Don't Let These 5 THINGS Control You By Brain Power 2177



Hindi mo ba nakokontrol ang takbo ng buhay mo? Hindi mo ba kayang baguhin ang takbo ng buhay mo? Napi-pressure ka na ba sa buhay?

Alam ko na minsan mahirap kontrolin ang ating sarili, mahirap magpaka-kapitan sa sarili nating barko. May mga hadlang sa ating daan na mahirap banggain dahil nga wala tayong kontrol sa sarili nating manibela. Oras na para kontrolin mo ang iyong buhay at 'wag na 'wag kang magpapakontrol sa 5 BAGAY na ito.


NUMBER 1
ANG OPINYON NG IBA


When you give too much credence to other people's opinions you're basically telling your true self to fuck-off. Malalaman mo naman kung nagpapaapekto ka. Paano mo malalaman? Sa oras na natutuwa ang mga tao sa ginagawa mo o sa mga desisyon mo, masisiyahan ka rin. Sa oras na hindi sila sang-ayon sa pinagagawa mo, hindi ka na rin matutuwa. Para kang nakatali sa kanila. You end up becoming a slave to what other people want. Running around trying to please everyone with every decision. Nababalewala mo na ang sarili mong pangangailangan. Lalong lumalala ang sitwasyong ito dahil umusbong na ngayon ang social media. Halos lahat ay naghahabol ng mga likes, reactions, views, flattering compliments. Noong bago pa lang ako sa YouTube, naapektuhan rin ako sa mga negative comments at dislikes. Pero unti-unti kong na-realize na ako ay AKO. Kaya ngayon, wala na akong pakialam kung kaunti lang ang views, kung may negative comments, kung may dislikes, bahala na. Because here's the thing, you will never have what you truly want in life unless you learn to shut out other people's opinions. Until you stop giving a crap about what they think and really tune into your DESIRES, your VOICE, your TRUTH. Isipin mo ito palagi, kahit ano pa ang gagawin mo, hinding hindi mo mapi-please ang mga tao. There's always someone who will always disapprove of your decisions. That's the truth. The people who matter most in your life will accept you as you are, allowing you space to grow and learn. Mawawala ang pagiging TUNAY mo kung naging sunud-sunuran ka lang sa opinyon ng iba. Hanggang umabot sa punto na hindi mo na kilala ang TUNAY mong pagkatao. Magiging toxic na rin ang buhay mo. Only you have to live with yourself. Pansamantala mo lang naman kasama ang mga tao pero ang sarili mo, kasama mo hanggang kamatayan. Kaya 'wag mong i-ignore ang sarili mo. IKAW lang ang may kakayahang kontrolin ang buhay mo. Ayos lang naman kung may mga feedbacks, pero dapat y'ong CONSTRUCTIVE. Ibig sabihin, y'ong mga feedbacks o mga comments na may suportang mga halimbawa para malaman mo kung ano pa ang dapat i-improve sa mga pinagagawa mo. It should be offered in a friendly manner with good intentions. 'Yan lang ang pakinggan mo. Pero y'ong mga criticism na pangba-bash lang o mga hate comments, 'wag mong ilaan ang oras mo sa kanila. Kasi sa huli, ang direksyon ng iyong buhay at ng pangarap mo ay nakasalalay lang sa 'yo.


