Remove These Kinds Of Friends In Your Life By Brain Power 2177
Photo by Anete Lusina from Pexels
Ngayong tumaas na ang ating edad, siyempre nagbabago na rin ang ikot ng buhay natin. Nagbabago na rin ang mga taong nakakasalamuha natin at nakabonding na natin. Lahat tayo ay nagbabago naman, 'di ba? Ang punto ko dito, para sa 'yong mental health at para sa 'yong kapakanan, mamili ka lang ng mga taong sasamahan mo. Doon ka sumama sa mga taong nagpapasigla sa 'yo at nagbibigay-inspirasyon sa 'yo. 'Wag mong piliin yung mga taong humihila sa 'yo pababa at nagdadala pa sa 'yo sa kapahamakan. Pero bago ka mamili ng positibong kaibigan, kailangang positibo ka rin muna sa sarili mo. Hindi yung mamimili ka pero ikaw din naman ang may negatibong ugali. Hindi pupwede 'yon. Kailangan mong makipag-ugnayan sa mga taong hinuhubog ang maayos mong pagkatao, hindi yung nagbibigay ng stress sa buhay mo. Kung may mapapansin kang mga toxic na pag-uugali sa 'yong mga kaibigan, maaaring kailanganin mong suriin muli ang iyong koneksyon sa kanila at alamin mo kung pwede ba ang mga taong ito sa buhay mo.
NUMBER 1
LUMAYO KA SA MGA REKLAMADOR
Photo by Keira Burton from Pexels
Kung ikaw ang tatanungin ko, gusto mo bang makihalubilo sa mga taong palaging nagrereklamo? Sigurado ako na HINDI ang sagot mo. Bakit ayaw natin ng ganitong mga tao? Dahil nakakadagdag ito ng stress. Ang ingay na nga ng mundo, may ingay pa sa tabi mo. At ito pa ang pinakamatindi, kung gumugol ka ng maraming oras sa pakikipaghalubilo sa mga taong reklamador, malamang mahahawa ka sa ganyang ugali. Ikaw mismo ay magiging isa sa kanila. Totoo 'yan. Kung nakakahawa ang positive vibes, mas lalo na ang negative vibes. Nakukuha natin ang mga habit ng mga taong madalas nating kasama, kaya natural, ang pagsama sa isang taong reklamador ay walang maidudulot na positibo sa buhay mo. Mahihila ka lang nito pababa sa kanilang lebel. Biblical ito, basahin natin ang Kawikaan 13:20,
“Ang lumalakad na kasama ng marurunong
ay magiging marunong.
Pero ang sumasama sa mga mangmang ay mapapahamak.”
Kapag sinabing “lumalakad na kasama” ng isa, ibig sabihin, naglalaan ka ng panahon kasama niya. Hindi lang ito basta pagsama sa taong 'yon. Kapag ikaw ay lumalakad na kasama ng isang tao, ipinapakita mo rin na mahal mo ang taong 'yon at malapít ka sa kaniya. Malaki ang impluwensiya sa atin ng mga lagi nating nakakasama, lalo na kung malapít tayo sa kanila. Kahit gaano ka pa kapositibo sa buhay, mahahawa ka sa ugali nila. Ang mga taong puro reklamo lang ang alam, wala silang nakikitang kagandahan na nangyari sa buhay nila. Halos lahat na lang ng nakikita nila ay puro mali. Kung ikaw ay isang mareklamong tao, tigilan mo na ang ugaling 'yan. Hindi ko naman sinasabi na hindi pa ako nagrereklamo sa buong buhay ko. I mean, 'wag lang nating pasobrahan. Nagrereklamo ka sa trabaho mo, nagrereklamo ka sa pagkain, sa lagay ng panahon, sa mga anak mo, sa mga kalapit-bahay mo, o sa mga gastos mo araw-araw. Waring dahil sa di-kasakdalan ng tao kung kaya ang isa ay nahihilig sa pagrereklamo. Pero ang nakakatawa pa, kung sino pa yung mga reklamador, sila pa talaga yung hindi nakakakita kung ano ang kanilang ginagawang mali. Basta na lang silang nagbubuga ng kanilang negativity at wala silang kamalayan sa kanilang mga iniisip o kinikilos. Kung mayroon kang kaibigan na palaging nagrereklamo sa buhay at hindi nakikita ang mga positibo sa anumang bagay sa buhay, dapat mong payuhan sila na mali na ang ganyang mentalidad. Iparamdam mo sa kanila kung gaano kaganda ang buhay. Tulungan mo sila na makita ang kagandahan ng mundo. Kung ayaw pa rin nila sa payo mo, oras na para layuan mo na sila para hindi ikaw ang kakain ng kanilang negativity.
