Disiplina sa Sarili Ang Kailangan mo Para Magtagumpay By Brain Power 2177


Photo by Natalie from Pexels


Makakamit mo ang tagumpay kung hindi mo minamadali ang proseso. Habaan mo naman ang pasensya mo. Halos lahat ng tao, gusto agad-agad makukuha nila ang kanilang inaasam-asam. Ayaw nilang maghintay. Madali lang silang mabagot. Pero hindi gano'n ang realidad. Kahit pilitin mo man, mahihirapan ka lang. Kasi nga, hindi gano'n ang realidad. Kung palagi ka lang nag-eexpect na darating kaagad ang hinihintay mo, tapos hindi dumating sa ini-expect mong petsa? Ano ang mangyayari? REKLAMO. Palagi kang nagrereklamo. Sinisisi mo na ang sitwasyon. Galit na galit ka at hindi mo maiintindihan kung bakit palpak ang buhay mo. Sa totoo lang, kung gagawin mo lang ang lahat ng makakaya mo plus habaan mo lang ang iyong pasensya, yun bang hindi ka nagmamadali, mapapasa 'yo rin ang gusto mo. Kung umaayaw ka na dahil lang natatagalan ka o nababagot ka na sa kakahintay ng tagumpay, parang pinutol mo na rin ang tulay, ang tulay na dinadaanan mo patungo sa 'yong tagumpay.

Kahit gaano ka pa kabait, kahit gaano ka pa ka pursigedo, makakaranas ka pa rin ng pagsubok sa buhay. Hindi mo 'yan maiiwasan. Ibig sabihin, kung susuko ka na kaagad dahil lang tinamaan ka ng matinding pagsubok, wala na rin ang tagumpay sa 'yo. Hindi madaling sungkitin ang pangarap mo. Oo madali lang mangarap. Pero hindi madaling makuha ang pangarap. Hindi 'yon basta-basta na lang mahahawakan mo. Siguradong matatagalan ka muna bago mo makuha. Kaya minsan sa sobrang hirap, iniwan mo na lang ang pangarap mo sa buhay. Namumuhay ka na lang kung saan madali lang ang lahat. Tapos ikaw pa ang may ganang magreklamo kung bakit nandiyan ka pa rin sa sitwasyon mo na hindi mo naman talaga gusto.

Binitawan mo ang una mong pangarap dahil hindi mo nakayanan ang pagsubok. Tapos iniba mo na naman ang pangarap mo. Hindi mo pa nga natapos ang una, lumipat ka na. Hindi pupwede 'yon. Subukan mo muna. 'Wag kang sumuko kaagad. Kasama ang kahirapan sa buhay lalo na kung may hinahabol tayong pangarap. Lalong lalo na sa panahong ito, puno na ang mundo ng mga nakakaengganyong mga bagay. Mas madali lang tayong lumipat ng iba't-ibang direksyon. Kaya minsan, nalilito na tayo kung ano ba ang uunahin natin. Nararanasan mo na ba 'yan? Yung may pangarap ka nga pero hindi mo alam kung ano ang uunahin. Alam mo ba kung bakit ka nalilito? Dahil sa dami mong kagustuhan sa buhay na pinagsabay mo. Hindi mo pa nga nakuha ang isa, may gusto ka na namang isa. Nakakalito 'yon.

Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Diyan papasok ang salitang KONTENTO. Dapat makontento ka. Hindi ko sinasabi na makontento ka sa buhay na hindi mo gusto. Ibig kong sabihin, pahalagahan mo ang mga bagay na nakamit mo na. Kahit maliit lang 'yan, namnamin mo muna ang tagumpay na 'yan bago ka mag proceed sa iba na namang kagustuhan mo. Hindi naman kita masisisi dahil talagang nakakaimpluwensya ang mga bagay sa mundo. There will always be something that looks better. Kaya nakapokus ka na lang sa bagay na 'yon. But don't FALL for it. It's a TRAP. Dapat alam mo kung paano mag desisyon ng TAMA. Dapat ang desisyon mo ay pangmatagalan. Ano ang ibig kong sabihin? Yun bang nagdesisyon ka ngayon na aksyonan mo ang kagustuhan mo tapos sa susunod na araw hindi mo pa rin nakukuha, mag stick ka pa rin. Hindi y'ong isang desisyon lang tapos desisyon na naman ng bago. Don't change your decision too fast.

