10 SIGNS You Are Depressed And What You Can Do By Brain Power 2177
Photo by Ike louie Natividad from Pexels
Ano nga ba ang DEPRESYON? Ito ay isang pangmatagalang MOOD DISORDER. Ito ay isang kalungkutan na nagtatagal ng ilang linggo o umabot pa nga ng ilang buwan. Nakakaapekto ito sa 'yong pang-araw-araw na buhay. Mawawalan ka ng ganang kumilos. Hindi ka nakakaramdam ng saya sa mga pinagagawa mo o nawalan ka na ng interes sa ilang mga bagay.
Lahat naman tayo ay may UPS and DOWNS. Minsan down na down ang ating emosyon dahil sa iba't-ibang mga kadahilanan. Kaya yung iba ay hindi nila bastang matukoy ang kanilang nararamdaman. Kapag sila ay nalulungkot, sinasabi nila na depress daw sila, pero magkaiba ang kalungkutan sa depresyon. As what I have said earlier, depression is a longer-term mental illness. Pero ang kalungkutan ay isang emosyon na lumalabas lamang kung may nangyayaring hindi maganda at ang kalungkutan ay pansamantala lamang, hindi katulad ng depresyon na magtatagal talaga.
Kahit na-depress ka na noon, may posibilidad na pwede itong maulit muli. Kung sa palagay mo ay depress ka, 'wag kang mag panic, 'wag kang mag-alala dahil pwede itong mawala.
NUMBER 1
HINDI KA MAKAPAG-CONCENTRATE
Kung ito ang napapansin mo sa sarili mo, yun bang kahit anong gawin mo, hindi ka makakapag concentrate o mabagal ang takbo ng isip mo, maaaring ito ay dahil sa depresyon. Kapag depress ang isang tao, puno ng distractions ang kanyang ulo, 'yan ang kasama ng depresyon. Nagbi-brain fog ang isipan natin at mahihirapan tayong makapag-isip ng maayos. Sa sobrang hirap mong makapag concentrate, kung may kausap ka, hindi mo madaling maintindihan ang pinag-uusapan niyo. Bukod pa rito, maaaring hindi mo magawa ng maayos ang trabaho mo kasi nga, mabagal ang kilos ng iyong pag-iisip. Ang depresyon ay nakakaapekto rin sa memorya, dahil siyempre ang proseso ng pag-iisip ay bumagal.
Ang maipapayo ko sa 'yo ay magpokus ka lang sa sandaling ito. Alam ko na magre-react ka, “mahirap ngang makapokus e tapos pinapokus mo ako”. Kapag kasi depress ka, yung iniisip mo ay kung saan-saan na lang pumupunta. Kaya ang sabi ko, magpokus ka lang sa ISA. Piliin mo ang NGAYON. Piliin mo ang SANDALIng ito. Mahirap mag-concentrate kapag ang iyong isip ay laging nasa nakaraan at laging nag-aalala tungkol sa hinaharap. Bagama't hindi ito madali, magsikap ka pa ring bitawan ang mga nakaraang kaganapan. Alamin mo kung ano ang epekto ng nakaraan mo, alamin mo kung ano ang iyong nararamdaman sa panahong 'yon, at alamin mo kung ano ang iyong natutunan mula sa 'yong nakaraan, pagkatapos ay hayaan mo na ito. Similarly, acknowledge your concerns about the future, consider how you are experiencing that anxiety in your body, then choose to let it go. Dapat sanayin natin ang ating isip na tumuon sa mga mahahalagang bagay ngayon. Kung saan tayo nakapokus, doon din ang ating direksyon. Kung nakapokus ka sa kahapon mo, hihilahin ka nito araw-araw. Kung nakapokus ka lagi sa kinabukasan mo, magkaka-anxiety ka. Kung magpokus ka sa ngayon mo, siguradong kalmado ang takbo ng iyong isip. Subukan mo lang.
