10 Bagay na Dapat Mong Gawin Upang Mabawasan Ang Negatibong Pag-iisip By Brain Power 2177


Photo by Alexandr Podvalny from Pexels


Unang-una, gusto kong sabihin sa 'yo na hindi mo dapat ikinakahiya ang iyong sarili, hindi mo dapat ikinakahiya ang tunay mong pagkatao. Dapat proud ka kung sino ka at 'wag mo ng pansinin kung ano ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa 'yo. Ang rason kung bakit sinasabi ko 'to sa 'yo, dahil ito ang PINAKAUNANG HAKBANG para maging positibo ang buhay mo.

Ang lipunan natin ngayon ay napakakritikal na, bakit? Ang buhay natin ay madalas sinusukat o ikinokompara sa PAMANTAYAN ng lipunan. Para bang wala na tayong sariling pamantayan. Kaya tayo rin ay nahihiya kung ano ang buhay natin, kung ano ang pamumuhay natin, kung ano ang ginagawa natin sa buhay. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo'y nagtatago sa likod ng maskara. Marami tayong tinatago. Tingnan mo ang mundo, napakataas ng standards. Sa totoo lang, hindi mo dapat ikahiya ang iyong buhay, kahit mahirap ka, kahit hindi mamahalin ang suot mo, kahit hindi ka pa nakakakain sa mamahaling restaurant, hindi mo dapat ikahiya 'yon. Hindi ka dapat mahiya kung ano ang trabaho mo, kahit mababa ang posisyon mo sa kompanya, kahit kargador ka, kahit mangingisda ka, kahit magsasaka ka, kahit ano pa ang trabaho mo, ang trabahong 'yan ay hindi trabaho LANG, 'wag mong sabihin na ganyan LANG ang trabaho mo, no, stop saying that, napakarangal ng trabahong 'yan. Hindi mo dapat ikahiya 'yon. Hindi mo dapat ikahiya kung maliit ang bahay mo o kung sino ang kasama mo sa bahay. Tandaan mo ito, ang pinakamahalagang bahagi ng buhay ay ang paglikha ng kaligayahan sa 'yong sariling buhay pati na rin sa buhay ng ibang tao. Pasayahin mo ang sarili mo, pasayahin mo ang iba, 'yan lang. Hindi mo dapat tinatago ang tunay mong pagkatao dahil lang natatakot ka o nahihiya ka na may magsabi sa 'yo na ang cheap mong tao o baka pagtawanan ka nila. Hindi mo dapat gawin 'yon. BUHAY mo 'to at wala na silang pakialam do'n. Kaya heto na ang 10 BAGAY na dapat mong gawin para gumaan ang buhay mo.


NUMBER 1
ALAGAAN MO ANG IYONG SARILI

Photo by Andre Furtado from Pexels


Sa sobrang kabaitan mo, palagi mong inuuna ang iba, wala namang masama do'n, pero magtira ka rin ng pagmamahal sa sarili mo. Alagaan mo ang iyong sarili. Tandaan mo, sa kahuli-hulihan, sarili mo lang ang iyong kakampi. Maniwala ka man o hindi, mahirap makatagpo ng mga taong aakay sa 'yo kung naghihirap ka na. Sobrang busy mo na sa buhay, busy sa pag-aalala sa ibang tao, lalo na sa pamilya, kung abroad ka, palagi mo silang iniisip, pinapadalhan mo sila ng pera o mga bagay habang ikaw ay nagpapakapagod. Kahit hindi ka abroad, tumutulong ka pa rin sa mga magulang mo, may iba pinapaaral nila ang kanilang mga kapatid. Uulitin ko, walang masama sa mga ginagawa mo, kabutihan ang ipinapakita mo pero ang tanong ko sa 'yo, kumusta ka? Kahit hindi mo sagutin, alam ko, ramdam ko, na pagod na pagod ka na. Alam mo ba kung bakit napapagod ka na? Nakalimutan mo na kasi ang importanteng tao sa mundo, IKAW 'yon. Wala ka ng oras para magsaya. Wala ka ng oras para gawin ang gusto mo sa buhay. Wala ka ng oras para makapag-isip ng maayos. Wala ka ng oras para sa sarili mo. Paano gagaan ang buhay mo, paano ka sasaya, paano maging positibo ang buhay mo, kung napapabayaan mo na ang sarili mo? Pag-isipan mo 'yan ng mabuti.


