7 SIGNS na Dapat mo ng BAGUHIN Ang Iyong Buhay By Brain Power 2177
Photo by Julian Jagtenberg from Pexels
Bago natin simulan ang topic natin, gusto ko lang malaman mo, kung hindi ka pa bumitaw sa nakaraan mo, kung hindi mo pa pinatawad ang sarili mo, kung hindi mo pa pinatawad ang buong sitwasyon, kung hindi mo pa tanggap na tapos na ang lahat ng nangyari, hinding hindi ka makakaabante.
Maraming tao ang takot sa pagbabago. Siguro dumadaloy na sa dugo natin ang ganitong istilo. Kapag may bagong paraan o bagong gagawin, madali tayong umayaw. Gusto natin doon tayo mananatili sa nakasanayan natin. Sobrang mahal natin ang ating comfort zone. However, only one thing is CONSTANT in life, and that is CHANGE. Kung tanggap mo ang katotohanang 'yan, nangangahulugan na ikaw ay nasa unang hakbang na sa pagbitaw sa nakaraan mo at matututo ka ng yakapin ang iyong kasalukuyan at mawawala na rin ang takot mo sa pagsalubong sa 'yong hinaharap.
Karamihan sa atin ay gustong mapabuti ang ating buhay. Ginagawa natin ang lahat para umayos ang buhay natin. Naghahanap tayo ng bagong trabaho, nakikipagsapalaran tayo sa ibang lugar, nakikipagkaibigan tayo, nagda-diet tayo, ang dami pang ibang bagay na gusto nating gawin para mapabuti ang ating buhay. Pero ang nakakatawa lang, karamihan sa atin, nasa isip natin ay nagnanais tayo ng pagbabago, ngunit kapag tayo ay nahaharap na sa pagbabago, umaayaw na tayo. Hindi natin maiintindihan, 'di ba? Halimbawa, nagsasawa ka na sa trabaho mo o di kaya'y toxic na ng boss mo, pero ayaw mo namang mag resign kasi takot kang mag-apply sa ibang kompanya dahil may panibago na namang adjustment. Kita mo 'yan, gusto nating magbago pero takot tayong harapin ang pagbabago. Humans are quite a PECULIAR SPECIES.
Gayunpaman, kung naghahangad ka ng pagbabago sa 'yong buhay, kailangan mo munang bitawan ang nakaraan mo upang masimulan mo ang iyong hinaharap. Sa videong ito, bibigyan kita ng ilang siguradong senyales na kailangan mo ng baguhin ang iyong buhay.
NUMBER 1
NAGSASAWA KA NA
Kung sa palagay mo ay nagsasawa ka na sa pabalik-balik na routine mo, 'yan na ang sign na baguhin mo na ang direksyon mo. Yun bang pakiramdam mo na parang patay ka na. Parang patay na ang passion mo. Senyales na 'yan. Siyempre hindi naman palaging smooth ang takbo ng buhay. Pero hindi rin ibig sabihin na palagi na lang pagsasawa ang nararamdaman mo. Kung hindi mo gusto ang buhay mo ngayon, magsimula ka ng panibagong buhay at subukan mong tahakin ang ibang landas. Hindi naman kita pinipilit na umalis ka na sa comfort zone mo, walang pumipilit sa 'yo, dahil alam ko naman na napakahirap pumunta sa bagong direksyon. Ang dami mo pang kailangang aralin. Kaya hindi kita pipilitin. Ikaw lamang ang makakapag-desisyon niyan. Ikaw lamang ang makakapagpasaya sa 'yong sarili, kaya't 'wag kang sumuko sa paghahangad ng kagalakan. Your life is worth living to the fullest, whatever that might mean to you.
Walang masama kung magbabago ka o may babaguhin ka. Ayos lang 'yon. Everybody talks about “LOVING WHAT YOU DO” at sigurado ako na nakikita mo na ang quote na ito kahit saan,
“DO WHAT YOU LOVE, LOVE WHAT YOU DO”
While that’s a great message, your life has to be MORE than that. There has to be a DRIVE and a PASSION to fuel yourself. Kasi kung kulang ka ng drive, kung kulang ka ng passion, matataob ka sa mga pagsubok sa buhay. I want you to think more about what you are passionate about. I am passionate about running a business, creating YouTube videos, and writing motivational articles. How about you? What are you passionate about? Ano ba ang kinahihiligan mo? Sa anong bagay ka nahuhumaling?
