7 Paraan Para Pakalmahin Ang Iyong Isipan By Brain Power 2177


Photo by Evelyn Chong from Pexels


Palagi ka na lang bang nag-aalala sa mga bagay na hindi mo makokontrol?

Hindi mo ba mapigilan ang iyong sarili na 'wag ng magpaka-stress sa mga bagay na hindi mo naman kontrolado?

Palagi ka na lang bang nag-ooverthink pero wala ka namang nakukuhang kasagutan sa mga iniisip mo?

Sa panahon ngayon, napakakumplikado na ng ating buhay kaya nahihirapan na din tayong mamuhay sa mundong 'to. Umiikot ikot lang ang buhay natin sa wala. Madalas iniisip ng ibang tao ang nakaraan nila, na sana'y ginawa nila ang lahat noon, e di siguro ay may nakikita silang positibong pagbabago ngayon. Napakarami ng responsibilidad natin. Dahil sa dami-rami ng mga gawain, wala na tayong pahinga. Dahil sa kadahilanang ito, nai-stress na tayo sa mga bagay na hindi natin kailanman mababago. Kasi wala naman tayong kontrol sa ibang bagay. If you are one of those people who are often in their heads and think about every little detail of their life, that can be harmful. Kaya ano ang maaari mong gawin upang ihinto ang paghihirap sa lahat ng bagay? Subukan mo ang 7 PARAAN na ito.


NUMBER 1
MAGPOKUS KA SA MGA BAGAY
NA MAKOKONTROL MO

Photo by Victor Freitas from Pexels


Maglaan ka ng oras upang pag-isipan mong mabuti kung ano ang kakayahan mo. Alamin mo kung ano ang magagawa mo at alamin mo kung ano ang mga hindi mo kayang gawin. Alamin mo kung anong mga bagay ang pumipiga sa buhay mo. And analyze which externalities and stressors were involved in those situations. Ipagpalagay na lang natin na ang pinakaproblema mo ngayon ay nanlalamig na ang partner mo sa 'yo dahil siguro may iba na siyang gusto, 'yan ang isa sa mga bagay na hindi mo makokontrol. Halimbawa rin sa sitwasyon ko, kaunti lang ang nanonood sa video ko. Pero wala akong magagawa e. Hindi ko kontrolado ang kagustuhan ng mga tao. Uulitin ko, hindi natin makokontrol ang mga tao. Ang emosyon lang natin ang kaya nating kontrolin. 'Wag mong masyadong isipin 'yon. Alam kong masakit pero isipin mo na lang, tanggapin mo na lang, na ang problemang 'yon ay hindi mo kontrolado.

Go through every situation pressing you and try to develop a realistic sense of control. Matuto kang bumitaw sa mga bagay na alam mong hindi mo kayang kontrolin. Dapat maunawaan mo, na hindi mo makokontrol ang ilang partikular na pangyayari sa lahat ng oras. Masabihan mo nga ang tao na “gawin mo ang bagay na 'to” pero kung ayaw niyang gawin, dahil 'yan ang desisyon niya, wala ka ng magagawa do'n. Masabihan mo nga sila na 'wag magmura, pero kung ayaw nila, wala ka ng kinalaman do'n. Nakuha mo ba ang punto ko? Sa mga sitwasyon kung saan kasangkot ang mga bagay na hindi mo kayang abutin, kailangan mong ihiwalay ang iyong sarili sa mga bagay na 'yon at hayaan mo ang mga bagay na magbabago nang natural. Gaya ng mga tao, 'di ba? Kahit anong pilit mong baguhin sila, kung ayaw nila, hindi sila magbabago. Kung gusto na nila, sila na ang gagawa ng paraan para magbago. Katulad ng ginawa ko ngayon, minomotivate kita, tinuturuan kita kung paano gawin 'to, paano gawin 'yan, pero kung ayaw mo, wala na akong magagawa. Sino ba naman ako para makialam sa buhay mo, 'di ba? 'Yan ang mindset ko e.

What I'm trying to say, as soon as you learn to loosen up, you will find that your stress levels get lower. Your brain won’t get overwhelmed by the amount of information it can compute. At lalong hindi mo masasayang ang oras mo sa pag-aalala sa mga bagay na hindi mo kayang baguhin. Kung kaya mo lang 'tong i-apply sa sarili mo, na ang kakayahan mo ay para sa 'yo lang, na wala kang kakayahan na kontrolin ang panlabas na bagay, mas gagaan ang pakiramdam mo.


NUMBER 2
MAGPOKUS KA SA KALAKASAN MO

Photo by Pixabay from Pexels


Alam kong may kahinaan tayong lahat. Pero 'wag na tayong magpokus do'n. Doon tayo magpokus sa positibong bahagi ng ating buhay. Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nag-aalala ang mga tao ay dahil sinusubukan nilang lutasin ang mga bagay na lampas sa kanilang kakayahan. Yun bang hindi na nila hawak ang sitwasyong 'yon, pinoproblema pa rin nila. Halimbawa may kamag-anak kang napakatoxic na, hindi mo kayang lutasin ang pag-uugali nila. Sila lang ang makakapag desisyon kung magbabago ba sila sa buhay nila. Kung sa palagay mo ay kontrolado mo ang sitwasyon, wala ng problema. Kasi hawak mo ang sitwasyon e. Paano ka pa mai-stress kung kontrolado mo ang isang bagay, 'di ba? Instead of forcing yourself to do something out of your reach, you should focus on the places where you can shine. Hindi ito simple pero kayang kaya mo.

