas ma-prioritize mong gawin ang mahalagang bagay. It's a recipe to give your ALL today. To give your very BEST today. Ibuhos mo ang lahat ng lakas mo sa bawat araw. Give your greatest energy to this day in everything you do. Ibuhos mo lahat ng pagmamahal mo sa 'yong pamilya at sa lahat ng tao na masasalubong mo. Ang prinsipyong ito ay nagpapaalala na dapat magpokus ka lang sa sarili mo. Live your BEST SELF in each moment. Mamuhay ka ng maayos. Paano kung wala ka na bukas? Hindi mo na makakausap ang mga taong mahal mo. Paano kung ngayon na pala ang wakas mo? Ano kaya ang masasabi nila sa 'yo? Ano bang mga positibong ginawa mo na iyong maiiwan para lang may maalala sila sa 'yo? Habang buhay ka pa, pagaanin mo na ang buhay mo. Kailangan mo ng bitawan ang bigat ng pinapasan mo. Alam mo, lahat ng bagay dito sa mundo ay walang kwenta kung wala ka na. Really, none of this STUFF matters. The only thing that ever matters is how you made others feel and how you felt in your own heart. Hindi mo naman mahahawakan ang anumang bagay sa hukay mo. Ang mga bagay dito sa mundo ay katulad ng katawan mo, may hangganan. Kapag inilapat natin sa ating buhay ang prinsipyong 'to, mas maiisip natin ang mga dapat gawin at mga hindi dapat gawin. Makakapagpokus tayo kung ano ang pinakamahalagang bagay at sino yung mga tunay na tao na kailangang bigyang pansin. Paano mo ba matatanggap na balang araw ay mamamatay ka? May tatlong bagay kasi akong napapansin sa mga tao: Yung iba ay namumuhay pa rin sa takot. Yung iba ay tinanggap na lang nila ng maayos. But my preferred way, is to follow the path set by God. Because of Him, I have peace.


NUMBER 2
KAYA MONG BAGUHIN ANG BUHAY MO


Kung ano ang gusto mong maging, magiging gayon ka kung gugustuhin mo lang. Kung ano ang gusto mong gawin, magagawa mo 'yan kung committed ka lang. Kung ano ang gusto mong makamit, makakamit mo 'yan kung magpursige ka lang. Kung may isang tao man, kahit isang tao lang, na natupad ang kanyang pangarap, ibig sabihin na kaya mo ring tuparin ang pangarap mo. Kung kaya nila, kaya mo rin. Hindi ibig sabihin na madali lang kamtin ang pangarap mo, pero hindi 'yan imposible. Ngayong alam mo na POSIBLE palang makamit ang pangarap mo, gawin mo na ngayon. You can work toward it. Gumawa ka ng plano. Learn what needs to be done for you to live your most abundant life. May IMPOSIBLE ba? Alam mo ba kung hahatiin natin sa dalawa ang salitang IMPOSSIBLE, magiging I'M POSSIBLE. Ibig sabihin na makakaya mo, magagawan mo ng plano. At aksyonan mo ang mga plano mo. Paano ko binago ang buhay ko? I decided to change my story. I decided to kill my old self. Binago ko na ang mga bad habits ko. I started reading books. Hindi na ako nagrereklamo. I started to unpack myself. I started reinventing myself. I decided even if I must fail I will only fail forward.