NUMBER 2
ANG SITWASYON MO


Kung gaano man kalala ang sitwasyon mo ngayon, 'wag mong hayaan na ito ang pipigil sa 'yo upang bumangon. Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang pinagdadaanan. Kahit ako nagmo-motivate sa 'yo, pero may pinagdadaanan rin akong napakahirap. Lahat ng mga tao na nakikita mo sa labas at sa loob ng bahay, may kanya-kanyang bagahe na dinadala. Hindi mo lang nakikita dahil hindi naman natin nilalahad lahat e. Alam ko na minsa'y naiisip mo na permanente na ang sitwasyon mo sa buhay. At nandito ako para sabihin sa 'yo na HINDI. Darating ang araw na magbabago ang sitwasyon mo. Life is a CONSTANT CHANGE. Lahat ay nagbabago. Lahat ay lilipas. Walang permanente sa mundo. Ang araw ay umaabante. 'Wag kang mawalan ng pag-asa. Umaksyon ka lang ng umaksyon para mas makikita mo ang solusyon sa bawat negatibong sitwasyon. Ang buhay ay parang libro, may mga pahina. Bawat pahina ay may iba't-ibang storya. Just turn the page to get more of the story. 'Wag kang tumunganga sa sulok. Get up and do something. Hindi ka pwedeng maghintay na lang na may magbabago, ikaw ang babago sa mga 'yon. Ang pagbabago ay hindi darating kung naghihintay ka lang ng mga tao na sasalba sa 'yo o kung maghihitay ka lang ng tamang oras. IKAW ang hinihintay ng sarili mo. Ikaw ang pagbabago na hinahangad mo. Iniisip mo ba na mahirap ka at wala ng oportunidad para sa 'yo? Fuck circumstances! Gumawa ka ng sarili mong oportunidad. Paano? Keep hustlin', magsikap ka sa buhay, 'wag kang gumastos ng sobra pa sa kinikita mo. Remember this, YOU ALWAYS HAVE YOUR OWN RESOURCEFULNESS. Ikaw ang tsuper sa buhay mo. Hindi mo man mahuhulaan ang mangyayari, at least alam mong ikaw ang nagmamaneho at preparado ka na sa darating na sitwasyon. It's all up to you.


NUMBER 3
ANG IYONG MALING PANINIWALA


May paniniwala ka kasi na negatibo. Yun bang naniniwala ka na WALANG MAGKAKAGUSTO SA 'YO, MAHIRAP KA LANG HABAMBUHAY, WALA KA NG MAGAGAWA, HINDI KA MATALINO, at ang dami mo pang pinaniniwalaan. Alam mo, 'yan ang mga hadlang sa buhay mo. Lahat ng mga maling paniniwalang 'yan ay ibinaon mo sa 'yong subconscious mind. Kahit hindi mo na iniisip, kusa na itong lalabas. Nasa mindset mo na e. 'Yan ang dahilan kung bakit hindi ka umasenso kasi mali ang paniniwala mo. Iniisip mo na ang mga mayayaman ay arogante, egotistic, kaya natatakot kang maging mayaman. Iniisip mo na bahala na ang mahirap basta masaya. So ibig sabihin kapag mayaman hindi na masaya? You see, hindi totoo ang mga pinaniniwalaan mo. That negative beliefs are controlling your life without you even being aware that they exist and that they’re hurting you.

Our limiting beliefs hold us back from what we want in life. May negatibong paniniwala tungkol sa sarili mo, dahil naniniwala ka na may kulang sa 'yo. May negatibong paniniwala tungkol sa ibang tao, dahil naniniwala ka na walang magkakagusto sa mga ginagawa mo. May negatibong paniniwala tungkol sa buhay, dahil naniniwala ka na mahirap gawin ang pangarap mo. 'Yan ang mga hadlang na hindi mo nakikita. 'Yan ang pumipigil sa 'yo. Work on your self-awareness muscle. The secret is to be accountable and take responsibility for the beliefs you created for yourself. Kapag sumulpot na naman ang negatibong paniniwala mo, tandaan mo lang ang sinabi ni Mahatma Gandhi:

“You must be the CHANGE you want to see in the world.”

CHANGE STARTS WITHIN YOU. Even the most deeply-rooted beliefs can be dug out if you’re willing to put the work in!