Kailangan mong maunawaan na hindi lahat ng tao ay may partikular na tinatawag nating SKILL SET. Kahit anong pilit mo, hindi ka magiging perpekto sa ibang aspeto ng iyong buhay. Ang ilang mga tao ay likas na mahusay sa ilang mga bagay, pero kulang sila sa ibang mga departamento ng buhay. Madaling halimbawa, may taong bobo sa Math pero ang talino sa Science. 'Yan ang ibig kong sabihin na may parte ng ating buhay na mahina tayo. Pero hindi dapat tayo nagpopokus sa kahinaan natin. Kung hindi ka napo-promote sa trabaho mo, siguro nakikita ng boss mo na medyo kulang ka pagdating sa ganitong klaseng trabaho. Uulitin ko, hindi mo hawak ang ganitong sitwasyon. Hindi ka manager, at hindi ka makakapagpasya kung makukuha mo ang promosyon na 'yon o hindi. Ang magagawa mo lang ay magpokus ka na maganda pa rin ang takbo ng trabaho mo. Para maganda pa rin ang record mo sa kompanya.

Pwede mong trabahuhin ang anumang bagay. Pero ang desisyon ng boss mo, wala ka ng kinalaman do'n. Instead of worrying over the things that are not up to you, try to improve the areas you can improve. Focus on working on yourself and bettering yourself. Everything else is out of your control, and you should take it in stride. Switching your focus from trying to change externalities to better yourself will alleviate a lot of pressure. You will feel less stressed and in the long run, you will be happier.


NUMBER 3
KUMALMA KA LANG

Photo by S Migaj from Pexels


Alam kong mahirap, lalo na kung may gusto kang makuha sa lalong madaling panahon. Pero hindi ganyan kadali ang buhay. Hindi ito minamagic lang. Realidad ito. Grabe ang struggles na pagdadaanan natin bago natin makuha ang ating mga kagustuhan. Sa mga nakaka-stress na sitwasyon, halos mababaliw na tayo at hindi na tayo makakapag-isip ng maayos. Kapag nagsimula kang mag-alala at ma-stress, kailangan mong humanap ng paraan para mapakalma mo ang iyong sarili. Ang isa sa mga pinakamainam na paraan upang pakalmahin ang sarili mo ay bumuo ka ng mga AFFIRMATIONS. Alam mo ba kung ano ang AFFIRMATION?

Ang "affirmation" ay isang positibong pahayag o deklarasyon na ginagamit upang hikayatin, palakasin ang loob, o patibayin ang isang paniniwala o pananaw. Madalas itong ginagamit sa pagpapabuti ng sarili, sikolohiya, at espirituwalidad upang matulungan ang isipan na magbago, mapalakas ang tiwala sa sarili, at magkaroon ng positibong pag-iisip.

Halimbawa ng mga affirmation:

"Confident ako at makakaya ko 'to."

"Araw-araw, mas lumalakas ako at nagiging mas matalino."

" Magtatagumpay ako at sasaya."


Ginagamit ng maraming tao ang affirmations upang malabanan ang negatibong pag-iisip, maabot ang kanilang mga layunin, at magkaroon ng mas positibong pananaw sa buhay. Maaari itong bigkasin nang malakas, isulat, o ulit-ulitin sa isip bilang bahagi ng pang-araw-araw na gawain.

May ideya ka na ba? 'Yan yung mga salita na positibo lang. Kung binabangga ka ng mga negatibo, banggain mo rin ng positibong mga salita. Instead of stressing out about the worst outcomes, give yourself a pep talk and prepare for all situations. Halimbawa ito, nagho-host ka sa isang conference, siyempre natural na yung kaba. Kinakabahan ka lalo na kung bago ka pa lang. Ang kaba natin ay isang negatibong emosyon 'yan lalo na kung sobra na. Kaya matuto tayong pakalmahin ang ating sarili. Have quick little phrases that can perk you up when you’re overwhelmed. Sabihin mo sa sarili mo,

KAYA KO 'TO!

HANDA NA AKO!

MAGAGAWA KO 'TO!

All of these mantras are examples of things you can say. Having these affirmations can keep you mentally strong. Saying things like this aloud can help you combat self-doubt and avoid overthinking. Ulit-ulitin mo lang ang mga phrases na 'yan, isa 'yang tinatawag nating PSYCHOLOGICAL TRICK na makakatulong sa atin para kumalma tayo. Huminga ka ng malalim, i-voice out mo ang mga binaon mong AFFIRMATIONS at makikita mo na may positibong resulta ito sa buhay mo.