NUMBER 2
LUMAYO KA SA MGA HINDI SUMUSUPORTA SA 'YO
Photo by Alex Green from Pexels
Oo tama ang narinig mo. May mga kaibigan tayo na hindi susuporta sa atin. Siguro maiinggit silang umangat tayo sa buhay. Dalawang klase lang ang makikita natin sa tao, yung mga taong tutulong na makaangat tayo o palihim tayong hinihila. Nakakatakot, 'di ba? Hindi natin agad malalayuan, kaibigan kasi e. Hindi natin alam na may inggit na palang nabubuo sa katawan nila. Gayunpaman, ang isang taong nega, ay patuloy na kokontra sa 'yong mga ideya at hindi nila nakikita ang halaga sa anumang bagay na 'yong pinagsasabi o pinapangarap. Sa kasamaang palad, ang mga taong iyon na hindi sumusuporta sa atin ay madalas na hindi maganda ang sitwasyon nila tungkol sa kanilang sariling buhay, at samakatuwid ay kailangan pa nilang tapakan ang iba upang makaramdam sila ng kasiyahan. Para bang ipinapasa nila ang negatibo nila sa buhay para magiging patas na kayo. Kaya nga hindi sila susuporta sa 'yo kasi ayaw nilang maiwan sa baba. Gusto nila na nandoon lang kayo sa baba. Ang mga taong nega, kailangan mo rin silang tulungan kung minsan. Kasi sila yung mga tao na namumuhay lamang sa takot at samakatuwid ay hindi nila maisip na matupad ang kanilang mga layunin lalo na ang pagsuporta sa sinuman. Tulungan mo silang makita ang pag-asa na 'yon. Iparamdam mo sa kanila na lahat tayo ay pwedeng magtagumpay sa buhay. Hindi pwedeng pabayaan mo sila ng ganun-ganon lang. Pero kapag hindi sila susuporta sa 'yo, kapag may mga negative comments silang nasabi tungkol sa pangarap mo o tungkol sa ginagawa mo sa buhay, 'wag mong masyadong dibdibin, kasi sabi ko nga, wala silang lakas ng loob na sundin ang kanilang mga pangarap tulad ng ginagawa mo. Hindi nila kaya 'yon. Kaya sila nega para hindi ka umangat. Gayunpaman, kung mayroon kang ganitong klaseng kaibigan at tinulungan mo na silang itawid sa tamang landas pero wala pa rin, kailangan mo ng putulin ang ugnayan ninyo. Bakit? Dahil patuloy ka lamang nitong hahatakin pababa.