NUMBER 4
PERA


Alam naman nating lahat na ang pera ay napakahalaga sa buhay natin. Pera ang nagpapaikot ng buhay, 'di ba? Kasi kung hindi ang sagot mo, bakit nagtatrabaho ka? Ang tanong, kinokontrol ka ba ng pera? Pera na ba ang laman ng utak mo? Kung pinasok mo sa isipan mo ang pera 24/7, hindi ka talaga magiging masaya. Money is not going to make you feel completely happy. Nakakapagpasaya ang pera sa panandalian lamang. Hindi ko naman sinasabing masaya maging mahirap. Ang punto ko lang, kapag na-meet mo na kasi ang basic income mo o basic needs mo, mas maghahangad ka pa ng MAS MARAMI pa. Hindi ka na makokontento sa buhay. Parang ako, noong una, napakalaki na sa 'kin ng 10K, pero noong may 50K na ako, parang lumiit ang 10K. Noong nahawakan ko na ang 100K, lumiit ang 50K, noong nahawakan ko na ang 200K, lumiit ang halaga ng 100K and I wanted more and more and more. Halatang halata na nakokontrol na ako ng pera. Pera na lang ang laman ng utak ko noon. Now, if I were to ask you what makes you happy? You would probably have no problem providing me with at least a few answers - marahil sasabihin mo sa 'kin, gusto kong magkakotse, gusto kong pumayat, gusto kong tumaas ang sahod ko. Sa madaling salita, your happiness depends on external circumstances. Ito lang ang gusto kong malaman mo, nandoon ang pressure sa itaas, bakit? Mahirap i-maintain ang money success. Akala mo siguro kapag mayaman ka na, easy-easy na ang buhay? Hindi. Kailangan mong i-maintain 'yan. Kung mahirap umakyat sa mataas na level, mas mahirap panatilihin ang mataas na level. At diyan babagsak ang kaligayahan mo dahil nakakalimutan mo na ang mga bagay na tunay na nakakapagpasaya sa 'yo. Nakuha mo ba ang punto ko? Uulitin ko, hindi ko sinasabing magpakahirap ka na lang. Walang masama sa pagpapayaman. Ang punto ko lang ay 'wag mong kalimutan ang ibang bagay. It’s okay to want better stability, and we can’t deny that it’s much better to be financially secure than struggling from paycheck to paycheck! But don’t let that be the sole factor in all the decisions you make. Hindi lang materyal ang atupagin mo kundi ang spiritwal din.


NUMBER 5
ANG NAKARAAN MO


Kung ano man ang nagawa mong kamalian noon, hindi mo na mababago 'yon. Stop feeling guilty. 'Wag mo ng sisihin ang sarili mo dahil hindi mo naman mababalikan 'yon e. Nangyari na 'yon. Kung galit ka sa ex mo dahil niloko ka niya, hindi mo naman hawak ang desisyon niya. May sarili siyang pag-iisip. Kapag bumitaw ka, pagmamahal ang tawag d'on. You need to stop feeling guilty right now. Ang sakit na nararamdaman mo ay siyang gasolina sa galit mo. Kapag palagi mong iniisip ang iyong nakaraan, mas lalong magbubunga ito ng kapahamakan. Mas lalo kang magagalit. Isa lang ang buhay natin. Baka magsisi ka sa huli na buong buhay mo ay puno ng galit at guilt. Try to keep your life simple. Alam kong gusto mo ng kapayapaan pero paano mo makakamit 'yon kung nakadikit ka pa sa mga bagay na hindi na umiiral sa araw na ito? Para bang sinasabi mo, “gusto kong hugasan ang mga kamay ko” pero humahawak ka pa rin sa putik. Pwede ba 'yon? Makakawala ka lang sa nakaraan kung mag desisyon ka ng putulin ang lahat. Hindi ko naman sinasabi na kalimutan mo dahil alam kong hindi mo makakalimutan. Ang sabi ko, bumitaw ka na. Yun bang kahit naiisip mo ang iyong nakaraan ay wala ng emosyon para d'on. Parang masaya ka na naging parte na ang kaganapan sa history mo. Kung may pagkakamali ka man sa nakaraan, gamitin mo 'yon bilang leksyon para hindi mo na maulit pa. Ang nakaraan ay nagdaan na. This is where mindfulness comes into play. This is the act of remaining present and grounded in the current world. It allows you to let go of worries for the future, allows you to let go of pain from the past, and other factors that influence your perception of your present and possible future. Uulitin ko, hindi mo na mababalikan ang iyong nakaraan. Lumayo ka na sa mga nangyari na. Hindi na makakatulong ang pagdikit mo sa nakaraan. The only way you can win is if you let go and move on. Focus on building your future which starts RIGHT NOW. Itapon mo na ang mga mabibigat na bagahe na pinapasan mo. Don't allow events from the past to ruin this perfect moment.

Ang buhay mo ay nakasalalay lamang sa 'yo. Bawat desisyon mo ay makokontrol mo. Hindi man natin mahuhulaan ang pangyayari at hindi man natin makokontrol ang lahat ng bagay, isa lang ang alam natin, hindi natin hahayaan na kontrolin tayo ng mga bagay na 'yon at alam rin natin na tayo ang may kontrol sa sarili natin. Leave your past and live fully.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177