NUMBER 4
MAMUHAY KA LANG NGAYON

Photo by Casia Charlie from Pexels


Ano ang ibig kong sabihin? Bitawan mo na ang NAKARAAN mo at 'wag mo munang pangunahan ang KINABUKASAN mo. Magpokus ka lang sa NGAYON mo. Kasi 'yan ang napapansin ko sa mga tao. Naguguluhan sila at lalo silang nahihirapan kasi iniisip pa rin nila ang kanilang nakaraan na hindi naman mababago. People often get stuck in the past, playing certain events on repeat. For what? Hindi lamang ito nagdudulot ng pagkabalisa at stress, pag-aaksaya lang din ito ng oras na maaari mo sanang gugulin para sa KASALUKUYAN.

Walang namang masama kung nag-iisip ka pa rin sa nakaraan mo. Ang problema lang ay kung na-stuck up ka sa sitwasyong gusto mong baguhin. Wala ka namang patutunguhan sa pag-iisip ng ganyan. Walang silbi ang paggawa niyan dahil hindi mo na maibabalik ang lahat at hindi mo na masasabi ang gusto mo sanang sabihin noon, NGAYON. What you can do is reflect on that conversation with a different perception. Think about what you can do now or in the future instead of what you could have done.

Subukan mong limitahan ang oras na ginugugol mo sa pag-iisip tungkol sa nakaraan mo. While some reflection can be good but you should try to focus on what’s going on now. Ang iyong oras ay limitado lang, at dapat mong gugulin ito sa wais na paraan. When you take everything in stride to focus on the present, you will be less overwhelmed and less stressed.


NUMBER 5
HARAPIN MO ANG IYONG TAKOT

Photo by Mikael Blomkvist from Pexels


Oras na para harapin mo ang iyong kinakatakutan. Ang TAKOT kasi natin ang isa sa mga dahilan kung bakit tumataas ang stress levels natin. Ang takot na 'yan ang pumipigil sa 'yo. Takot ang utak mo kaya takot ka ring umaksyon. The only way to get that control back is to face your fears. Imbes na kaya nating gawin ang isang bagay, hindi natin magagawa kasi nauunahan tayo ng takot. Instead of beating yourself down for having those fears, try to solve the issue from the root. Facing your fears is not an easy task, but it is possible. Facing your fears can make you more anxious in the short term. But in the long term, it will give you the courage to take on everything you want to.


NUMBER 6
MAGTAKDA KA NG SCHEDULE
SA PAG-AALALA

Photo by cottonbro from Pexels


Kasi kung ikaw yung tipo na sobra kung mag-alala, idaan mo na lang sa schedule para hindi naman buong araw nag-aalala ka. Nakakapagod 'yon. At nakamamatay pa. Hindi ako nagbibiro. Sinasabi ko lang kung ano ang epekto nito sa ating katawan. Bigyan mo ang iyong sarili kahit kalahating oras lang para mag-alala sa mga bagay-bagay. At pag natapos na ang kalahating oras, tumigil ka na sa pag-aalala. Go back to the present moment, and try to stop overthinking.


NUMBER 7
MAGPATULONG KA NA

Photo by SHVETS production from Pexels


Kung umabot na sa punto na nahihirapan ka na, oras na para sumigaw ka ng tulong. Hindi masama 'yon. Hindi nakakahiya 'yon. 'Wag mong lunurin ang sarili mo sa kakaisip ng kung anu-ano. Sa dami ng pinagdadaanan mo, alam kong marami ka ng nagawa o natapos na ikaw lang mag-isa, pero may mga bagay kasi na sobrang bigat na sa atin. Taking on all this pressure alone can be very harmful. When it comes to something that you cannot change, it’s good to have a support system that can comfort you when you need it.

Kung na-stress ka na sa sitwasyon mo, pwede mong lapitan ang iyong pamilya at mga kaibigan mo. Kaya ka nilang pakalmahin. Kaya ka nilang pasayahin. Kaya nilang pagaanin ang mood mo. They can give you a second opinion, a different perspective on what happened, and can put your mind at ease. Kung wala kang tiwala sa mga kaibigan mo o sa pamilya mo, oras na para kumonsulta ka sa isang professional, gaya ng Psychologist. The simple act of talking to someone about what you’ve been through can significantly lower your stress levels.

Natural na katangian na natin 'tong mga tao na mag-alala sa sitwasyon natin. Ngunit kung sumobra naman ang pag-aalala ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng kontrol sa ating buhay. Mawawala tayo sa tamang landas. Uulitin ko, kailangan mong maunawaan na may ilang bagay na hindi mo mababago at hindi mo kailangang kontrolin. Focus on what you can change, focus on what you can control and focus on harnessing your abilities. Create specific guidelines like affirmations and stress management plans to help keep you grounded. Kung hindi pa rin gumana ang lahat ng ito, magpatulong ka na. Ito na ang huling solusyon. Pero alam kong gagana ito sa 'yo dahil itong mga hakbang na ito ay POSITIBO. At ang POSITIBO ang palaging mananaig. And also, your stress levels will be significantly lower, and you will be happier overall.




Comments

Popular posts from this blog

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

If You Want To Give Up, READ This by Brain Power 2177