NUMBER 3
ANG BAGAY NA HINDI MAHALAGA
AY HINDI MAKAKAPAGPASAYA


Ibig sabihin na kailangan mong bitawan ang mga bagay na hindi importante sa 'yo. Kung ang bagay na ginawa mo ay hindi nakakapagpasaya sa 'yo at hindi makakapagpaayos ng buhay mo, 'wag mong paglaanan ng oras. Uulitin ko ng isa pa upang malinawagan ka. Walang bagay na mahalaga kung hindi ito nakakapagpasaya sa 'yo. Ibig sabihin na kung hindi 'yan nakakapagpasaya sa 'yo ngayon, habang ginagawa mo ang bagay na 'yon, o hindi ka masaya sa magiging resulta ng ginawa mo, hindi 'yan mahalaga sa buhay mo. Kailangan mo na 'yang bitawan. Just about everything worth fighting for is going to require a real FIGHT to win a great prize. Kailangan mong paghirapan at pagsakripisyohan ang lahat ng bagay kung gusto mo ng maayos na buhay. Bago mo gawin ang isang bagay, tanungin mo muna ang sarili mo. “Makakapagpasaya ba 'to sa 'kin?” Kung hindi, tanungin mo ang sarili mo: “Ang sakripisyo bang ginawa ko ay makakapagpasaya sa 'kin?” Kung hindi, ano pa ang hinihintay mo? Bitawan mo na. Sumubok ka na lang ng ibang hobbies. Give some time in understanding who you are and what you want to do in life. Set your priorities and follow your dreams.


NUMBER 4
JUST BE YOURSELF


Always be yourself. It means not to be shaped by others. Not to give in to peer pressure just because everybody else is doing it. Ang dami ng tao sa mundo na namumuhay sa buhay na hindi nila gusto. Palagi kasi silang nakikinig sa idinidikta ng ibang tao. May mga taong walang nararating sa buhay at sila pa ang magdidikta sa 'yo. Ang tanging makakapagpasaya sa 'yo, ang tanging makakapagpatagumpay sa 'yo ay walang iba kundi IKAW lang. Uulitin ko para maibaon mo talaga sa isipan mo. Kasi napakahalaga nitong ilapat sa 'yong buhay. Ang tanging makakapagpasaya sa 'yo, ang tanging makakapagpatagumpay sa 'yo ay walang iba kundi IKAW lang. Pero ito ang tandaan mo, hindi ka magiging masaya kung gagawa ka lang ng bagay para lang makapagpa-impress ng ibang tao. Hindi ka magiging masaya kung nakikipag-unahan ka sa iba. Hindi ka magiging masaya kung gusto mong gayahin ang iba. Wala kang katulad sa mundong 'to. You are UNIQUE and that's your greatest gift. When you follow your own path, regardless if that fits in with others, you open up space for great things to enter your life. 'Wag mong ikompara ang sarili mo sa iba. 'Wag kang makipagtalo sa mga taong negatibo. Gumawa ka ng sarili mong desisyon, may sumang-ayon man sa 'yo o wala. If you will do this, this will lead to your greatest life. Now getting outside your comfort zone is a different thing and you do it because you want to grow, but don't do it simply to fit in or because it's expected of you by others.


NUMBER 5
NASA 'YO NA ANG LAHAT


Everything we need to live the life we deserve and desire exists inside us. It was put there for us. The best place to start is on the INSIDE — with YOURSELF first. The real secret to transforming your life is to WAKE UP and BECOME CONSCIOUS of the patterns that are currently unconscious. Thoughts shape our emotions and our emotions shape the quality of our lives. Lahat ng hinahanap mo ay nasa sa 'yo na. Pag-isipan mo 'to ng mabuti, ang dami nating nakikitang mayaman at sikat na tao pero sila pa ang depress sa buhay. Bakit? Iniisip kasi nila na may kulang pa sa kanila. Ibig sabihin na walang MATERYAL na bagay ang kokompleto sa 'yo. Walang tao ang makakapag-kompleto sa 'yo. IKAW lang ang makakapag-kompleto sa buhay mo. Kung wala kang pakialam sa panlabas na bagay, dahil nakapokus ka lang sa panloob mong emosyon, gagaan ang buhay mo. If you need nothing, you will attract everything. If you focus on your own happiness, you open up space for more amazing things to enter your life. Kung hindi man dumating ang mga bagay na ninais mo, ayos lang 'yon. Madali mo naman 'yang matanggap dahil hindi mo naman 'yon kinakailangan. Ang tunay na kaligayahan ay hindi mo matatagpuan sa labas. Hindi mo 'to mararamdaman dahil sa may ari-arian ka o may marami kang pera. Ang kaligayahan ay matatagpuan mo sa loob mo mismo. It's already within YOU. It's a state of mind. 'Wag mong kalimutan 'to: Kung masaya ka, tagumpay na 'yon. Gawin mo lang kung ano ang nagpapasaya sa 'yo at ang ibang bagay ay kusang susunod sa 'yo.