NUMBER 2
ILABAS MO ANG IYONG NARARAMDAMAN

Photo by Karolina Grabowska from Pexels


'Yan ang pinakamainam gawin. 'Wag mong kimkimin ang iyong nararamdaman. Malungkot ka ba ngayon? Galit ka ba? Nagdadalamhati ka ba? Naiirita ka ba? Anuman ang nararamdaman mo, 'wag kang mahiya na ipahayag ito. Suppressing your emotions, whether it’s anger, sadness, grief or frustration, can lead to physical stress on your body. Alam kong ayaw mong mangyari 'yon, 'di ba? Kaya matuto kang magpahayag ng iyong nararamdaman. Kasi kung patuloy mong kinimkim ang negatibong emosyon mo na 'yan, ikaw ang lalamunin nito. Hindi ka magiging masaya sa buhay. Ang mabisang paraan para mailabas mo ang iyong negatibong nararamdaman ay makipag-usap ka sa isang taong mapagkakatiwalaan mo. Kung may problema ka sa asawa mo, makipag-usap ka sa asawa mo. Kung may problema ka sa katrabaho mo, mag-usap kayong dalawa. Kung may iba ka pang problema, tawagan mo ang mga kaibigan mo o pamilya mo. Kasi minsan, kausap lang naman ang kailangan natin e. Gusto lang natin na may makikinig sa atin. Gusto natin na may malabasan ng ating mga problema.


NUMBER 3
SUMAMA KA SA MGA POSITIBONG TAO

Photo by Helena Lopes from Pexels


Kung may negatibong tao, may positibong tao rin naman. The only thing that will change your life, is that you must raise your standards. Tanggalin mo ang mga taong humihila sa buhay mo. Those you spend the most time with have a huge influence on your moods, have a huge influence on how you view the world and the expectations you have of yourself. Maraming magbabagong maganda kung positibong tao ang kasama mo. Magbabago ang iyong ugali. Tataas ang kompiyansa mo. At mas lalong hindi ka na magrereklamo sa buhay dahil positibo na ang pananaw mo. Isa 'yan sa mga matutunan mo sa mga taong positibo. In other words, you get to decide who you let into your life and who you spend most of your time with.


NUMBER 4
MAHALIN MO ANG IYONG TRABAHO

Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Kahit hindi 'yan ang trabahong pinangarap mo, mahalin mo pa rin. Dahil 'yang trabahong 'yan ang bumubuhay sa 'yo. Sa panahon kasi ngayon, pataasan ng sweldo ang labanan. Kaya nahihiya ka na rin sa kinikita mo. Nahihiya ka dahil ang taas ng kurso mo tapos napunta ka lang sa mababang posisyon. Hindi dapat gano'n ang pananaw mo. Wala na silang pakialam kung saan ka napunta, kung anong ginawa mo sa buhay, basta't hindi lang masama, hindi ka lang nakakaabala sa ibang tao, ayos na 'yon. Marami na ngayon ang mga taong nandidikta sa buhay mo. Pati trabaho mo pinapakialaman. Mababa ang tingin nila sa 'yo kapag mataas ang kurso mo tapos mababang klase ang trabaho mo. Lalo kang madi-discourage sa buhay. Pero 'wag mo ng alalahanin 'yon, magpokus ka lang kung ano ang nagpapasaya sa 'yo. Hindi ka dapat magpapaapekto sa mga pinagsasabi nila. Hindi naman sila ang nagbabayad ng mga bills mo e. Hindi sila nakakatulong.