NUMBER 3
LUMAYO KA SA MGA NAG-AALINLANGAN SA KAKAYAHAN MO
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
Gusto mo ba ng kaibigan na palaging nagdududa sa kakayahan mo? Ikaw nga sa sarili mo ay kung minsan nagdududa ka, dadagdagan mo pa ba? Come to think of it. Kung may kaibigan kang ganito, yung palaging nagdududa sa potensyal mo, kahit ipinakita mo na ang iyong mga talento at karunungan, magdududa pa rin 'yan. Ang masakit pa, ikokompara ka pa sa mga taong MAS pa sa 'yo. Siyempre babagsak ang level ng confidence mo. Doubt kills dreams and aspirations, so this person will only put a damper on your self-worth and energy levels. Kung ako ang tatanungin mo, gusto kong makipagkaibigan sa mga taong naniniwala sa 'kin. At nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko ngayon na 100% silang sumusuporta sa YT Channel ko at siyempre sinuportahan din nila ang iba ko pang pinagagawa sa buhay. Palagi nila akong tinutulak paabante. At may mga kaibigan din ako na kahit hindi sila lubos na naniniwala sa aking layunin ay sumusuporta pa rin sila dahil alam nilang balang araw ay makakamit ko rin 'yon. At nakamit ko na ang iba kong pangarap. Alam mo ba kung bakit naa-attract ko ang mga taong ganyan kapositibo? Kasi gano'n din ako sa mga tao. I spread positivity and it will always come back. Ang sakit ng mga taong puno ng pagdududa ay mabilis nilang ituturo ang iyong mga pagkakamali at sasabihin pa nila sa 'yo kung bakit hindi mo dapat sundin ang pangarap mo. Wala namang mali kung ituturo nila kung ano ang mga nagawa mong pagkakamali pero ang mali lang do'n, isusubsob ka nila. Imbes na tutulungan kang itama 'yon, pagsabihan ka pa na tama na sa kakasunod ng pangarap mo. They strip away your self-esteem and they love seeing you weak and vulnerable. Dapat humanap ka ng kaibigan na naniniwala sa kakayahan mo kahit na hindi ka naniniwala sa sarili mo. Kasi mas ma-inspire ka o ma-encourage ka o mas madali mong matutunang paniwalaan ang sarili mo kung may naniniwala sa 'yo. Kaya ngayon pa lang, kung may kaibigan kang ganito katindi ang pagdududa sa abilidad mo, hindi sila nakakatulong sa pag-unlad mo. Umiwas ka sa mga taong gusto lamang na manatili ka sa ganito kababang lebel ng buhay.
NUMBER 4
LUMAYO KA SA MGA PASIKAT
May mga taong pasikat e. Ang dami nila. May kaibigan ka bang ganito? Yun bang grabe at sobra kung magyabang. Gusto lang niya na sa kanya lang ang spotlight sa lahat ng oras at ang isa sa mga kagustuhan niya ay manginsulto ng kahinaan ng ibang tao. Tinatawag din natin itong NARCISSIST. Ayaw nilang umangat ka sa buhay dahil takot na takot silang maagawan ng spotlight. Siyempre kapag nagtagumpay ka na, ang mga mata ng tao ay nakapokus na sa 'yo, wala ng atensyon para sa kanila. Hindi mo mabubuko ang ugali nilang ito kasi palihim nila itong ginagamit, ginagamit nila ang pagkanarcissist nila. Pero mapapansin mo naman sa mga kilos nila. Action speak louder, 'di ba? Nagtatago sila sa magandang anyo, nagsisinungaling sila tungkol sa kaganapan ng kanilang buhay para makuha ang atensyon ng ibang tao. Magsisinungaling para makatanggap ng papuri. Pero alam mo ba kung ano ang kahinaan nila? Hindi nila kayang makitang magtagumpay ang iba lalo na kapag nakaranas sila ng mga pagkabigo sa kanilang buhay. Matitinag ang kompiyansa nila kapag nagtagumpay ka na. Hindi dapat ganyan ang kaibigan mo. Dapat pahintulutan ka ng mga kaibigan mo na ibahagi ang iyong mga nagawa at hindi palaging nangunguha ng atensyon at ilayo ang spotlight sa 'yo. Kung mayroon kang isang kaibigan na hindi nagpapahintulot sa 'yo na ganap na ipahayag ang iyong mga opinyon o ibahagi kung ano ang nangyayari sa 'yong buhay at patuloy na kinukuha ang atensyon ng iba para mapunta lang sa kanila, mag-isip-isip ka na ng mabuti. Do yourself a big favor, LET THEM GO.