NUMBER 6
'WAG MONG PAPASUKIN
ANG TAONG TOXIC SA BUHAY MO


Choosing to walk away from them was not a way for you to make their life miserable. It was a way to make your life bearable. Dapat wala ng space sa buhay mo para sa mga taong toxic. Piliin mo lang ang positibong tao na manirahan sa buhay mo. Dahil sila ang makakatulong sa 'yo. Positive people bring more positive energy. Kung hinahayaan mo lang na palibutan ka ng mga negatibong tao, mahihirapan kang sumaya at mahihirapan kang kamtin ang tagumpay mo. Aminin na natin, hindi lahat ng tao, kasama na dito ang pamilya at mga kaibigan mo, ay positibo. Minsan may mga kamag-anak, pamilya at mga kaibigan tayong toxic. They will never share the same positive energy you have. Masakit na katotohanan 'to. Pero hayaan mo na lang sila na maging gan'on. Hindi mo naman kontrolado ang kinikilos nila. Just focus on living your own happiness. Those who are truly aligned with you will never hold you back from living the life you want to live. 'Wag mong patayin ang iyong liwanag para lang sa kanila. Panatilihin mong naka sentro ang iyong liwanag sa daan mo. Kung sino man ang makakakita sa liwanag mo, makikisilong sila d'on. Tandaan mo lang 'to palagi: Kung palagi kang dumikit sa mga taong toxic, hindi ka uunlad, hindi ka sasaya, hindi lalawak ang iyong kaalaman. Bahala na kung ano ang opinyon nila tungkol sa 'yo. Kahit sasabihin pa nila na ikabubuti mo 'to. Alam mo naman kung ano ang ginagawa mo, ’di ba? They don't know the whole story. They don't know what you went through. They don't know how much you've been struggling. Don't let their peer pressure get to you. You have to do what you think is best, regardless of whether anyone else approves.


NUMBER 7
KUNG ANO ANG PINAGTUONAN MO
MAHAHANAP MO


Madali namang intindihin, 'di ba? What you focus on is what you see. Kung sa negatibo ka na lang nakapokus, ang daming negatibo ang mahahanap mo. Kung nakapokus ka sa galit, sa karahasan at sa kalungkutan, ang daming mahahanap mo. Sa kabaligtaran, kung sa positibo ka na lang nakapokus, ang daming positibo ang mahahanap mo. Kung naghahanap ka ng kabutihan, kapayapaan at kasiyahan, ang dami ring mahahanap mo. Whatever meaning you give your life, becomes your life. Dalawa lang kasi ang pagpipilian mo sa buhay, KABIGUAN o ARAL. KALUNGKUTAN o PAGKAHUBOG ng bago mong PAGKATAO. Ang buhay ay pwedeng magpahirap sa 'yo at pwede ring tutulong sa 'yo. Ikaw lang ang makakapagpasya kung alin ang pipiliin mo. Positibo o negatibo. There's no such thing as REALITY. We choose our own reality by the meaning we give each moment in our lives. Magpokus ka lang sa kabutihan na nangyayari sa buhay mo. Notice the good in other people. Palaging magpasalamat sa mga bagay na nakamit mo na. Tingnan mo ang mga hamon bilang panibagong pagkakataon na tutulong sa 'yo na huhubog sa bago mong karakter. What you give your attention to will become your experience in life. Practice seeing the good in your life. Think the best. Expect the best. And always ask yourself how can this benefit my life.

Iwanan mo na ang DATI mong pagkatao. Mahalin mo ang TUNAY mong pagkatao. At salubungin mo ang BAGO mong pagkatao.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177