NUMBER 5
MATUTO KANG MAGPATAWAD

Photo by Anna Shvets from Pexels


Siguradong gagaan ang buhay mo, kung magpapatawad ka. Kapag may poot na nakatago sa dibdib mo, nakakasira 'yan ng iyong kalusugan. 'Wag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan. Ang mga bagay ay nangyari na. Kahit anong gawin mo, hindi mo na mababalikan ang pangyayari. Kaya ang tanging gawin mo lang ay tanggapin ito at magpatawad ka. 'Wag kang mahiya na magpatawad. Hindi ka mahinang nilalang. Forgiving is important to move forward in life. Ito ang tanging paraan para mapalaya mo ang iyong sarili. Masarap pakinggan ang salitang MALAYA, 'di ba? Bitawan mo na ang poot at galit diyan sa puso mo para gumaan na ang pakiramdam mo.


NUMBER 6
'WAG KANG MAWALAN NG PAG-ASA

Photo by RODNAE Productions from Pexels


Kailangan mong magtiwala na makakaya mo ang lahat ng pagsubok. 'Wag kang mawalan ng pag-asa. May liwanag sa dulo ng lagusan. May mga rason kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa 'yo. Kung hindi mo man nakikita ang liwanag, ibig sabihin na wala kang liwanag sa puso mo. Kailangan mo munang magtiwala na makakaya mo. Mawawala ang pag-asa natin kung wala tayong tiwala sa sarili nating kakayahan. So start believing in yourself. Learn to forgive yourself. And come off as a better person in these worse situations. Circumstances change and you should not allow them to overrule your thoughts. Having hope gives you the courage to think that things would get better with time despite the odds being not in your favor; hope is the only thing that keeps you moving forward, it gives you the strength and ability to bounce back from whatever the obstacles you are going through.


NUMBER 7
MAGPOKUS KA LANG SA POSITIBO

Photo by Binti Malu from Pexels


Hindi sa lahat ng araw ay smooth lang ang daloy ng buhay. May mga araw din na medyo lumubog ng kaunti ang mood natin pero hindi natin hahayaan ito na bumagsak tayo sa buhay. Kung ang positibong pangyayari ay lumilipas, lalo na ang negatibo. Walang mananatiling pareho sa mundo. Hindi natin mahuhulaan kung kailan darating ang masamang panahon, kaya't 'wag nating pangunahan. Hulaan mo man o hindi, may mangyayari talaga sa buhay natin na hindi natin magugustuhan. But thinking positive throughout those bad days will make you more resilient next time you’re challenged with one. Look at the situation realistically, search for ways that you can improve the situation, and try to learn from your experiences. Positive thinking is good for your body, mind and overall health.


NUMBER 8
MAGPAKATOTOO KA

Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


'Wag mong itago ang tunay mong pagkatao. Sabi ko nga kanina, 'wag mong ikahiya kung sino ka. Ito ang isa sa mga pinagsisisihan ng mga tao. Umabot na sila sa taon kung saan napagtanto nila na hindi nila ginawa ang tunay nilang kagustuhan dahil lang sa kakasunod nila sa idinidikta ng kanilang mga magulang o ibang tao. May malaking inaasahan ang mga tao sa atin. Minsan ang inaasahan nila ay hindi natin gusto. Napipilitan lang tayong gumawa sa mga bagay na 'yon kasi natatakot tayong suwayin ang kanilang gusto para sa atin. Kamusta naman ang sarili mong desisyon? May sarili kang kagustuhan, 'di ba? May sarili kang pangarap. Embracing your unique self and loving that self is one of the most courageous things you can do. 'Wag kang mag-alala kung magagalit sila sa 'yo. Magigising lang sila sa katotohanan kung nagtatagumpay ka na sa buhay. Ayon nga sa kanta ni Bon Jovi, IT'S YOUR LIFE. IT'S NOW OR NEVER.