NUMBER 2
NAG-AALINLANGAN KA
Photo by Nathan Cowley from Pexels
Ang ibig kong sabihin ay hirap kang makapag desisyon. Ang kawalan mo ng kakayahang magdesisyon ay minsan dahil sa kakulangan ng motibasyon at hindi mo nakikita ang reward sa mga ginagawa mo. Kapag kasi depress ka, iniisip mo na lang na wala ng saysay ang lahat. Kaya wala ka ring motibasyon na gawin ang mga bagay-bagay. Ang isa pang dahilan kung bakit maaaring hindi ka makapag desisyon ng maayos ay dahil sa anxiety. Ang mga taong may depresyon ay kadalasang dumaranas din ng pagkabalisa, na mas lalong nagpapahirap sa paggawa ng mga desisyon. Napaparalisa na kasi ang utak mo.
Hindi naman masama kapag nag-aalinlangan ka. Minsan nakakatulong din naman ito upang wala kang pagsisihan sa desisyon mo. Nagbibigay ito sa 'yo ng pagkakataong mangalap ng higit pang impormasyon at timbangin ang mga sitwasyon. Pero hindi dapat na magtagal ito sa buhay mo. Kung hindi ka kasi makapag desisyon, maaaring makaligtaan mo ang opportunity na nasa harapan mo na. Maaari ring mawala ang mga bagay na pinangarap mo. If you decide not to decide, you give up your power of choice.
Ang maipapayo ko sa 'yo ay 'wag kang MATAKOT. Kung hindi ka makapagdesisyon, malaki ang posibilidad na natatakot ka sa isang bagay. Alamin mo kung ano ang kinakatakutan mo at importante na isulat mo ito. Tanungin mo ang iyong sarili kung ano ang iyong gagawin kung dumating ang iyong takot. Posible ba talagang maihinto mo ang iyong takot? Kung gayon, paano mo ito haharapin? Halimbawa, gusto mo ng lumipat ng ibang kompanya pero takot ka dahil may financial risk. Siguro mababa ang sahod sa lilipatan mo kaysa sa current job mo. Alamin mo kung ano ang epekto sa 'yo ng risk na ito. Then set your fear aside and make the decision that seems best to you.
NUMBER 3
UMIIWAS KA NA
Photo by Keira Burton from Pexels
Yun bang hindi mo na gustong makihalubilo sa mga tao dahil wala kang sapat na positibong enerhiya para makipag-usap sa kanila. That could be because of depression. Hindi ka nasisiyahan sa sarili mo at mas lalong hindi ka nasisiyahan kapag kasama mo ang ibang tao. Sabi ko nga kanina, hirap kang makapag concentrate kaya umiiwas ka na lang. Sabihin na natin na kasama ka sa isang party, o anumang okasyon, parang feeling mo pa rin ay nag-iisa ka. Hindi mo ramdam ang saya. Puro peke lang ang mga ngiti na ipinakita mo sa mga tao.
Ang maipapayo ko sa 'yo, magsimula ka sa unang hakbang. Ano ang gawin mo? Makipag-usap ka muna sa isang tao. Yung tao na mapagkakatiwalaan mo. Pwedeng mama mo o papa mo. May kapatid ka ba na gusto mong kausapin? May kaibigan ka bang pinagkakatiwalaan? Makipag-usap ka sa isa, and then sa dalawa, sa tatlo hanggang sa bumalik na ang dati mong istilo sa pakikipaghalubilo sa mga tao. Hanggang sa komportable ka na ulit. Hindi mo mahaharap ang depresyon kapag kinulong mo ang iyong sarili. Hindi 'yan makakatulong.
NUMBER 4
RAMDAM MO NA WALA KANG KWENTA
Photo by Akshar Dave 🍉 from Pexels
Isa ito sa mga nararamdaman natin kung depress tayo. Pipintasan natin ang ating sarili at palagi na lang tayong nag-iisip ng mga bagay na kulang sa buhay natin. Palagi nating iniisip ang ating mga pagkakamali at kabiguan sa buhay. Bumababa na rin ang ating self-esteem at makakaranas tayo ng pagkamuhi sa ating sarili. Napakasaklap, 'di ba? Nararamdaman natin na hindi tayo karapat-dapat sa magagandang pangyayari sa buhay. Hanggang umabot sa punto na sinisisi na natin ang ating sarili kung bakit nagkaganito ang sitwasyon kahit hindi naman natin kontrolado ang sitwasyon.
