5 Hakbang Upang Gumaan Ang Iyong Pakiramdam By By Brain Power 2177
Photo by Darwis Alwan from Pexels
Ito na ang tamang panahon na kailangan mong malaman kung paano bawasan ang negatibong emosyon at negatibong pag-iisip. Bakit sinabi kong bawasan? Kasi hindi naman totally mawawala ang negatibong pag-iisip natin kasi hindi naman tayo perpekto. Kung maaari, bawasan natin ito. Dahil 'yang negatibo na 'yan ang pumipigil sa 'yo na makaabante. Naiintindihan kita, may mga negatibong sitwasyon na mahirap tanggalin sa buhay natin kaya ang negatibong emosyon at negatibong pag-iisip ay nakadikit pa rin sa atin. Kapag negatibo ka sa buhay, halos hindi mo rin makokontrol ang iyong puso at isipan. Minsan nawawalan ka ng interes sa pagkamit ng iyong mga layunin, at ang negativity na bitbit mo pa rin hanggang ngayon ay makakasira ng mood mo. Hindi ka magiging masaya kung nakatira pa rin ito sa kalooban mo. Kaya ngayon pa lang, tanggalin mo na ito.
May mga panahon din na nawalan ka ng tiwala sa mga taong nasa paligid mo na pinapahalagahan at minamahal mo. Dahil sa negatibong nararamdaman mo, parang nilalayo mo ang iyong sarili sa tunay na buhay. Naiisip mo na lang palagi na ang buhay ay puno lang ng mga paghihirap at pagdadalamhati. Wala ka ng nakikitang positive side ng buhay. Kaya higit mong pinanghahawakan ang mga negatibong emosyon. Alam ko ang pakiramdam mo. Nagdaan na rin ako sa ganitong sitwasyon na para bang walang kwentang mabuhay. Pero mali pala ako. Dahil napakasarap palang mabuhay. Siguro halos lahat tayo ay nakakaramdam na nito. Sabi ko nga kanina, hindi naman totally mawawala ang negatibong emosyon sa ating buhay kasi ito'y bahagi na rin ng ating buhay. Bilang hamon na rin ito para sa atin. Hindi man ito ganap na mawawala pero mababawasan natin. Who can heal you will always be you in the first place. Oo IKAW lang ang may kakayahang magtanggal ng negatibo sa loob mo. Nagbibigay lang ako ng mga hakbang kung paano mo gawin pero sa huli ikaw lang ang gagawa niyan. Samakatuwid, kailangan mong matutunan kung paano baguhin ang takbo ng iyong isipan at kung paano baguhin ang takbo ng iyong emosyon upang mapalaya mo na ang iyong sarili na matagal ng nakakulong mula sa negativity. Narito ang 5 HAKBANG upang matulungan kang palayain ang mga negatibong emosyon at negatibong pag-iisip mo.
NUMBER 1
'WAG MONG BALEWALAIN
ANG IYONG EMOSYON
Lahat tayo ay may emosyon. Bahagi na ito ng ating pagkatao. Pero bakit may mga tao na pilit pa ring tinatago ang kanilang emosyon? Siguro dahil nasasanay na tayo sa standard ng lipunan. Kapag nag-eexpress ka ng emosyon mo, markado ka na isa kang mahinang tao. Kaya binalewala na lang natin ang ating emosyon. Kinikimkim na lang natin. Umaasta tayo na parang wala lang. Ang pagkaintindi kasi natin sa emosyon ay isang problema. Pero hindi natin alam na tayo pala ang problema. Kasi tayo ang may kakayahang kontrolin ang ating emosyon. Makinig ka ng mabuti, mayroon tayong emosyon pero hindi tayo ang emosyon. Uulitin ko, mayroon tayong emosyon pero hindi tayo ang emosyon. Ano ang mangyayari sa mga emosyon na pinigilan? Kapag binalewala mo o iniiwasan mo o kinikimkim mo ang iyong emosyon, ang enerhiya ng emosyong 'yon ay mananatili sa katawan mo. Ito ang dahilan kung bakit negatibo ang pananaw mo sa buhay. Kasi ang negatibong emosyon ay hindi mo pinalabas. Kung damhin natin ito, tanggapin natin kahit kalungkutan pa 'yan, gagaan ang puso natin. Umupo ka saglit, kahit 15 minuto lang. Damhin mo ang iyong nararamdaman. Ano ba ang nararamdaman mo? Masaya ka ba? Malungkot? Galit? Takot? Kapag alam mo na kung ano ang nararamdaman mo, ilabas mo ito. Paano mo ito mailalabas? Maraming paraan. Pwede mong isulat. Pwede mong isayaw. Pwede kang makinig ng musika, pamparelax ng puso at isipan. Pwede kang maglakad-lakad. Pwede kang umiyak kung sakit ang nararamdaman mo. Marami kang pwedeng gawin depende 'yan kung saan ka mas hiyang. Kasi ako, kapag malungkot ako, gagaan ang pakiramdam ko kung maglakad-lakad ako habang naka-on ang headset nakikinig ng meditation music. Tandaan mo, 'wag mong kimkimin ang negatibong emosyon. 