Maraming tao ang pumili lang ng isang landas at dumikit na sila do'n. Pero hindi ko naman sinasabi na hindi na sila masaya sa pinili nila. Masaya naman sila kahit matagal na sila sa kanilang trabaho, masaya sila na sabay silang tumatanda sa kasamahan nila, wala namang problema kung 'yan ang nagpapasaya sa 'yo. But I know that you want MORE from you, I want more from myself, and I want you to want more for yourself. Kasi alam kung may potensyal ka pang nakatago e. Hindi lang hanggang ganyan ang makakaya mo. May maibubuga ka pa. Paano mo maibubuga 'yon kung parehong routine lang ang ginawa mo? How boring might it be to look back on life in another 40 years and regret not taking chances or seeing where that creative idea could have gone, right? Shifting your area of focus in a career or learning how to do things differently can have huge benefits to your own personal goals as well as your mental health. 'Wag kang matakot na may magsasabi sa 'yo na nagbabago ka na, oo tama sila, nagbabago ka dahil para ito sa ikakaunlad mo. Don't let them control HOW YOU LIVE. Kung gusto mo ng umalis sa trabaho mo tapos pipigilan ka ng boss mo, just leave. Kung matagal ka na sa trabaho mo tapos walang nangyayaring pagbabago sa buhay mo, bakit ka pa magpapapigil? You control your OWN life.
NUMBER 2
AYAW MO NG MAKIHALUBILO
SA MGA TAO
Isa ito sa mga senyales na kailangan mo ng baguhin ang sarili mo. Everyone needs social connections to survive and thrive. Pero hindi ko naman sinasabi na hindi masaya mag-isa. Depende kasi ito sa tao. Kung mahilig kang mag-isa, siyempre masaya ka. Kumusta naman yung mga tao na nalulungkot kapag walang kausap? Kung ikaw yung tao na hindi sanay mag-isa, siyempre madali kang matatamaan ng pagkalumbay. Kung pagod ka ng makihalubilo sa mga tao, siguro nawala na ang tiwala mo. Pero gusto kong malaman mo, hindi lahat ng tao ay pareho. Kung ginagago ka ng isa, may tao rin namang tapat. Hindi lahat ng tao ay mapanakit, mapanira, mapanghusga. May mga positibo ring tao sa mundo. Just open your heart, so you can see the loving people.
Kahit sabihin na nating introvert ka, kailangan mo pa rin ng social interaction. Nilalang tayo para makipag-ugnayan sa isa't-isa. Hindi para magtago. Kung patuloy mong hiniwalay ang iyong sarili mula sa mga tao, siguro may iniiwasan ka lang. Sabi ko nga kanina, siguro ay umiiwas ka lang dahil wala ka ng tiwala sa mga tao. Pero dapat kilalanin mo muna kung sino ang mga taong 'yon. Masaya naman mag-isa kasi isa na ako sa mga taong mahilig mapag-isa. Ang ibig kong sabihin sa gusto kong mapag-isa, 'yon yung mga oras na ibinigay ko para sa sarili ko naman. Isolating yourself might feel easier, but it definitely will hinder your opportunities in life and make you feel depressed due to lack of interaction and stimulation from others. Kaya dapat balanse lang sa oras. Hindi pwedeng ikulong mo na ang sarili mo. Nasa labas ka nga pero parang nakakulong ang iyong damdamin. Uulitin ko, hindi kita pinipilit. Para lang ito sa mga taong gustong makipag-konekta sa iba pero takot o hiya ang nakabara. Gusto kong mabago na 'yan.
NUMBER 3
PAGOD KA NA
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
Kapag nakakaramdam ka na ng pagod sa mga pinagagawa mo, ibig sabihin na hindi mo na mahal ang ginagawa mo. Natural lang naman mapagod, ang ibig kong sabihin ay yung palagi ka ng pagod kahit wala ka namang ginagawa. Everyone gets to a point where exhaustion takes over the will to live. But since a lot of people don’t openly accept this part of their life, others feel like they’re the only ones who are going through a constant low. Kailangan mong suriing mabuti kung pagod na pagod ka na ba o pagod ka lang sa araw na ito? Madali lang malaman kung pagod na pagod ka na kasi hindi ka na interasado sa mga gawain mo. Parang nararamdaman mo na wala ng kabuluhan ang lahat. Hindi ka na excited sa mga bagay na kinahihiligan mo dati. Para bang bigat na lang ang nararamdaman mo. Kung 'yan ang nararamdaman mo, ibig sabihin pagod na pagod ka na talaga at kailangan mong baguhin ang takbo ng iyong buhay.
Ang gawin mo lang ay isipin mo kung ano ang gusto mong buhay. Alam ko namang may gusto kang gawing kakaiba. Give yourself time to figure out the aspects of life that come to your mind when you think about the ‘ideal’ lifestyle. Kasi isipin mo, hindi ka naman ipinanganak na pagod na kaagad, 'di ba? Napakasaya mo noon hanggang sa dumating ang panahon na nawawala na ang pagkasabik. Isipin mo ang mga bagay na nakakapagpasaya sa 'yo. Think of the times when you lived your life to the fullest. Think about the hobbies and activities you had at this time. Siguro napapagod ka dahil may nawala sa buhay mo. Kung tao man 'yang nawala, hindi mo kasalanan 'yon. Siya ang pumili na bumitaw. Hindi mo makokontrol ang mga sitwasyong 'yan. Kung napapagod ka na sa buhay, hindi mo dapat ito binalewala. Pay attention to your mental health, work hard for your happiness, and stay enthusiastic about the life that you’ve been gifted!