Ang maipapayo ko sa 'yo ay tigilan mo na ang pag-iisip ng masama tungkol sa sarili mo. Hindi lahat ng pangyayari ay kasalanan mo. Focus on treating yourself with kindness. SPEAK KINDLY TO YOURSELF. When you notice negative self-talk, look for ways that you can reframe those thoughts in a more positive way.
NUMBER 5
GUMAGAAN ANG TIMBANG MO
Photo by Total Shape from Pexels
Nakakaapekto talaga sa pisikal ang depresyon. Mawawalan ka kasi ng ganang kumain. Minsan nga ayaw mo na talagang kumain. Pero depende ito sa tao. May ibang depress, tumataba. May iba rin sobrang kumain pero pumapayat pa rin. Depression can be a serious illness. Gusto ko lang linawin sa inyo na ang mga payo kong ito ay hindi substitute sa mga payo ng propesyonal. Makipag-usap ka sa doctor mo kung pakiramdam mo ay depress ka. Anyways, my advice to you is you need to decrease calories and increase your physical activity. 'Yan ang sabi ng doktor ko sa akin noon. Kaya sinabi ko rin sa 'yo para makatulong naman.
NUMBER 6
MAWAWALAN KA NG INTERES
Photo by Pavel Danilyuk from Pexels
Yung mga bagay na kinahihiligan mo noon, wala ng saysay ngayon. Hindi ka na natutuwa sa mga pinagagawa mo. Ang mas malala pa, madadamay ang iyong relationship. Posibleng mawawalan ka na rin ng interes sa partner mo. Para bang lahat ng mga bagay na ikinatutuwa mo noon ay pabigat na ngayon sa buhay mo. Tinatawag natin itong ANHEDONIA. Anhedonia is the inability to feel pleasure. It's a common symptom of depression as well as other mental health disorders. May 2 klase ng ANHEDONIA, 1 is SOCIAL ANHEDONIA, ito yung ayaw mo ng makihalubilo sa ibang tao. 2 is PHYSICAL ANHEDONIA, ito yung wala ka ng nararamdaman sa sarili mo, I mean kung yayakapin ka ng isang tao, imbes na matuwa ka, wala ka ng nararamdaman. Ang pagkain na paborito mo ay parang wala ng lasa, kahit nga sexual intercourse ay hindi mo na ma-eenjoy. Kumbaga wala ng sensation.
Ang maipapayo ko sa 'yo ay magpahinga ka ng sapat. Matulog ka sa saktong oras. Alam kong mahirap matulog kapag maingay ang ulo mo pero sanayin mo lang. Iwas muna sa cellphone mo. Kung kulang ka ng pahinga, may negatibong epekto ito sa utak mo. So if you are struggling with a loss of interest, make sure that you are practicing good sleep habits and giving yourself plenty of time each night to get quality rest.
NUMBER 7
IRITABLE KA NA
Photo by Liza Summer from Pexels
Kahit sa maliit na bagay, naiirita ka na. Para bang lahat ay ayaw mo. My advice to you is GAIN PERSPECTIVE. It’s always a good idea to step back and evaluate an issue or mood. Makakatulong ito upang ma-diffuse ang emosyon mo, upang maging malinaw ang pananaw mo. Another way to get some perspective is to find something to be grateful for. Kung ikaw ay naiirita sa isang tao, sa partner mo man o sa ibang tao, 'wag kang magpokus sa kung ano ang ikinakairita mo sa kanila. Magpokus ka sa magagandang bagay na nagawa nila sa buhay mo o nagawa nila sa buhay ng ibang tao. Madali tayong mairita kung palagi nating iniisip ang kamalian ng mga tao. Kailangan din nating buksan ang ating pananaw both sides. Sa negatibo at positibong nagawa ng tao.
NUMBER 8
WALA KA NG PAKI SA SARILI MO
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
Kung depress ka, wala na rin sa isip mo ang self-care. Wala na sa isip mo ang mag-ayos. Your depression symptoms may increase the more you ignore your needs and self-care. My advice to you is to spend time with yourself. Kailangan mo munang damhin ang iyong emosyon. Self-care is essential to maintaining calm and peace. 'Wag ka munang magpasama. Ikaw muna. Madaling ma-proseso ang laman ng iyong utak kung mag-isa ka muna. Hindi ko sinasabing mag-isa ka PALAGI ha, ang sabi ko, MAG-ISA KA MUNA. This is a sacred time that you get to spend with yourself. It is both an honor and a necessity.