'Wag mong hayaan na ang emosyon mo ang magkokontrol sa 'yo. Hindi ko naman sinasabi na dapat pinpwersa mo na itigil ang iyong emosyon, ang sabi ko ay ipahayag mo. Magkaiba 'yon. Hindi porket negatibo ang emosyon ay wala na itong silbi sa ating buhay. Sabihin na nating galit ka o nababalisa ka, oo medyo nakakapinsala sa ating mentalidad pero may pakinabang rin naman. Maa-alerto tayo kung may mga sitwasyon na kailangang aksyonan. Pero kapag sumobra naman, kapag hindi mo na ito makokontrol, magdudulot ito ng stress. Remind yourself that it is safe to feel. 'Wag kang magalit sa sarili mo, 'wag mong sisihin ang sarili mo kung bakit madali kang maaapektuhan sa mga bagay-bagay. Tandaan mo na ikaw ay tao na nangangailangan ng emosyon para mabuhay ng maayos. Kasi kung wala kang emosyon, maayos ba ang buhay mo? Walang lasa ang buhay. Pangit mamuhay kapag walang sangkap, 'di ba? I want you to remember that emotions are not permanent. Minsan masaya, minsan malungkot na naman. Learning how to feel your feelings takes practice. Be patient with yourself.
NUMBER 2
SANAYIN MO ANG IYONG ISIPAN
Ang iyong isip at puso ay konektado. Kung ano ang laman ng isipan mo, ang puso ay apektado. Kung negatibo ang iniisip mo, negatibo rin ang mararamdaman mo. Ang lahat ay nagsisimula sa isipan. When you repeat negative thoughts or a bad experience over and over in your mind, you begin to lose sight of the positive things around you. Kung may naiisip ka na magpapababa ng mood mo, ibahin mo kaagad. Ibaling mo ang iyong isipan sa pag-iisip ng mga bagay na makakapagpasaya sa 'yo. Alam kong hindi ito madali kaya nga ang sabi ko ay SANAYIN mo. Always focus on the big picture in life. Goal setting is one way to do this. Move on and realize that you have the power to change and do better. Oo magkakamali ka pero hindi ito sapat na dahilan para mag-isip ka ng negatibo. Tanggapin mo na may kahinaan ka rin. Tao ka lang. Walang perpektong tao. Learn to be okay with navigating the gray areas of life. Remember to be flexible. Sabihin mo ito sa sarili mo,
“Malungkot man ako ngayon pero malalampasan ko 'to.”
Madali kasing ma-proseso ang pangyayari sa kalooban natin kung tanggap natin na bahagi na ito ng ating buhay. Sanayin mo ang iyong isipan na maging matatag sa oras ng kahinaan. Palagi mong tandaan na lahat ng nangyayari ay pansamantala lang. Hindi ito magpakailanman. Kung malungkot ka ngayon, kung may galit ka, darating ang araw na kalmado na ulit ang isipan mo. Magbabago ang takbo ng sitwasyon kung sanayin mo lang ang iyong isip. Don't take things too personally. This is unhealthy thinking because these thoughts cause you to blame yourself for things that have nothing to do with you.
THIS TOO SHALL PASS
is a phrase that I think of whenever I encounter negative feelings when things don’t go according to plan. This phrase reminds me that there is a season for everything, and everything will eventually pass. Kung mabigat ang pakiramdam ko ngayon, iniisip ko lang, NGAYON lang ito. LILIPAS din ito. Ganito ako magpakalma sa sarili ko. Kaya 'wag mong kalimutan na magbabago ang lahat ng bagay, magbabago ang lahat ng konklusyon tungkol sa mga bagay at magbabago rin ang resulta. There are always unknown variations.
NUMBER 3
'WAG MONG HANAPIN
ANG KALIGAYAHAN SA LABAS
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
Kung gusto mong mawala ang negatibong emosyon at negatibong pag-iisip mo, palitan mo ng kaligayahan. Nasa loob mo na ang kaligayahan. Wala sa labas. Hindi mo lang nakikita kasi nababalot ito ng kadiliman, nandito ang negatibong emosyon at negatibong pag-iisip, may takot rin, pagkabahala at pagkabalisa. Lahat tayo gustong lumigaya. Pero mali ang itinuturo ng lipunan sa atin. Sabi nila, magiging maligaya lang daw tayo kapag may marami tayong kaibigan, kapag mayaman na tayo, may maganda tayong trabaho. Oo masaya naman tayo sa mga bagay na 'yan. Pero pansamantala lang 'yan. Hindi 'yan magtatagal. Instead of trying to find happiness from outer circumstances, we should look inside ourselves. Alam ko na ang pinagsasabi ko dito ay hindi madaling gawin. Ganito rin ako noong una. Ang dami kong libro na binabasa tungkol sa kaligayahan, hindi ako naniniwala noong una. Pero noong ina-apply ko na sa sarili ko, nasabi ko na tama pala ang sinasabi ng mga manunulat. When understood and applied in the right way, it can lead you to a happy and content life. Positive thinking can help to create our happiness.