NUMBER 4
WALA NG PAGLILIBANG
Photo by Andrew Neel from Pexels
Yun bang kain-tulog-trabaho na lang ang routine mo, wala ng oras para sa katuwaan. Kung 'yan na ang buhay mo, baguhin mo na. Hindi porket adulto ka na ay hindi ka na rin pwedeng maglibang. Fun and play should not end in childhood. Adults can play, and should play, and have fun. In fact, there are studies that show the many benefits of playing for adults, which include increased CREATIVITY, PRODUCTIVITY, and FEELINGS OF WELL-BEING. Hindi ko sinasabi na laruin mo ang mga larong pambata. Ibig kong sabihin ay may maraming laro na pwedeng pwede sa edad natin. Decide what FUN means for you. Para sa akin naman, ang katuwaan ko ay maglaro ng puzzle sa phone ko, may oras din na maglakad-lakad ako o tumambay sa tabi ng dagat. Simple lang ang katuwaan ko sa buhay pero may kabuluhan. Nakakagaan ng damdamin.
NUMBER 5
NAGTATAGO KA NA
Photo by Noelle Otto from Pexels
Ang ibig kong sabihin ay itinatago mo ang tunay mong pagkatao. Oras na para magbago. Wala kang dapat itago. Wala kang dapat ikahiya. 'Wag mong pekein ang sarili mo para lang matanggap ka. Oo minahal ka nga nila, pero ang pekeng pagkatao mo naman. Paano kung ilabas mo ang totoo mong kulay, lahat sila ay mabibigla. Kaya ngayon pa lang, lumabas ka sa lungga mo. Give yourself permission to be authentic. Harapin mo ang takot ng panghuhusga. Para kang masasakal kung hindi mo nailabas ang pagkatao mo. Ito ang sabi ni Lao Tzu na inilapat ko sa aking buhay,
BE SIMPLY YOURSELF AND DON'T COMPARE
OR DON'T COMPETE
Maging tapat ka sa sarili mo. Oo maloloko mo ang iba, pero ang mas masakit, yung niloloko mo mismo ang sarili mo. Integrity is really just being truthful about who you are. You are doing yourself and others a disservice by catering your actions towards how you think others will react. Instead, just be yourself, exactly as you are.
NUMBER 6
WALA NG SAYSAY ANG RELASYON
Photo by Pavel Danilyuk from Pexels
Kung hindi ka na masaya sa relasyon mo, senyales na 'yan para magbago. Hindi ibig sabihin na basta SAYA na lang ang usapan. Ibig kong sabihin kung may halo ng pang-aabuso. Verbal abuse man or physical abuse. Kung hindi naman gano'n ang sitwasyon, kung hindi ka lang talaga masaya, 'wag kang mag-alala. Ibig sabihin na may nagbago sa 'yo o nagbago ang partner mo. People change, including you. Sometimes, the best way to figure out why you’re not happy in a relationship is to think about what you want. It means taking some time to really talk to yourself, and understand why you’re feeling the way you’re feeling.
“Kailan ba ako nakadama ng ganito?”
“May nagbago ba sa akin?”
Yes, it’s scary and awkward and uncomfortable. But talking to your partner can also be a really, really useful way of getting to the bottom of what’s going on and figuring out if you can fix it together.
NUMBER 7
NABABAGOT KA NA SA BUHAY
Photo by Andres Ayrton from Pexels
Ito yung pakiramdam na paggising mo pa lang sa umaga, wala kang nararamdamang positibo. Para bang walang direksyon ang buhay mo. Kung 'yan ang nararamdaman mo ngayon, senyales na 'yan na dapat mo ng baguhin ang buhay mo. Pero hindi ito depresyon, okay? Pero minsan parang gano'n na nga. I'm not a doctor, but it’s important for you to pay attention to what might be going on under the facade. Ano ang maaari mong gawin? Simple lang. TAKE RESPONSIBILITY. Taking responsibility is the most powerful attribute we can possess in life. Because the reality is that YOU are ultimately responsible for everything that happens in your life, including for your happiness and unhappiness, successes and failures, and for the feelings of boredom that you currently have. You can transform your own life by taking complete ownership of it.
Alagaan mo ang iyong mental at pisikal na kalusugan. Kapag binalewala mo ang 7 senyales na ito, hahantong ito sa depresyon. Kung nakapag desisyon ka ng magbago, dahan-dahan lang. Di baleng mabagal basta't inumpisahan mo lang. Don’t keep doing the same old things and expect life to change. You need to shake things up to make life interesting. If you hide away from the world, you will miss out on all that is bright and beautiful and wonderful.
Comments
Post a Comment