NUMBER 9
KADILIMAN ANG NARARAMDAMAN MO
Photo by Sebastiaan Stam from Pexels
Ang ibig kong sabihin ay hindi klaro ang pananaw mo sa buhay. Normal lang naman malungkot pero kung palagi kang malungkot, 'yon ang hindi normal. Senyales ito na depress ka kung iyak ka lang ng iyak, tapos pakiramdam mo miserable na ang buhay mo and even feel empty for an extended amount of time. It will affect your daily life and send you into a deep depression. Minsan hindi mo rin maipaliwanag ang nararamdaman mo kasi parang ibang-iba siya sa kalungkutan. Ibig sabihin depress ka na.
Ang maipapayo ko sa 'yo ay isipin mo na lang na pinaglalaruan ka ng isipan mo. Dalawa lang kasi ang pagpipilian natin, tayo ang kokontrol sa utak natin o ang utak natin ang magkokontrol sa atin. Minsan kasi maririnig mo sa ulo mo ang kakilakilabot na mga salita. Pinapaniwala ka ng utak mo na wala ka ng magagawa sa buhay, na hindi ka na magtatagumpay kahit ano pa ang gawin mo, na hindi na mababago ang sitwasyon mo. Dahil lang naririnig mo 'yan ay hindi ibig sabihin na totoo na kaagad. Your thoughts may be distorted, inaccurate, or downright wrong. Hopeless feelings fuel hopeless thoughts. And it’s easy to get caught up in a negative cycle that makes it hard to see that things can get better. Be open to the idea that the way you’re thinking might not be accurate. There may be more hope than you imagine.
NUMBER 10
HINDI KA MAKAKATULOG NG MAAYOS
Pero may ibang tao rin na depress pero sobra naman kung matulog, para bang sobrang pagod. Depende ito sa tao. Pero kung ikaw yung tipo na hindi makatulog, siguradong mas mahihirapan ka lalo sa buhay. Hindi ka makakatulog dahil ang daming tumatakbo sa ulo mo.
Ang maipapayo ko sa 'yo ay dapat may routine ka tuwing gabi. Bago ka matulog, 'wag mo munang pagurin ang sarili mo. Mag relax ka ng isang oras bago ka humiga. Ito ang payo ng doctor ko sa akin at gusto kong ipaalam din ito sa 'yo. Ibig kong sabihin sa 'wag mong pagurin ang sarili mo, ay 'wag kang humawak ng cellphone o tablet o maglaro sa computer. The blue light they emit overstimulates the mind and suppresses melatonin production. Melatonin is a hormone that promotes sleep. Kung palagi kang nakatutok sa screen, tataas ang level ng iyong stress. At siyempre parang maramdaman mong mabigat ang ulo mo. Iwas lang sa screen ng isang oras bago ka humiga.
Oo alam ko na ang depresyon ay mahirap lampasan. Tapos kung malampasan mo man, medyo mag-aalala ka pa rin dahil maiisip mo kung paano kung babalik na naman ulit. Pero 'wag mo munang pangunahan. Kung sa palagay mo ay depress ka ngayon, 'wag mong balewalain. Magpatulong ka kung nahihirapan ka na. 'Wag kang mahiya dahil ang depresyon ay hindi 'yan biro. Hindi 'yan imbento lang ng mga tao. Totoo itong sakit sa isip ng tao. Kung hindi ka man depress, kung may nakita ka mang depress na tao, tulungan mo sila. Sometimes they need to know someone is rooting for them and wanting to see them pull through.
'Wag mong patagalin ang depresyon sa kalooban mo dahil siguradong lalamunin ka nito. Wala itong awa. Parang literal na halimaw na rin ito na maituturing. The sooner the better. Because if the depression festers, then it can become WORSE and cause SUICIDAL THOUGHTS. When that happens, immediate help is necessary, pumunta ka kaagad sa hospital. Uulitin ko, ang mga payo kung ito ay hindi substitute sa mga payo ng propesyonal. Maraming salamat.
Comments
Post a Comment