NUMBER 5
LUMAYO KA SA MGA TAONG SUMUSULPOT LANG BIGLA
Photo by Matthis Volquardsen from Pexels
Ano ang ibig kong sabihin ng kaibigang SUMUSULPOT BIGLA? 'Yon yung tao na sumusulpot lang kung maganda na ang sitwasyon mo sa buhay. Grabe kung makadikit. Yun bang mga kaibigan na weather-weather lang. They only stick around when the skies are blue and the sun is shining brightly. Once the storm clouds roll in, they head for the hills faster na hindi mo na lang napapansin kung asan na nagpunta. Ang mga ganitong uri ng mga kaibigan ay ayaw kang tulungan sa mga mahihirap na oras, ngunit madalas nilang inaasahan na mananatili ka sa tabi nila kung sila ang nahihirapan. Hindi ba't napaka unfair nun? Kapag walang wala ka na, lalayo sila. Pero kapag sila ang naghihirap, gusto nilang tumulong ka. Ang mabubuting kaibigan ay dapat nasa 'yong likuran, anuman ang lagay ng panahon. Pero kung isang beses lang naman siyang wala sa tabi mo, hindi naman ibig sabihin na husgahan mo na siya kaagad. Ang punto ko lang ay yung mga taong paulit-ulit na nawawala sa oras ng kagipitan. Kung ganito man ang uri ng kaibigan ang nakadikit sa 'yo ngayon, 'wag kang mag-atubiling tanggalin ang toxic na taong ito. Uulitin ko, ang mabubuting kaibigan ay dapat nasa 'yong likuran, anuman ang lagay ng panahon.
NUMBER 6
LUMAYO KA SA MGA MAPANIRANG KAIBIGAN
Sino ba naman ang gusto ng ganitong kaibigan, 'di ba? Kung nasa harapan ka nila, ang bait-bait nila. Kapag umalis ka na, sinasaksak ka patalikod. Nakakasira talaga ng relasyon ang tsismis, lalo na kung hindi naman totoo ang pinagsasabi ng taong 'yon. You should never tolerate someone who only wants to spread rumors, as this person doesn’t have much self-esteem and wishes to hurt you in order to boost their confidence. Nakakadurog talaga ng puso ang tsismis plus nakakasira pa ng self-worth ng isang tao. Ang sakit nun. Emosyon mo ang sinasaksak. You deserve much better than this, okay? So don’t ever let someone in your life who constantly gossips, because if they talk to you about other people, you can bet that they do the same about you behind your back.
So make sure your friends empower you, not take away your power. Mamili ka ng kakaibiganin. Bahala na kahit kaunti lang ang kaibigan mo basta't tunay lang sila. Again, choose your friends very carefully. Kilalanin mo nang mabuti ang isang tao bago ka mag commit sa pagkakaibigan ninyo, at kung may nararamdaman kang masama sa simula, paniwalaan mo na lang ang gut instinct mo kasi minsan ang hinala mo ay totoo. Paano kung may ganito ka ng kaibigan? Paano mo sila maiiwasan? Simple lang, dumistansya ka sa kanila. O kung gusto mo, tanggalin mo na sila ng tuluyan sa buhay mo. Alinmang paraan, huwag mo silang hayaan na mananatili sa 'yong buhay. Pero tulungan mo muna silang magbago bago mo sila iwasan. Kung ayaw pa rin nilang magbago, diyan ka na magsimulang mag desisyon. Work on yourself as much as possible. The key to attracting people worthy of our time and worthy of our love is to increase our own self-worth. Working on yourself and developing your self-love will attract people on a similar life path and journey. Hindi kasi pwedeng mag wish tayo na sana'y positibo ang ating kaibigan tapos negatibo tayo. Hindi pwedeng gano'n. Kung negatibo tayo, negatibong tao rin ang maa-attract natin. Naniniwala ako sa Law Of Attraction. LIKE attracts LIKE. So work on yourself first.
Comments
Post a Comment