NUMBER 4
MAGPASALAMAT KA ARAW-ARAW
Photo by juan mendez from Pexels
Notice the GOOD THINGS in your life and identify the things you are grateful for. Imposible naman kung walang mga kasiya-siyang bagay ang nangyari sa 'yo, 'di ba? Sino ba ang pasasalamatan mo? Siyempre ang Diyos. Always thank God for everything you are living and will be living. Remember this
THANKING GOD IN EVERYTHING, WILL GET YOU THROUGH ANYTHING
The reason why I want you to remember that phrase is because I want you to remember to focus on God and not your circumstances. Basahin natin ang Santiago 1:2-4,
“Mga kapatid ko, ituring ninyong malaking kagalakan
kapag dumaranas kayo ng iba’t ibang pagsubok,
dahil alam ninyo na kapag nasubok sa ganitong paraan
ang pananampalataya ninyo, magbubunga ito ng pagtitiis.
Pero hayaang gawin ng pagtitiis ang layunin nito,
para kayo ay maging ganap at malusog sa lahat ng aspekto
at hindi nagkukulang ng anuman.”
You see, if joy comes only in perfect circumstances, we are in trouble, we're doomed to a life without joy. 'Yang mga kaligayahan na nakikita natin sa social media, hindi naman palagi silang masaya e. Hindi natin alam ang kanilang sitwasyon sa likod ng camera. Kaya 'wag kang maniwala na may mga taong walang problema. Lahat tayo ay may problema. The good news is God wants to bring joy into our lives regardless of circumstances and His joy is a source of strength. Basahin natin ang Nehemias 8:10,
“Huwag kayong malungkot,
dahil ang kagalakang nagmumula sa Diyos ang inyong lakas.”
Kung magpapaapekto ka sa mga pangyayari, siguradong mawawala ang iyong kagalakan. Kung hindi ka na nagagalak, siguradong manghihina ka. Kung mahina ka na, mawawalan ka ng kakayahang lumaban at kung hindi ka na lalaban, talo ka. Therefore it’s important to guard your joy regardless of circumstances. The more you understand joy the more you will live in the strength of our God. It’s a blessing you need to cherish and work on growing it. You will be able to see happiness in the little things you ignored before, and your heart will be filled with kindness and warmth again. It’s a great way to end your emotional negativity. Gusto kong hikayatin ka, magpatuloy ka sa pagsulong. Darating ang mga bagay na walang kaseguruhan. Minsan mabibigo ka sa mga bagay na inaakala mong makakamit mo na. Mararamdaman mo ang bigat ng pagkabigo ngunit, patuloy ka lang na sumulong. Palagi kang gagabayan ng Diyos. Pwede kang tumawag sa Kanya at magtiwala ka sa Kanya na Siya ay tutulong sa 'yong paglalakbay tungo sa tagumpay.
NUMBER 5
'WAG KANG UMASA
NA MAGING PERPEKTO ANG LAHAT
Photo by Matheus Bertelli from Pexels
Hindi magiging perpekto ang sitwasyon. Lalo ka na. You don’t need to be perfect to live the kind of life you came here to live. You just need to be honest with yourself about what matters to you and then build the courage to create your life from that passionate base. Hindi mo na kailangan na maging perpekto para mahalin mo ang iyong sarili. May kalakasan ka at may kahinaan ka rin. That's what life is all about. It’s not about being without fault or failure, but how you rise and keep going anyway that leaves a positive impact on the world around you. Ganyan ang realidad. Minsan umuulan, minsan umaaraw. Regalo ng Diyos ang buhay, kahit ang dami mang nakakabaliw na sitwasyon na nangyayari sa atin. Life is perfectly imperfect, no matter what happens, because life is LIFE. It’s incredible that we’re here at all. We get sucked into perfection for one very simple reason: We believe perfection will protect us. Perfectionism is the belief that if we live perfect, look perfect, and act perfect, we can minimize or avoid the pain of blame, judgment, and shame. We all need to feel worthy of love and belonging, and our worthiness is on the line when we feel like we are never good enough. Paano ka maging masaya, paano matanggal ang negatibo sa loob mo kung naghahangad ka ng ILUSYON? If we want to live and love with our whole hearts and engage in the world from a place of worthiness, our first step is practicing the courage it takes to own our stories and tell the truth about who we are. It doesn't get braver than that.
Comments
Post a Comment