Ang taong hindi nagtatagumpay ay ang mga taong walang desisyon sa buhay. Wala ka talagang masusungkit na tagumpay kung ganyan ang kinikilos mo, kung ganyan ang ugali mo. It's hard to achieve or to attain a monumental goal. Even in the best of circumstances, it takes TRUE GRIT and EFFORT. Dapat magsikap ka. You work hard and also work smart. Kung matatag ka sa pisikal, dapat kasama ang mentalidad mo. Dugo't pawis ang nakasalalay sa bawat pagharap mo sa mga pagsubok sa buhay. But the problem is not in giving up on the goal that we set for ourselves, it's not so much about losing a certain amount of weight or attaining a certain level of net worth, it's more so about the impact and the legacy that you leave in this world. At kung susuko ka na ngayon, paano mo ipagpapatuloy ang mga nasimulan mo? Paano mo mahahawakan ang tamis ng tagumpay? Paano na ang pangarap mo? Paano na ang pangarap mo para sa pamilya mo?

Kailangan mong maunawaan na ang pangarap natin sa buhay ay madali lang isipin pero napakahirap abutin. Sinasabi ko ang katotohanan na 'yan para hindi ka umasa o magmadali. Mahirap man abutin pero hindi ito IMPOSIBLE. Kung may pangarap ka, simula ngayon, dapat inaaksyonan mo na. 'Wag mong ipagpaliban bukas. Paano kung bukas wala ka na? Hindi mo alam, 'di ba? Kung pagod ka na, pwede kang umupo, pwede kang humiga, pwede kang tumigil saglit, pero saglit lang, hindi pwedeng MAGPAKATAMAD. Para sa 'kin lang ah, may mga araw man na tinatamad ako, pero iniisip ko lang palagi ang goals ko. May target ako e. Dapat tamaan ko 'yon. Kaya palagi akong umaaksyon. Wala na akong panahon sa mga walang kwentang bagay na kumakain sa oras ko. Bakit nasabi ko na hindi pwedeng magpakatamad sa buhay? Because everything is gonna take more effort than you initially think it will.

Photo by Liza Summer from Pexels


Kahit anong klaseng goal ang nasa isip mo ngayon, kung susuko ka na, ibig sabihin na wala ka na ring silbi sa mundong ito. Sorry sa word na WALANG SILBI, okay. Alam kong masakit ang 2 salitang 'yan pero kailangan mong masaktan e. Kompleto kang ipinanganak sa mundo kaya hindi pwedeng magpakatamad ka lang? Yung iba nga may kapansanan pero grabe kumayod. Nakakahiya naman sa 'tin, 'di ba? Pakiusap, 'wag mong sayangin ang lakas mo, 'wag mong sayangin ang oras, 'wag mong sayangin ang pagkakataon para lang sa mga walang kwentang bagay. You didn't have it in you to work harder and longer and put more effort in than you initially thought.

At ano ang masakit kung susuko ka na? Yung nabubuhay ka na may PAGSISISI. Magsisisi ka dahil hindi mo pinanindigan ang pangarap mo. Yes it doesn't feel good when you carry regret. It hurts. You will always look back with resentment on the things you COULD HAVE DONE or you WOULD HAVE DONE or you SHOULD HAVE DONE, with your time and your life. Tandaan mo na ang buhay mo ay LIMITADO lang. So don't waste it living life according to other people's rules. Use your remaining time to live life on your own terms and according to your rules. But to do that, you have to invest the time now and work towards your goals and don't give up so easily.

Hindi ibig sabihin na madali na lang ang lahat kung nag-eeffort ka na. May mga mabibigat pa rin na pagsubok na masasalubong mo sa hinaharap. Pero hindi ka dapat magpapatinag. 'Wag kang magpapatalo, okay? Lumaban ka lang ng lumaban hanggang sa makuha mo na ang tagumpay na hinahangad mo. Ang nakakamangha pa, ang tagumpay ay darating kung pagod na pagod ka na. Napansin mo ba ang takbo ng buhay? Yun bang malapit ka na sanang sumuko tapos may senyales na dapat ka pang lumaban. Tapos nakuha mo na. Isa na ako sa mga nakakaranas niyan. Noong hindi pa ako article writer, ang dami kong pinagdadaanan para matupad ko lang ang pangarap na 'yon. Inaral ko kung anong gawin.