NUMBER 9
KALIMUTAN MO NA ANG NANGYARI

Photo by Pixabay from Pexels


Hindi naman ibig sabihin na hindi mo na talaga maalala ang nakaraan. Ang ibig kong sabihin ay bumitaw ka na. Gagaan ang buhay mo kung wala ka ng binitbit na mabibigat. May nakaraang nagtuturo sa atin sa tamang landas. May nangyayaring nagbigay sa atin ng karunungan, nagpapamulat sa atin. Pero hindi doon nagtatapos ang kwento. May marami ka pang masasalubong na mga pagsubok sa buhay. Pero 'wag kang matakot sa mga 'yon. Banggain mo lang. 'Wag mong takbuhan dahil mas lalo itong lalaki at mas mabibigatan ka pa lalo. May mga araw na iniisip mo na sana'y ginawa mo ang mga bagay noon, pero 'wag mo ng isipin 'yon. Leksyon na 'yon ng iyong buhay na dapat may aaksyonan ka ngayon. As time goes on, you will be able to make better, more informed decisions, allowing you to create a happier and healthier life.


NUMBER 10
SIMPLEHAN MO ANG IYONG BUHAY

Photo by Ludvig Hedenborg from Pexels


Positibo ang takbo ng buhay kung wala kang maraming hinahabol na mga bagay. Tingnan mo ang mga tao ngayon, wala ng ibang iniisip kundi pera na lang. Hindi naman ako hypocrito, importante rin naman ang pera pero mas importante ang ating mental health. Kung may bago silang kagamitan, hayaan mo na. Live within your means. 'Wag mong pilitin na baguhin ang lifestyle mo kung hindi mo naman abot. Ikaw lang ang magdurusa sa ganyang gawain. Kung may social standard ang lipunan, 'wag mong sundin. Kasi kung standard lang ng lipunan ang sundin natin, mahihirapan tayo. Hindi natin maaabot e. Dapat may bago kang phone, dapat maayos ang pananamit mo para magmukha kang mayaman, dapat may mga alahas ka para astig, dapat ganito, dapat ganyan. Pag hindi mo magagawa, iniisip mo na parang wala kang lugar sa mundo. Hindi totoo 'yan. Mas masaya ka sa simpleng pamumuhay. Hindi totoo na kapag mayaman ka ay wala kang problema. Hindi totoo na palagi kang masaya. Kasi kung pera-pera na lang ang solusyon, e 'di sana'y wala ng nade-depress na mayaman. Hindi naman masama ang magpayaman pero dapat rin idaan sa maayos na paraan. Hindi yung obsession na ang nagtutulak sa 'yo. 'Wag ka ring mag-alala kung mataba ka o payat ka, nahihiya ka sa anyo mo dahil sa kakapanood mo 'yan ng mga sexy at maskuladong mga tao sa TV at sa social media. Mamuhay ka ng simple. 'Wag mong abutin ang standard ng lipunan. Paano ka sasaya kung sa panlabas na bagay ka nakabase?

Alam ko naman na lahat tayo ay gusto nating maging positibo sa buhay, gusto natin ng masayang buhay. To do so it takes a conscious effort, a lot of energy, and sometimes even a lot of time. Happiness comes from within. Alam ko na madalas tayong nag-iisip ng negatibo kaysa sa positibo. It’s an evolutionary adaptation. Negative thinking happens to all of us, but if we recognize it and challenge that thinking, we are taking a big step toward a happier life. Ang positibo at masayang buhay ay nagsisimula sa 'yo. Step into the freedom of being your unique self. You can be free from living in shame, regardless of what anyone thinks. Know that you are making a positive impact in the world and that everything outside of that is strictly superficial. Don't forget, it all STARTS with YOU.



Comments

Popular posts from this blog

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177

10 Dahilan Kung Bakit Hindi ka Nila Gusto By Brain Power 2177