Photo by picjumbo.com from Pexels


People are talking about all the pain and the turmoil of working tirelessly towards their goals, it's always at that point, when you're just about to give up, that you figure things out to achieve success. But that's understandable because it shows the enormity and difficulty in big monumental goals, it also differentiates successful people from those that ultimately give up. Kung hindi ka man nagtatagumpay noong una, ulitin mo lang. Kung hindi pa rin, baguhin mo ang iyong strategy. 'Wag mong ulitin ang parehong ginawa mo na hindi nagwo-work. Kasi ang ending niyan, same results pa rin. Baguhin mo ang iyong strategy. Look at the successful people, ginawa nila ang lahat para matamaan ang target nila. Hindi nila binago ang goal, binago nila ang kanilang plano ng pag-atake.

If you see that one thing is not getting you there fast enough, change things up and take a different approach. Kahit ilang plano pa ang susubukin mo basta't 'wag mo lang hayaan na mapalayo ka sa goal mo. Alam kong masipag ka, alam kong may pangarap ka, alam kong gusto mo yung makamit. Kaya nga sinasabi ko 'to sa 'yo para 'wag kang panghinaan ng loob. Sa totoo lang, kung nafu-frustrate ka na sa buhay mo ngayon, kung gusto mo ng sumuko, ito na ang tamang senyales, na papalapit ka na. Gaya rin 'yan ng pag umakyat ka ng bundok, habang papalapit ka na sa tuktok, hihilahin ka pa lalo ng gravity. Ganyan rin ang mangyayari kung papalapit ka na sa tagumpay, mabibigatan ka pa lalo. Uulitin ko, kung nafu-frustrate ka na, that likely indicates that you are far closer than you think.

Aminin na natin, madalas tayong napipikon sa sitwasyon natin. Akala natin walang nangyayari sa effort natin. Pero mali pala tayo. Take a moment to step back and assess where you're at and find the things you can appreciate about what you have already accomplished and reinvigorate yourself to move forward with a renewed sense of spirit. Buksan mo ang iyong isipan. Imaginin mo na papalapit na ang pangarap mo sa 'yo. Oo madali lang sumuko. Kapag gumagawa tayo ng malaking goal, kasama na diyan ang pagod. Kung gusto mo ng sumuko, ito na ang tamang pagkakataon na ilabas mo na ang nakatago mong lakas. Gamitin mo ang lakas mental. Use your mind to envision a bigger and brighter future that's awaiting you. Really close your eyes, I'm not kidding you, close your eyes and go into a lucid state of envisioning a crazy future-based reality for yourself that's so outlandish and ridiculous that it inspires you to keep pushing forward.

Photo by Kelvin Valerio from Pexels


Iwanan mo na ang negatibo mong ugali. 'Yan ang humahadlang sa daan mo. Alam kong nakasanayan mo na 'yan. Pero kailangan mong baguhin ang pag-iisip mo. Years and decades worth of habitual behavior feels comfortable, because it really is. And we always want to default back to it. Bakit ba kasi naaadik ka na sa comfort zone mo? Pwede ka namang mag explore ah. Hindi mo ba gustong matuto ng panibagong bagay? Gusto mo bang 'yan lang ang umaanino sa buhay mo? Kung negatibo kang mag-isip, kung palagi na lang ganyan, wala kang mararating sa buhay. 'Wag ka ng umasa na magtagumpay. Dahil wala pa akong nakikitang tao na nagtatagumpay na puro negatibo na lang ang nasa loob ng kanyang ulo. Wala pang tao na gan'on. Get rid of those toxic habits. Sipain mo na 'yan papalayo. Hubarin mo na ang luma mong balat. Mahirap man paalisin ang toxic mong isip pero kayanin mo, okay?

If you want to achieve your goal as badly as you want to breathe then I promise you that you will find a way. DISIPLINA na lang ang kulang mo. Kung wala kang disiplina, mas mahihirapan ka. Lalo na kung malaki ang pangarap mo sa buhay. Maraming tao na ang sumuko sa laban nila. Nawawalan na sila ng gana. Alam mo ba kung bakit? Dahil wala silang DISIPLINA sa sarili. If you don't have discipline, you cannot achieve anything worthwhile. Discipline is the BRIDGE between goals and accomplishments. 'Yan lang naman.




Comments

Popular posts from this blog

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177

If You Want To Give Up, READ This by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177